Tinulak ni Halvor ang bakal na gate at galit na sumigaw. Kahit na matandang-matanda na siya, malinaw at malakas ang boses niya. Para subukang makalabas, sinubukan niyang alugin nang malakas ang bakal na gate, ngunit nanatili itong hindi natitinag. Bahagyang ngumisi si James habang tinignan niya ang galit na si Halvor sa kulungan. "Halvor, hindi mo pa rin ba ang kasalukuyan mong sitwasyon sa puntong ito? Naniniwala ka ba talaga na itatakas ka ng mga tao sa labas?" Nang sinabi niya iyon, sinensyasan niya ang sundalo sa likuran niya at nagsabing, "Buksan mo ang pinto."Lumapit ang sundalong nasa likuran niya at binuksan ang bakal na pinto. Sa sandaling bumukas ang pinto, tumakbo si Halvor, at itinaas naman kaagad ng sundalong nasa likod ni James ang sandata niya. Kaagad na huminto si Halvor at tinignan si James nang may mukhang puno ng galit. "Umatras ka," malamig na sabi ng sundalo. Umatras si Halvor at pumasok si James sa kulungan. Nagdala ng upuan ang isang Red Flame Ar
Nabigla si Halvor sa mga sinabi ni James. Hindi niya inaasahan na malakas ang loob ni James. “Kaya mo bang akuhin ang kalalabasan ng lahat, James? Nauunawaan mo ba ang kahihinatnan ng pag-atake sa mga taong ito? Sila ay mga opisyal ng Sol na nagpamalas ng pambihirang merito at serbisyo. Kahit na may sala sila, malaki naman ang naiambag nila sa pagtaguyod ng Sol. Magkakagulo sa Sol kapag dinakip sila.”“Hindi mo kailangan alalahanin ang bagay na iyon. May lakas ako ng loob para gawin ito. Natural, meron akong mga estratehiya para asikasuhin ang pagbagsak nila,” walang pakialam na sinabi ni James. Nang marinig niya ito, napaatras si Halvor. Inabot ng ilang segundo si Halvor bago siya kumalma. “Hindi ka mangangahas, James, hindi mo gagawin yun. Hindi mo alam kung gaano ka-komplikado ang sitwasyon. Isa kang ancient martial artist, kaya alam mo ang tungkol sa Orient Commerce. Kapag pinagpatuloy mo ito, hindi ito palalampasin ng Orient Commerce.”“Orient Commerce?” kumunot ang noo ni
”Alam mo ba kung gaano kalaking halaga ng pera ang maidadala nito kapag natapos na ang pagsasaliksik?”“Wala kang alam. Hindi mo lubos na maisip kung gaano kalaki ang kikitain mo dito.”Lalo naging emosyonal si Halvor habang nagsasalita siya. Tumayo siya, tinuro si James, at malakas na sinabi, “James, ang maipapayo ko lang sayo ay pakawalan mo na ako kaagad, kung hindi ay magkakaroon ka ng problema. Isang malaking problema.”Lumingon si James at umalis, at hindi siya pinansin. Pagkatapos niyang umalis, isang sundalo ng Red Flame Army ang kumuha sa upuan at kinandado ang bakal na pinto.“James! Bumalik ka rito!”Mula sa kanyang likuran, ang galit na sigaw ni Halvor ang maririnig.“Pagsisisihan mo to. Tiyak na pagsisisihan mo ito! Hindi mo alam kung gaano kaunlad ang Orient Commerce. Ang lahat ng mga miyembro ay mga malaking tao, at hindi mo sila pwedeng kalabanin.”Nung narinig ni James ang mga salitang ito, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ang mga ancient martial artists ay sa
Huff!Huminga ng malalim si Mr. Lee, pinipilit na pakalmahin ang kanyang sarili.Hindi ngayon ang tamang oras para sisihin ang kahit na sino. Umupo siya at tiningnan ang Hari na nasa tapat niya. “Hindi na natutuwa ang Guro sayo. Gusto nilang sabihin ko sayo na gawin mo ang iyong tungkulin ng maayos sa susunod na anim na buwan at asikasuhin ang succession. Huwag mong abalahin ang iyong sarili sa ibang bagay, at huwag kang mangialam, kung hindi…”Sinabi ni Mr. Lee ang mga salitang ito, pagkatapos ay lumingon at umalis. Naging taimtim ang ekspresyon ng Hari.Mabilis na nakarating si James sa Peace Mansion. Nang makalabas siya ng sasakyan, nakita niya si Mr. Lee na galit na galit na naglalakad. Tiningnan ni Mr. Lee si James at medyo nagulat. Subalit, hindi niya ito binati. Pagkatapos niyang magulantang ng mga ilang sandali, lumingon siya, naglakad palayo, at sumakay sa isang malapit na itim na sasakyan. Habang pinapanood si Mr. Lee, na paalis, hinimas ni James ang kanyang baba at
