MasukNami Ashantelle Santiago’s POV
Ang aga-aga, pero heto ako sa kusina. Kagaya ng nakasanayan, nagluluto ng almusal para sa asawa kong si Luigi—ang lalaking hindi yata naimbento ang salitang “salamat” sa bokabularyo niya. For three years, consistent ako sa routine na ‘to. Ang sabi kasi nila, “The way to a man’s heart is through his stomach.” Eh si Luigi yata, walang puso, kaya hindi tumatalab. Pinirito ko ang bacon, nag-scramble ng eggs, at ginisa ang fried rice. Para akong nasa sariling cooking show, kulang na lang ay background music. Nilagay ko lahat sa plato, tapos inayos ang table. Nilagyan ko rin ng fresh orange juice para magmukhang sosyal. Kahit mukha akong nerd, Luigi can’t say I’m a useless wife. Maalaga kaya ako. “Kailangan perfect ‘to, Nami. Third anniversary niyo ngayon. Kailangan kahit papaano, matuwa ang asawa mo!” sabi ko sa sarili habang inaayos ang platito. Pero after ilang segundo, natawa na lang ako. “Third anniversary, pero parang ako lang naman ang excited at masaya.” I stopped when I heard Luigi’s footsteps on the stairs. Eto na ang bida. Pasok, leading man! Napatingin ako sa kanya, and there he was—looking effortlessly handsome in his white shirt and sweatpants. As always, ang kunot-noo at isang taas ng kilay ang signature greeting niya. Hindi man lang nagbago. “Good morning, Luigi! Happy anniversary!” bati ko habang hawak ang baso ng juice. Huminto siya, tumingin sa akin, at tumango. “Ano naman masaya sa anniversary natin? Para namang may pake ako?” Napairap ako nang bahagya pero ngumiti pa rin. “Wow, ang saya naman ng asawa ko. Straight to the point talaga.” Umupo siya sa lamesa at sinimulang kainin ang bacon. Wala man lang pasakalye o kahit “thanks.” Napaka-ungrateful. Ako naman, sinadya kong maupo sa tapat niya. “So, Luigi…” Tumikhim ako nang malakas. “Ano? What’s the plan for today?” Hindi siya tumingin. “Plan?” tanong niya, sa plato pa rin nakatingin. “Oo, yung plano natin today.” Paalala ko, nakakasakit talaga ng damdamin ang lalaking ‘to. “Di ba sabi mo kagabi, magse-celebrate tayo? Alam mo na, third anniversary, couple stuff.” Napahinto siya sa pagnguya at tumingin sa akin nang diretso. “I don’t remember saying that.” Napabuntong-hininga ako. “Oo! Sinabi mo! Luigi, huwag mo namang sabihing nakalimutan mo agad? Hindi ko naman hinihingi sa’yo na magpakasal ulit, okay? Isang dinner lang! Hindi naman nakamamatay ‘yon!” “Teka lang.” Nilapag niya ang tinidor niya at tumingin nang seryoso. “Tinatry mo bang gawing big deal ‘to?” Napanganga ako. “Luigi, anniversary natin!” “And?” Tumikhim siya. “Nami, nagpakasal tayo dahil sa magulang natin, hindi dahil gusto natin. You don’t have to turn this into something it’s not.” Leche! Ang ilang araw na pinlano ko… Nilunok ko pa ang pride ko para lang pilitin siya kagabi. Wala rin naman palang kapupuntahan. “Seryoso ka ba?” tanong ko, pilit pinipigilan mabasag ang boses ko. “Talagang wala kang balak gawan ‘to ng effort?” “Ano bang gusto mong gawin ko?” Bumuntong-hininga siya, parang napapagod na sa akin. “Mag-shoot ng fireworks? Mag-reserve ng buong restaurant? Gusto mo bang ipaskil natin sa Times Square na anniversary natin ngayon?” I didn’t know whether to be angry or laugh at his sarcasm. “All I want is for you to treat me like I matter—kahit isang araw man lang.” Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang phone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot. “Hello? Direk?” Napatingin ako sa kanya, nakataas ang kilay. Ay wow, Direk agad? Sana pala siya na lang ang pinakasalan mo! Tutal hindi naman sila mapaghiwalay ng mga manager at direktor niya. Kung sabay kaming tatawag sa kanya ay paniguradong ito ang una niyang sasagutin. Mamamatay nalang ata ako pero mas uunahin niya pang umattend sa mall shows, tapings, and whatsoever niya! “May shoot? Ngayon?” tanong niya, lumiwag pa ang gwapo niyang mukha. “Kailangan bang tapusin agad?” Habang kausap niya si Direk, parang nandidilim ang mata ko. Gusto kong sumingit at isigaw sa kabilang linya na, “Unahin mo naman ako! Inaamag na ako dito!” Ako lang ata ang asawa