Fifteen.Sobrang hirap sumugal lalo na't alam mong wala kang kasiguraduhan kung mananalo ka ba o magiging tanga ka na naman sa dulo. Zeikko prove me that some people really never change, because he is still here beside me, telling me he still likes me and do everything just for me, kaya lang natatakot ako. Paano kung katulad lang din siya ng kapatid niya na iniwan at binatawan lang din ako sa huli? Alam kong madalas sabihin sa akin si Zeikko na ibang-iba siya kay Kiel, pero paano kung bigla rin siyang magbago? Marahas akong napabuntong hininga. Bumangon ako at tinungo ang sofa dahil nandoon ang laptop ko. Muli kong itinuloy ang sinusulat ko kanina. Hindi ko pa rin alam kung tama ang gagawin ko, dahil panigurado magiging malaking issue na naman ito. Wala sa sariling napatingin ako kay Zeikko. "Kung ilalabas ko ito, baka mas lalo siyang maging apektado sa nangyayari," saad ko. He is already having a hard time right now and I don't want to add another issue to him. Umiling ako at sak
Sixteen.Gaya ng sabi ni Zeikko, hinayaan ko na lang muna. Hindi ko na muna ibinigay kay Chief ang draft na ginawa ko kahit na panay na ang pangungulit nila sa akin. Wala akong ideya kung anong gagawin ni Zeikko, but I will trust him this time. Alam ko naman na hindi siya gagawa ng ikakapahamak ko. At sana talaga hindi siya gagawa ng ikakainis ko lang. Iba pa naman kung siya ang gumalaw. Buong araw ay sinubsob ko ang aking sarili sa trabaho. Buti na nga lang hindi na nila ako muling kinulit pa tungkol sa story na pinapagawa nila sa akin. My eyes shifted onto my phone when it rings. Agad naman kumunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Zeikko sa aking phone screen, why is he calling? Wala sana akong balak na sagutin ang tawag kaya lang may tumulak sa aking kung ano para sagutin ito. "Why?" I asked as soon as I answer the call. My brows furrowed when I heard him chuckle. 'Why' lang sinabi ko pero kung makatawa siya akala mo naman nagjoke ko. Sobrang babaw talaga ng kaligayahan
Seventeen.Hindi ko maiwasang mamangha nang marating na namin ang isang isolated at elevated na lugar kung saan may mga ilaw sa paligid, at may nakalapag pa na picnic blanket. Kung may makakakitang tao sa setup ay iisipin na may romantic date na mangyayari. Iba talaga mag-isip ang g*gong 'to. Akala niya ata kikiligin ako. Inexpect ko na rin naman na may pakulo siyang ganito, ano pa nga bang aasahan ko kay Zeikko? Eh karugtong ng pangalan niya 'mayabang'. "Hindi naman halatang pinaaghandaan mo nga ito," saad ko. Taas kilay ko pa siyang tinignan. Kumindat siya. "Of course, Baby. Kailangan kitang pakiligin. Alam mo na dagdag points. Ang hirap pa namang pumasa sa'yo," saad niya na may malanding ngiti sa kanyang labi. Lahat na lang talaga na lalabas sa bibig niya ay puro kabulastugan, kaya ang hirap niyang paniwalaan. "Hindi naman ako nagpapaexam, paano ka papasa?" pabalang na tanong ko saka ko siya inirapan. Tumawa naman siya na akala mo joke ang sinabi ko. Binuksan niya ang backseat
Eighteen.Mas lalong pinatunayan sa akin ni Zeikko kung gaano niya ako nirerespeto. Akala ko hahayaan niya ang sarili niya na angkinin ako, pero nagawa niyang pigilan iyon dahil lang sinabi ko na natatakot ako. Si Zeikko ang tipo ng tao na adik sa s*x, kaya naman nang sinabi niyang hindi niya ito gagawin ay nagulat ako. He really respects me. He really cares for me. Hindi ko akalain na mapipigilan niya ang landi niya dahil sa akin. Gano'n ba talaga ako kaimportante sa kanya? Sa totoo lang ay muntikan ko ng maibigay ang sarili ko sa kanya. Hindi ko na rin kasi talaga maintindihan ang sarili ko. Para akong nalulunod sa tuwing nagsasalubong ang mga mata naming dalawa. He is making me feel something I shouldn't. "Zel..." nakangusong tawag ko kay Zelly nang makita ko siyang papasok sa restaurant kung nasaan ako ngayon.Kakauwi lang niya, at naisipan ko talaga siyang tawagan hindi lang para kumain kundi para mag rant na rin at masabi ko sa kanya ang mga saloobin kong gustong-gusto ko ng m