Sinimulan ng Hari na magsalita tungkol sa Orient Commerce.“Ng mga panahon na iyon, ang bansa ay napag-iwanan na sa bawat aspeto. Marami pa ring mga mahihirap na tao sa sa bansa. Marami ang nilalamig at nagugutom. Wala pang kuryente sa maraming lugar.“Itinatag ni Lance ang Orient Commerce para sa dalawang layunin.“Una sa lahat, nag-aalala siya na baka ang mga ancient martial artists na pinamumunuan ng Ancient Four ay mangialam sa mga suliranin ng bansa. Kaya naman itinatag niya ang Orient Commerce, hinikayat ang mga pamilyang ito at ancient martial artists sa sumali, at pinamunuan sila sa pagyaman. Higit pa doon, gumawa sila ng kasunduan na hindi mangingialam sa mga malaking suliranin ng bansa.“May isa pa itong layunin, at ito ay para gabayan ang mga tao ng bansa sa kasaganaan.“Ang Great four, pati na rin ang ilang mga martial artists, ay lumitaw mula dito at itinaguyod ang kanilang mga sarili sa Capital. Nitong mga nakalipas na ilang dekada, ang ekonomiya ng Sol ay nakaranas
Hindi nagtagal, nakarating na sila sa Red Flame Army military region.Sa loob ng opisina… ‘Ayon sa imbestigasyon, Mr. Caden dalawang buwan na ang nakalipas, nung umalis kayo ng Capital para sa Mount Thunder Sect, may taong nanggulo sa kanila Delilah at sa kanyang ina. Subalit, si Delilah ay matalino at mukhang napansin ito. Umalis siya kasama ng kanyang ina bago sila nadiskubre,” sabi ni Henry. Tanong ni James, “Nasaan na sila ngayon?” “Ayon sa impormasyon na nakalap ng intelligence network ng Red Flame Army, pumunta siya sa Eyrothia at nanatili sa isang maliit na nayon sa isa sa mga bansa ng Eyrothia. Ngunit pagkatapos nun, nahuli siya. Kung sino ang dumakip sa kanya at kung nasaan siya ngayon ay kasalukuyan pa rin iniimbestigahan,” sabi ni Henry. Seryoso ang ekspresyon ni James nung narinig niya ito. Nag-isip siya ng mga ilang sandali at nagtanong, “May balita na ba sa stepfather ni Quincy, si Xavion?”“Hindi pa. Naglaho siya matapos magdeklara ng bankruptcy ang kumpanya at
Laging sinusunod ni Henry si James. Magkasama at para na rin silang magkapatid sa loob ng sampung taon. Marami siyang alam tungkol kay James, pero wala siyang alam na unti-unti nang naging isang martial artist si James. Habang nasa Mount Thunder Sect siya bago matapos ang taon, nasugatan siya ni Thea at dinala sa Medical Valley para magpagaling. Nagpalipas siya ng bagong taon sa may Medical Valley. Sa oras na iyon, sa wakas ay nalaman din niya ang tungkol sa mga ancient martial artists at kung gaano sila kalakas. “Mr. Caden…”Pagkatapos uminom, aligaga niyang tiningnan si James. “May pinipigilan ka. Hindi ka naman ganito.” Tanong ni James, “Anong problema? Sabihin mo sa akin. Huwag kang mag-alangan na parang duwag.”Doon lang nagtanong si Henry, “Ano na ang rango ng lakas mo ngayon, Mr. Caden?”Habang nasa Medical Valley siya, nakausap niya ang mga disipulo ng Medical Valley na nag-aalaga sa kanya tungkol sa ilang mga paksa na may kinalaman sa mundo ng ancient martial arts
”Hindi ko talaga alam,” sabi ni Thea habang nakangiti rin, “Matalik kaming magkaibigan ni Quincy ng panahon na iyon, pero hindi ko alam na may boyfriend pala siya.”“Ehem!”Naubo ng ilang beses si James. Hindi niya inaasahan na pag-uusapan nila ang tungkol sa kanya, lalo na ng may masaya at magiliw na paraan. Hindi ito ang Thea na nakasanayan niya. Kaagad niyang pinalitan ang paksa. “Sige, itigil na natin ang tsismisan. Nakatanggap ako ng ilang balita ngayong araw.”Nagsimulang magsalita si James, inulit ang lahat ng sinabi ni Halvor. Pagkatapos, binalikan ang mga sinabi ng Hari ng detalyado.“Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng Capital. Ang ugat ng lahat ng ito ay ang Orient Commerce, at ang mga pangyayari na nakapalibot sa Orient Commerce ay lubhang komplikado. Sangkot dito ang malaking bilang ng mga tao at consortia. Kahit ang Ancient Four na pinamumunuan ng mga Caden at ilan sa mga ancient martial artists, pati na rin ang Presidente nito na si Lance.”“Ganun ito kakomplikado?”
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan