Share

Chapter Three

                           Blaise

It was 8pm when I recieved a text messaged from Tori.

Message:

"Blaise, we need you here. That damn Lucas is so fucking wasted."

Napabuntong hininga na lang ako matapos ko itong mabasa. Kahit anong pag iwas ko sa kabaliwang party na iyon ay mukhang wala akong choice kundi ang pumunta. 

Mabilis akong nagbihis at nagbook ng sasakyan patungo sa Villa ng pamilya ni Tori kung saan ginaganap ang party. Papasok pa lang ako ay rinig ko na ang maingay na musika, tilian at mga tawanan ng mga kaklase namin. 

Dumiretso na ako sa pool kung saan nagsasayawan at nag iinuman ang mga bisita.

"Ohh you came." salubong sa akin ng nanduduling ng si Lucas, may bitbit pa itong baso ng alak, "Let's dance." aya pa nito at kinuha ang kamay ko

"Lucas, halika kana lasing na lasing kana." tugon ko at akmang hihilain ko na pero nagmamatigas ito

"Ayoko. I want to get wasted and die." sabi pa nito at mapait na ngumisi saka nakiindak sa musika

Tsk. Ano bang problema niya at nagpapakalasing siya ng ganito?

"Ahhhh!" sigaw nito noong pasimplehan ko siya ng kurot sa tagiliran

Sawakas tumigil na rin ito sa pagsayaw at masama ang tingin sa akin habang iniinda ang tagiliran niya. Hindi ko pinansin ang pag arte nito at hinila ko na siya palayo sa ingay ng mga nagsasayawang bisita. Pero bago pa man kami makapasok sa loob ng villa ay binawi nito ang kamay niya. This immature boy.

"Hindi ba't pinagbawalan ka nang uminom at magparty ng agency mo? Gusto mo ba talagang masira ang career mo?" inis na baling ko rito

"Ohh, the great Meree Blaise Anderson is concern to me. Do you like me now, huh?" sumilay pa ang pilyong pagngiti nito

Hindi ko tuloy mapigilang mapaismid sa mga pinagsasabi niya. Tsk!

"Syempre concern ako dahil kaibigan kita, halika na." Sinubukan ko pang kunin ang kamay nito pero mabilis niyang iniiwas iyon. Literal na sakit sa ulo ang lalaking 'to pag nalalasing.

Sumeryoso ang mukha nito saka tumitig ng diretso sa mga mata ko. "You're still cold as ice, Meree Blaise." aniya sabay pulupot ng kamay sa balikat ko

"Magpahinga kana, lasing ka lang Lucas." mahinang tugon ko at inalalayan ko na siyang papasok sa villa

"What are you doing?" 

Napahinto ako dahil sa biglang pagsulpot ni Shantel sa harap namin. Palipat lipat ang tingin nito sa amin ni Lucas na para bang may ginawa kaming malaking krimen.

"Can't you tell, Lucas is wasted kaya dadalhin ko na siya sa kwarto para makapagpahinga." Naiinis na tugon ko. Ang bigat kaya nitong lalaking 'to.

"Ako nang magdadala sa kaniya." 

"No." mabilis na pagkontra ni Lucas na nagpatabang sa mukha nito

"Okay. Ikaw ng magdala sa kaniya." tugon ko at ipinasa ko rito si Lucas

Tuloy parin ito sa pagtanggi pero anong magagawa niya naipasa ko na siya. Sinundan ko na lang ng tingin ang dalawa hanggang makapasok sila sa isang kwarto. 

Noong tuluyan ko ng hindi matanaw ang dalawa ay nagsimula na akong humakbang. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng pinto ng kwarto na pinasukan nina Lucas.

The heck, what am I doing?

Dahan dahan ang pagbukas ko ng pinto ng kwarto, ingat na ingat akong makalikha kahit pa ng kaunting tunog. Napapikit pa ako sa tumambad sa aking mga mata.

Lucas and Shantel is passionately kissing each other. Ano ba itong ginagawa ko? 

I was about to close the door—

"Sia. . ." 

Muling napabalik ang mata ko sa dalawa.

"Sia. . ." sambit ni Lucas habang hawak ang pisngi ni Shantel

Para akong nabingi dahil sa narinig ko, hindi na dapat ako magulat pero bakit tila tinakasan ako ng katinuan sa mga narinig ko. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.

