Home / Romance / Ang Asawa Kong Artista / Kabanata 28: Argument

Share

Kabanata 28: Argument

Author: Karilxx
last update Last Updated: 2026-01-11 20:31:30

Nami Ashantelle Santiago’s POV

“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?”

Nagtagal ang titig niya sa akin. Hindi siya umiwas. Parang hinihintay niya akong bumigay, maunang umatras. Nakipagsukatan ako kahit durog na durog na ako. Feeling ko, pulang pula na ang mga mata ko. Kahit pa natatakpan iyon ng malaki kong salamin ay alam kong nakikita niya kung gaano ako nasasaktan.

“Look Nami—”

“Isang tanong, isang sagot, Luigi.”

“Hindi pa ba halata, Nami?” malamig niyang sagot. “Kung mahal kita, hindi mo sana kami maaabutan ni Sasha dito.”

Napangiti ako ng mapait. “Bakit? Tatlong taon kitang minahal. Tatlong taon kitang pilit inaalagaan. Tatlong taon akong nagpapapansin sa’yo. Tatlong taon tayong magkatabi sa iisang kama.”

Nakita kong dumaan ang awa sa mga mata niya. Ngunit hindi iyon ang kailangan ko! Pagmamahal na galing sa kanya ang nais ko.

“Noon pa lang, sinabi ko na. Wala kang dapat isumbat sa akin dahil klaro ako sa’yo simula pa noong una. Hindi kita mahal at lalong hindi kita mamaha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Migs Flood
Update author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 28: Argument

    Nami Ashantelle Santiago’s POV“Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?” Nagtagal ang titig niya sa akin. Hindi siya umiwas. Parang hinihintay niya akong bumigay, maunang umatras. Nakipagsukatan ako kahit durog na durog na ako. Feeling ko, pulang pula na ang mga mata ko. Kahit pa natatakpan iyon ng malaki kong salamin ay alam kong nakikita niya kung gaano ako nasasaktan. “Look Nami—”“Isang tanong, isang sagot, Luigi.” “Hindi pa ba halata, Nami?” malamig niyang sagot. “Kung mahal kita, hindi mo sana kami maaabutan ni Sasha dito.”Napangiti ako ng mapait. “Bakit? Tatlong taon kitang minahal. Tatlong taon kitang pilit inaalagaan. Tatlong taon akong nagpapapansin sa’yo. Tatlong taon tayong magkatabi sa iisang kama.” Nakita kong dumaan ang awa sa mga mata niya. Ngunit hindi iyon ang kailangan ko! Pagmamahal na galing sa kanya ang nais ko. “Noon pa lang, sinabi ko na. Wala kang dapat isumbat sa akin dahil klaro ako sa’yo simula pa noong una. Hindi kita mahal at lalong hindi kita mamaha

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 27: Huli

    Nami Ashantelle Santiago’s POV I don’t remember how my feet carried me inside that room.All I know is that one second, I was standing outside the tent, hawak ang paper bag na may lamang ulam para kay Luigi. The next, I was staring at a scene I never imagined I would have to see with my own eyes.Ayaw i-proseso ng kokote ko ang nakita ng dalawang mata ko. Para akong napipi. Everything slowed down. The world went silent except for the violent pounding of my heart.Namalayan ko na lamang na bumagsak ang paper bag na hawak ko. Nasa sahig na iyon ngayon. “W-What’s—what’s happening?”Yun lang ang tanging umalpas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nag-uunahan sa bilis ang puso ko. Para akong inaatake. Uminit agad ang mata ko. My husband is on the verge of having sex with another woman. Nakangisi pa si Sasha nang bumaling ito sa akin, habang yakap ang dalawang dibdib niyang kanina lang ay hawak at hinahalikan ni Luigi. Walang nagsalita sa kanila. Sa katunayan, mukhang ako pa ang k

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 26: Tempted

    Third Person POV “Anong kailangan mo?” bored na tanong ni Luigi kay Sasha. Kanina pa naroon ang babae ngunit hindi nagsasalita. Nasa couch si Luigi, nakasandal, habang ang isang paa ay nakapatong sa lamesa. Naka-unbutton ang polo niya hanggang dibdib, pawisan ang leeg, at bakas ang iritasyon sa mukha. Hawak niya ang phone, pero hindi siya talaga nagbabasa. Tumatakbo ang isipan niya sa ibang bagay… o tao.Nasa kabilang couch naman si Sasha, may hawak itong script. Pakunwari ay nagbabasa. Her legs were crossed. Pasulyap-sulyap ito kay Luigi. Palihim niya pa ngang mas nilalabas ang cleavage niya para akitin ang lalaki. Now she was pissed—because he couldn’t even spare her a single glance.“Gusto ko lang humingi ng pasensya sa nangyari noong nakaraan. H-Hindi lang ako sanay na ganoon mo ako kausapin. I just want us to be okay again—like before.” At last, Luigi turned his eyes toward her. Iritado pa rin ito ngunit bahagyang kumalma nang makita ang seryosong mukha ni Sasha. He breathed i

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 25: Jax

    Third Person POVNami woke up to emptiness. Naalala niya agad ang mga kaganapan kagabi. Bumaling siya agad sa tabi para maramdaman ang isang pamilyar na init, ngunit wala. Sa halip, kirot sa dibdib ang natamasa niya.Unti-unti siyang umupo, ang puting kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Umikot ang paningin niya sa kwarto, sa pintuan ng banyo, sa aparador, sa mesang may nakapatong na relo ni Luigi. Naroon ang relo. Pero wala ang may-ari.Bumaba ang dibdib niya sa isang mabigat na paghinga.Umalis na si Luigi… at hindi man lang ito nagsabi sa kanya. Wala rin kahit anong text nang silipin niya ang cellphone sa bed side table.It wasn’t new. Nami had lived this reality for years. Years of waking up alone. Years of accepting that Luigi’s heart had never made space for her. Pero iba ngayon.Dahil nitong mga nakaraan, akala niya… may nagbago. Akala niya mahahabag ang lalaki sa pagmamakaawa niya kagabi. She even swallowed her pride, her dignity. Walang natirang kahit ano sa kanya. Masa

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 24: Desperate

    Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 23: Harsh

    Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status