na kahit labi birhen pa rin. Pagbaba niya ng phone, dumiretso ang tingin niya sa akin. “May shoot pala ako.” Shoot my ass! Alam ko naman na nagsasaya siya ngayon dahil may dahilan na naman siya para takasan ako. “Ano? Luigi, akala ko ba magce-celebrate tayo ngayon?” He raised a hand, as if silencing me. “Hindi ko naman alam na tatawag si Direk. Ano bang magagawa ko? Trabaho ‘to, Nami. Hindi pwedeng basta tanggihan.” “Akala ko ba nag-yes ka na? Saka marami naman tayong pera, bakit ba kasi mas gusto mo pa ang umarte?” Tumayo ako, nagmamadaling lumapit sa kanya. “Pwede ba, huwag kang gumawa ng eksena dito,” asik niya. “Hindi mo ba naiintindihan? Passion ko ang pag-arte! Nilinaw ko na sa’yo noon pa na huwag mong aasahang magpapakaasawa ako sa’yo!” “Pero Luigi, isang araw lang naman ang hinihingi ko! Anniversary natin! Para namang ang hirap-hirap gawin nun!” Tumayo siya, hinila ang ref, at kumuha ng tubig. Nagtimpla pa ako ng juice, hindi rin naman ginalaw. “Sige ganito na lang. Kung gusto mo, sumama ka sa shoot. Pagkatapos ng taping ko, doon tayo kakain. Pero may tatlo akong kondisyon.” Tignan mo ‘to. Hindi lang isa, tinatlo pa talaga. “Kondisyon? Ano na namang kondisyon ‘yan?” “Una, huwag kang gagawa ng eksena. Pangalawa, huwag mong sasabihin na mag-asawa tayo. Pangatlo, huwag mo akong didikitan habang nasa set ako.” Napatulala ako sa sinabi niya. “Excuse me? Ano? So, ganoon mo ako kinakahiya?” Nagtaas siya ng kilay. “Hay, jusko. Hindi ba obvious? Tignan mo naman ‘yang ayos mo.” Napakuyom ako ng kamao, pilit na pinipigilan ang sarili. “Wala namang masama dito ah. Mukha pa rin naman akong tao. Bakit ba sobrang big deal ng itsura ko para sa’yo?” “Alam mo, magbihis ka na lang,” sabay iwas ng tingin. “Basta tandaan mo, sasama ka, pero sumunod ka sa mga sinabi ko.” Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at naglakad paakyat sa hagdan. Naiwan akong nakatulala sa mesa, mag-isa. Ang almusal ko ay parang mas mainit pa kaysa sa relasyon namin. “Happy anniversary to me,” bulong ko sa sarili habang pinupunasan ang luha. Pinili mong maging tanga ‘di ba? Wag kang mag reklamo ngayon. You deserve what you tolerate, Nami.Third Person POVNanubig ang mga mata ni Nami. Tila isang malamig na kutsilyo ang tumarak sa puso niya. Mabuti na lamang tulog na ang mga kasama nila sa bahay. Dahil hindi niya ata kakayanin kung mayroong makarinig at kaawaan pa siya. Naguilty si Luigi, ngunit hindi niya na iyon kaya pang bawiin, dahil huli na. He already said it, nakasakit na siya. Binuka niya ang bibig para dagdagan pa sana ang sasabihin ngunit nang makita ang nakakaawang mukha ni Nami ay bahagya siyang natigilan. “Ganoon mo ba kaayaw ang mukha ko, Luigi? Bakit labis mo ako kung kamuhian. Alam ko naman na malayo ako sa gusto mo, pero hindi ba pwedeng kahit papaano ay pakitunguhan mo ako ng maayos. Nagawa mo naman na e. Nitong mga nakaraan, ayos na tayo—”“Oh, kaya nag-assume ka na?”Parang sampal ang bawat salitang lumabas kay Luigi. Walang emosyon, walang init, puro talim. Luigi’s words cut deeper than a knife. Nami swallowed, ramdam niya ang bigat na bumabalot sa pagitan nila. Nanginginig ang kamay niyang nakaka
Third Person POV“Problema mo, dude? “You look like shit today,” tinaas ni Jax ang baso ng alak kay Luigi.Hindi umimik si Luigi ngunit maagap na tinanggap nito ang baso. Mabilis niya itong tinungga bago pumikit nang mariin. Mapakla ang whiskey, parang sinusunog ang lalamunan niya, pero mas gusto niya iyon kaysa maramdaman ang kahit ano pa.Si Jax Anderson ang kauna-unahang naging kaibigan niya sa industriya. Gaya niya, alaga rin ito ni Kiko. They’ve been friends for years now kaya kilala siya nito—kilala sa lahat ng ugali, kalokohan, pati trip sa babae. Alam ni Jax na may nagiging distraction kay Luigi, kaya pagkatapos ng taping nila ay nag-aya agad ito na uminom.Nagtatawanan ang iba nilang kasama sa VIP area ng elite na bar sa Maynila. Malamlam ang ilaw, puro gold at glass ang interior. Mula sa taas ay tanaw ang city lights na parang mga bituing nakakulong sa lungsod. Ito lamang ang bar na pwede nilang puntahan nang hindi mauuwi sa scandal. The bar was known for its privacy and its
