LOGIN“Nay, ako na po diyan. Matulog na po kayo,” alok niya sa inang abala sa paghuhugas ng mga plato.
“Ako na. Tingnan mo na lang ’yung lalaki sa kwarto mo. Punasan mo ulit ng basang towel, baka tumaas pa ang lagnat,” utos ni Aling Mercedes na ipinagpatuloy ang paghuhugas. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Ayaw man niyang gawin, wala siyang magagawa—utos iyon ng ina. Ewan ba niya kung bakit, ngunit tuwing napapalapit siya sa estranghero, bigla na lang bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Parang nakukuryente siya kapag nagtatama ang balat nila. Malalim siyang humugot ng hininga bago kinuha ang isang malinis na tuwalya. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig at nilagyan ng kaunting alcohol. Pagkatapos ay marahang idinampi sa noo ng lalaking may mataas na lagnat. Hindi niya namalayang napapatitig na pala siya sa mukha nito. Dahil sa kaba at pagmamadali kanina, hindi niya napansin ang maamong anyo ng lalaki—matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahahaba at nakapirming pilik-mata, at makinis na balat na para bang hindi man lang tinubuan ng tagihawat. Mas lalo tuloy siyang nakumbinsi na dayo ito. Hindi man siya marunong bumasa at sumulat, marunong naman siyang kumilatis ng tao. At sa tingin niya, ang lalaking ito ay hindi nila kagaya—hindi salat sa buhay. Mula pa lang sa suot nitong damit, halatang maayos ang pinagmulan. Patapos na sana niya itong punasan nang sumulpot si Tatay Victor, may hawak na plastik. Nilapag nito sa tabi niya ang laman—mga gasa, betadine, at ilang gamot. “Ikaw na muna ang tumingin-tingin diyan. Medyo masama na rin ang aking pakiramdam. Pasasamahan na lang kita kay Lowell,” wika ng ama. Gusto sana niyang tutulan, ngunit bakas ang pagod sa mukha nito. Kaya nanahimik na lamang siya. Siguro naman, hindi masamang tao ang lalaking ito.KINABUKASAN, maagang tumungo sa barangay si Mang Victor upang ipagbigay-alam ang tungkol sa lalaking natagpuan nila kahapon sa kakahuyan. “Elaina, kapag mataas pa rin ang lagnat noong tao, punasan mo lang. At kung magising man, mas mainam na pakainin at painumin mo na rin ng gamot,” bilin ni Mang Victor bago nagmamadaling inubos ang kape. Kinuha nito ang sombrero sa likod ng pintong kawayan at umalis na patungong barangay. Malalim ang naging paghinga niya. Tanging siya lamang ang tao ngayon sa kanilang bahay—kasama ng lalaking hindi naman niya kilala. Nahaplos niya ang sariling braso. Paano kung masamang tao ang sinagip nina Tatay at Lowell? Napalunok siya sa naiisip. Uso pa naman ngayon ang mga gumagalang masasamang loob. Wala siyang kasama ngayon. Si Aling Mercedes ay maaga pang pumunta sa ilog upang maglaba ng mga nabasang damit dahil sa lakas ng ulan kahapon. Ang mga nakababata naman niyang kapatid ay nasa paaralan na. Natigil siya sa paghuhugas ng mga plato nang makarinig ng pag-ingit na nanggaling mula sa kanyang kwarto. Hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa dibdib, kaya kinuha niya ang may kaulingan na kawali at iyon ang binuhat papunta sa silid kung saan naroroon ang lalaki. Dahan-dahan ang naging hakbang niya. Nang makarating sa pintuan, marahan niyang binuksan iyon—at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaki. Nasa ibaba na ito ng katre at nakasubsob ang ulo sa sahig. Sa pakiwari niya’y nahulog ito. Mabilis siyang kumilos, agad binitiwan ang kawali at nilapitan ang lalaking hirap sa pagtayo. Isinampay niya ang braso nito sa kanyang balikat. Ngunit may kalakihan ang lalaki, kaya alam niyang mahihirapan siya. Wala na siyang magagawa pa dahil wala namang ibang tao ngayon sa bahay. Tama nga ang kutob niya—mabigat ito. Sa unang pag-alalay pa lang niya, pareho silang natumba. “Aray ko!” malakas niyang sambit nang tumama ang ulo niya sa kawayan, haligi ng katre. “I’m sorry, miss. I didn’t mean—Ouch!” Hindi na natapos pa ng lalaki ang iba pang sasabihin dahil biglang dumugo ang sugat nito sa noo. Nataranta siya. Agad siyang bumangon at hinila ang braso ng lalaki upang makatayo rin ito. Mahirap man, kinaya niya. Dahan-dahan niya itong inupo sa gilid ng katre, saka nagmamadaling kinuha ang gasa, betadine, at pinalitan ang benda sa noo nito.Chapter 11 “P-para sa akin ang lahat ng ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Elaina sa asawang si Arkin habang nakatingin sa iba’t ibang klase ng school supplies. Nai-excite siya sa mga maaaring magawa roon. Nakangiting tumango sa kanya ang asawa. “Yes. Para sa’yo ang lahat ng iyan, Mahal.” Nakangiting sagot ni Arkin sa asawa. Masayang nilapitan ni Elaina ang mga kagamitang pang-eskwela. Inisa-isa niya iyong hawakan. Kahit hindi man sabihin sa kanya ni Arkin, alam niyang mamahalin ang mga kagamitang binili nito para sa kanya. Hindi man siya marunong bumasa, ngunit kahit paano ay marunong siyang tumingin sa kalidad ng mga gamit. “Nagustuhan mo ba, Mahal?” Malambing na tanong sa kanya ni Arkin. Nakangiti siyang tumango sa asawa. Para siyang isang paslit na nabilhan ng laruan ng magulang. Sobrang saya niya dahil unti-unting natutupad ang mga pangarap niya. Kinuha niya ang isang lapis at notebook. Excited siyang masulatan iyon. Ngunit agad din niya iyong binitawan at b
