LOGIN“Ate, kakain na tayo,” wika ni Diday, ang nakababata at pangatlo sa kanilang magkakapatid. Alanganing tinapunan nito ng tingin ang lalaking wala pa ring malay.
“Ate, ’di ba sabi ni Nanay, linisan mo ’yan?” dagdag pa nito. “Ikaw na kaya ang maglinis sa lalaking ito, Diday,” alanganing tugon niya. Napakamot naman sa ulo ang kapatid at napanguso pa dahil sa sinabi niya. “Ate naman, ikaw na. Ikaw ang inutusan ni Nanay, e,” reklamo nito bago tuluyang umalis sa pinto. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago naglakas-loob na linisin ang lalaki. Sa unang hawak pa lang niya rito, biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso—parang tambol na dumadagundong sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang nilinis ang mga kamay at braso nito. Sinunod naman ang mukha, na puno ng galos, pasa, at putik. May malaking sugat din sa bandang noo, kaya’t maingat niyang ipinunas ang maligamgam na tuwalyang basa. Halos pigil-hininga siya sa takot na baka magising ito, ngunit nakahinga rin ng maluwag nang matapos. Pagtingin niya sa basang damit ng lalaki, napakamot siya sa ulo. Sa laki nito, tiyak niyang hindi niya kayang palitan. Kaya lumabas siya ng kwarto at tinawag ang ama. “Tay, basa ang kanyang damit. Hindi ko po kakayanin kung ako ang magpapalit,” aniya sa ama, na nakaupo sa bangkong kawayan habang umiinom ng mainit na kape. Agad itong tumayo. “Tapos mo na ba siyang linisin?” “Opo, Tay. Pagpapalit na lang po ng damit ang kailangan.” “Kumain ka na. Ako na ang bahala sa pagdadamit,” sagot ng ina. Umupo siya sa tabi ng kapatid niyang si Alora na abala sa pagkain at nagsimulang kumain. “Sino kaya ’yung lalaking ’yon, Nay? Mukhang hindi taga-rito,” tanong ni Lowell. Mariing umiling si Aling Mercedes. “Hindi ko alam. Baka dayo lang dito sa atin. O baka naman naligaw dahil sa lakas ng ulan.” “Lowell, samahan mo ako sa tindahan,” sabi ni Tatay Victor na kakalabas lang mula sa kwartong kinaroroonan ng estranghero. Kinuha nito ang sombrero na nakasabit sa likod ng pintong kawayan at isinuot. Medyo malayo ang tindahan mula sa kanilang bahay, at kapag maulan ay napakahirap bumili lalo na’t maputik ang daan. “Bakit po, Tay? May nakalimutan pa po ba tayong bilhin kanina?” tanong ni Lowell, minamadali ang pagkain. “Wala tayong gamot dito sa bahay. Nilalagnat ’yung lalaki. Kailangan niyang uminom ng gamot,” sagot ni Mang Victor. Pagkatapos kumain ni Lowell ay agad silang umalis upang bumili ng gamot. Naiwan naman siya, ang ina, at ang anim na maliliit pa niyang mga kapatid sa hapag-kainan. “Ano kaya ang nangyari sa lalaking ’yon, Nay?” tanong ni Diday. “Hindi ko alam, anak. Baka sa lakas ng ulan ay naligaw dito. Alam n’yo naman, mahina man o malakas ang ulan, delikado at madulas ang daanan sa atin,” paliwanag ni Aling Mercedes. “Kawawa naman, Nay. Kita ko kanina, ang daming sugat at pasa niya sa mukha at katawan,” sabad ni Kokoy, ang pang-apat sa magkakapatid. “Kaya nga. Mabuti na lang at nakita ng tatay at kuya n’yo,” tugon ni Aling Mercedes. “Sige na, tapusin n’yo na ang pagkain at maglinis bago matulog.” Tapos na rin siyang kumain, kaya nagtungo siya sa kabilang silid-tulugan. Naglatag siya ng banig at mga unan. Pinagdikit-dikit na lamang niya ang mga ito dahil kapos sila sa gamit. Katatapos lang niya nang sunod-sunod na dumating ang mga kapatid at nag-uunahan sa paghiga. Agad pumuwesto si Jenny, ang pang-pito, sa unahan, ngunit sumiksik din doon ang bunsong si Lucy. Nag-agawan ang dalawa. “Dito ako, Lucy! Humanap ka ng iba,” yamot na sambit ni Jenny. “Dito ako, Ate! Alis ka!” giit naman ng bunso. Napabuntong-hininga siya. Madalas ganito ang eksena tuwing oras ng pagtulog. Siguro’y dala ng pagiging bata pa ng mga ito at halos magkakasunod ang pagitan ng edad. Maliban na lang sa kanya at kay Lowell, na may apat na taong pagitan. Siya ay bente dos na, samantalang si Lowell ay disiotso. “Oy, oy, walang mag-aaway,” saway niya. Agad tumigil ang dalawa. “Jenny, ikaw na ang magbigay,” sabi niya, kahit nakasimangot pa rin ang bata. Napakamot ito ng ulo. “Ate, ako ang nauna, e.” “Alam ko. Pero ikaw ang mas matanda kay Lucy, kaya magbigay ka na. Hayaan mo, kapag gumaling at nakaalis na ’yung lalaki sa kwarto ko, doon ka na matutulog,” aniya, nakangiti, pampalubag-loob. Napanguso si Jenny pero tumayo rin at ibinigay ang pwesto. “Sige na nga. O, Lucy, narinig mo ’yon. Doon na ako sa kwarto ni Ate kapag wala na ’yung mamang lalaki.” Nakangiting tumango si Lucy. “Sige na, magsipagtulog na kayo,” dagdag niya. Agad sumunod