Se connecter
Nora
“Anong nilagay mo sa inumin ko?” Galit at nanlilisik ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking tinuring ko ng kapamilya dahil sa pagiging best friend ng aking ama.
Ngunit heto siya at nakangisi sa akin habang hinihithit ang kanyang tobacco at prente sa pagkakaupo.
“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili, Nora. Hindi ko akalain na napakadali mo lang palang maloko,” sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.
“What did you put in my drink?” Matigas ang boses ko, nagdedemand ng kasagutan. Pilit kong pinapatatag ang aking sarili kahit na unti-unti ko ng nararamdaman ang pamamanhid ng aking katawan.
Hindi ko na maigalaw ang daliri ko sa kamay at nararamdaman kong hindi magtatagal ay mapaparalize na ako.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Halatang natutuwa sa nakikitang unti-unti kong pagbagsak.
“Bilib din naman ako sa lakas ng kontrol mo sa sarili. Kung naiba ka lang ay kanina ka pa tumimbuwang dyan. Since pinahanga mo ako, let me tell you something interesting.”
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magpatuloy kahit na may palagay ako na hindi ko magugustuhan ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig.
“I killed your father.” Nanlaki ang aking mga mata. Gusto kong ikuyom ang aking mga kamay ngunit wala na akong maramdaman sa bahaging iyon ng aking katawan. Nararamdaman ko ng unti-unti na nalalason ng kung anumang nilagay ni Andres sa inumin ko ang buo sistema ko.
“Kagaya mo, tanga din siya na naniwala sa akin. Marahil ay nagtataka ka kung bakit ko siya pinatay. Simple lang, inagaw niya sa akin ang Mama mo.”
Hindi ko mapaniwalaan ang kanyang sinabi.
“I met Esmeralda first. Pero inakit siya ng ama mo na nauwi sa pagpapakasal nila.”
Kahit hirap ay napangisi ako. At nakita niya yon kaya nagalit siya.
“Tignan natin kung hanggang kailan ka ngingisi,” sabi niya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“Syempre, hindi ako papayag na hindi mapasaakin si Esmeralda kaya kinidnap ko siya. Ang tanga mong ama at sa akin pa humingi ng tulong para hanapin siya. Inangkin ko ang Mama mo, pinalasap ko sa kanya ang tunay na pagmamahal. Ngunit hindi ko alam na nalason na pala ng ama mo ang kanyang isipan at siya na ang hinanap nito. Pinagsawa ko ang sarili ko sa kanya. Plano ko na itago siya ngunit ang aking asawa ay nahuli ako, I had no choice but to let your mother go. Ang importante, hindi siya masaya kasama ang ama mo. Ayun, kunyari ay natagpuan ko siya sa isang abandonadong warehouse.”
Nanigas ang panga ko sa galit kasabay ang frustration. Gusto kong pira-pirasuhin ang bawat bahagi ng katawan ni Andres dahil sa mga nalaman ko.
Ngunit nararamdaman kong wala na akong lakas. Isa pa, hindi ko alam na may asawa pala siya!
“After you're gone, ako na ang hahawak ng grupo mo. How does it feel na mawala ang lahat sa iyo?”
Dahil sa sinabi niya ay isang ngisi na naman ang sinikap kong palabasin sa aking mga labi.
“I- I may die. B-But y-you will never ever get my organization.” Pagkasabi ko non ay sinikap kong dumura papunta sa kanya. Hindi na nga lang umabot ang laway ko sa mukha niya dahil mahina na talaga ako.
I was filled with rage and fury, but I was unable to move. I want to kill him.
“Hahaha!” malakas niyang tawa habang marahang pumipikit ang nga mata ko. “Oh, sasagutin ko na rin ang tanong mo. Ano ang nilagay ko sa inumin mo? It's a new drug na dinedevelop ng aking organisasyon. You're a test subject at hindi ko akalain na magiging ganito ka-effective.”
Pagkasabi niya non ay tumayo na siya. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
***
“200 joules, clear!”
