Share

Girls Night Out

"Coleen anak? Bat ngayon ka lang, tagal mo ata nagjogging ah." Sabi ni Mrs Lucia ng makita ang anak. Halos 6:30 na kasi ito nakauwi.

"Dont tell me nagjogging ka na yan lang ang suot mo Coleen Brylle?!" Ang Daddy naman nito ang nagsalita.

"Dad? This? Pinatungan ko ito ng sweat jacket kanina kaso may babaeng tatanga tanga na di tumitingin sa daanan kaya nagkabanggan kami at nabuhusan siya ng kape, kaya yun. I have no choice but give her my jacket. Nabuhusan kasi ng coffee yung shirt niya."

Nakasimangot na sagot niya.

"Akala ko naman yan lang suot mo anak." Sabi ulit ng Mommy niya.

"Sabagay okay lang naman, para magka boyfriend na ang anak natin. Hehehehe!" Nakangiting sabi ni Enrique.

"Daddy?! Ano ba naman kayo.."

"Oo nga naman anak, aba 25 kana diba? Malapit kana mag 26. Wala ka pa rin bang boyfriend anak? Si Kuya mo nga dalawa na ang pamangkin mo dun at magtatatlo na.." Dagdag na sabi ng Mommy niya na lumapit pa sa sa kanya.

"Here we go again. I told you I'm not ready for that, saka napakarami ko pang inaasikaso ngayon." Naiinis na sabi ni Coleen habang pasalampak na umupo sa harap ng mesa.

"Concern lang kami ng Mommy mo Coleen, aba mamaya niyan tumandang dalaga ka.. You're not getting any younger anak.. Why dont you try to date someone.."

"O baka naman lesbian ka Coleen? Parang wala ka pa ata talagang nagiging boyfriend.." Tanong ulit ng Mommy niya na halos ikasamid ni Coleen na kakatapos lang uminom ng tubig.

"Seriously Mom?? You think i'm a lesbian? God!! What's with you guys. Lagi niyo na lang akong pinoproblema, di lang talaga ako handa pa." Sabi ni Coleen na namumula pa na napainom ulit ng tubig.

"Why? I think there's nothing wrong with being a lesbian.. Pwede pa rin naman yun magkaanak kasi advance na ang technology ngayon diba hon? Di naman kami magagalit hija.. Just tell us if..."

Natatawang biro ng Daddy niya.

"For heavens sake Mom, Dad?! Naririnig niyo ba ang mga sarili niyo?? Kadiri! Mag aasawa ako o magbubuntis kung kelan ko gusto. Gosh! I cant believe you guys!" Naiiling na sabi ni Coleen.

Tinawanan lang naman siya ng Mommy at Daddy niya saka umupo sa tabi niya.

"We're just concern hija, nagkaka edad kana rin aba.. Wala ka na ring ginawa kundi magtrabaho.. Di ka na nga namin pinipilit na hawakan ang ibang kumpanya natin diba? Mahal na mahal ka lang namin Coleen.." Paliwanag ng Daddy niya.

"Saka curious kami kung anong magiging apo namin sayo anak.. Malay natin siya na ang susunod sa Daddy mo para hawakan ang kumpanya, ayaw ng Mommy niya eh.. Hahahaha!" Pang aasar naman ulit ng Mommy ni Coleen.

"Waaaaaaa! Mommy?! May apo na kayo di ba? Dalawa pa nga at magiging tatlo na rin dahil naglilihi na si Ate Grace.. Wag ngang ako ang kinukulit niyo. Wala pa nga akong makitang mapapangasawa anak agad."

At nagtawanan ulit ang mag asawa habang inis na inis naman si Coleen.

"Namiss ka lang namin anak, sana di kana umalis. You can always work in our own company. Saka para magkakasama na tayo.."

"In time Dad.."

"Sana nga anak.. Saka bihira ka pa umuwi.. Alam mo naman na miss kana namin.."

"Mom,Dad.. Darating din po tayo diyan.. Kakain na muna ako ha.. Mamaya na ang drama. May lalakarin pa ako mamaya, tapos kailangan ko pa imeet ang mga college friends ko, alam niyo naman yung mga yun.."

