Share

Kabanata 904

Author: Crazy Carriage
Ngunit, naglaho ang Truen Energy na pumasok sa katawan ni Cynthia ng walang bakas, na tila hinigop ito ng kung ano.

Nagtanong si James, “May nadiskubre ka ba?”

Kahit na nabasa na ni James ang ikalawang medical book, ang nakasaad dito ay kung paano gamitin ang Crucifier at iba’t ibang mga paraan ng pag-cultivate. May ilang mga martial art techniques din dito na hindi pa naaaral ni James. Hindi niya madiskubre kung anong karamdaman ni Cynthia.

Kumunot ang noo ni Maxine habang nag-iisip siya ng ilang segundo. Pagkatapos, nagsalita siya, “Maliban sa nakakaramdam siya ng lamig, may iba ka pa ba na naramdaman kailan lang?”

Sumagot si Cynthia, “Oo. Minsan matinding sakit ng ulo, pagkahilo at mabilis na tibok ng puso.”

Tumingin si Maxine kay James at sinabi, “Kung hindi ako nagkakamali, mayroon siyang bibihirang klase ng kundisyon kung saan ipinanganak ang kundisyon ng katawan niya para sa martial arts.”

“Ipinanganak para sa martial arts?” nabigla si James.

“Oo. Noong pinakiramdaman ko ang pul
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 905

    Nilisan ni James ang villa ni Cynthia at nagtaxi patungo sa villa ng mga Callahan.Habang nakaupo sa taxi, kung ano ano ang naisip niya.Hiniwalayan na niya si Thea, at bumalik lang siya sa mga Callahan dahil sa pananakot ni Thea gamit ang buhay niya. Dagdag pa dito, nalason ng Gu si Thea, kaya nag-aalala siya.Ngayon, mukhang mas okay na ang lagay ni Thea mentally, kaya hindi na niya kailangan ipagpatuloy ang manirahan sa mga Callahan.“Sir, nandito na tayo.”Naayos ni James ang sarili niya matapos ipaalala ng driver na nakarating na sila.“Sige.”Tumango si James, nagbayad at bumaba mula sa sasakyan.Madilim na ang kalangitan ng dumating si James sa mga Callahan, kung saan maliwanag dito. Lumapit siya at pinindot ang doorbell.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto.Isang lalake na hindi katandaan at maporma ang bumati sa kanya, ito si David.“Oh?”Nabigla ng kaunti si David matapos makita si James sa pinto. Naayos niya ang sarili niya at sabik na binati si James, “Ikaw pala, James! Nagba

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 906

    Balak niyang kunin ang second volume ng medical book at umalis.“James.” Isang matangkad at matipunong lalake na nakasuot ng military uniform ang lumapit at binati ng magalang si James.Ang lalakeng ito ay si Clinton. Pinili si Clinton at napabilang sa special training dahil kay James. Kahit na hindi pa tapos ang special training, humingi siya ng leave para pasalamatan si James.Tinignan ni James si Clinton habang nakangiti at sinabi, “Hindi na masama. Panandaliang panahon ka pa lang nagsasanay pero mukhang mas malakas ka na ngayon.”Sumagot si Clinton habang nakangiti, “Matindi ang special training, pero ganado ako na ipagpatuloy ito. Umaasa ako na maging bayani tulad mo at protektahan ang bansa natin.”Sumenyas si James at sinabi, “Anong bayani? Hindi na ako ang commander ng Black Dragon Army, at hindi na rin ako ang Black Dragon. Isa na lang akong pangkaraniwang mamamayan.”“Sa puso ko, mananatili kang bayani!” madiin na sagot ni Clinton.“James.” Lumapit si Jedidiah.“Lolo,” maga

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 907

    Nagaalinlangan si Thea na pakawalan si James.Napakabait ni James sa kanya noon, pero hindi niya siya pinahalagahan. Matapos mawala sa kanya si James, nagsisi ng husto si Thea.Hindi niya sinisisi si James. Alam niya na kasalanan niya.Ginawa ni Thea ang lahat ng makakaya niya para mapanatili siya.Nanatiling tahimik si James.Habang nakikita niya na pinipilit siyang kumbinsihin ni Thea, natukso siya na manatili pero hindi niya magawa sapagkat naalala niya nag pangako niya para pakasalan si Tiara. Isa siyang lalake na tumutupad sa pangako.“Sapagkat alam mo na ang lahat, alam mo na rin siguro kung ano ang nangyari sa amin ni Tiara.”“Oo, alam ko. “ Pinakawalan ni Thea si James at sinabi, “Umalis ka kung gusto mo.”Wala ng sinabi pa si James. Tumalikod siya at umalis na.Puno ng kalungkutan ang mukha ni Thea sapagkat wala na siyang magawa. Pero naging buo ang loob niya habang pinapanood si James na umalis. Bumulong siya, “Hindi ako susuko. Kahit na kailangan kita na habulin hanggang sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 908

    Hinatid ni Tiara si James sa second floor, binuksan ang pinto, at sinabi, “James, puwede ka magstay sa kuwartong ito. Bagong bili ang punda at mga bagay sa loob.”“Sige.” Tumango si James.Pumasok siya sa kuwarto.Sumunod si Tiara at tila nagaalinlangan ang itsura niya na parang may gusto siya sabihin, tinignan siya ni James at nagtanong, “May gusto ka ba sabihin?”Nahiya si Tiara at namula ang mukha niya, “J-James, ikaw at si Thea…”Huminto siya, nag-ipon ng lakas at nagtanong, “B-Bumalik ka ba dahil sa akin? Ano… sinabi ko na sa iyo na hindi kita gusto pilitin, at gusto ko ang best para sa inyo ni Thea. Gusto ko lang na maging okay kayong dalawa.”“Kalokohan. Hindi mo kailangan mag-overthink. Mauna ka ng lumabas. Gusto ko ipagpatuloy ang pagbabasa ko.”“Okay…” walang ganang sagot ni Tiara at lumabas na siya ng kuwarto.Sa ibaba…Magkatabia ng dalawang babae.Matapos makita na palapit si Tiara, nagtanong si Quincy na tila nakikichismis, “Tinanong mo ba si James kung bakit hindi siya n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 909