Aray, ano yon?
Beep… beep… beep…
“Doc, her vitals are now stabilized.”
Kaninong mga boses yon? Saan galing ang tila kuryenteng naramdaman ko?
“Good, please keep on monitoring her. Hindi tayo pwedeng maging palagay.”
“Okay, doc.”
Narinig ko ang papalayong yabag kasunod ang pagbukas at sara ng pintuan.
“Kawawa naman siya, talagang hindi siya pinuntahan ng kanyang asawa,” narinig kong boses ng isa pang babae.
“Shh… Tumahimik ka, alam mong pwedeng marinig ng pasyente ang mga sinasabi mo.”
“Iba yata talaga ang mundo ng mga mayayaman,” sabi ulit ng boses bago ko narinig ang paglabas nila ng silid.
Ako ay nanatili sa kadiliman. Naririnig ko sila, ngunit bakit wala akong nakikita? Bakit hindi ko maidilat ang aking mga mata?
Am I dead?
Ito na ba ang afterlife? Bakit parang ang gulo?
I tried to open my eyes ngunit bigo ako. Nanatili ako sa kadiliman at wala ng lakas pa.
Oo nga pala, patay na ako.
Ngunit…
“Emily, Emily anak, please wake up.”
Sino naman yon? Bakit dito pa sa tabi ko sila nag-iingay?
“Emily, si Mommy mo ito. Can you please open your eyes now?”
Boses lang ang naririnig ko, pero dama ko ang sakit, pag-aalala at pagmamahal ng babaeng nagsasalita.
Kasunod ay puro iyak na ang narinig ko at naiirita ako. Hindi ko gustong makarinig ng ingay.
“Esmeralda, hayaan mo na muna ang anak mo. Sabi ng doktor ay kailangan niyang magpahinga,” sabi ng boses ng lalaki.
Mama ko ba ang Esmeralda na ito?
No. Patay na ang aking ina.
“Pero Rod, tingnan mo ang anak natin.” Muli, isang malakas na iyak na naman ang namayani.
Nainis na ako, I need to wake up para patigilin ang babaeng ito. Sinikap kong idilat ang aking mga mata. Isa, dalawa, hindi ko alam kung nakailang beses akong sumubok.
Hanggang sa nasilaw ako sa liwanag.
“Emily!” bulalas ng dalawang boses na kanina pa umiirita sa akin.
Muli akong pumikit at narinig ang boses ng lalaki na nagsalita.
“Tatawagin ko ang doktor.” Tapos ay mga yabag na palayo at pagbukas ng pinto ang narinig ko bago ko tuluyang dinilat muli ang aking mga mata.
Namamaga at namumula ang mga mata ng may edad ng babae ang bumungad sa akin. May bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, pero kahit ganon ay dama ko ang sinseridad.
Who the hell is this woman?
“Emily, anak…”
Bakit niya ako tinatawag na Emily at anak?
Magsasalita na naman ang babae ngunit biglang dumating ang lalaki na nagmamay-ari ng boses na naririnig ko kanina na may kasama pang iba.
“Let me check on her.” Nakaputing coat, ibig sabihin ay doktor.
Hahawakan niya ang aking kamay ngunit ayaw ko na may gumagawa sa akin non kaya agad kong iniiwas iyon at tsaka masamang tinignan ang doktor.
“Kailangan kitang i-check up. Wala akong gagawing masama,” malumanay na sabi ng doktor. Nasa likod niya ang dalawang nurse na nakatingin din sa akin.
“Emily, anak. Hayaan mo na si dok na tignan ka para masigurong okay ka na.” Nagbaling ako sa may edad na babae.
Dahil sa itsura niya na tila nagmamakaawa ay bigla akong nakadama ng habag. Hindi ako umimik ngunit tumingin ako sa doktor at tsaka tumango.
Nagsimula na akong tingnan ng doktor hanggang sa matapos siya at tanungin ako.
“May masakit ba sayo, lalo na sa parteng ulo mo?”
