Share

The Game

JANE'S POV

Andito kami ng tatlong bestfriends ko na sina Yasmin, Wendy at Charlotte sa isang sikat na bar dito sa Makati. Dito kami pumupunta kapag thursday at saturday dahil dito namin nakikilala ang mga nakakalaro at nakakasayaw namin na naggagandahang chicks. Saka older sister kasi ni Wendy ang siyang nagmamay ari ng bar na ito. Isa pa open kasi sa mga LGBT party goers ang bar na ito kaya dito kami nagpupunta para maraming makilalang chicks. Hehe!

At dahil ilang araw na akong na sstress dahil di ko na ulit nakita yung sexy gorgeous na nakita ko sa isang store nung nakaraan, kailangan kong magwine up. Nagyaya rin kasi ang ilan sa mga kaibigan ko, kaya kahit exam namin bukas ay tumakas ako sa bahay para lang makapunta dito. Humanda na lang ako bukas. Kasi siguradong nag uusok na naman ang ilong ni Mommy kapag nalaman niyang lumabas na naman ako ng patakas.

Aantayin lang namin ang action of the night at ang games na ginaganap dito sa bar tuwing midnight. Hehehe! That would be fun!

"Girls, alis ako ng mga 11 ha? May pasok pa naman ako ng maaga sa hotel, kailangan ko magpagood shot andito kasi ang may ari ng hotel kung san ako nagttrabaho e." Sabi ni  Yasmin na halatang medyo may tama na ng alak dahil, nakikipaghalikan na ito kanina dun sa babaeng kakakilala lang din niya dito. Yasmin is one of my closest friend, kahit simple lang ang babaing ito at di mayaman ay isa ito sa pinagkakatiwalaan ko dahil maliit pa lang ako ay malapit na talaga siya sakin. Maliit pa kasi kami nun ng ipinagtanggol niya ako sa lalaking nang agaw ng laruan ko nung naglalaro ako sa park, kaya after that naging magkaibigan na kami, Yasmin is also a bisexual.

"Okay lang yun Yas.. Gusto mo magresign kana lang dun. Ayaw mo kasi magpatulong sakin e.." Pabirong sabi ko.

"Lalong ayoko nga magresign bestie eh! Alam mo bang yung may ari ng  fivestar hotel na pinagtatrabahuan ko ay nakauwi na ulit ng Pilipinas? Saka grabee! Ang hot niya, parang model sa kaseksihan.. Halos maglaway nga ako nung nakita ko eh, halos di ko pa kamo makilala!" Kwento ulit ni Yasmin. Ikinumlas pa nito ang mga kamay para ipaliwanag ang hugis ng katawan ng babaeng kinikwento niya.

"Then why not flirt with her?? " Sabi ko dito habang nakafocus naman ako sa nagsesexyhang sumasayaw sa gitna.

"Ano kaba Jane! May ari yun ng hotel na pinagttrabahuan ko noh! Di lang basta hhotel! Alam mo namang sikat na sikat yung hotel na yun! Alam mo namang pinaghirapan ko talaga makapasok lang ako dun sa hotel na yun. Mawalan pa ako ng trabaho, saka di papatol sakin yun!" Rinig niya sa boses nitong medyo lasing na talaga ito dahil sa way ng pagsasalita niya.

"E bat naging kaibigan moko e diba mayaman at kilala din naman ako? Duhhh!" Pang aasar ko.

"Husssss... Magkaibah naman yun no! Siyempre ikaw yan. At bata palang magkakilala na tayo. Saka napakaseryoso daw nung bos namin na yun sa buhay. Parang mangangain ng tao kapag seryoso. Hahahaha! Pero infairness talaga girl, maladyosa ang beauty."

''Mga bakla! Tara! Let's dance, ang daming hottiesss!"  Biglang yaya naman ni Wendy na hinawakan pa ako sa braso habang umiindak.

"Kayo na lang muna Jane ha, nahihilo na ako. Wait ko nalang kayo dito, wala ako sa mood mangbabae ngayon ee.." Sabi naman ulit ni Yasmin habang iniinom ang tequila sa baso niya.

"Parang wala rin ako sa mood sumayaw Wendy, mamaya na lang.. Samahan ko na muna si Yas.." sabi ko rin.

"Ano ba yan! Bahala nga kayo, basta ako mag eenjoy! Ayokong pinaghihintay ang mga chicks ko eh!" At nawala na ito sa paningin namin.

