Home / Romance / Ang Asawa Kong No Read No Write / Chapter:2(FLASBACK)KUNG PAANO NAGKAKILALA SI Arkin at Elaina.

Share

Chapter:2(FLASBACK)KUNG PAANO NAGKAKILALA SI Arkin at Elaina.

Author: Miss Jesszz
last update Huling Na-update: 2025-09-10 14:35:19

Malakas ang ulan. Tila may sama na naman ng panahon.Hindi mapakali ang nanay ni Elena na si Aling Mercedes. Maya't maya ang pag tanaw na ginagawa nito sa bintana nila na gawa sa kawayan. Gumagabi na pero hanggang ngayon ay wala pa ang tatay niya at ang nakababata niyang kapatid na si Lowell.

"Nay,maupo ho muna kayo. Baka po sumilong lang sina tatay,kaya wala pa. "

Pang lilibang na wika niya sa kanyang ina na bakas sa mukha ang pag aalala.Malalim itong humugot ng hininga.

"Hindi ko maiwasan ang hindi mag alala. Malakas ang ulan,Elena,Baka kung ano na ang nangyari sa tatay at kapatid mo."wika nito. Nilapitan niya ang ina at dinala ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Pinaupo at kinalma niya ang ina.

“Nay,tama na po ang pag-aalala. Baka mamaya atakihin na naman kayo sa puso.”pang-aalo niya sa Ina. Saka ikinuha niya ng tubig ang ina sa tapayan.Maging siya man ay nag-aalala na din sa kanyang ama at kapatid.Hindi lang niya pinahahalata sa ina. Bakit nga ba wala pa ang kanyang itay at ang kapatid niya. Nasaan na ba ang mga ito?Sa tinagal-tagal na naglalako ng mga aning gulay at prutas ng kanyang ama sa bayan ay ngayon lang ito ginabi.

“Nay,inumin n’yo po muna itong tubig.”ani niya sa kanyang ina na hindi parin mapakali kahit nakaupo na ito ay panay pa din ang dungaw sa bintana. Kinuha nito ang tubig at sunod-sunod na nilagok iyon.

Makalipas ang isang oras na paghihintay ng sa di kalayuan ay may natanaw sila na ilaw na nanggaling sa isang flashlight.

Sabay pa silang na patayo ng kanyang ina ng mapag tanto na sa kanilang bahay ang tungo ng ilaw na natatanaw nila.

“Iyan na siguro ang ama at kapatid mo,” ani Aling Mercedes, na hindi na nakapagpigil pa. Kahit malayo pa ang ilaw na papalapit, nagmamadali na niyang binuksan ang pinto ng kanilang bahay.

Hindi nga nagkamali ang kanyang ina. Ang kanyang ama at kapatid na si Lowell nga ang dumating. Ngunit kapwa sila nagtaka nang makita na may isa pa silang kasamang lalaki—isang walang malay na tao. Magkatuwang itong buhat ng kanyang tatay at kapatid. Nagkatinginan sila ng kanyang ina, parehong naguguluhan.

“Diyos ko, Victor! Bakit ngayon lang kayo? Nag-alala ako ng sobra sa inyo,” ani Aling Mercedes, nanginginig ang tinig.

“Pwede ba, paraanin n’yo muna kami ni Lowell,” tugon ng kanyang ama, basang-basa rin ng ulan. Nilakihan ni Aling Mercedes ang pagkakabukas ng pintuan.

“Sino ba ’yan, Victor? Tsaka bakit walang malay?” usisa nito, habang nakasunod sa kanyang itay.

Dinala ng kanyang ama ang walang malay na lalaki sa kwarto ni Elena.

“Elena, maglatag ka ng banig. Dito na muna siya, sa kwarto mo, habang wala pang malay,” utos ng kanyang itay.

Agad naman siyang tumalima. Habang naglalatag, panaka-naka ang sulyap niya sa lalaking hindi pa rin nagigising. Basang-basa ito ng ulan, at halatang dumaan sa matinding hirap—may mga pasa at sugat sa katawan. Sa kabila ng itsurang iyon, hindi maikakailang may anyo ang lalaki. Maputi ang balat, may mala-mestisuhing features, mahahabang pilik-mata, at matipuno ang pangangatawan. May katangkaran pa ito, parang mga modelong nakikita lamang niya sa magasin. Sigurado siya—dayo ito sa kanilang lugar.