ang mga bata, kanya-kanyang higa at maya-maya’y nakatulog na. Siya naman ay nagtungo sa kusina, kung saan abala ang kanyang ina sa pagliligpit ng pinagkainan.Chapter 11 “P-para sa akin ang lahat ng ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Elaina sa asawang si Arkin habang nakatingin sa iba’t ibang klase ng school supplies. Nai-excite siya sa mga maaaring magawa roon. Nakangiting tumango sa kanya ang asawa. “Yes. Para sa’yo ang lahat ng iyan, Mahal.” Nakangiting sagot ni Arkin sa asawa. Masayang nilapitan ni Elaina ang mga kagamitang pang-eskwela. Inisa-isa niya iyong hawakan. Kahit hindi man sabihin sa kanya ni Arkin, alam niyang mamahalin ang mga kagamitang binili nito para sa kanya. Hindi man siya marunong bumasa, ngunit kahit paano ay marunong siyang tumingin sa kalidad ng mga gamit. “Nagustuhan mo ba, Mahal?” Malambing na tanong sa kanya ni Arkin. Nakangiti siyang tumango sa asawa. Para siyang isang paslit na nabilhan ng laruan ng magulang. Sobrang saya niya dahil unti-unting natutupad ang mga pangarap niya. Kinuha niya ang isang lapis at notebook. Excited siyang masulatan iyon. Ngunit agad din niya iyong binitawan at b
(Donya Octavia) Pabalang niyang ibinato ang mamahaling bag sa kama. Galit na galit siya. Kalat na-kalat na kasi ang balita na nagpakasal ang kaisa-isang anak niyang si Arkin sa isang mahirap, hindi lang iyon, kundi sa isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat. “Hindi maaari ito, Minandro. Kumakalat na ang katangahang ginawa nang anak mo. Kailangan mapatay natin ang isyu tungkol kay Arkin. Kung magpapatuloy ito at malalaman ng mga tao—lalo na ng mga ka-negosyo natin—ang totoo, at hindi iyon maaari! Pagtatawanan tayo ng mga ka-negosyo natin, Minandro Magiging mababa ang tingin sa atin ng mga tao! At iyon ang ayaw kong mangyari.” Malalim na bumuga ng hangin ang matandang Don, at napailing sa kawalan. “Ano ka ba naman, Octavia? Mas importante pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nang anak mo? Kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dahil iyon ang totoo.” Mahinahon ang sagot ni Don Minandro sa asawang paroon-parito ang gawa. K
Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?” masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango. “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,” ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot. Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya. “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.” “And how can I do that? You kn
Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda. “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.” Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling. “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.” Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon. “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.” Napailing na lamang sa kanya si Manang. “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?” Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m
Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din silang hindi nagkita ng asawa. Bakit ganoon, imbes na siya ang unahin nito, hindi—dahil may iba pala itong kasama sa pag-uwi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda sa asawa. May tiwala siya kay Arkin. Isa pa, pinanghahawakan niya ang mga sinabi nito sa kanya. Sunod-sunod na pagbuntong-hininga ang kanyang ginawa at nagdesisyon na muling bumaba upang salubungin ang kanyang asawa. Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa malawak na sala ay wala na roon ang kanyang asawa, maging ang babaeng kasama nito ay wala din doon. Nagtungo siya sa kusina at doon niya naabutan ang mayordomang si manang Erma. “Ikaw pala, Elaina, may kailangan ka ba?” Nakangi
Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila ito. Ang pagbisita ni Arkin nang minsan ay nasundan pa ng maraming beses. Kalaunan, naglakas-loob itong magtapat ng damdamin sa kanya. Subalit dahil sa malaking agwat ng kanilang estado at uri ng pamumuhay, tinanggihan ng dalaga ang panliligaw ni Arkin—kahit pa hindi na niya maitatangging may nadarama na rin siya para sa binata. “Kayraming babae riyan na kasing-lebel mo—mayayaman, magaganda, at higit sa lahat, edukada. Bakit ako? Na simula’t sapol alam mong hindi marunong sumulat at bumasa? Bakit ako, na isang anak-mahirap at mangmang?” ani Elaina kay Arkin, lihim na nasasaktan sa pagtanggi sa pag-ibig na buong pusong iniaalay sa kanya ng binata. Buong akala niya ay titigil na sa pan







