Ang Asawa Kong Artista

Ang Asawa Kong Artista

last updateHuling Na-update : 2024-12-07
By:  KarilxxOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 Mga Ratings. 5 Rebyu
12Mga Kabanata
1.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“Kahit sabay pa tayong nangako sa altar, wala kang aasahan sa’kin. I’m not going to be the husband you want.” Ang mga salitang ito mula kay Luigi Ibarra ay parang kutsilyong tumagos sa puso ni Nami Santiago—isang mayaman ngunit nerdy na babae na matagal nang may lihim na paghanga kay Luigi. Si Luigi, ang pinakasikat na aktor sa bansa, ay napilitang magpakasal kay Nami upang mapanatili ang legacy ng kanyang pamilya. Ngunit kahit kailan, wala itong patak ng pagmamahal para sa kanya. She was the complete opposite of his type, and she knew it. Pero masyado lang talaga siyang martir. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat. Nahuli niyang may ibang babae si Luigi—ang ka-love team nitong si Sasha Alvarez. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang binitawan si Luigi. Pero kasabay ng kanyang paglayo ay natuklasan niyang nagdadalang-tao siya. Four years have passed, at nabaliktad ang sitwasyon. Si Luigi na ngayon ang naghahabol nang malaman niyang may anak sila ni Nami. Will she choose to forgive him, or will she move on and choose Arren Corpuz, another famous actor who stood by her side when everything fell apart?

view more

Kabanata 1

Kabanata 01: Simula

Third Person POV

Three Years Ago...

“Luigi! Napakatigas ng ulo mo! Gaano ba karaming beses kong kailangang ulitin ito sa’yo? Ang pagiging aktor ay hindi pangmatagalan! Hindi ka habang buhay magiging sikat! Hindi ito ang buhay na para sa’yo!”

The grand living room of the mansion felt like a stage for heated emotions. Ang mga katulong, na kaninang naglilinis sa paligid, ay nagtakbuhan palabas, takot na masangkot sa galit ng mag-ama.

“I already told you, Dad! Hindi ko gusto ang pinapataw mong responsibilidad sa akin!” Luigi shot back, his voice rising, pinapantayan ang kanyang ama. “Masyadong mabigat ang tungkulin ng isang CEO. Mabuti pa sa pag-aartista—ang poproblemahin ko lang ay ang pagod sa trabaho ko!”

Si Luigi Ibarra, na nakasuot pa ng casual na damit mula sa rehearsal niya sa studio, ay nakatayo sa gitna ng sala, ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid, mahigpit ang pagkakakuyom. Sa harap niya ay ang kanyang ama, si Sergio Ibarra, ang makapangyarihan at kilalang negosyante. Nakatayo rin ito at ang kanang kamay ay mahigpit na hawak ang isang baso ng alak.

“Lahat ng meron tayo—lahat ng kayamanan, ang pangalan ng mga Ibarra—nasa balikat mo! Hindi mo ba naiintindihan na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko?”

A bitter laugh escaped Luigi’s lips. “Tagapagmana? Dahil ba ako lang ang nakikita mong susunod sa yapak mo ay dapat talikuran ko ang buhay na gusto ko?!”

“Luigi, gumising ka! Wala kang babalikan kapag bumagsak ang karera mo. Pero kung pamamahalaan mo ang kumpanya natin, sigurado ang kinabukasan mo!”

Naihagis ng matandang Don ang hawak na isang baso ng alak. Hindi niya akalain na dahil sa pang-i-spoil niya sa anak ay hahantong ito sa sitwasyon na hindi na niya ito kayang kontrolin.

“No! You can’t change my mind,” Luigi declared, his voice steady despite the tension in the air. “Hindi ko gusto ang buhay na ‘yan—ang negosyo, ang mga meetings, ang pagpapanggap na mahalaga sa akin ang lahat ng ‘yan para lang makakuha ng investor. I can make money without it!”

Huminga nang malalim si Sergio, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi niya na talaga alam ang gagawin sa anak. Siya nalang ang tanging maaasahan nito dahil wala naman itong ibang kapatid, nag-iisa siyang anak nila ng kanyang asawang si Atissa.