Bakit niya kailangang malaman ang tungkol don? Wala sa sarili akong napahawak sa aking ulo at naramdaman kong tila may bandage iyon.
“A-Anong n-nangyari?”
Medyo basag at garalgal ang boses ko at parang masakit din ang aking lalamunan na agad kong hinagod.
“Tubig anak?” sabi ng may edad na babae at nagmamadali siyang kumuha.
“Dampian lang po muna sa labi, kailangan pa siyang i-fully check bago siya painumin ng tuluyan.”
“Okay, dok.” Agad tumalima ang may edad na babae.
Nagtaka ako, bakit ganito siya ka-concern sa akin? Sinundan ko ng tingin ang ginagawa niya. Mula sa pagkuha ng bulak at pagsawsaw non sa baso ng tubig na agad niyang dinampi sa mga labi ko.
Hindi ko alam kung bakit tila kakaiba ang nararamdaman ko sa may edad ng babaeng ito. Hindi ako mapakali na tila naninikip ang dibdib ko.
Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi nakainom ng tubig ang I want more. Ngunit hindi pwede.
“W-Who are you?” Hindi ko na napigilan na itanong. Natahimik sila at ang may edad na babae ay parang babagsak, ngunit agad siyang naagapan ng may edad na lalaki.
Tumingin ang dalawa sa doktor na tila nagtatanong.
“She must have amnesia. Kung pangmatagalan or temporary ay hindi ko pa alam. Kailangan pa siyang sumailalim sa ilang laboratory test. Pero natural na yan since alam naman natin na nagkaroon ng damage ang ulo niya.”
Damage sa ulo? Anong ginawa sa akin ni Andres matapos kong tuluyan na mawalan ng malay?
“Emily, ako ito ang Mommy mo.”
Emily? Mommy?
What the hell is she talking about?
NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang dapat panatilihin sa distansya.Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kaproductive ang naging araw ko, hindi ko rin mapigilan ang paggaan ng pakiramdam ko.Bawat meeting ay isang hakbang papalapit sa gusto kong mangyari.Bawat signature ay isang piraso ng kontrol.Iba na ang takbo ng buhay ko kumpara noong ako pa si Nora Dumont sa sarili kong katawan.Noon, magulo at mapanganib ang buhay ko, pero rganisado. Malayo sa corporate wars at sa mga taong handang magngitian sa harap mo habang may hawak na kutsilyo sa likod.Ngayon?Mas magulo.Pero mas makapangyariha sa legal na paraan.At sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay na patuloy na bumabalik sa isip ko.Ang organisasyon at ang baba
NoraNagpunta ako sa isang restaurant. Medyo malayo siya sa kumpanya pero ayon sa nakita ko ay mukhang masarap ang pagkain.Sa totoo lang, I love eating. Kahit noong bata pa ako, natatandaan ko na palaging iyon ang motivation sa akin ng aking ama para lang pasunurin ako.Kapag ayaw kong magtraining ay pagkain ang pinangsusuhol niya sa akin. Kaya hanggang sa paglaki ko ay hindi siya makapaniwala na uubra pa rin ang ganon.Pero ang hindi niya alam, iyon ay dahil sa siya ang nanunuhol sa akin. Kung ibang tao, I don’t think na madadaan nila ako sa kahit na anong pagkain lalo na sa panahon ngayon.Nagpark ako at naglakad papasok sa loob ng resto, sinalubong ako ng waitress at dinala sa isang bakanteng pangdalawahang table.“Here’s the menu,” sabi ng nakangiting waitress. “Babalikan ko po kayo or pwede nyo po akong tawagin kung may napili na kayo.”“Okay,” tugon ko at iniwan na niya ako.Hindi na ako naging mayabang kagaya noong una. May food allergy ako kaya dapat akong maging maingat.Bus
