Share

Chapter Six

                              Blaise

"Blaise, I really think Tori was involved in Sia's death. I found an evidence. Let's talk tomorrow morning at the rooftop."

Halos madapa na ako sa pagtakbo makapasok lang ng mabilis sa University. Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko sa ebidensiyang tinutukoy ni Greyson na hawak niya. 

Naghahabol pa ako ng hininga noong sawakas ay narating ko na ang rooftop na pagtatagpuan namin ni Grey. Mukhang masiyado nga yata akong excited dahil wala pa ito doon noong dumating ko. 

Minabuti ko na munang maupo at ikalma ang mabilis kong paghinga habang naghihintay dito.

"Grey!" mabilis akong napatayo sa pagdating niya

Mukhang nagulat pa ito sa presensiya ko. "Ang aga mo." aniya na tinanguan ko naman

Sa halip na maupo ay dumiretso ito sa pader na nagsisilbing harang sa rooftop. Dahan dahan naman akong naglakad patungo sa tabi nito.

"A-Anong ebidensiya ba ang tinutukoy mo?" nag aalangang tanong ko

Siguradong hindi rin madali sa kaniyang gawin ito. At kung sakali man na si Tori nga ang salarin, napaka-sakit nun para kay Greyson.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kung hindi ako nagloko, hindi mangyayari 'to. Napaka-gago ko!" 

"Grey. . .hindi pa huli para itama ang pagkakamaling ito." 

Humarap ito sa akin, sinubukan kong basahin ang ekspresyon pero napaka-lalim nun. 

"Then, what should I do?" dagdag niya

"Ibigay mo sa 'kin ang hawak mong ebidensiya. Kailangan nating ilabas ang katotohanan kahit pa gaano kasakit–Greyson!" Napasinghap ako noong bigla niya akong sakalin.

"No! Hindi iyon mangyayari."

"G-Grey. . ." 

Pahigpit ng pahigpit ang mga kamay niya sa leeg ko. Tuloy rin ang pagtulak niya sa akin sa pader na tanging humaharang sa katawan ko na mahulog sa limang palapag na kintatayuan namin.

"Nanahimik ka na lang sana. Nanahimik kana lang sana Blaise gaya nang ginagawa mo noon!" 

Hindi ko na magawang intindihin ang sinasabi niya dahil mas abala akong maghabol ng hangin. Hindi ko na kaya. . .

"Ihuhulog mo rin ba siya katulad ng ginawa mo kay Sia?!" 

L-Lucas?

Bago pa ako tuluyang takasan ng hangin sa katawan ay naramdaman ko ang pagbitaw ni Grey sa leeg ko. Nalaglag ako sa mga paa ko habang patuloy sa paghabol sa hininga.

"Hayop ka! Pinatay mo si Sia! Ikaw ang pumatay sa kaniya!" galit na galit na sigaw ni Lucas habang walang tigil na sinusuntok ang nakahandusay na si Grey

Hindi ko pa man tuluyang nababawi ang lakas ko ay sinikap kong makatayo para awatin ito bago pa niya mapatay si Greyson.

"Lucas!" sigaw ko noong nagpupumiglas parin ito sa kamay ko 

Unti-unti itong kumalma at hinarap ako. "B-Blaise, ayos ka lang?" 

Tumango tango lang ako bilang pagtugon. Muli kaming napabaling kay Grey, nakaupo na ito sa sahig habang hawak ang duguan niyang pisngi.

Tumayo ako at nilapitan ko ito. At ganoon na lang pagtilapon ng mukha niya noong tumama roon ang palad ko.

"Plano mo akong patayin? Paano mo nagawa iyon?" Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko. Bunga marahil ng takot at galit.

"Tigilan mo na si Tori! Hindi siya ang pumatay kay, Sia!" 

"At sino? Ikaw?" sabat ni Lucas

Napabaling sa amin si Greyson, hindi ko inaasahan na makitang umiiyak ito.

"Hindi ako. Lucas. . .Blaise, hindi ako."  sinserong paliwanag nito na halos ay halikan na ang mga paa namin

"Paano ko paniniwalaan ang sinasabi mo, Grey? You almost killed me." 

"I'm sorry. . .sorry. Hindi ko na alam ang ginagawa ko."

"Bvllshit!" singhal ni Lucas at muling kwenelyuhan si Grey, "Isang bagay lang ang sigurado ako, isa sa inyo ni Tori ang pumatay kay Sia. At ipina-pangako kong, lalabas ang katotohanan. Maghintay ka lang." bakas ang pagbabanta sa boses nito bago padabog na binitawan si Greyson

Hawak ang kamay ko ay iniwan naming mag isa doon ang umiiyak parin na si Greyson. Paniguradong may alam siya, hindi niya gagawin ang ganoon kung wala siyang nalalaman sa nangyari. 

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong pa ni Lucas at inabutan ako ng tubig

Tumango lang ako at saka inubos ang laman ng bottled water. Muntik na akong mamatay kani-kanina lang. . .

"Salamat nga pala sa pagdating mo. Kung hindi dahil sa 'yo malamang wala na ako." sabi ko sabay ngiti rito

Ngumiti rin itong pabalik. "Wala iyon."

"Lucas. . ." Napatitig naman ito sa akin ng may pagtatanong. ". . . yung sinabi mo kanina. Iniimbestigahan mo rin ba ang pagkamatay ni Sia?" nag aalangan na tanong ko

Napaiwas ito ng tingin saka nagpakawala ng buntong hininga. "Hinding hindi gagawin ni Sia ang magpakamatay. I know her. I know her very well." Ramdam ko ang pait sa bawat salitang binitawan niya. 

