Home / Romance / Ang Asawa Kong Artista / Kabanata 06: Hubad

Share

Kabanata 06: Hubad

Author: Karilxx
last update Huling Na-update: 2024-11-29 13:20:51

Third Person POV

Pagkapasok ni Nami sa loob ng bahay, dumiretso siya sa kwarto nila. Halos hindi niya maramdaman ang paa niya sa paglalakad dahil sa bigat ng kanyang dibdib. Nagmadali siyang sumalampak sa kama at niyakap ang sarili, pinipilit pigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o masaktan, pero mas nangingibabaw ang lungkot.

“Hoy, Nami!” Sigaw ni Luigi mula sa pintuan, halatang naiinis. Sumunod ito sa kanya, mabilis ang mga hakbang.

“Pwede bang magpaliwanag ka?” malamig na sabi ni Luigi. “Ano nanaman bang inaamok mo?”

Napabuntong-hininga si Nami bago siya sumagot. “Problema ko? Gusto mo talagang malaman?” Tumayo siya at humarap kay Luigi. “Ikaw! Ikaw ang problema ko, Luigi!”

Napataas ang kilay ni Luigi. “Anong ginawa ko? Kasalanan ko ba na nasigawan ka ni Direk? Sinabi ko naman sa’yo, i-silent mode mo ang phone mo, ‘di ba?”

Napalunok si Nami sa narinig. “Alam kong kasalanan ko! Pero hindi mo man lang ba kayang awatin ang direktor mo?” Napahinto siya. “Nandoon ka e, bakit pinanood mo lamang ako? Palagi mo na lamang akong pinipiling saktan.”

“Saktan?” Napakunot ang noo ni Luigi. “Bakit, ano bang inaasahan mo, Nami? Nasa trabaho ako. Alam mo kung ano ang pinasok mo nung pumayag kang magpakasal.”

Pakiramdam ni Nami ay binagsakan siya ng langit. “Oo, alam ko. Pero ang hindi ko alam, kailangan ko rin palang tanggapin na kahit asawa mo ako, hindi mo ako kayang ipagtanggol man lang!”

Natigilan si Luigi.

“Sa lahat ng ginawa ko, ni minsan ba, nagpasalamat kang nandito ako? O hanggang ngayon para sa’yo, isa lang akong panira sa buhay mo?”

Hindi sumagot si Luigi. Tumahimik lang ito, tinititigan siya. Sa sobrang inis, hinawakan ni Nami ang salamin niya para punasan ang mga luha, pero aksidente itong natanggal.

Natigilan si Luigi. Sa pagkawala ng malaking glasses ni Nami, parang biglang nagbago ang hitsura nito. Naging mas malinaw ang mukha niya—ang malalambot na features ng babae, ang maaliwalas na mukha, at ang mapungay na mga mata. Ang mga mata nito ay mas lalong naging singkit buhat ng pag-iyak.

“Luigi…” Mahinang sabi ni Nami habang ibinabalik ang salamin niya. “Huwag mo na akong titigan ng ganyan. Alam ko namang iniisip mong mukha akong kawawang nerd na hindi man lang magawang mahalin ng asawa.”

“I’m sorry.”

Napalingon si Nami, nagulat sa narinig. “Ano ulit?”

“I said, I’m sorry,” ulit ni Luigi. “Siguro nga, mali ako. Hindi ko inisip ang mga salitang binibitawan ko…” Napahinto ito. “Hindi ko naisip na sumosobra na pala ako.”

Natahimik si Nami. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. “Luigi…”

Lumapit si Luigi, hinawakan ang magkabilang balikat niya. “I know it’s not enough, pero hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung paano kita pakikitunguhan minsan dahil hindi naman ako sanay.”

“Kung ganun, anong dapat gawin ko?”

Hindi sumagot si Luigi. Imbes na magsalita, hinawakan niya ang mukha ni Nami, kinulong niya ito gamit ang dalawang kamay. Ang init ng mga palad nito, Inangat ni Nami ang mga mata at doon nagtagpo ang kanilang tingin.

“Luigi—”

Bago pa siya makapagsalita, hinalikan siya ni Luigi.