"Yas, what time ka uuwi? Hatid na kita. Parang gusto ko na rin umuwi. Wala talaga ako sa mood eh." Di nakatinging sabi ko kay Yasmin habang pinaglalaruan ko ang straw sa baso ko.

"Yas alam mo. I never felt like this before.." Kwento ko na pinaglalaruan pa rin ang straw na nasa baso ko.

"Hmmmmm?" Narinig kong tanong niya.

"I just saw a girl inside a convenient store few days before, and bump her accidentally while i'm on my way home that the same day.."

"Then.. After that.. Di na siya maalis sa isip ko.." Tuloy na kwento ko kahit di siya sumasagot. Nakatingin lang din ako sa baso ko habang nagkukwento sa kanya.

"You think Yas i'm inlove with that chick? Parang iba kasi.. She's different from other girls na nameet ko."

"And Yas......."

Tawag ko ulit sa kanya sabay lingon dito pars alugin ito dahil di man lang ito sumasagot sa mga pinagdadaldal ko dito.

"What the fuck Yasmin!! Kanina pa ako nagkkwento dito, todo emote pa ako tapos di ka pala nakikinig!!" Pasigaw na sabi ko sa kanya ng mapansing sa ibang lugar siya nakatingin na parang may tinititigan. Pinitik ko pa ang noo nito para matauhan.

"Araaaaaaaaaayyy!!! Whats that for Jane, fuck! Bat ka ba namimitik!!" Reklamo niya habang hinihimas ang noo.

"You waste my word! Kanina pa ako may sinasabi dito!!"

"J..Jane... I saw my boss.. The owner of the hotel where i'm working... Yung.... Yung knkwento ko kanina...." Pabulol na kwento ng kaibigan ko.

"And so? Who cares?! Kanina pa ako nagsasalita tapos irarason mo lang na nakita mo yang boss mo kuno! May mahalaga pa mandin akong kinikwento!!" Inis na sabi ko. Pano ba naman sobrang nag eemote ako kanina dahil sa nakita kong anghel sa convenient store tapos di pala ako pinapakinggan ng gaga.

"Jane, uwi na kaya ako.. Baka makita niya ako, tapos baka di ako makapasok bukas, baka mamaya matanggalan pa ako ng trabaho.."

"Who the hell is she para tanggalin ka sa trabaho dahil lang sa nakita ka sa bar huh? That's absurd! Sino ba yung sinasabi mo at ako ang mang aaway sa kanya pag ginawa niya yun?!" Naiiritang sabi ko. Uminit bigla ulo ko. Sino ba kasi yung mayabang na boss nito. Kala mo kung sinong mayaman para basta nalang tanggalin ang kaibigan ko.

"Jane.. kase.. Uhm... There.. Andun sila sa may right side. " Sabay turo sa lugar na kinaroroonan nila, di ko naman  sila makita dahil sa dami ng tao kaya naman tumayo ako at hinila ko siya.

"Let's meet the owner of the hotel and your boss." I told Yasmin while dragging her to the table kung saan andun daw ang boss niya. Tingnan natin kung kaya pa niyang tanggalin sa trabaho ang kaibigan ko lalo na pag nakilala niya ako.

"Wait.. J... Jane... wait... Hohyy tekaahh. No!! Ano ba.. Nakahihiya...." Reklamo niya pero wala na siyang nagawa ng hilahin ko pa siya lalo.

"Tingnan natin kung masungit ba talaga yang sinasabi mong Boss pag nakilala na niya ako, san ba dito ha??" Lingon ko kay Yasmin na natigilan habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"Where the heck is your boss huh Yas??" Masungit na sabi ko sa kanya dahil di man lang ito umimik.

"Ohhhh.. Hey.. Ladies.. What do you want? May problema ba? Where's Wendy?" May nagsalita sa may gilid namin, paglingon ko si Ate Meg pala, kapatid ni Wendy.

"Nothing Ate Meg, where just looking for..."

"Ate Meg, ano kase... Ahhh... Ahmm... Miss Coleen... Ahh.. H.. Hi po.. Andito po pala kayo.. " Kandautal ulit na sabi ni Yasmin na parang maiihi.

"Asan na nga kasi Yas! I don't want to waste my time here.." Pagsusungit ko. Nilingon ko naman ang table na kinaroroonan ni Ate Meg at magpapaalam na sana ako para puntahan ang hinahanap namin ng hilahin ako ni Yasmin.