Third Person POVHalos manlamig si Luigi sa kinatatayuan. Dinig ang sinabi ng Direktor sa buong production team — beteranong artista, baguhan, cameraman, utility, stylist, lahat. Kiko’s words were true. May ilang napangisi, halatang hinihintay ang araw na madapa ang “golden boy.”“I’m sorry. I’ll take full responsibility for this. I’ll make sure lahat kayo dito will be compensated,” umiikot ang tingin niya sa buong crew bago muling bumalik sa Direktor. “Pasensya na po ulit.”“Go on. Bayaran mo sila. But I’ll refuse your offer.” Malamig ang boses ng Direktor, walang emosyon. “Ang pinaka-ayaw ko ay ‘yung mga taong porket may pera pang-bayad, akala nila puwede nang baliwalain ang oras at pagod ng iba. I hate those people to the core.”Umawang ang labi ni Luigi. Gusto niyang ipaliwanag na ngayon lang ito nangyari. Ngayon lang siya nagkamali. Ngayon lang siya hindi nakahanda. He wanted to defend himself — pero anong laban niya sa direktor na may malaking punto.Kiko glared at him, almost a
Third Person POVHalos isang buwan na ganoon ang naging routine ng mag-asawang Luigi at Nami. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero madalas ay nauuwi rin sa matinding lambingan—lalo na sa gabi. Nami thought their relationship was finally getting better. Mas madalas na siyang paboran ni Luigi sa mga desisyon, hinihingan ng opinyon, at minsan pa, siya na ang nasusunod.Nagpapaliban na rin si Luigi sa taping dahil mas gusto nitong manatili sa bahay. May mga araw na bigla siyang mag-absent sa shoot para lang makasama ang asawa. Kapag nasa bahay sila, nagma-movie marathon, nagyayakapan, at nagluluto nang magkasama. Slowly, nagiging tahimik ang buhay nila.“Where the hell are you?” nagisising ang diwa ni Luigi sa malakas na sigaw ng kanyang manager sa kabilang linya. Napamura siya. Nahuli na naman siya ng gising. Paniguradong late na naman siya sa set. He turned his head to look at Nami. Mahimbing ang tulog nito, cheek pressed against the pillow, delicate and peaceful in a way na hindi niya
Nami Ashantelle Santiago’s POVThe words barely left my mouth before I felt it—my chest tightening, stomach twisting, and a small, nagging fear crawling up my spine. Huli na nang mapagtantong tila sumobra ako sa sinabi. Halos tapikin ko ang noo sa takot na baka masira ang mood niya. Luigi didn’t respond immediately. His eyes narrowed slightly, not with anger… but with that unreadable, serious expression he always wore. Kulang nalang tumalon ang puso ko sa kaba. What is he thinking? Ang hirap niyang hulaan.“I… I didn’t mean to—” agap ko, bahagyang nanginig ang aking labi na agad ko rin kinagat. No. Don’t say it. Don’t ruin this moment, Nami!He tilted his head, watching me carefully. The silence between us stretched, heavy and loud, and I felt like I could hear my own heartbeat echoing in the kitchen. Matutumba yata ako sa paraan nang pagtitig niya. “Hmm,” he finally murmured, and I flinched at the sound. “I see.”“K-kalimutan mo nalang ang sinabi ko! Nadala lang ako, hindi ako g-g
Nami Ashantelle Santiago’s POVMasakit ang buong katawan ko. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad iyon. Memories of last night flooded my mind, at napamura ako nang maisip na kaya ganito kasakit ang katawan ko… ay dahil naka-lima kami.Napabalikwas ako nang bangon nang makitang mataas na ang sinag ng araw. Gosh! I overslept! Nilingon ko ang kabilang kama at wala na si Luigi doon. Agad akong nag-panic. Hindi ko siya napagluto ng almusal. I know he almost never touches the meals I prepare, but I’ve grown used to cooking for him anyway.Para bang routine ko na ‘yon at habang buhay kong gustong gawin. Halos magkandaugaga ako sa pagtitingin ng oras. It’s already 10 a.m. Grabe! Ganito katagal ako natulog? Sabagay, pagod ako sa lakad namin kagabi, tapos idagdag pa ang pagtatalik namin na inabot ng limang rounds.Mabilis akong tumayo upang maghilamos. Itatanong ko nalang kila manang kung anong oras umalis ang asawa ko. “Nami! You’re still sore, napakadumi talaga ng