Tumango naman ang mag asawa at sinabayan nalang na mag almusal ang anak nila.

Pagkatapos kumain ng agahan ni Coleen ay naligo ulit ito saka nagbihis para asikasuhin ang ilang papeles na dapat pa niyang basahin at pirmahan.

Tinawagan na rin niya ang bestfriends niya para magkita kita sila bago siya ulit umalis ng bansa.

                                           

COLEEN'S POV

Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng inasikaso ko ngayong araw, 6pm na pero andito pa ako sa CBCT Tower habang tinatapos ang mga dapat kong pirmahan sa kumpanya ko. Ang magaling at mabait kasi na si Trish na personal secretary ko ay iniwanan ako, para daw matuto ako at para malaman ko kung gano kahirap yung trabahong iniwan ko sa kanya. Kaya eto, wala akong choice. Maghapon na ata ako dito sa opisina, kung sino sino na rin kasi ang ipinakilala nila sakin, from investors, business partners, stock holders, supplier at kung sino sino pang kilalang tao. Natuwa rin naman ako kasi nalaman ko na di pinabayaan ni Trish ang kumpanya ko.

After lunch sana kami makikita nina Ryan, Meg, Sandy at Alexis mga barkada ko at close friend ever since kaso di ko natapos agad ang trabaho ko. Kaya naman sinabi ko nalang na mauna na sila sa bar ni Meg para dun kami magkita kita at makapag bonding. Lahat sila ay may mga asawa na at ako na lang ang single kaya sigurado aasarin na naman ako ng mga yun.

At dahil di ko pa tapos pirmahan at asikasuhin lahat ng dokumento dito sa opisina ay sinabi ko na lang sa secretary ni Trish na babalikan ko nalang ito bukas. May meeting rin kasi ako bukas para sa closing ng deal namin para sa isang Italian Investor.

Umalis na rin ako sa CBCT Tower saka dumeretso na sa El Greco, ang bar na pag aari ni Meg. Nagpadrive na ako sa isa sa company driver namin at sinabi ko na lang na magtataxi na lang ako pauwi.

Agad naman akong sinalubong sa entrance palang ng bar ng isa sa tauhan ni Meg at iniscortan niya ako patungo sa table nila.

"OMG Brylle!! Napaka ganda at napaka seksi mo lalong babae ka!! Kamusta kana?" Nagtititiling salubong sakin ni Sandy. Kasunod naman sina Alexis at Meg.

"Well, siguro naman ngayon may ipapakilala ka ng boyfriend Coleen??" Si Alexis.

"Akala pa naman namin kaya natagalan ka Coleen e kasi dinaanan mo pa ang boyfriend mo o kasama mo." Sabi ni Meg pagkatapos niya ako halikan.

"Alam niyo? Di pa rin kayo nagbabago. Pinagtutulakan niyo pa rin akong mag asawa e alam niyo naman na wala pa akong time diyan." Nakasimangot na sabi ko.

"So bat ka naman natagalan? Ilang buwan ka na nga naming di nakita tapos late ka na naman, sabi mo pa kanina papunta ka na.." Nagtatampong sabi ulit ni Meg.

"Pwede munang maupo? Pwede ba yun?? Alam niyo namang kakauwi ko lang di ba. Saka napakadami kong dapat asikasuhin sa kumpanya. Aalis na rin kasi ako after few days dahil magpupull out na naman ang barko namin for other destination."

"Hayyy.. Work.Work.Work. You never change Coleen, sa tutuusin di mo naman kailangan niyan eh kasi may....''

"Girls! Andito tayo para magbonding at magsaya okay? Asan na nga pala si Ryan??" Pag iiba ko sa topic habang palinga linga at hinahanap ang isang kaibigan namin. At dahil sa dami ng tao di ko ito makita kita.

"Ilang oras kana kasing late Coleen, ayun.. Nag eenjoy munang nakikipag usap sa other girls sa may dancefloor.." Umiiling na paliwanag ni Alexis habang nakaturo sa kinaroroonan nito.