Matapos mailatag ang banig, maingat na inihiga ng kanyang ama at kapatid ang lalaki.

“Hindi ko rin kilala, Mercedes. Nakita lang namin siya ni Lowell sa kakahuyan, walang malay,” paliwanag ng kanyang ama.

“Sigurado akong dayo ito rito. Kakaawa naman ang sinapit niya,” saad ni Aling Mercedes. May dala-dala na itong basang tuwalya at maligamgam na tubig na agad niyang iniabot kay Elena.

“Ano po’ng gagawin ko dito, Inay?” inosente at takang tanong ng dalaga.

“Linisin mo na, anak. Aasikasuhin ko muna ang tatay at kapatid mo,” tugon ng ina bago tuluyang lumabas ng silid, kasama ang mag-ama.

Hindi niya malaman ang gagawin. Nakatitig lamang siya sa walang malay na lalaki, sabay kamot ng ulo. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang lumabas si Aling Mercedes, ngunit hindi pa rin niya magawa ang paglilinis dito.

Hanggang sa sumilip sa silid ang kanyang kapatid.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:19

    Hapong-hapon na nang matapos si Elaina sa paglilinis. Masakit ang kanyang likod at mga braso, ngunit pinili niyang huwag magreklamo. Tahimik niyang inayos ang huling kurtina at saka muling tiningnan ang kabuuan ng silid. Malinis. Maayos. Walang kapintasan. Malalim siyang humugot ng hininga. Sa nakikita niya, maayos na nagawa niya ang paglilinis ng guest room. Marahil hindi na siya masi-sermonan ni Donya Octavia. Marahang bumukas ang pinto. Napalingon siya. Napatigil si Arkin sa may entrada ng guest room. Nakasuot pa rin ito ng coat, tila kagagaling lamang sa kung saan. Ngunit ang mga mata nito—agad bumagsak sa kanya. “At bakit ikaw ang naglilinis nito?” Kunot na kunot ang noo tanong sa kanya ni Arkin. Mababa ang boses nito, ngunit nasa tinig nito ang pagtataka. Nagulat siya. “A-Arkin… kanina ka pa?” Hindi ito sumagot. Lumapit ito, mabagal ang hakbang. Tumingin ito sa kanyang mga kamay—may bahid pa ng panlinis. Sa kanyang noo—may manipis na pawis. “Sino ang nag-utos sa’yo?”

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:18

    Dumiretso siya sa dining area. Tamang-tama, naroroon si Manang Erma. Naglilinis ito ng ibang pinagkainan na sa hula niya ay pinagkainan iyon ni Donya Octavia. “Magandang umaga po, Manang Erma.” Nakangiting bati niya sa mayordoma. “Magandang umaga naman, iha. Kakain ka na ba? Sandali lamang at ipaghahain na kita,” tanong nito at akmang titigil sa pagliligpit ng mga nagamit na plato. Ngunit mabilis niya itong pinigilan. Kaya na naman niyang gawin iyon. “Manang, ako na po. Ipagpatuloy ninyo na lang po ang ginagawa ninyo.” “O, sige. Ikaw ang bahala. Kung gusto mo ng kape, may brew na doon sa countertop,” saad nito at muling pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit. Kumuha siya ng plato at sumandok ng pagkain. Kumuha na rin siya ng kapeng mainit at nagsimula nang kumain. “Manang, si Arkin po?” Hindi niya napigilang magtanong kay Manang Erma. “Ah, si Senyorito—” “Kanina pa nakaalis ang hinahanap mo. May importante silang pupuntahan ngayon ni Priea. At ikaw? Kagigising mo lang? Ha

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   CHAPTER:17(SPG SEXUAL CONTENT!!!(