Napapikit si Nami. Hindi niya alam kung paano siya dapat mag-react. It felt surreal—parang panaginip. Habang tumatagal ang halik, unti-unti siyang nadala. She found herself responding, kahit na pilit niyang pinapaalala sa sarili ang kaninang sama ng loob na natamo niya.

Binubura ng malambot na labi ni Luigi ang mga iniisip niya, ang hawak nito sa kanya ay parang nagkukulong sa kanya sa isang paraiso. Sa isang iglap, nakalimutan niya ang sakit, galit, at lahat ng bagay na kanyang dinadala.

“Stop,” bulong niya, halos hindi marinig dahil sa kabog ng dibdib.

Pero hindi tumigil si Luigi, sa halip, naglakbay ang malikot niyang kamay sa maliit at makinis na katawan ng asawa. Hinahaplos haplos nito ang balat ng babae kaya napahalinghing ito. Hindi niya maiwasang tigasan dahil sa munting ungol na pinakawalan ni Nami.

“Do you really want me to stop?” Tanong niya kay Nami, bumababa ang labi nito at humahalik sa panga, pisngi, patungo sa kanyang maputing leeg.

“Hindi mo naman ako mahal…” sagot ni Nami, nakapikit ito at mahigpit na nakahawak sa matigas na biceps ng asawa.

First time nilang maging ganoon kalapit at kadikit, halo-halo tuloy ang nararamdaman niya. Gusto niyang magpaubaya at ialay ang katawan ngunit ang isiping hindi naman si mahal ng lalaki ang nagpapagising sa kanya.

Hindi pinansin ni Luigi ang sinabi niya, patuloy lang ito sa pagpatak ng halik sa kanyang leeg. “Ang bango mo… ang sarap amoyin ng natural mong amoy.”

“Baka kung saan mapunta ang mga halik mo Luigi.”

“Akala ko ba ay mag-asawa naman tayo? Hindi ba dapat obligasyon mo ‘to?”

Hinarap niya si Nami at tinanggal ang malaking salamin nito. Tinabi niya ‘yon sa mesa at pinagmasdan ang babaeng hindi makatingin sa kanya.

“Ang ganda mo, bakit ka nagtatago sa malaking salamin at parang manang na damit?”

Hindi agad kumibo si Nami, kinagat niya lang ang ibabang labi niya. Mula bata siya ay sanay na siyang magsuot ng salamin sa mata, mahilig kasi itong magbasa ng mga libro dahil matalino siya. Yun nga lang, sabi nga nila, kapag matalino ay madalas tanga rin sa pag-ibig.

“Hindi lang ako sanay na wala ‘to, saka komportable ako sa ganitong mga damit. Hindi ako sanay magpakita ng balat.”

Hinimod siya ng nakakalasing na tingin ni Luigi. Sa unang beses nakaramdam siya ng pamamasa sa kanyang ibaba. Sa mga mapagnasang tingin pa lang nito ay bumasa na ang p*ke niya, paano pa kaya kapag nagsimula na siya nitong dahil sa langit.

“Gusto kitang makita.”

Napakunot siya sa sinabi ni Luigi. Paanong gustong makita e nasa harap na siya nito. Hindi niya alam kung sino ang may mas kailangan ng eyeglasses sa kanilang dalawa. Siya ba o ang lalaki?

“Bakit? Naging invisible na naman ba ako sa paningin mo?”

Napa-tsk ang lalaki at hinapit siya sa bewang. Hinanap nito ang zipper ng damit niya at unti-unting binaba. Nagulat siya pero hindi magawang mag reklamo. Hindi niya maintindihan ang sarili pero gusto niya ang mga nangyayari, nag-iinit siya.