"Wait nga Yas! Ate Meg, we're going.. We need to.... to....."

0_o 😳😍

Kumurap kurap ako para masigurado ang nakikita kong kasama ni Ate Meg sa table niya.

The lady with a brown eyes.. Mga matang di ko makakalimutan dahil sa nangyaring pagtitig ko ng malapitan nung time na magkita kami.

The chick that i accidentally bump a few days before now.

Her cleft chin..

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Di ako pwedeng magkamali. Siya nga yun!! Ang anghel ko. Napakaganda niya talaga kahit dim light lang ang tumatama sa mukha niya.

"Uhmm.. Ate Meg, may hinahanap lang kami.. Ahm... Si Wendy.. Hinahanap namin.. Oo nga po, si Wendy.. Ahh.. Ate Meg,Miss Coleen.. Una na po kami.. Bye po.. Good night!" Di magkaintindihang narinig kong sabi ni Yasmin saka ako naman ang kinaladkad niya paalis.

Teka bat nag goodnight siya? Pero di ko na lang pinansin yun dahil nakangiti akong parang high habang sumusunod kay Yas.

Para akong lutang kaya di ko namalayan na hinihila na niya ako pabalik ng table namin. Di ko na rin narinig ang mga sinasabi nito habang naglalakad kami dahil isa lang ang laman ng utak ko. That lady.

                                          ● ● ●

"Yas, sige na ipakilala mo naman ako dun sa boss mo! Hinila mo kasi ako kanina eh!!"

"Ano ba Jane! Di pwede, iba na lang! Ano na lang sasabihin nun, saka nakasimangot na nga kanina di ba? Di nga ako pinansin nung binati ko siya, baka bukas masesante na ako! Pag nawalan ako ng trabaho bukas, lagot ka talaga sakin!! Bat kasi hinila moko papunta dun! Nakakahiya tuloy!!" Reklamo ni Yasmin habang umiinom ng beer. Tila nawala ata ang lasing nito dahil sa mga nangyari. At pinangmulatan nito ang kaibigan nya na kanina pa siya nasstress sa ginagawa nitong pangungulit sa kanya.

"Yas.. Sige na naman ohh.. I want that girl!" Pakiusap ulit ng makulit na si Jane na ayaw siyang tantanan.

"The girl you are talking about is my boss for goddamn sake Jane! Ano ka ba! Mamili ka na lang, ang daming babae diyan!"

"Oh? Anong problema niyong dalawa?" Singit ni Wendy na kakarating lang at may kasamang babae.

"Alam ko na! "

Biglang pitik ng daliri sa hangin ni Jane.

"Let's talk Wendy! I have a deal with you! Yas! Ikaw na muna bahala sa chicks ni Wendy ha!" At mabilis na hinila nito si Wendy, naiwan namang nagtataka ang dalawa.

"Jane?!!! Waiiit?!" Pero di naman pinansin si Yasmin ni Jane na mabilis ding naglaho sa paningin niya.

COLEEN'S POV

Anong ginagawa ng babaeng yun dito, parang napakabata niya pa para pumunta sa mga ganitong lugar. Saka kilala niya si Meg?

"Meg.. kilala mo yung dalawang babaeng lumapit dito?" Tanong ko.

"Yeah. My younger sisters friends, di ko nga alam bat nandito yun e ang alam ko may exam sila bukas. Alam mo naman ang kapatid ko. Pasaway din."

"So, nag aaral pa ang mga yun, and they ditch their classes just to go and drink in this bar?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

"Kids these days Coleen, alam mo naman. Hayaan mo na. Teka.. Di mo ba kilala yun?" Si Alexis.

"Yeah. Hayaan mo na, kaibigan lang naman yun ng younger sister ko. Mga party goer din. Saka kasama sama ni Wendy sa kalokohan, pagdating lang din naman sa kalokohan e alam mo namang nangunguna yung kapatid ko na yun." Sabi ni Meg habang iniinom ang nasa baso niya.

"That lady with a sophisticated black dress is Jane Mondragon, ang pasaway na apo ng kilalang billionaire. Spoiled brat eh, kaya siguro ganun." Pakilala naman ni Sandy.

"Sino ba namang di makakakilala dun e, sikat na yun kahit san ka pumunta, kabilaan ang billboard, saka apo ba naman ng bilyonaryo.. Dont tell me di mo kilala?"

