Share

Chapter Four

Hindi ko parin makalimutan ang mga narinig ko kagabi kay Tori. Posible nga kayang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Sia?

"You heard us last night, right?" 

Napatalon pa ako sa gulat dahil sa may biglang nagsalita sa gilid ko. It was Greyson.

Nag aalangan akong tumango, wala naman akong mapapala kung magsisinungaling pa ako.

"I-I think Tori was involved in Sia's death." 

Napabaling ako rito na hindi kayang salubungin ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?

"Sinasabi mong may kinalaman si Tori sa nangyari kay Sia? At bakit niya naman gagawin iyon?" Alam kong nuknokan ng kamalditahan si Tori, pero ang pumatay? Hindi ko maimagine.

"You know how territorial Tori is. Pag sa kaniya, dapat ay sa kaniya lang. Ayaw niya ng may nakiki-agaw o nakikihati sa pag aari niya." paliwananag ni Grey, hindi parin ito makatingin sa mga mata ko

"So you're saying that your girlfriend, Tori.  .  .killed Sia?" 

Mabilis itong napabaling sa akin, bakas ang halu-halong emosyon sa mukha nito.

"No—I mean, I don't know. Don't say such thing, baka may makarinig sa'yo. Tori, is still may girlfriend." tumalim pa ang mga tingin nito 

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago dahan dahang naglandas ang kamay ko patungo sa balikat nito. "Grey, sigurado ka bang hindi ikaw ang pumatay kay Sia? Hindi ba ikaw ang gumawa noon upang maibaon mo ang katotohanang ikaw ang unang h*****k sa kaniya at totoong niloloko mo si Tori?"

Nakita ko ang sunod sunod na paglunok nito pati na ang tila pagkabalisa.

"What do you mean— t-that picture. It was you?" 

Tumango ako na mas lalong ikinagulat nito.

"Ginawa ko lang iyon para kay Sia, para ma-protektahan niya ang sarili niya sa susunod na harass-in mo ulit siya. Ngunit hindi ko inaasahan na maisasa-publiko iyon." 

~

Napahinto ako sa paglakad noong mula sa dulong bahagi ng hallway ay natanaw kong hinihila ni Greyson si Sia, walang pagdadalawang isip ko itong sinundan. 

"Ahh shit, bakit mo ba ako kailangang kaladkarin? It's not like tatakbo ako palayo." inis na sabi ni Sia habang hinihilot ang braso niya

"Sia, two weeks, just go out with me for  two weeks. Tapos pag wala ka paring nararamdaman sa 'kin, then I'll let you go. I promise. Just two weeks, okay?" pagmamaka-awa ni Grey

"Whoa! So you're asking me out behind Tori's back?" Sandali pa itong nag isip bago muling nagsalita. "Ayoko ng komplikado e, may pagka-bad bitch pa naman ang girlfriend mo." 

Napabuntong hininga pa si Greyson, pero mukhang hindi ito papatalo. "Please. Just two weeks. Huh?"

"And what will I get if go out with you?" 

"Everything. I'll give you everything that you want."

Umalingawngaw ang halakhak ni Sia na mukhang ipinagtaka naman ni Grey.

"C'mon. Be realistic, walang ganoon sa totoong buhay. Sige nga, if I ask you for ten million, bibigyan mo ba ako?" Napailing iling pa si Sia habang patuloy na tumatawa.

"I can leave Tori for you."

Napamulagat ako sa narinig ko, totoo bang gusto ni Grey si Sia? Oh gusto niya lang ma-feed ang ego niya as a heartthrob na dapat ay lahat nakukuha niya?

"That's no fun. At isa pa, I really can't date you, because Lucas and I are already going out." 

What?! Lucas? 

Hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa mga narinig ko. Totoo nga bang nagde-date sila ni Lucas?

"That loser?!" dismayado ang mukha ni Greyson

"Loser? He is the most successful in your squad. Lucas, make his own success, while you are just a previliged child who came from a wealthy family." Seryoso ang tono at mukha nito habang sinasabi iyon. I guess they really are dating.

"But still—"

"Whatever, Greyson. At isa pa, masaya makipagdate sa idol, iyong thrill pag kailangan naming tumakbo, magtago, o magdisguised pag nandiyan ang fans niya. That was so fun!"

Sia is about to walked away when Greyson grabbed her arm and forced her into a kiss.

~

"Uulitin ko, hindi ba ikaw ang pumatay kay Sia para maitago ang panlolokong ginawa mo kay Tori?" 

Nakita ko ang pagsilay ng smirk nito, saka ako hinigit patungo sa pader.

"Watch your mouth, Blaise. Baka ikaw ang unang mapatay ko pag nagpatuloy ka sa mga pinasasabi mo." Padabog niya pa akong binitawan at saka ako iniwan doon.

Greyson, mas lalo mo lang ako binibigyan ng dahilan para isiping ikaw ang salarin. 

Noong mabawi ang lakas ng tuhod ko ay nagsimula na akong maglakad pabalik sa aming room.

Two possible culprit—No! Three. It''s three. 