Dumampi ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang tainga, marahang kinagat bago bumulong ng isang mapang-akit na salita. “What I mean is gusto kitang makitang n*******d, Mrs. Ibarra.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 24: Desperate

    Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 23: Harsh

    Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 22: Script

    Third Person POVHalos manlamig si Luigi sa kinatatayuan. Dinig ang sinabi ng Direktor sa buong production team — beteranong artista, baguhan, cameraman, utility, stylist, lahat. Kiko’s words were true. May ilang napangisi, halatang hinihintay ang araw na madapa ang “golden boy.”“I’m sorry. I’ll take full responsibility for this. I’ll make sure lahat kayo dito will be compensated,” umiikot ang tingin niya sa buong crew bago muling bumalik sa Direktor. “Pasensya na po ulit.”“Go on. Bayaran mo sila. But I’ll refuse your offer.” Malamig ang boses ng Direktor, walang emosyon. “Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga taong porket may pera pang-bayad, akala nila puwede nang baliwalain ang oras at pagod ng iba. I hate those people to the core.”Umawang ang labi ni Luigi. Gusto niyang ipaliwanag na ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang siya nagkamali. Ngayon lang siya hindi nakahanda. He wanted to defend himself — pero anong laban niya sa direktor na may malaking punto.Kiko glared at him, almost a

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 21: Dismayado

    Third Person POVHalos isang buwan na ganoon ang naging routine ng mag-asawang Luigi at Nami. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero madalas ay nauuwi rin sa matinding lambingan—lalo na sa gabi. Nami thought their relationship was finally getting better. Mas madalas na siyang paboran ni Luigi sa mga desisyon, hinihingan ng opinyon, at minsan pa, siya na ang nasusunod.Nagpapaliban na rin si Luigi sa taping dahil mas gusto nitong manatili sa bahay. May mga araw na bigla siyang mag-absent sa shoot para lang makasama ang asawa. Kapag nasa bahay sila, nagma-movie marathon, nagyayakapan, at nagluluto nang magkasama. Slowly, nagiging tahimik ang buhay nila.“Where the hell are you?” nagisising ang diwa ni Luigi sa malakas na sigaw ng kanyang manager sa kabilang linya. Napamura siya. Nahuli na naman siya ng gising. Paniguradong late na naman siya sa set. He turned his head to look at Nami. Mahimbing ang tulog nito, cheek pressed against the pillow, delicate and peaceful in a way na hindi niya

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 20: Alat

    Nami Ashantelle Santiago’s POVThe words barely left my mouth before I felt it—my chest tightening, stomach twisting, and a small, nagging fear crawling up my spine. Huli na nang mapagtantong tila sumobra ako sa sinabi. Halos tapikin ko ang noo sa takot na baka masira ang mood niya. Luigi didn’t respond immediately. His eyes narrowed slightly, not with anger… but with that unreadable, serious expression he always wore. Kulang nalang tumalon ang puso ko sa kaba. What is he thinking? Ang hirap niyang hulaan.“I… I didn’t mean to—” agap ko, bahagyang nanginig ang aking labi na agad ko rin kinagat. No. Don’t say it. Don’t ruin this moment, Nami!He tilted his head, watching me carefully. The silence between us stretched, heavy and loud, and I felt like I could hear my own heartbeat echoing in the kitchen. Matutumba yata ako sa paraan nang pagtitig niya. “Hmm,” he finally murmured, and I flinched at the sound. “I see.”“K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko! Nadala lang ako, hindi ako g-g

  • Ang Asawa Kong Artista   Kabanata 19: Breakfast

    Nami Ashantelle Santiago’s POVMasakit ang buong katawan ko. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad iyon. Memories of last night flooded my mind, at napamura ako nang maisip na kaya ganito kasakit ang katawan ko… ay dahil naka-lima kami.Napabalikwas ako nang bangon nang makitang mataas na ang sinag ng araw. Gosh! I overslept! Nilingon ko ang kabilang kama at wala na si Luigi doon. Agad akong nag-panic. Hindi ko siya napagluto ng almusal. I know he almost never touches the meals I prepare, but I’ve grown used to cooking for him anyway.Para bang routine ko na ‘yon at habang buhay kong gustong gawin. Halos magkandaugaga ako sa pagtitingin ng oras. It’s already 10 a.m. Grabe! Ganito katagal ako natulog? Sabagay, pagod ako sa lakad namin kagabi, tapos idagdag pa ang pagtatalik namin na inabot ng limang rounds.Mabilis akong tumayo upang maghilamos. Itatanong ko nalang kila manang kung anong oras umalis ang asawa ko. “Nami! You’re still sore, napakadumi talaga ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status