    “Nawawala?” natulala si James.Inayos niya ang sarili niya at nagtanong, “Okay naman siya kahapon. Paano siya bigla nawala?” Bumuntong hininga si Quincy. “Kakaiba ang ikinikilos niya kagabi at kung ano anong kakaibang mga tanong ang naiisip niya.”“Anong klaseng mga tanong?”“Sa madaling salita, nababagabag siya at naii-stress dahil pakiramdam niya binigyan ka niya ng problema. Sa tingin niya hindi na nanatili sa mga Callahan at bumalik ka dahil sa kanya. Nagising ako at hindi ko siya makita kahit saan. Nag-impake siya at umalis dala ang bagahe niya.”Nag-alala si James.“Bakit ka pa tulala? Bilisan mo at hanapin siya!”“Ako? Bakit ako ang maghahanap sa kanya?” hindi alam ni James kung anong gagawin niya.Nagsalita si Quincy, “Baka binabalak niya bumalik ng Capital at baka hindi pa siya nakakarating sa airport. Hindi mo ba puwede gamitin ang mga koneksyon mo para pigilan siya sa pag-alis?”“Mhm.” Tumango si James at nagmadali pababa ng hagdan.Bumangon na si Maxine at ginagamit na ang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 910

    Nilapitan siya ng matanda.Nagtanong si Tiara, “Tinatawag mo ba ako ngayon lang, sir?”“Oo.”Ang matandang ito ay walang iba kung hindi si Thomas. Lumapit siya at bumulong sa tenga ni Tiara.“Totoo?!!” Tuwang-tuwa si Tiara.“Oo. Sumama ka sa akin. Hindi ito kasinungalingan,” sagot ni Thomas habang nakangiti.Umalis ng airport si Tiara habang kasama si Thomas sa isang itim sa sasakyan, habang huli na ng makarating si James sa airport. Matapos niya dumating, tinawagan niya ang Blithe King.Ipinaalam sa kanya ng Blithe King na may taong nagngangalang Tiara Youngblood na nagbook ng ticket. Pero, hindi siya sumakay sa eroplano.Napasimangot si James matapos marinig ang balita. “Hindi siya sumakay sa eroplano?”“Oo, nakaalis na ang eroplano na binook niya, pero hindi siya sumakay.”“Sige. Naiintindihan ko,” ibinaba ni James ang tawag.Umupo siya sa hagdan sa labas ng airport, habang naninigarilyo.“Saan siya pupunta kung hindi siya sumakay sa eroplano?” kausap ni James ang sarili niya. “May

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 911

    Walang magawa si James kundi ang umuwi at maghintay ng balita.Pumara siya ng taxi pabalik sa villa ni Cynthia.Nagmamadaling tanong ni Maxine pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay, “Kamusta? Nahanap mo na ba siya?"Umiling si James. Lumapit siya at umupo sa sofa.Tinanong din ni Cynthia, "Hindi mo ba siya nahanap?"Natanggal na ni Maxine ang sobrang Cold Energy sa katawan ni Cynthia, na nagpapahintulot na bumalik sa normal ang temperatura ng kanyang katawan pansamantala.Nag-aalalang tumingin si Cynthia kay James. Kinuha niya ang kanyang telepono at binuksan ang surveillance footage na ipinadala ng Blithe King.Yumuko si Maxine at tumingin. Matapos panoorin ang footage, nag-aalala siyang nagtanong, "Sino ang matandang iyon? Bakit iniwan siya ni Tiara?"Malungkot ang ekspresyon ni James.“Base sa kanyang itsura, baka lolo ko yun. Gayunpaman, siya ay dapat na namatay sa sunog sampung taon na ang nakalilipas. Hiniling ko na sa Blithe King na gamitin ang kanyang awtoridad para s

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 912

    Palagi maganda ang trato sa kanya ni lolo noong bata pa siya.Tinuruan siya ni Thomas na basahin ang sinaunang wika at tinulungan siyang bumuo ng matatag na pundasyong medikal. Ang mga turo ng kanyang lolo ang dahilan kung bakit kaya niyang maunawaan ang mga medikal na libro sa maikling panahon.“James, paano kita mapapaniwala sa akin? Ang lolo mo ang taong nagsimula ng problema sa loob ng mga Caden noon. Alam mo ba kung ilang miyembro ng pamilya natin ang napatay niya? Kaya marami sa aming mga kamag-anak ang namatay sa kanyang mga kamay. Siya ay isang tusong tao na gagawin ang lahat upang makamit ang kanyang layunin, kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pagpatay sa sarili niyang pamilya. Kahit na apo ka niya, hindi siya magpapakita ng awa kung hahadlang ka sa kanya."Pilit siyang binabalaan ni Maxine.Ayaw niyang mabulag si James sa katotohanan at mawala ang kanyang panghuhusga dahil nag-aalala ito sa kanyang grandpa.“Sigurado akong hindi ganoon ang grandpa ko. Malamang may dah

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4151

    Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4150

    Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4149

    Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4148

    Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4147

    Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4146

    Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4145

    Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4144

    Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4143

    Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status