(Donya Octavia) Pabalang niyang ibinato ang mamahaling bag sa kama. Galit na galit siya. Kalat na-kalat na kasi ang balita na nagpakasal ang kaisa-isang anak niyang si Arkin sa isang mahirap, hindi lang iyon, kundi sa isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat. “Hindi maaari ito, Minandro. Kumakalat na ang katangahang ginawa nang anak mo. Kailangan mapatay natin ang isyu tungkol kay Arkin. Kung magpapatuloy ito at malalaman ng mga tao—lalo na ng mga ka-negosyo natin—ang totoo, at hindi iyon maaari! Pagtatawanan tayo ng mga ka-negosyo natin, Minandro Magiging mababa ang tingin sa atin ng mga tao! At iyon ang ayaw kong mangyari.” Malalim na bumuga ng hangin ang matandang Don, at napailing sa kawalan. “Ano ka ba naman, Octavia? Mas importante pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nang anak mo? Kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dahil iyon ang totoo.” Mahinahon ang sagot ni Don Minandro sa asawang paroon-parito ang gawa. K
Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?” masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango. “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,” ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot. Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya. “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.” “And how can I do that? You kn
Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda. “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.” Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling. “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.” Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon. “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.” Napailing na lamang sa kanya si Manang. “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?” Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m
Imbes na bumaba at salubungin niya ang asawa ay nagmamadali siyang bumalik sa kanilang kwarto ni Arkin. Nasapo niya ang sariling dibdib. Tila nanlambot siya sa nakita niya. Alam niya na gentleman ang asawa niya, pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos. Lalo pa at dalawang linggo din silang hindi nagkita ng asawa. Bakit ganoon, imbes na siya ang unahin nito, hindi—dahil may iba pala itong kasama sa pag-uwi. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda sa asawa. May tiwala siya kay Arkin. Isa pa, pinanghahawakan niya ang mga sinabi nito sa kanya. Sunod-sunod na pagbuntong-hininga ang kanyang ginawa at nagdesisyon na muling bumaba upang salubungin ang kanyang asawa. Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa malawak na sala ay wala na roon ang kanyang asawa, maging ang babaeng kasama nito ay wala din doon. Nagtungo siya sa kusina at doon niya naabutan ang mayordomang si manang Erma. “Ikaw pala, Elaina, may kailangan ka ba?” Nakangi
Mapait siyang napangiti nang maalala kung paano niya nakilala ang asawang si Arkin. Naaksidente ito, at sa kabutihang-palad ay nakita ng kanyang ama at kapatid. Nang gumaling ang lalaki, inakala niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit laking gulat niya nang isang araw ay naging bisita nila ito. Ang pagbisita ni Arkin nang minsan ay nasundan pa ng maraming beses. Kalaunan, naglakas-loob itong magtapat ng damdamin sa kanya. Subalit dahil sa malaking agwat ng kanilang estado at uri ng pamumuhay, tinanggihan ng dalaga ang panliligaw ni Arkin—kahit pa hindi na niya maitatangging may nadarama na rin siya para sa binata. “Kayraming babae riyan na kasing-lebel mo—mayayaman, magaganda, at higit sa lahat, edukada. Bakit ako? Na simula’t sapol alam mong hindi marunong sumulat at bumasa? Bakit ako, na isang anak-mahirap at mangmang?” ani Elaina kay Arkin, lihim na nasasaktan sa pagtanggi sa pag-ibig na buong pusong iniaalay sa kanya ng binata. Buong akala niya ay titigil na sa pan