    “Ah… asawa ko!…” Hindi mapigilan ang halinghing ni Elaina nang ipasok ni Arkin ang pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae at ang sunod-sunod na pag-ulos na ginawa nito sa kanyang loob. Hindi niya malaman kung saan niya ipapaling ang sariling ulo. Halos ibaon na niya ang sariling katawan sa malambot na kama dahil sa sarap at kaluwalhatiang pinapalasap sa kanya ng asawa. Hindi pa nga ito nakontento sa pag-ulos na ginagawa sa kanya; gumapang ang kanang kamay nito sa kanang dibdib niya at saka minasahe ang kanyang bundok. Nilaro-laro nito ang kanyang nipple. Halos mapaliyad pa ang likod niya nang sakupin ng bibig nito ang kaliwang ituktok niya at saka mapang-akit na dinilaan iyon. Dahil sa ginagawa ng asawa ay napasabunot siya sa buhok nito. “Ah… A-Arkin… Ah…” Halinghing na muli ang tawag niya sa pangalan ng asawa. Halos tumirik ang mata niya dahil sa sarap na ginagawa nito sa kanya. Bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya ay nagbibigay ng kakaibang sarap na hindi niya kayang ipaliwa

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:16

    “P-pasensya na po kayo, Manang. Pati kayo, nagtatalo na dahil sa akin,” hingi ng paumanhin ni Elaina kay Manang Erma. Tigas na pag-iling ang ginawa ng matandang mayordoma sa kanya.“Wala kang dapat hingin ng pasensya, Elaina. Sila ang dapat na humingi ng pasensya sa’yo dahil sa maling asal at pakikitungo nila sa’yo.”“Oo nga, Elaina. Sumosobra na kasi iyang kamalditahan ni Doray. Abay kung magsalita, akala mo kung sino dito sa pamamahay. Eh isang hamak na muchacha lang naman siya. ’Di hamak na mas may karapatan kang magsungit dahil asawa ka ni Senyorito,” gatong na saad ni Arlene sa sinabi ni Manang Erma.Malungkot siyang ngumiti sa mga ito at ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain, kahit nawalan na siya ng gana dahil sa eksenang nangyari kanina. Matapos kumain ay nagpasya na lamang siyang maligo. Medyo nanlalagkit na rin kasi ang katawan niya dahil sa pagtanggal ng mga damo sa paso kanina.Ilang minuto lang din ang itinagal niya at agad na rin siyang lumabas ng banyo. Nagulat pa si

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:15

    Buong akala niya, pagpasok ng mansyon ay matatahimik na ang kalooban niya. Buong akala niya ay nakaalis na si Priea, ngunit nagkamali siya nang maabutan ito sa malaking sala ng mansyon. Prente itong nakaupo roon, animoy isang prinsesa. Nakapaskil sa mukha nito ang saya. Tumatawa ito habang magiliw na kinakausap ang kanyang asawa.Napalunok siya. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Tama nga sina Doray at Sonia. Wala siyang panama sa dating kasintahan ng kanyang asawa. Mayaman, maganda, higit sa lahat, edukada at may pinag-aralan. Maipagmamalaki nga naman ito ni Donya Octavia kung ito ang naging asawa ni Arkin. Hindi mahihiya ang donya na iharap ito sa mga sosyal na kaibigan at mga kasosyo sa negosyo.Kaya sa kabilang banda, hindi rin niya masisi si Donya Octavia kung mas gusto nito si Priea kumpara sa kanya na mangmang, no read no write pa. Hindi nga naman siya maipagmamalaki ng pamilya Delavega dahil sa pagiging walang pinag-aralan niya.Dahil sa mga negatibong iniisip ay unti-unti

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:14

    Dahil sa mga narinig mula sa mga kasambahay ay minabuti niyang huwag na lamang munang pumasok sa dining area. Alam naman niya na kahit ang mga ito ay maliit ang tingin sa kanya. Dahil lang sa hindi siya nakapag-aral—hindi marunong bumasa at sumulat. Tanging si Manang Erma lamang ang tunay na nagmamalasakit sa kanya. Si Manang Erma at si Arkin lamang. Isinuyo na lamang niya kay Arlene ang dala niyang juice at sandwich na para sana kay Arkin. Tumungo siya sa likod ng mansyon at doon ay inayos ang mga halaman. Inabala niya ang sarili sa pagbubunot ng mga damo sa bawat paso. Sa ganitong gawain lamang naman siya sanay—mga gawaing nakasanayan niya sa bukid noong nasa probinsya pa siya. Nalibang siya nang husto. Hindi niya namalayan ang oras hanggang sa tawagin siya ni Arlene. “Nandiyan ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Senyorito Arkin.” Saad nito habang kunot-noong tinitingnan ang kanyang ginagawa. “Ganoon ba? Tapos na ba ang pag-uusap nila ni Donya Octavia?” Naninigur

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status