Gayunpaman, nang maisip niya ang tungkol sa halikan ni Quincy at Black Dragon sa sofa, sumama ang loob ni Thea.Tumingin siya kay James sa tabi niya.Nadismaya siya.Kung ang asawa niya ay mayroong kahit kaunting appeal ni Black Dragon, hindi ba’t maganda ito?“James, bata ka pa. Kanino mo natutunan ang husay mo sa medisina at sa pakikipaglaban?” Pinatong ni Cynthia ang ulo niya sa mga kamay niya, tumitig siya kay James ng may malaking mga mata.Naaakit siya aky James.Si James ay isang diyos sa mundong ito.Ang kakayahan niya sa medisina, sa pakikipaglaban… ang lahat ng ito ay nakakaakit.Ngumiti lang si James. Ang nakita niya lang ay si Thea.Nakaupo si Thea sa tabi niya. Naaamoy niya pa rin ang bango ng perfume nito at ang amoy ng shampoo sa buhok nito.Malapit siya kay Thea dati.Nararamdaman niya na bumibilis ang tibok ng kanyang puso, mabilis ang daloy ng dugo niya.Hindi siya pinansin ni Thea.Nakikipag usap siya kay Cynthia. Nakangiti, at sinabi niya, “Cynthia, ang
Kinaway ni James ang mga kamay niya at nagsabi habang nakaturo sa bangko sa tabi niya, "Maupo ka. Siya nga pala, naayos mo na ba ang isyu kay Louisa?"Lumapit si Zion para umupo at sumagot, "Nilinaw ko na sa kanya. Pero, hindi magiging madali na makipag-divorce dahil ayaw niya kahit anong mangyari. Kailangan kong mangolekta ng ebidensya ng pangloloko niya sa'kin. Pwede mo ba akong tulungan dun, James?""Sige." Tumango si James. Dahil kontrolado niya ang underground intelligence network, madali para sa kanya na mangolekta ng ebidensya sa pangangaliwa ng ibang tao. "Akong bahala. Bibigyan kita ng ebidensya ng pangangaliwa ni Louisa bukas."Tumayo si Zion at nagpasalamat, "Salamat, James. Hindi ko alam kung gaano pa ko katagal na magdurusa kung hindi dahil sa'yo. Binigyan mo ko ng bagong buhay…"Nang nakangiti, kinaway ni James ang kamay niya at nagsabing "Zion, maliit na bagay lang yun. Magkaibigan tayo, hindi mo ko kailangang pasalamatan. Sige, utusan mo ang mga nasa kusina na
Nakonsensya si Thea. Mabait si James at nirerespeto ang bawat isa sa mga desisyon niya. Pero nahulog siya sa ibang lalaki. Maituturing itong pagtataksil. Niyuko niya ang namumula niyang mukha at naglakad nang hindi nagtatangkang tumingin kay James. Mabilis na hinabol ni James si Thea at hinawakan ang kamay niya. Siguro dahil sa mabigat na konsensya niya, hinayaan ni Thea na hawakan ni James ang kamay niya at hindi siya kumawala. Sa sandaling lumabas sila ng sinehan, isang batang babae ang lumapit sa kanila nang may dalang mga rosas. Nagmamakaawa siyang tumingin kay James at nagsabing, "Sir, gusto mo bang bumili ng bulaklak para sa magandang babaeng to? Ang isang magandang babae ay kailangang may sariwang bulaklak!" "Magkano yan?" Nakangiting tanong ni James. "Ten dollars ang isa.""Sige, bibilhin ko lahat." Hinawakan ni James ang bulsa niya pero napansin niya na wala itong laman dahil hindi siya sanay na magdala ng wallet. Naiilang siyang ngumiti at nagtanong, "T
"Siya ang bayani ng Sol, at ikaw naman ang pinakamagandang babae sa Cansington. Nakatadhana kayong dalawa sa isa't isa. Bagay na bagay kayong dalawa. Medyo nailang si Thea sa mga salita nila at nagmadaling pinaliwanag ang sarili niya, "Nagkakamali kayo. Kaibigan ko lang ang Black Dragon. Hindi ko balak hiwalayan ang asawa ko. Dating kasamahan ng Black Dragon ang asawa ko at malapit silang magkaibigan." Natuwa si James na naririnig ito habang nakatayo sa tabi niya. Wala na ang kagustuhan ni Thea na hiwalayan siya. Basta't magpatuloy siyang magsikap, makukuha niya rin ang loob ni Thea sa lalong madaling panahon. Pagkatapos magpaliwanag ni Thea, mabilis niyang hinila si James paalis. Ngayon na sikat na siya, napapalibutan siya ng tao kahit saan siya magpunta, at ang mga taong ito ay palagi siyang tinatanong tungkol sa relasyon niya sa Black Dragon. Umalis sila sa jewelry shop. Malungkot na tumingin si Thea sa kanya. "Pasensya ka na James. Wala talaga akong kinalaman sa Bla