"No. And i'm not interested with that kid or anybody elses business." Sagot ko naman sa sinabi ni Ryan.

Mayaman pala ha.. Kaya pala spoiled brat. Tsk! Ang bata bata pa pero marunong ng magbabad sa bar, di muna pag aaral ang atupagin.

Sayang, cute pa naman. Natuwa ako ng nakita ko siya ulit pero ng makilala ko siya dahil sa mga kaibigan ko, parang nainis lang ako. Nagulat pa ako ng makita si Yasmin, siya yung receptionist sa hotel ko. Yun yung pagkakaala ala ko. Magkaibigan pala sila huh.

"Ladies and gentlemen!! Let the wild night begin!!"

Napalingon ako sa biglang nagsalita sa center stage.

Napansin siguro ni Meg na nagtataka ako kaya naman ipinaliwanag niya.

"Isa sa pinupuntahan yan dito, relax ka lang.. Just watch the game." Nakangiting sabi nito.

Di ko na lang pinansin ang kasayahang nangyayari sa dance floor, may mga games at iba pang happenings lang daw na nangyayari. Di naman ako interesado kaya naman tumayo na ako para magpaalam sa kanila. Bigla kasi akong nawala sa mood.

"Girls, till next time ha.. Pagod kasi ako.. Basta kita kits tayo bago ang flight ko sa isang araw. Marami pa akong gagawin bukas sa opisina e.. Saka pupuntahan ko pa yung asawa ng Captain namin. May pinapa abot kasi sa kanila ng anak niya.." Sabi ko.

Shit! Oo nga no! Bat ngayon ko lang naalala na kailangan ko nga pala imeet yung asawa ni Cap..

"Mamaya na Coleen, tapusin muna natin ang wild games.."

"Oo nga Coleen.. Sige na, minsan lang eh.." Sang ayon ni Ryan kay Sandy.

"Pagod yang si Coleen ano ba kayo.. Saka 11 na oh.. Alam niyo naman na ganyan yan eh.. Kahit dati pa ipinagpapalit na tayo sa trabaho niya.." Kunwariy nagtatampong si Meg na di naman tumingin sakin.

"Girls, dont be like that... Alam niyo naman na..."

"The tall and sexy lady there with a pink dress, yeah.. Ikaw nga Miss.. Come here." Napalingon ako sa sinabi ng emcee na nakatingin sa akin na itinuro pa ako na ikinataas ng kilay ko. The hell?

Nagsigawan naman ang lahat pati na ang mga kaibigan ko na nagchcheer pa para sakin.

"What?! What is that bitchy girl talking about?!" Naiinis na sabi ko.

"Sige na Coleen, it was just for fun.. Let's just enjoy!!"

"She's coming!!" Sigaw naman ni Sandy sa emcee habang tulak tulak naman ako ni Meg sabay bulong saken.

"Just go with the flow and enjoy, di yung puro trabaho ka."

Di na ako nakapagreklamo dahil hinila na ako ng emcee sa center stage. At parang pulang pula na ako sa hiya, ayoko kasi ng ganito. Yung tipong nasakin lahat ng attention.

Gosh! Ano ba to! Bwisit na mga kaibigan ko, talagang hinayaan ako!!

"So Miss.. What's your name? Tanong ng babaeng nagsasalita na di ko maiwasang tingnan ang suot nito na halos bumuyangyang na ang hinaharap sa laki.

"Coleen." Simpleng sagot ko. Nakita ko naman natuwang tuwa pa ang mga unggoy na kaibigan ko kaya para akong lalong nabwisit. Gagawin ko na lang ito para matapos na kung ano mang kalokohan ito.

"So, Miss Coleen.. Ikaw pala ang maswerteng napili ni Miss Jane para maging partner niya sa isang hot bodyshot game."

What the fu*k?!!! Anong bodyshot?! Sigaw ng utak ko at di ko nalang pinahalata ang pagkabigla ko sa mga pinagsasabi ng bobitang emcee na kaharap ko.

"Ganito lang, apat na partners kayo dito sa stage. At kung sino ang pinakamagaling magbodyshot at kung sino ang mapili ng mga taong nandito dahil sa kanilang unique and hot na way sa pag inom ng wild tequila na ito. Ay sila rin ang  partners na mananalo ng 24hours stay sa Executive suit ng pinakasikat na fivestar hotel na CBCT Glam Hotel."