Nineteen.My heart is pounding so hard. I can't take my eyes off of him. Shoot*ngina! Inaasahan ko na rin naman na darating ang araw na makikita ko siya, kaya lang hindi ko akalain na sobrang bilis nito. Pakiramdam ko ay sinasakal ako. Hindi ko alam kung paano babawiin ang mga mata ko sa kanya, para akong isang tanga na naghahanap ng maaari kong gawin mabawi lang ang pagkakatingin ko sa kanya.Wala siyang pinagbago. He still the same Kiel I saw years ago. Kita sa mga mata at mukha niya ang kasiyahan. Nakagat ko ang aking dila. Pansin ko ang tingin sa akin ni Zel pero hindi ko siya magawang balingan ng tingin. Mas lalong bumigat ang aking pahinga nang mag-umpisa silang maglakad palapit sa mga babaeng nakabangayan namin ni Zel. I gulped as I keep breathing hard. Buti na lang nagawa kong mabawi ang mga mata ko sa kanya bago pa niya ako mahuli na nakatingin ako sa kanya. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito, pero hindi ko naman magawang igalaw anh katawan ko. Shoot*ngina. Hindi ko ak
Twenty."Baby, may dumi ba ako sa mukha, o talagang nasasarapan ka lang sa akin?" tanong ni Zeikko na agad kong ikinairap. Kahit kailan talaga napaka pasmado ng bibig niya. Ang sarap niyang ipalapa sa buwaya.Sinabi ko kay Zeikko ang nangyari sa restaurant kung saan nakita ko si Kiel. Pinaliwanag ko rin sa kanya ang tungkol sa tawag. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa sa kanya ang tungkol doon, kaya lang naisip ko na may karapatan siya kasi pakiramdam ko ginamit ko siya para lang maipakita sa mga judgmental na iyon na talagang may ugnayan kami ni Zeikko, o sa Teng."Baby, kung iniisip mo na naman 'yong tungkol sa nangyari sa restaurant, mas magandang ako na lang ang isipin mo."Hindi ko alam kung tanga si Zeikko, o talagang patay na patay lang talaga siya sa akin. Nanatiling palaisipan sa akin kung bakit gustong-gusto ako ng gago eh wala naman espesyal sa akin eh."Hindi ka ba talaga galit?" tanong ko.Grabe na yung guilty na nararamdaman ko, pero kung umakto siya ay parang wala la
Twenty-oneNakahinga ako ng malalim nang makapasok ako ng matiwasay sa aking unit. Hindi ko na pinayagan si gago na ihatid ako dahil baka magkanda letche-letche pa ang ang lahat eh letche pa man din siya madalas."We're getting married soon?" Napailing na lang ako. Iba talaga ang sapak niya sa utak. Ako pa talaga ang ginawa niyang panangga niya.Ano na lang ang maipapaliwanag ko sa mga magulang ko once na malaman nila ang tungkol dito? Hindi nga ako pumayag sa alok ni Zeikko na magpanggap na kami para matulungan niya ako sa problema namin... pero gano'n din naman pala ang ending. Naku naman! Wala na talaga siyang magawang tama sa buhay ko. Ang laki talaga niyang pasakit.Nabaling ang tingin ko sa phone ko. Uh? Bakit tumatawag ang bruhang ito?"Bakit?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag.(Wala chine-check ko lang kung humihinga ka pa.)Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapairap dahil sa sinabi niya.(Anyway, if you have time tomorrow, magpapasama sana ako.)"Saan?" tanong
Twenty-twoNang lumabas ang resulta ng tests ni Zeikko ay umuwi na rin ako, kita ko nga sa mga mata ni G*go na ayaw niya akong umalis pero wala itong nagawa. Ano siya gold? Tsk. Maayos naman ang resulta ng tests niya kaya lang kailangan niya munang mag stay sa hospital dahil under observation pa siya.May dumating ding mga pulis para kunin ang statement niya, napag-alaman ko na nadamay lang pala ito sa naging banggan ng bus at van, akala ko naman siya na ang nag cause ng aksidente eh. Madami namang nakisimpatya kay Zeikko online, may mga nanghusga sa kanya noong una pero nang maglabas ako ng article na pinayagan naman ni Chief ay bumango ang pangalan ni Zeikko.Kinabukasan maaga akong nagising dahil dadaan pa ako sa hospital para dalha ng pagkain si Zeikko na hindi ako tinantanan kagabi sa kakatawag niya. Sobrang galing talaga niyang mameste, tipong kailangan mong kalmahin ang sarili mo para lang hindi ka makagawa ng kasalanan.Simpleng almusal lang ang ginawa ko kaya naman mabilis na