Share

Chapter 12

Twelve

Napaungol ako dahil sa sakit ng ulo ko nang magising ako. Sapo ko ang aking noo habang hirap na hirap na bumangon. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata habang pilit iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong umiinom dahil... wait... tila nagising ang buong sisteme ko nang biglang narealize ko ang lahat ng pangyayari. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata...

"Shoot!" singhal ko nang mapagtantong wala ako sa bahay o sa kwarto ko. Chineck ko ang suot ko, nakahinga ako ng malalim nang makitang ang suot ko kahapon pa rin ang suot ko. Pero kahit gano'n hindi ko pa ring maiwasang kabahan. Paulit-ulit akong nagmumura habang pinoproseso ang lahat sa aking isipan.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Tandang-tanda ko ang mga nangyari kagabi, at alam ko na nasa kuta na naman ako ng demonyo. Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil sa katangahang nagawa ko.

"Kahit kailan talaga, Krystal," pagmamaktol ko habang pilit kinakalma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status