"Did you hear that guys? CBCT Glam Hotel!" Inulit ulit pa nito habang nagpapacute sa stage.

Ano daw?? Anong kalokohan to?! At sa hotel ko pa talaga, bat may mga ganito!! Di ba nila ako kilala? Ako lang naman ang may ari ng hotel na yun!!  Makausap nga ang supervising unit ko tungkol dito! Grrr! Sasabog sa galit na sabi ng utak ko pero pinanatili ko ang pagiging calm na parang wala lang.

"Okay you may now have 5 minutes to prepare ladies!"

Pagkatapos magsalita ng emcee ay nakita kong lalapit sana si Jane sakin pero mabilis akong pumunta sa table namin at kinompronta ang mga kaibigan ko.

"What the heck is this?! Body shot? God!! Ano ba kayo at isinali niyo ko dito?!" Masungit na sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

"Then you'll just laugh?? Di na nakakatawa to?! Anong body shot?! Saka okay lang ba itong bar mo Meg?! Sa hotel ko pa yung prize?! Bat di ako nainform about this?!"

"Bodyshot lang yun Coleen, wag ka nga maghysterical dyan! Bakit? Tiklop kana dahil lang dun? Akala ko ba kahit ano kaya mong gawin? " Pang aasar naman ni Sandy.

"This is crazyyy!! Tapos kapartner ko pa yong batang yun?! God! Babae kaya yun! What on earth is happening in this bar?!"

"Bata? Hello Coleen Brylle Tan? Dont tell me takot ka sa rich kid na yun? Its just a body shot okay.. para namang re-rapin kana.. hahahaha!" Pang aasar din ni Alexis.

"Dont worry girl, Jane is a totally hot kisser and a bodyshot goddess kaya kung ako sayo sumabay ka nalang, wala namang mawawala eh. One more... Di na bata yun Coleen, marunong na nga yun gumawa ng bata e. Makakauwi ka na rin after that. Hahaha!" Bulong ni Meg sakin na halos magsitayuan ang mga balahibo ko.

"Andito na pala ang partner mo ehhh."

Napalingon ako sa tinutukoy ni Ryan.

"Let's go?" Nakangiting yaya nito saken na parang wala lang sa kanya.

"Okay." Simpleng sagot ko. Pagtalikod naman namin ay narinig ko ang tilian ng mga bruha.

"It was just a body shot okay." Sabi ko sa kanya habang naglalakad.

" Sakin mo pa talaga sinasabi yan ha.. " Narinig ko pa ang pagtawa nito ng mahina.

This is crazy!! Ano ba tong pinasok ko, dapat di na lang ako pumunta dito?! Pang aaway ng utak ko sa sarili ko.

Pangatlo kami sa magbobody shot kaya naman nanood muna kami sa unang nagperform.

Parang nagsshake na ang buong katawan ko sa nakikita ko. OMG! Parang napakalaswa, kulang na lang magsex sila sa stage.. Waaaaah!!! Ano ba to.. di ko na alam ang gagawin ko..

"Going to back out soon?"

"Why should i? It was just a game. Ayoko sa lahat ang natatalo ako." Pinatigas ko ang boses ko para di ako kabahan.

Ayoko sa lahat ang natatalo ako. Alam ng mga kaibigan ko yan. Dahil game lang naman to gagawin ko ang lahat para manalo kami.

"Show me what they say about Jane Mondragon, the spoiled brat chick and a party goer." Di ko napigilang asarin ito.

"Did your friends didnt tell you that i'm a good kisser too? I can get what i want Miss Coleen, and if i want you, i can get you without even saying it..... And i also hate loosing." Tatawa tawang sabi nito.

Di ko alam kung epekto ng alak o kung ano bat ko nasabi ito sa kanya. At parang nag init naman ang mukha ko sa isinagot niya.

"So you're telling me you can bend a straight as a tower girl like me? If you want me, you have 5 minutes to convince me to go with you in that hotel." Nakangising sabi ko na ikinatingin niya sakin. Nagulat rin siguro sa sinabi ko.

"Here come's the perfect partner for this night, give it a way for the two hot and sexy Jane and Coleen!!" Narinig naming sigaw ng emcee kaya kahit kakabog kabog ang dibdib ko lalo na ng marinig ko ang nakakabinging sigawan sa paligid namin at nilakasan ko na lang ang loob ko at ako mismo ang humawak sa braso ni Jane habang paakyat kami sa center stage.

I can do this!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status