Speaking of Atissa, halos mahulog ang matandang babae habang pababa ng hagdan. Narinig kasi niya sa unang beses na nag-aaway ang mag-ama. Hindi pa niya ito malalaman kung hindi lang minarites sa kanila ng mayordoma ang mga pangyayari.

“Honey! Baby! Anong nangyayari?”

Niluwagan ni Sergio ang kanyang necktie bago tapunan ng tingin ang asawa. “Tanungin mo ang magaling mong anak! Lumalaking bastos.”

“Hindi ako bastos, Dad! Ang ayaw ko lang ay pilit mong pinapasubo sa akin ang mga bagay na ayaw ko. Kung hindi mo ako maintindihan, mas mabuting umalis nalang ako dito.”

Napasinghap si Atissa, mabilis niyang nilapitan ang anak para pakalmahin. “Luigi, anak, ano ba itong sinasabi mo?”

Luigi didn’t answer. He turned on his heel and stormed out of the room, nag-echo ng malakas ang pinto dahil sa mabigat niyang pagsara.

Naiwan pa ring nakatayo si Sergio, he didn’t stop his son from leaving. Patuloy lang siya sa pag-iisip kung paano niya ito mapapapayag sa gusto niya. Atissa approached him cautiously, placing a hand on his arm.

“Sergio... baka naman sobra ka na sa anak natin,” she said softly, her voice pleading.

Hinarap niya ang asawa at tipid lang na ngumiti. “Tawagin mo si Dr. Cuenca, akala niya ba ay siya lang ang magaling umarte? Sabihin mo kay Dr. Cuenca na gawan ako ng fake diagnosis. Kapag nandito na siya ay tawagan mo ang anak mo, sabihin mong inatake ako sa puso dahil sa galit.”

Hindi alam ni Atissa kung seryoso ba ang asawa, gusto niyang matawa dahil gumamit na ng pinagbabawal na teknik ang asawa upang mapatino ang anak. Nadamay pa tuloy ang family doctor nila na walang ka-alam-alam sa pangyayari. Ilan beses pa siyang kumurap bago mag-sink in sa kanya na seryoso nga ito sa kanyang sinabi.

“Fine,” pagsuko nito. “Pumunta ka na sa kwarto at hintayin mo ang doktor, itetext ko si Dr. Cuenca at sasabihan ang drayber natin na sunduin siya.”

Isang oras lang ay dumating na ang doktor. Nakahiga na ngayon si Sergio sa kanilang King Size Bed at nakatakip ang isang makapal na kumot sa kanya. Napakamot si Dr. Cuenca dahil pati siya ay nadamay sa drama ng pamilya. Hindi niya alam kung magchachange na ba siya ng career mula sa pagiging doctor at baka mag-artista nalang din siya.

“Call him,” Sergio signaled to her wife.

Saglit na nag-alinlangan si Atissa, binabagabag ng konsensya niya, ngunit agad din niyang dinayal ang numero ng kanyang anak. Habang nagri-ring ang telepono, marahan siyang humikbi, pati ang sarili niya ay halos mapaniwala niya sa kanyang pag-arte.

Sa kabilang banda, sunod-sunod ang naging pagtungga ni Luigi sa kaharap na mga alak. Napapalibutan siya ng maingay na musika sa loob ng bar at ang mga nakakasilaw na iba’t ibang kulay ng liwanag. But his mind was elsewhere—his father’s angry words still echoing in his ears.

His phone vibrated on the table, and he glanced at the screen.

Mom Calling...

Noong una ay kinonsidera niyang huwag itong pansinin, ngunit kalaunan ay napasagot din dahil sa sunod-sunod nitong pagtawag.

“Hello?” he answered nonchalantly.

“Luigi!” Nabasag ang boses ni Atissa sa kabilang linya. “Anak, umuwi ka na… ang Daddy mo… si Sergio… nag-collapse siya kanina. Please, anak…”

Luigi’s heart dropped, and the glass he was holding slipped slightly in his grip. “What? What happened to Dad?!”

