MasukThird Person POV
Pagdating nila sa set, medyo magulo na ang paligid. Ang mga crew members, artista, at ang director ay nagsisimula nang mag-set up. Si Luigi, na leading man para sa araw na iyon, hindi na nagpatumpik-tumpik at agad pumunta sa direksyon ng mga crew. Si Nami naman, na sumusunod lang, hindi malaman kung anong gagawin. Hindi siya sanay sa mga ganitong setting—ang daming tao, ang daming cameras, at parang lahat ay abala. Nami sat at the edge of her seat as she watched the taping unfold in front of her. Ang kanyang mga mata, bagama’t masakit at puno ng selos, hindi maiwasang sundan ang bawat galaw ni Luigi. Nag-umpisa na ang set at nakaupo na si Luigi sa tabi ng ka-love team niyang si Sasha. "Sobrang bagay nilang dalawa," naibulong ni Nami sa kanyang sarili. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Tatratuhin kaya ako ng maayos kung ganyan ako mag-ayos?” Nami’s heart clenched as she watched how natural the two looked together. Masakit. Hindi ito kayang itago ng mga mata ni Nami. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Sasha, with her perfect smile na kayang pumukaw ng libong tingin. Yung tipong lilingunin mo sa oras na daanan ka niya. Ramdam niyang may iba pang nararamdaman si Sasha para kay Luigi. Pero hindi iyon ang masakit para sa kanya. Ang masakit ay ang katotohanan na hindi siya nakikita ni Luigi sa paraang iyon. She wasn’t the one occupying his thoughts. Hindi siya ang babae na sa gabi ay iniisip ni Luigi. Dahil ang kagaya ni Sasha ang tipo niya—maipagmamalaki at maipagmamayabang kahit kanino. Sasha’s laugh cut through the air. “Ikaw lang ang mahal ko, Tristan, hindi si Echo,” she said, turning to Luigi. Nami almost choked on her own breath. Pakiramdam niya ay wrong move na sumama pa siya sa shooting. ‘Napakahirap talaga ng may asawang aktor, lalo na kung hindi ka pa mahal,’ sabi niya sa isip. The camera rolled, and they continued with their scene. Nami couldn’t tear her eyes away. But as she was too focused on their every move, she didn’t hear her phone ringing. Lahat ng mga tao sa paligid ay napatingin na sa kanya, abala sa mga gawain nila, ngunit isa-isa nilang napansin ang tunog ng cellphone ni Nami na patuloy na tumutunog. Tutok pa rin siya sa kanyang asawa. Wala siyang pakialam, hindi niya namalayan na siya na ang sentro ng mga mata ng tao roon. Masyado siyang nadala sa iniisip at eksena kaya hindi niya narinig ang kanyang cellphone na dalawang minuto na atang nag-iingay. Nang hindi pa rin siya sumagot, lumapit si Direk. Ang matalim na tingin nito ay hindi nakaligtas kay Nami. “Who the hell are you?! Bakit hindi mo pinapatay ang cellphone mo? Wala kang respeto sa trabaho!” Nami’s face flushed with embarrassment. Ayaw niyang pinagtitinginan siya noon pa, pero ngayon ay siya pa ang gumawa ng kahihiyan. Nakatingin siya sa Direktor, nakatingin din ang buong team sa kanya. “I-I’m sorry,” she stammered. Tumayo ang isang staff. “Assistant daw po ni Sir Luigi ‘yan, Direk.” Direk raised an eyebrow, then crossed his arms. “Then you’re here to support Luigi, not to cause trouble. And what’s with that face? You’re making this look like it’s some kind of joke. Wag mo akong matignan ng ganyan! Ang ganda na ng eksena, ikaw lang ang nakagulo.” The sting of his words hit her like a slap across the face. "You’re just his assistant, not his wife. Kaya wala kang free pass dito para mag-ingay at sirain ang taping. You don’t belong in this world." The tone of Direk’s voice was sharp, cutting straight to her core. Nami’s chest tightened as she heard the whispers from the crew. Maraming pares ng mata ang nakatutok sa kanya, hindi itinatago ang panghuhusga. Some were whispering to each other, habang ang iba naman ay tumatawa. “Ano ba ‘yan, pangit na nga, engot pa. Nakakahiya, kung ako ‘yan ay baka nagpalamon nalang ako sa lupa.” She bit her lip, trying to hold back the tears that were threatening to spill. Inaasahan niya na hahakbang si Luigi para ipagtanggol siya. But he didn’t. Hindi siya pinansin. Hindi man lang nag-abala ang asawa na tulungan siya. Nami felt the weight of the situation bear down on her. Her eyes were glued to the floor, hindi niya na kaya pang mag-angat ng tingin sa mga tao, lalo na kay Luigi na hindi man lang tumayo sa tabi niya. Luigi just stood there, hands in his pockets, looking at her with disinterest. Walang ni isang salitang binitiwan si Luigi. Gusto niyang sumigaw. She wanted to shout at him, to say how much it hurt that he wasn’t there when she needed him. Pero hindi niya kaya. Hindi siya pwedeng magwala. Hindi niya pwedeng ikalat kung ano ba talaga siya sa buhay ng lalaki. When the shoot finally wrapped up, Luigi turned to Nami, sumenyas na sundan siya nito. “Let’s go,” mababang sabi niya, walang mababakas na kahit anong emosyon. Nakatingin lang si Nami sa bintana ng sasakyan. Mabigat pa rin ang kanyang dibdib, sa bawat oras ay tila mas lumalala pa nga ang nararamdaman niya. She didn’t speak. Hindi niya kayang magsalita. She was broken, and she didn’t know how to fix herself anymore. Binasag ni Luigi ang katahimikan. “Where do you want to go?” “I said, where do you want to go?” ulit ni Luigi, pinagmamasdan siya. “Take me home,” bulong niya, halos hindi na masyadong marinig. Luigi sighed, bahagya pang napa-iling. “Really? It’s