Nagdalawang-isip sandali si Thea at nagsabing, "Niligtas mo ang anak niya, at may katwiran ka na manghingi ng kapalit. Hindi ko gustong gamitin ang divorce para pagbantaan ka. Dapat magsama ang dalawang tao kung nababagay sila sa isa't-isa at maghiwalay kung hindi. Sa tingin ko hindi tayo nababagay sa isa't-isa." "Sige." Huminga nang malalim si James. Kahit na sinabi ni Thea na hindi niya gustong gamitin ang divorce bilang banta, malinaw ang ibig sabihin ng mga salita niya. Nadismaya si James sa mga Callahan, at lalo na kay Thea. Matagal nang ganito ang ugali ng mga Callahan at wala sa mga naranasan nila ang kayang magpabago sa kanila. Si Thea naman, noong una ay maganda ang pag-uugali niya sa kabila ng kabulukan na nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, unti-unti siyang naging kasing yabang ng mga Callahan. Tumayo siya, tumingin kay Thea, at nagdeklara, "Thea, ito na ang huling beses na tutulungan kita. Magkano ba ang gusto mo? Pagkatapos nito, mababayaran ko na nang buo ang
"Thea, ipadala mo sa'kin ang sampung bilyon. Hahawakan ko to para sa'yo at pagpaplanuhan ko kung paano gagamitin ang pera. Bumili muna tayo ng malaking villa. Pagkatapos, gusto kong mag-travel sa buong mundo." Nagsimula nang magplano si Gladys kung paano gagamitin ang pera. "Hindi pwede." Madiin na pagtanggi ni Thea. "Sa'kin ang pera na'to. Bakit kita hahayaang hawakan to?" Alam ni Thea na kapag binigay niya ang sampung bilyon kay Gladys, hindi na niya ito makikita ulit. Sa Military hospital."Ano?"Nanlaki ang mga mata ni Henry sa gulat. "Seryoso ka ba, James? Binigyan mo si Thea ng sampung bilyon at wala ka nang kinalaman sa kanya mula ngayon?" Nanlulumong sumagot si James, "Hindi kami nababagay ni Thea. Wala ako sa puso niya. Nabayaran ko na ang utang na loob ko sa kanya gamit ng sampung bilyong dolyar." "Ang lalaking mahal niya ay ang Black Dragon. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang pagkatao mo? May pagkakataon pa para manatili kayong magkasama." Humi
Alam ng Emperor na hindi niya kayang patayin si James sa Sol. Wala siyang kakayahang patayin si James. Dumaan sa isipan niya noon ang gamitin si Thea para burahin si James. Pagkatapos ng napakaraming pangyayari, naintindihan ng Emperor na pinapahalagahan nang sobra ni hames si Thea, higit pa sa sarili niyang buhay. Tiyak na magwawala siya kapag may nangyari kay Thea. Nakakatakot ang magiging kahihinatnan ng galit ng Black Dragon. Isa itong mabigat na kahihinatnan para sa Emperor. May isang paraan lang para mapatay si James—ang pabalikin siya sa borders at patayin siya sa giyera. Gayunpaman, payapa ang borders, at ang maliliit na bansa malapit sa border ay kailangang magsimula ng giyera para mapilitan si James na bumalik sa labanan. Mahinang tinapik ng Emperador ang mga daliri niya sa mesa. Tap, tap, tap.Isang tunog na may ritmo ang narinig sa kwarto. Pagkatapos ng isang sandali, nagsalita ang Emperor, "Wag muna kayong magparamdam at wag din kayong magpadalos-dalos
Maraming ininom na alak si James. Gayunpaman, habang mas dumarami ang iniinom niya, mas nagigising siya. Bigla na lang, tumunog ang phone niya. Dinampot niya ang phone mula sa mesa at nakita niyang tumatawag si Thea. Sinagot niya ang tawag. "Nasaan ka, James?" Narinig ang boses ni Thea mula sa kabilang linya. Malamig at walang emosyon ang boses niya. Naiisip pa no James ang walang pakialam na ekspresyon ni Thea habang kausap siya. "Anong problema? May nangyari ba?" Simpleng sabi ni James. "May mga bagay na kailangan akong linawin sa'yo. Hindi madali na pag-usapan to sa tawag kaya dapat magkita tayo." "Sige." Hindi ito inisip ni James at kaagad na pumayag. Pakiramdam niya rin na dahil gusto niyang makipaghiwalay, mas mabuting gawin na kaagad ang kakailanganing proseso. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." Hindi sigurado si James kung nasaang bar siya dahil hindi niya tinignan ang pangalan nito nang pumasok siya. Binaba niya ang phone at pinadala ang lokasyon kay The
