Share

Chapter 3

Allie's POV.

"Anong ginagawa mo dito?"galit kong tanong kay Jimpson na di ko tinatapunan ng tingin. "Allie, please mag usap tayo."Pagmamakaawa niya na di ko pinansin. At akmang tatalikuran ko na sana siya ng hinawakan niya ang braso ko. "Bitawan mo ako Jimpson!!"galit kong bulyaw sa kanya.

"Please AL kahit ngayon lang pakinggan mo ako."pagmamakaawa niya na hawak pa rin ang braso ko. "Jimpson,huwag kang gumawa ng eksena dito, please lang tigilan mo na ako, okay na ako Jimpson kaya huwag mo na akong guluhin pa!"may diin kong sabi sa kanya. At nagmamadali akong naglakad palabas. Kasi feeling ko nasa amin na ang presensya ng mga tao dito.

Di ko namalayan na hinabol nya pala ako kaya mahawakan nanaman niya ang braso ko. "Jimpson ano ba?"sigaw ko sa kanya at di na napigilan ang aking mga luhang pumatak. "Please tama na,tigilan mo na ako, ano pa bang kailangan mo sa akin ha? hindi ka pa ba masaya na sinaktan mo na ako, dinurog mo na ang puso ko, sinira nyo pa ang buhay ko!!! "di ko na napigilang sumigaw sa galit. "Sorry,sorry please, di ko sinasadyang saktan ka, wala akong alam sa nangyari please AL paniwalaan mo ako, mahal kita at di kitang kaya saktan."paliwanag nya habang hawak hawak nya ng mahigpit ang mga braso.Gusto kong pumiglas sa ginagawa niya pero wala na akong lakas.

"Paniwalaan? sino? ikaw? huh!?bakit ko gagawin yun kung mismong dalawa kung mata ang mismong nakakita sa mga panlolokong ginawa mo!"turan ko sa kanya na tumaas na rin ang boses ko.At nabigla ako sa ginawa niya ng siilin nya ako ng halik. Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak nya sa akin.Nagulat nalang ako na sa isang iglap ay nabitawan ako ni Jimpson at nakita ko nalang sya na duguan ang labi na nakaupo na sa lupa.

Di ako makapaniwala sa nangyari.Si Blake ang sumuntok kay Jimpson kaya natumba sya sa lupa. Nang tingnan ko si Blake ay nagtagis ang kanyang mga bagang sa galit, at ang hitsura nya ay parang gustong pumatay ng tao.

"Don't you ever touch my girl or else,hindi lang yan ang mangyayari sayo,"tiim bagang nyan binantaan si Jimpson.Parang di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari. Nakita ko sila Moana at Red malapit sa bar kasama ng iba nilang kaibigan, kahit sila ay nagulat sa ginawa ni Blake.

Wala na akong nagawa ng hawakan ako ni Blake sa kamay at hinila ako. At pinasakay sa kotse na sigurado akong sa kanya to. Nagulat man ako at nabigla nagpapasalamat na rin ako at inilayo nya ako sa lugar na yun.Gumaan bigla ang pakiramdam ko ng lumayo kami. Di ko alam kung saan kami pupunta,wala na akong paki kung saan nya ako dadalhin, magtitiwala ako sa kanya this time.

Naalala ko si Moana paniguradong nag aalala yun sa akin. Di ko naman dala phone ko nasa clutch bag ko yun naiwan sa VIP room etetext ko sana sya para huwag na syang mag-alala pa. Lumingon ako kay Blake ilang minuto na rin kami sa byahe na walang imikan, isa man sa amin ay walang nagsasalita.

Napansin ko medyo malayo layo na rin ang pinagdrive nya labas na ata to ng syudad. Sinulyapan ko sya, pumungay na ulit ang mata nya, di gaya kanina na sobrang galit ang makikita mo sa kanya. Ngumiti na lang ako,na napansin nya pala.

"Why are you smiling? " tanong niya na sinulyapan ako.Iling lang ang naging sagot ko.

"Bakit mo ginawa yun?mayamaya tanong ko sa kanya. "What? "kunot noong tanong din ang sinagot sa tanong ko. "Yung kanina, kay Jimpson?"tanong ko ulit sa kanya na para nahihiya. "Oh.. that f****ing ex-bf of yours?"galit na turan niya.Nagtaka ako kung bakit ganun nalang ang galit niya kay Jimpson eh hindi naman sila magkakilala?tanong ko sa isip ko.