your fault, you know,” sabi niya, gamit ang malamig pa rin na tono. “Kung nag-silent ka sana ng phone, hindi ka sana nasigawan. Alam mo namang nasa set ka.” Mahapdi na ang mga mata ni Nami sa kakapigil ng luha. Mabuti na lamang at makapal ang salamin niya. “It’s always my fault, isn’t it, Luigi?” She was speaking more to herself than to him, nabasag ang boses niya. Tahimik ang naging biyahe pauwi, ang tanging tunog lamang ay ang mahinang ugong ng makina. Hindi ito ang plano. Hindi ito ang inaasahan niya. Siguro ay masyado lang siyang umasa at nag-expect kaya ganoon na lamang siya nadismaya. This was supposed to be their anniversary. But all she felt was pain. Pagdating nila sa mansyon, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Bago pa man ito makapagsalita, mabilis siyang bumaba, hindi na nag-abalang lumingon. Hinayaan lamang siya ni Luigi, pinanood ang pagpasok ng asawa. Wala pa ring pakialam. All she ever wanted was to be seen as his wife, to be loved—but with every passing moment, pinapamukha nito sa kanya na hinding hindi siya nito tatapunan ng kahit kaunting pagmamahal.Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka
Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its
Third Person POVHalos manlamig si Luigi sa kinatatayuan. Dinig ang sinabi ng Direktor sa buong production team — beteranong artista, baguhan, cameraman, utility, stylist, lahat. Kiko’s words were true. May ilang napangisi, halatang hinihintay ang araw na madapa ang “golden boy.”“I’m sorry. I’ll take full responsibility for this. I’ll make sure lahat kayo dito will be compensated,” umiikot ang tingin niya sa buong crew bago muling bumalik sa Direktor. “Pasensya na po ulit.”“Go on. Bayaran mo sila. But I’ll refuse your offer.” Malamig ang boses ng Direktor, walang emosyon. “Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga taong porket may pera pang-bayad, akala nila puwede nang baliwalain ang oras at pagod ng iba. I hate those people to the core.”Umawang ang labi ni Luigi. Gusto niyang ipaliwanag na ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang siya nagkamali. Ngayon lang siya hindi nakahanda. He wanted to defend himself — pero anong laban niya sa direktor na may malaking punto.Kiko glared at him, almost a
Third Person POVHalos isang buwan na ganoon ang naging routine ng mag-asawang Luigi at Nami. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero madalas ay nauuwi rin sa matinding lambingan—lalo na sa gabi. Nami thought their relationship was finally getting better. Mas madalas na siyang paboran ni Luigi sa mga desisyon, hinihingan ng opinyon, at minsan pa, siya na ang nasusunod.Nagpapaliban na rin si Luigi sa taping dahil mas gusto nitong manatili sa bahay. May mga araw na bigla siyang mag-absent sa shoot para lang makasama ang asawa. Kapag nasa bahay sila, nagma-movie marathon, nagyayakapan, at nagluluto nang magkasama. Slowly, nagiging tahimik ang buhay nila.“Where the hell are you?” nagisising ang diwa ni Luigi sa malakas na sigaw ng kanyang manager sa kabilang linya. Napamura siya. Nahuli na naman siya ng gising. Paniguradong late na naman siya sa set. He turned his head to look at Nami. Mahimbing ang tulog nito, cheek pressed against the pillow, delicate and peaceful in a way na hindi niya
Nami Ashantelle Santiago’s POVThe words barely left my mouth before I felt it—my chest tightening, stomach twisting, and a small, nagging fear crawling up my spine. Huli na nang mapagtantong tila sumobra ako sa sinabi. Halos tapikin ko ang noo sa takot na baka masira ang mood niya. Luigi didn’t respond immediately. His eyes narrowed slightly, not with anger… but with that unreadable, serious expression he always wore. Kulang nalang tumalon ang puso ko sa kaba. What is he thinking? Ang hirap niyang hulaan.“I… I didn’t mean to—” agap ko, bahagyang nanginig ang aking labi na agad ko rin kinagat. No. Don’t say it. Don’t ruin this moment, Nami!He tilted his head, watching me carefully. The silence between us stretched, heavy and loud, and I felt like I could hear my own heartbeat echoing in the kitchen. Matutumba yata ako sa paraan nang pagtitig niya. “Hmm,” he finally murmured, and I flinched at the sound. “I see.”“K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko! Nadala lang ako, hindi ako g-g
Nami Ashantelle Santiago’s POVMasakit ang buong katawan ko. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad iyon. Memories of last night flooded my mind, at napamura ako nang maisip na kaya ganito kasakit ang katawan ko… ay dahil naka-lima kami.Napabalikwas ako nang bangon nang makitang mataas na ang sinag ng araw. Gosh! I overslept! Nilingon ko ang kabilang kama at wala na si Luigi doon. Agad akong nag-panic. Hindi ko siya napagluto ng almusal. I know he almost never touches the meals I prepare, but I’ve grown used to cooking for him anyway.Para bang routine ko na ‘yon at habang buhay kong gustong gawin. Halos magkandaugaga ako sa pagtitingin ng oras. It’s already 10 a.m. Grabe! Ganito katagal ako natulog? Sabagay, pagod ako sa lakad namin kagabi, tapos idagdag pa ang pagtatalik namin na inabot ng limang rounds.Mabilis akong tumayo upang maghilamos. Itatanong ko nalang kila manang kung anong oras umalis ang asawa ko. “Nami! You’re still sore, napakadumi talaga ng







