Share

Kabanata 727

Napakalalim ng iniisip ni James.

Iniisip niya ang impormasyong ibinahagi ni Gloom tungkol sa Gu raisers na nabuhay isandaang taon ang nakalipas.

'Gusto nilang kontrolin ang mundo gamit ng mga Gu?'

Nabigla siya sa boses ni Quincy. Tinaas niya ang mukha niya at tumingin kay Quincy na nakatayo sa pintuan ng ward. "Paanong di ka man lang gumawa ng ingay? Binabalak mo bang patayin ako sa gulat?"

"Saan ka nagpunta?" Nagdududang tumingin si Quincy sa kanya at lumabas ng ward para tignan ang paligid niya. Nang nakita niyang walang tao sa labas, bumalik siya sa ward nang nakahalukipkip.

"Gabing-gabi na. Sinong pinuntahan mo sa labas?" tanong ni Quincy.

Humikab si James. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa hospital bed at bumulong, "Ang tagal ng tulog ko at medyo nainitan ako kaya naglakad-lakad ako sa labas."

"Ganun ba?"

Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya si Quincy.

Humiga si James at tumango. "Syempre, ano pa bang gagawin ko?"

"Sige."

Hindi na nagtanong pa si Quincy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status