Tahimik na ulit kami hanggang sa makarating kami sa lugar na toh,di ko alam exactly kung anong lugar to, pagkakaalam ko labas na to ng syudad. Ang ganda dito ang sarap at ang lamig ng simoy ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili ng mapagtanto ko na nakamini dress lang pala ako kaya ang lamig sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa balat ko.

Nabigla ako ng may yumakap sa akin mula sa likod ko.Aalis sana ako sa pagkayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Na hinayaan ko na lang din. Dahil naramdaman ko talaga ang sobrang lamig ng hangin. "Are you cold?"tanong niya sa akin.Tango lang ang tanging tugon ko.

Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking mukha. Parang ang sarap matulog habang yakap niya parang ang gaan sa pakiramdam na yakap yakap siya.Bakit ang gaan ng loob ko sa lalaking ito? ngayon lang kami nagkakilala, pero parang ang komportable ng nararamdaman ko pag kasama sya.

"I like this place,"basag nya sa katahimikan naming dalawa.

"Marami ka bang memories dito?"tanong ko.

"No, It's quiet here, the air is fresh, it's peaceful so I stay here when I'm too toxic at work."tugon niya.

"Can I ask a question? tanong niya.Na nakatitig sa akin ang mapupungay niyang mata.

"Do you still love him?"seryosong tanong niya. Na agad kong nginitian.

"No, kung may naramdaman man ako ngayon, galit at poot. Sa mga ginawa nila. "tugon ko.

At parehas na kaming natahimik. Nang biglang tumunog phone niya. Kinuha niya at tinignan kung sino ang tumatawag.

Nakatingin siya sa akin ng sagutin nya to at lumayo ng kaunti.

Di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. "Sa loob na tayo ng kotse maupo? malamig na dito sobra baka sipunin ka na nyan."sabi nya ng makalapit na sya sa akin at hawak ang kamay ko ay iginiya niya ako makaupo sa loob ng sasakyan niya. Pinagmamasdan ko lang siya ng umikot siya sa driver set.

Nang makaupo siya ay tinitigan ko siya ng maigi. Sobrang gwapo nito, Napakaperpekto ang hugis ng kanyang panga. At nabigla ako na hinawakan niya ako sa batok at siniil ng halik, yung halik niya nakakaadict.Ang sarap sa pakiramdam yung labi napakalambot parang ayaw ko ng matigil ang halikan naming yun. Naramdaman ko nalang na lumayo sya sa akin. Nang tignan ko siya nakangiti na, parang nahiya ako sa ginawa ko. "Later Baby." Sabi nya na ikinabigla ko, tahimik lang ako habang pinapaandar na niya ang kotse niya. Hindi na ako nag abalang tanungin siya kung saan kami pupunta hanggan sa tumigil kami sa isang hotel.

Kunot noo akong lumingon sa kanya,balak ko sana magtanong ng makababa na siya at umikot sa bandang side ko at pinagbuksan ako na tulala pa rin. Ibig sabihin di kami uuwi ngayong gabi?

Nagpatianod nalang ako ng hawakan niya ako at kamay iginiya niya ako papasok sa hotel. At derederetso lang kami hanggang elevator na ikinagulat ko. Kilala na ata sya dito sa hotel kasi di man lang kami dumaan sa front desk. Tinignan ko siya habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Wala akong makitang ibang emosiyon sa mata niya.

Hanggang sa nagbukas ang elevator ay sa kanya pa rin ako nakatingin kaya di ko na napansin ang mga dinaanan namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng mga oras na yun wala akong kaide-ideya kung bakit ako sumama sa lalaking ito na kakakilala lang namin. Pero ito at sunod sunuran lang ako sa ginagawa niya.Hanggang sa buksan niya ang isa room dun,at pagpasok namin namangha ako sa ganda sa loob malaki sya at maaliwalas. Inilibot ko ang mga tingin ko sa condo na to parang naaalagaan naman ng maayos ang condo na to kasi ang linis, may nakatira siguro dito kasi kompleto sa kagamitan.

Nang magulat ako na bigla akong niyakap ni Blake mula sa likuran ko. "I'm sorry kung dito kita dinala, dito nalang muna tayo magpapalipas ng gabi, pagod na kasi ako magdrive pauwi.Don't worry condo ko to dito. Pag pumupunta ako dito para ipahinga ang isip ko sa toxic na trabaho sa opisina dito ako nagpapalipas ng gabi. "sabi nya di pa rin kumawala sa pagkakayakap sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status