“Just come home,” she pleaded, may panginig pa sa boses. “Si Dr. Cuenca… nandito na. Anak, huwag mo nang patagilin…”

Walang sabi-sabi, Pinatay ni Luigi ang call at mabilis pa sa alas-kwatro linisan ang bar. His earlier anger evaporated, replaced by worry and guilt. Kahit pa hindi niya gusto ang buhay na idinidikta ng kanyang ama, hindi rin naman niya kayang mawala ng maaga ang Daddy niya.

The tires of Luigi’s car screeched as he pulled into the driveway of the mansion. He burst through the doors and found his mother sitting on the couch, ang mukha nito ay nakabaon at sapo-sapo ng dalawang palad.

Nakatayo naman si Dr. Cuenca sa gilid ng kanyang ama, na ngayon ay namumutla at mukhang pagod, ang kanyang kamay ay nakapatong sa kanyang dibdib.

“Anong nangyari?”

Atissa looked up, pulang-pula ang mata nito dahil sa nilagay niyang katinko. Inabot niya ang kamay ng anak at hinila palapit sa kanya.

“Luigi, anak…” she said between sniffles. “Bigla na lang sumakit ang dibdib ng Daddy mo kanina. Mabuti na lang at mabilis naming natawagan si Dr. Cuenca.”

Nagpakawala ng mahinang ubo si Sergio, medyo mahina ang boses nito. “Luigi… too much stress is not good for me. Tumatanda na ako, anak.”

Palihim na napa-side-eye si Dr. Cuenca, hindi kinakaya ang mga nangyayari sa loob. Kanina niya pa kinakagat ang labi para mapigil ang pag-alpas ng tawa. Akala niya ay si Luigi lang ang magaling umakting, napapanood niya kasi ang mga pelikula nito. Hindi niya akalain na may pinagmanahan pala ang binata.

Luigi knelt beside his father, gripping his hand tightly. “Dad, I’m sorry. Hindi ko alam… hindi ko alam na aabot sa ganito…” His voice cracked, mababasa ang nararamdamang konsensya sa kanyang mukha.

Dr. Cuenca cleared his throat, tinawag niya ang lahat ng santo upang maihatid ang mensahe nang hindi natatawa. “Luigi, your father’s condition is serious. He’s developed a heart condition that’s triggered by extreme stress or emotional strain. Kung hindi siya mag-iingat, it could worsen. At this rate… he might only have a few years left if he doesn’t avoid stressful situations.”

Nanlaki ang mga mata ni Luigi, hindi niya aakalaing mauuwi ang away nila sa ganitong sitwasyon.

“What can I do, Doc? Paano namin siya matutulungan?”

“You can help by not giving him reasons to be stressed. Kapag naulit pa ito… it could be fatal.”

Umalis na ang doktor at naiwan nalang silang tatlo sa kwarto. Pare-parehas silang nagpapakiramdaman kung sinong unang babasag sa katahimikan.

“Kung ayaw mong kunin ang responsibilidad sa kumpanya natin, at mas pipiliin mong mag-artista na walang kasiguraduhan, may isang bagay nalang akong hihilingin sa iyo.”

“Go on, Dad.”

“You need to marry Nami Ashantelle Santiago. Kapag napangasawa mo siya ay maitutuloy mo ang gusto mong buhay. Makapangyarihan din ang pamilya niya kaya sa oras na matali ka sa kanya ay patuloy pang lalago ang kumpanya natin.”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
MIKS DELOSO
ganda ng story ... ...
2025-06-12 14:09:00
0
user avatar
Elmer Dayson jr
bkit Ang tagal ng update
2025-02-19 13:14:38
0
user avatar
la bonita
mukhang magnda to sana palagi may update ...magkokoment ako olet kapag ayos ang story nato...
2025-01-01 14:58:52
0
user avatar
Chelle
Support natin si Author!!
2024-12-26 14:45:15
0
user avatar
MIKS DELOSO
Highly recommended po ang ganda ng story
2024-12-06 00:52:36
2
12 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status