Una, si Tori at ang pagseselos niya kay Sia. Minsan ang sobrang selos ay kayang magdala ng demonyo sa isipan ng isang tao upang makagawa ito ng hindi tama. Idagdag mo pa ang pagiging sobrang territorial niya.

Pangalawa, si Greyson at ang kasalanan na gusto niyang itago. Huli na noong mapagtanto niyang si Tori ang totoong mahal niya. At sa takot na  mabuking sa pagiging manloloko ay pinatahimik niya si Sia.

At pangatlo, si Shantel at ang matindi niyang inggit kay Sia. Pero palagi namang insecure itong si Shantel sa kahit na kanino. Pero kung natuklasan niya ang tungkol sa relasyon ni Sia at Lucas, siguradong iyon ang magtutulak sa kaniya upang makagawa ng krimen. 

Lahat sila ay may dahilan para patayin si Sia. Pero sapat na nga ba ang mga dahilan na iyon para tumapos ng isang inosenteng buhay? No. Hindi ito matatapos sa paghihinala ko, kailangan kong mas laliman ang paghukay para lumabas ang katotohaban.

Pagkarating ko sa room ay agad kong napansin ang pagkakagulo ng mga kaklase ko. Agad akong lumapit sa pinagku-kumpulan nila.

"Why? What happened?" tanong ko noong makita ko ang apat na tila ay balisa

Agad namang may nag abot sa akin ng cellphone at ini-play ang isang video, tanging itim lang ang makikita dito.

"Umalis kana, bago pa kita mapatay katulad kay Sia." 

That very familiar voice.

Si Tori iyon, ito ang narinig kong pag aaway nila ni Grey kagabi.

"It was you Tori, right? May kinalaman ka sa pagkamatay ni Sia o ikaw ang pumata—"

Hindi na natapos ni Shantel ang sasabihin niya noong tumama ang palad ni Tori sa kaniyang pisngi.

"Sia, committed suicide." mariin na sabi nito at taas noong naglakad palabas ng room

"That witch!" singhal ni Shantel habang hawak ang namumulang pisngi

Lalapitan ko sana ito noong maramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Walang pag aalinlangan ako nitong hinila palabas, patungo sa lugar na walang mga estudyante.

"Bitawan mo nga ako, Greyson!" Pilit ko pang binabawi ang braso ko pero mahigpit ang hawak nito.

Idinikdik niya ako sa pader, tila apoy na nagliliyab ang mga  mata nito dahil sa galit.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" 

"Ano bang ginagawa ko?!" 

Mas lalo niya lang akong dinidikdik sa pader sa tuwing sinisikap kong kumawala. 

"Are you fvcking kidding me? At sinong may gawa noon? Ako?" 

Sinalubong ko ang galit na mga titig nito. "Bakit, hindi ba't ikaw ang nagbigay sa akin ng ideya na posibleng si Tori ang pumatay kay Sia?" 

Napabitaw ito sa pagtitig sa akin at unti unting lumuwag ang kamay sa mga balikat ko.

"Tori can't do it. She may be crazy or warfreak but she can't kill a person. She can't do it." Humahangos na paliwanag nito.

"And how are you so sure? Is it because you know her very well, or, you're the one who really killed Sia?" 

"Bvllshit, Blaise! Do you really think, that I'll ruined my life just because I cheated on Tori?" He's flashing a smirk, pero bakas parin sa mata ang galit nito. "Sa tingin mo papatay ako ng tao para lang maitago na manloloko ako? Na handa kong iwan si Tori para kay Sia? Tangina naman Blaise, gusto mo isigaw ko pa na manloloko ako?"

"Hindi mo na kailangang isigaw. I heard it all, Grey." 

Sabay pa kaming napalingon. At nandoon si Tori na umiiyak na nakamasid sa amin.

"T-Tori. . ." Sinubukan pa nitong lumapit.

"Pagkatapos mo akong gaguhin, now you want me to become murderer?!" 

"A-Anong sinasabi mo?"

May dinukot si Tori mula sa kaniyang bulsa, isa itong voice recorder. Pinindot niya ito at nagplay ang audio file katulad nung video sa group page.

"I found it in our study room, doon sa table mo Greyson. How could you?" walang patid ang pagdaloy ng mga luha sa mata nito

"Tori, it wasn't me. Hindi ko magagawa sa 'yo iyon. At iyong nangyari sa amin ni Sia, iyon ang pinakamaling desisyon na sobra kong pinagsisisihan." 

"Bvllshit!" Ibinato nito ang recorder sa sahig dahilan para kumalat ang parte nito. "Pagod na ako sa mga kasinungalingan mo." sabi nito bago patakbong umalis sa harap namin

"Tori!"

Sinundan ko lang ng tanaw ang dalawa. Bumunot pa ako ng buntong hininga bago nagpasyang bumalik sa aming classroom. 

Sia, gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng hustisya. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagsira sa kanilang dalawa.

luna_blaire

Okay guys, since there is no italic and bold option. I will just used this character (~), to the beginning and ending of a flashback scene. Thank you! Keep on reading.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status