"D-Do you like, her?" 

Mukhang nabigla ito sa katanungan ko. Kahit ako ay hindi ko alam kung paano kong nasabi iyon.

"Tara na, late na tayo." pag iiba nito at tipid na ngumiti

Ngumiti na lang din ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa room. Napuno kami ng katahimikan habang tinatahak ang hallway.

"B-Blaise. . ." 

Otomatiko akong napahinto sa biglang pagsasalita nito. Nilingon ko siya ng may pagtatanong sa mga mata.

"Pagtulungan nating alamin ang katotohanan sa pagkamatay ni Sia." aniya at saka inilahad ang kamay

Sandali ko pang tinitigan ang palad niya bago ko ito itinanggap. Sinuklian pa niya ako ng ngiti saka kami nagpatuloy sa pagpasok sa room.

Buong klase ay nakatulala lang ako sa kawalan, paano ko ba naman magagawang intindihin ang klase kung muntik na akong mamatay kanina. Hindi na rin pumasok pa si Grey, at ipinagpapasalamat ko iyon. Maging ang upuan ni Tori ay bakante rin. Bahala sila, wala pa akong kapasidad na intindihan kung ano mang ginagawa nila ngayon.

"Blaise." 

Napabalik lang ako sa reyalidad dahil sa pagtawag ni Lucas, recess na pala namin, hindi ko man lang namalayan.

"Kanina ka pang wala sa sarili mo? Gusto mo bang pumunta sa clinic?"

Napa-buntong hininga muna ako bago umiling. "Ayos lang ako." 

tugon ko at tipid na ngumiti

"Hindi pa ba kayo pupunta sa cafeteria? At saka bakit wala iyong dalawa?" singit ni Shantel

"Mauna kana sa cafeteria, may kailangan pa kaming pag usapan ni Blaise." tugon ni Lucas

Pareho pa kaming nagtatakang napabaling dito ni Shantel. Anong kailangan naming pag usapan?

"Whoa! Teka. . .May nangyayari bang hindi ko alam? Wala ang magjowa, tapos kayo naman may kailangang pag usapan. Are ya'll trying to left me out from the squad?" Umaandar na naman ang pagiging over acting nito.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Lucas. "Please, Shantel. Wala akong oras para sa mga rants mo." seryosong sabi nito

Agad na tumabang ang mukha ni Shantel saka bumaling sa akin at umikot pa ang mata, bago padabog na naglakad palabas.

Noong tuluyang makaalis ay siya namang pag upo ni Lucas sa harapan ko.

"Anong kailangan nating pag usapan, Lucas." pasimulang tanong ko

"Gusto kong malaman kung anong clue or evidence na ang hawak mo tungkol sa nangyarin kay Sia?." 

Ah okay. It's about Sia, ano bang inaasahan ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at ini-play ang recordings noong gabi ng party.

"Ikaw ang nag-upload nun?" mangha niyang tanong

Tumango naman ako. "Still, hindi parin ito sapat para mapatunayang si Tori ang salarin. 

Siya naman ang tumango at tila sandaling nag isip.  "Si Grey. Malakas ang kutob kong may alam siya sa nangyari. It's either pino-protektahan niya si Tori, o siya mismo ang suspect. Kailangan nating bantayan si Grey, siya ang magiging susi natin para malaman ang katotohanan." litanya nito

"Lucas, why are you doing this?" wala sa sariling tanong ko

"H-Ha?"

"Naging kayo ba ni, Sia?" usisa ko pa

Alam ko naman na ang sagot, alam ko ang tungkol sa kanila. Pero gusto ko parin narinig ang sagot mula mismo sa kaniya.

Tumayo ito saka tumalikod sa akin. 

"Yes. We, dated for months." may bahid ng pait ang sagot nito

Napakagat labi ako noong maramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Mali ito. Mali itong nararamdaman ko.

"Pero bakit. . .that day before Sia's death. Bakit wala kang ginawa para protektahan siya?" 

Hindi ko maintindihan kung bakit pinanuod niya lang na saktan ng tatlo si Sia noong araw na iyon.

"Litong-lito ako, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Napaka-tanga ko para hindi magtiwala kay, Sia." Napahilamos pa ito sa kaniyang mukha. "Kung nakinig lang sana ako sa mga paliwanag niya. Kung pinaniwalaan ko sana siya. Hindi sana nangyari 'to, hindi sana siya nawala." Malalim ang bawat paghinga niya, tila pinipigilan nito ang sarili na umiyak.

Wala akong nagawa kundi panoorin lang ito. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin para pagaanin ang loob niya.

"Blaise. . . you'll help me, right? Tutulungan mo akong ibigay kay Sia ang hustisya, diba?" tanong niya na may halong pagmamaka-awa

I heaved a sigh. "Lucas, I want to stop."

Rumihestro ang pagkabigla nito saka humakbang pang palapit sa akin.

"W-Why?"

"Why? Lucas, I almost died. Gusto mo rin ba akong mamatay katulad ni Sia? Ayoko na. Hindi ko na kayang magpatuloy." Tumayo ako saka nagpakawala ng buntong hininga. "I'm sorry, Lucas." dagdag ko saka ko ito tinalikuran at iniwan

I am sorry, Sia. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status