Matagumpay na nilinang ni James ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformations ng Flame Art, ang Flame God Incarnation. Gayunpaman, ang pag master ng Ikalawang Pagbabago ay mas mahirap. Hindi maaaring linangin ito ni James sa loob ng maikling panahon.Gayunpaman, ang Unang Pagbabago ay sapat na sa ngayon. Inalis ni James ang Ignis at bumalik sa normal ang kanyang katawan. Pinunit niya ang kawalan, lumabas sa pinagtataguan at muling humakbang sa Desolate Grand Canyon.Agad niyang napansin ang hindi mabilang na mga nilalang na nakapaligid sa kanya. Napunta sa kanya ang mga tingin ng lahat."Lalong lumakas ang kanyang aura. Sa panahong ito, malamang na nag cultivate siya ng palihim at napabuti ang kanyang cultivation rank.""Bwisit. Kahit na mamatay tayo sa paparating na labanan, kailangan natin siyang sirain. Hindi natin siya papayagang umalis sa planeta na may Primal Mantra."Maraming powerhouse ang lihim na nakipagsabwatan sa isa't isa. Mayroon silang iisang layunin—ang alisin
Buong pusong nakatuon si James sa pag cucultivate.Matapos suriin ang Ignis, napagtanto ni James na hindi ito isang ordinaryong apoy. Sa halip, ito ay isa sa mga pinaka mahiwagang apoy sa langit at lupa. Magkakaroon si Ignis sa sandaling magwakas ang isang malaking mundo. Pagkatapos ng malaking pagkawasak ng mundo, isang Ignis ang lalabas sa abo nito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga pangunahing mundo ay maaaring gumawa ng Ignis kapag sila ay nawasak. Mabubuo lamang si Ignis pagkatapos ng pagbagsak ng mundong katulad ng Primordial Realm.Bukod dito, isang maliit na halaga lamang ng Ignis ang mabubuo pagkatapos. Ang pagkolekta ng malaking halaga ng Ignis ay mangangailangan ng maraming mundo upang matugunan ang kanilang mga katapusan.Kilala rin si Ignis bilang Paglilinang ng Apoy, dahil ang mga ath ng langit at lupa ay nageexist sa loob ng apoy nito.Ang mga tao ay mga nilalang din sa ilalim ng langit at lupa at ang eexist sa pamamagitan ng paggana ng mga Path. Ang mga Path na ito ay
Matapos makabuo ng plano si James, hindi na siya nagtagal sa lugar. Pinutol din niya ang kawalan at nagtago sa loob ng mga bitak ng espasyo upang icultivate.Dahil ang formation ay lumiit patungo sa gitnang rehiyon, maraming mga powerhouse ang lumitaw na malapit sa Desolate Grand Canyon. Matapos itago ang sarili sa isang walang laman, bumuo si James ng time formation sa kanyang katawan.Pagkatapos, sinimulan niyang pag isipan ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Ito ay isang mapangwasak na Supernatural na Kapangyarihan. Ang mga kinakailangan upang icultivate ito ay lubhang malaki ang kinakailangan. Una, kailangan ng isang makapangyarihang pisikal na katawan. Pangalawa, ang isa ay kailangang sumipsip at pinuhin ang isang Ignis. Pagkatapos matupad ang mga kondisyong ito, magiging karapat dapat ang isa na icultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art."Ang Unang Pagbabago ng Three Fire Transformation ng Flame Art ay God Incarnation.”“Ang Ikalawang Pagbabago ay Everlas
Nagpakita si Wotan na magulo ang buhok at malagim na sugat. May bahid ng dugo ang kanyang puting damit at mukha siyang pagod.Tumingin si James kay Wotan na nakakunot ang noo at sinabing, "Ikaw ang ika sampu sa Gold Rank ng Chaos Ranking. Sa one-on-one na laban, hindi ka matatalo ng mga cultivator sa Quasi Acme Rank. Malaki ang tsansa mong manalo sa isang laban laban sa isang Acmean. Paano ka napunta sa napakasamang estado?"Lumakad si Wotan, umupo sa lupa at malungkot na bumuntong hininga. "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito. Wala akong araw ng kapayapaan mula nang umalis ako sa Palace of Compassion. Nagsama sama ang ilang Quasi Acmeans para tugisin ako nitong mga nakaraang taon. Kanina lang, hindi bababa sa 20 Acmeans ang humahabol sa akin. Nagawa kong makatakas ng napakahirap."Mula ng maghiwalay si James, nakahanap na si Wotan ng lugar na maaari niyang linangin. Gayunpaman, hindi nagtagal ay natuklasan ang kanyang kinaroroonan. Simula noon, palagi na siyang tumatakbo.Sa p
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na