Napabalik lang ako sa reyalidad noong matanaw ang papalabas na si Shantel. Mabilis akong umalis doon at nagtungo sa restroom.

No. Blaise, wala lang iyon.

Inhale.

Exhale.

Hindi ko na dapat maramdaman pa ito.

Noong kumalma na ang paghinga ko ay nagpasya na akong hanapin si Tori. Tapos na rin naman ang ipinunta ko rito kaya magpapaalam na akong uuwi. 

"Blaise!"

Natigilan ako sa paglakad dahil sa pagtawag ng isang babae sa akin. It was Shantel. 

"Did you just came here for Lucas?" tanong niya

"Alam mo namang ayokong pumunta. Pero pinapunta ako ni Tori dahil lasing na lasing na raw si Lucas." paliwanag ko pero mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko

"And why the hell did she need to do that? Nandito naman ako. Lagi naman akong nandito, pero bakit hindi niyo nakikita iyon?" tuluyan nang naglandas sa kaniyang mukha ang mga sariwang luha

Hindi ko alam kung epekto lang iyon alak, o masiyado na talagang nasasaktan ang babaeng 'to. Inalalayan ko siyang maupo, marahan ko pang hinahaplos ang likod niya para tulungan siyang kumalma. Pero mas lalo lamang tumitindi ang pag iyak nito.

"Ayoko na, pagod na pagod na ako. Bakit palagi na lang akong talo sa lahat. Blaise, anong gagawin ko?" Niyuyogyog pa ako nito, naghihintay ng sagot sa mga katanungan niya. 

"Shantel, you are good enough. It's just that you are chasing a wrong person." I sincerely said.

"No!" singhal niya, "Kasalanan 'tong lahat ni Sia, kung hindi sana siya dumating, Lucas would be mine. Sia's dead. Sia's fucking dead, pero bakit talo parin ako? Ano pa bang dapat kong gawin?!" Punong puno ng sakit at kabiguan ang bawat paghikbi nito. At kahit ako ay nadadala na rin sa kaniyang pag iyak.

Ilang sandali pa kaming nanatili doon bago tuluyang kumalma sa pag iyak si Shantel.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo." saad ko

Hindi ito sumagot pero hindi rin umalma noong alalayan ko na siyng maglakad patungo sa silid. Noong masiguradong maayos na ang pagkakahiga ay iniwanan ko na ito.

Pinagpatuloy ko na ang paghanap ko kay Tori, kailangan ko na talagang umuwi. 

"Umalis kana! Hindi ba sabi ko wag ka munang lalapit sa akin? Get out!" boses ni Tori iyon mula sa kusina

Kaya naman ganoon na lang ang pagdahan dahan kong makalapit dito. Maingat akong hindi nila mapansin ang presensiya ko.

"Tori, ilang beses ko bang ipapaliwanag sa'yo na si Sia ang unang humalik sa akin. Siya itong panay lapit sa akin." paliwanag ni Grey

"Wala na akong pakialam kung sino ang unang humalik sa inyo! Just get out of my sight, ayaw kitang makita. Ayaw kitang kasama!" sigaw nito habang itinutulak paalis si Greyson na pilit siyang niyayakap

"Paniwalaan mo naman ako Tori, please." pagmamakaawa nito

"Paniwalaan? Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko Grey, kaya umalis ka na lang. Umalis kana bago pa kita mapatay katulad kay, Sia." 

Napasinghap ako sa huling sinabi nito, mukhang pati si Grey ay hindi rin inaasahan ang narinig. 

"W-What do you mean?" bakas ang kaba sa boses nito

Sa halip na sumagot ay padabog nitong inialis ang kamay ni Grey sa kanyang balikat. Sandali pa nitong tinitigan si Grey bago tuluyang naglakad palabas. Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin noong madaanan niya ako. 

Muling napabalik ang tingin ko kay Greyson na tila napako na sa kaniyang pagkakatayo. Kung hindi nga nito napansin ang presensya ko ay hindi ito babalikan ng katinuan. Wala sa sarili itong naglakad palayo sa akin.

Noong mapag isa ay doon ko na pinakawalan ang malalalim kong paghinga. 

Tori, ikaw nga ba ang pumatay kay Sia?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status