"So? Tara na para makarami!!" Biglang sabi naman ni Sandy may dala dalang beer habang kasunod nito ang waiter na may dala ring ibat ibang klaseng alak. Di ko lang siguro ito namalayang tumayo kanina.

"Let's get the party started!!!" Halos naman sabay sabay nilang sabi na halos ikabingi ko dahil rin sa dagdag ingay ng sounds sa area.

"Basta konte lang ako girls ha, alam niyo naman ako. Mahina ang alcohol tolerance ko, baka magkalat pa ako dito. Ayoko ng maulit yung nangyari 2years ago." Sabi ko na ikina halakhak naman nila.

2years ago kasi sa ibang bar naman yun, sa sobrang kalasingan ko ay halos naghuhubad pa ako habang  iwinawagayway ko ang alak at nakayapos sa isa sa di ko kilalang lalaki. That was the craziest nightmare na ayoko ng maulit. Kaya naman bihira na talaga ako uminom.

"That was awesome Coleen! Ayaw mo na bang maulit yun? Hahahaha! Miss you Miss Tan.." Sabi ng kakarating lang na si Ryan at nakangiting niyakap ako. Hinapas ko naman ito habang tawa ng tawa pa rin sila.

"This night is for our one and only Single and Workaholic monster friend, Coleen!!"

At sabay sabay naming itinaas ang mga basong may lamang beer.

"CHEEERRRRRRS!!!!" Saka sabay sabay naming inubos ang laman ng mga baso namin.

Masaya kaming nagkwentuhan habang umiinom ng mga kaibigan ko. Puro ako lang naman ang pinag uusapan, tungkol sa barko, sa kumpanya ko at kung ano ano pa.

Alalay lang naman ang pag inom ko dahil talagang ayokong malasing.

Napatigil ako sa pag inom ng marinig kong nagbago ang tunog ng music pati ang ilaw ng buong area. Parang wala lang naman sa mga kaibigan ko dahil tuloy tuloy parin ang mga itong nagkkwentuhan palibhasa kanina pa sila umiinom.

"Meg, what is that? What's happening?" Kalabit ko kay Meg na katabi ko lang naman. Alam kong alam niya kung anong nangyayari dahil siya ang nagmamay ari ng sikat na bar na ito.

Napatingin naman ulit ako sa stage ng magsi akyatan doon ang mga babaeng nagseseksihan at walang pakialam na sumayaw. Wait, parang halos puro babae??

"Marami ng pagbabago sa bar ko Coleen, tagal mo kasing di umuwi e. Those ladies??  Ginawa kasi naming bar exclussive for LGBT party goer itong bar namin kapag tuesday at saturday lang naman. Isa kasi sa kashare ko dito ay isang sikat na Magazine model at sumusulong din sa LGBT Community, kaya yun. At dahil lumakas naman lalo ang kita ng bar kaya itinuloy na namin at mas pinalaki itong bar. Long story.. pero don't worry. Mag eenjoy ka sa mga makikita mo. Hahahaha!" Pabulong na kwento ni Meg.

"And its thursday today.. So watch out Coleen.." Nakangiting dagdag naman ni Sandy na narinig ata si Meg.

Umiling iling na lang ako at iniwasan na lang mapatingin sa center stage.

Di naman ako against sa LGBT Community, pero ewan ko. Siyempre may mga taong di pa rin kayang tanggapin ang ganitong mga klase ng gender preferences di kagaya sa ibang bansa na okay lang.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang cute na babaeng makatitig sakin e wagas.

Cute ng babaeng yun pero sa tantya ko bata pa siya, napakaganda ng batang yun.

Wait. Bat ko ba iniisip yung babaeng yun? Psh! Tatanga tanga. Binunggo pa ako, ang lawak lawak ng daanan eh. Ayoko pa naman sa mga pasaway at tatanga tanga.

Nagyaya na naman ng bottoms up si Ryan kaya naman wala akong nagawa kundi ubusin ang isang baso ng beer na inabot ni Alexis.

Tss. May balak ata akong lasingin ng mga baliw na ito. Marami pa akong gagawin bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status