NoraNews about Hills Care Pharmacy spread like wildfire.Halos araw-araw ay may bagong email, bagong tawag, bagong request for meeting. Hindi na ito simpleng internal expansion plan ng Hills Pharma—naging usap-usapan na ito sa business circles.Sa pag-uusap namin ni Matt ay nalaman ko na maraming negosyante ang kumokontak sa kanya upang mag-invest. May mga venture capital groups, private investors, at maging ilang established distributors na biglang naging interesado sa proyekto.Predictable.Retail pharmacy backed by a pharmaceutical giant will always attract attention.Ngunit ayon na rin sa previous instruction ko, na-filter na niya ang karamihan sa mga iyon.Very reliable si Matt pagdating sa trabaho. Systematic, organized, at mabilis umintindi ng instructions. Hindi ko na kailangang ulit-ulitin ang gusto kong mangyari dahil kaya niyang mag-adjust agad sa direction ko.Pero sa kabila ng efficiency niya, may isang tanong na paminsan-minsan ay pumapasok sa isip ko.Mapagkakatiwalaan
NoraTahimik ang opisina ko sa Hills Pharma, pero ang table ko ay puno ng papeles, projections, at annotated drafts. Nakabukas sa harap ko ang final proposal para sa Hills Care Pharmacy—ang retail arm na matagal ko nang gustong itayo.Hindi ito impulsive decision. Pinag-aralan ko itong mabuti matapos kong maulinigan sina Mr. at Mrs. Hills sa nangyari tungkol sa kumpanya matapos nila akong iuwi sa mansyon nila.Inalam ko ang lahat mula sa market behavior, supply chain vulnerabilities, at consumer trust patterns. Lahat ng posibleng risk, tinimbang ko.At ngayon, aprubado na.Inilapag ko ang papel at sandaling tumingin sa pirma sa huling pahina.Board: Approved.Majority shareholders: In favor.Mabilis ang naging proseso lalo na ang pirma ni Clara.Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ko nang maalala ko ang meeting. Inaasahan kong kokontrahin niya ako. Inaasahan kong haharangin niya ang expansion.Pero pumirma siya.Tahimik at walang kondisyon kaya naman kinailangan kong ihanda ang akin
DevonTahimik ang opisina ko, pero hindi ang isip ko.Floor-to-ceiling glass ang harapan ng building, kita ang skyline—malinis, organisado, predictable. Isang mundo na kayang kontrolin ng tamang numbers, tamang strategy, tamang leverage.Pero may mga bagay na hindi nadadaan sa quarterly reports.“Andres,” sabi ko habang umiikot ang swivel chair ko paharap kay Cesar. “Full name?”“Walang malinaw,” sagot niya, nakasandal sa couch sa tapat ng mesa ko. Bilang front-facing CEO ng kumpanya namin, sanay siyang magmukhang relaxed kahit seryoso ang usapan. “May ilang records ng property acquisitions under shell corporations. Pero walang direct ownership. Walang public profile. Walang board affiliations.”“Too clean,” sagot ko.“Exactly.”Sa screen sa harap ko, naka-open ang background checks na pinatakbo ko kaninang madaling-araw. Standard databases. Corporate registries. International affiliations.Nothing.As if he doesn’t exist.“At yung babae?” tanong ko.“Nora Dumont,” sagot ni Cesar, baha
DevonMatagal na akong sanay magbasa ng tao.Sa kagaya kong hindi lang dito sa bansa ang negosyo, mahalaga iyon—micro-expressions, shifts in posture, involuntary reactions. Mas marami kang nalalaman sa hindi sinasabi kaysa sa direktang binibitawan ng bibig.Kaya nang makita kong bahagyang naging stiff ang balikat ni Emily, kahit sandali lang, napansin ko agad.Nasa kalagitnaan kami ng magaan na usapan nang maramdaman kong nagbago ang focus niya. Hindi ako lumingon agad, pero alam kong may nakita siya.Sinundan ko ang tinitginan niya.Isang may edad na lalaki ang papalapit, dignified ang tindig, may uri ng kumpiyansang hindi nagmumula sa pera lang kundi sa kontrol. Sa tabi niya ay isang babaeng mas bata—elegante, composed, at may kakaibang pamilyar na aura.Diretso ang tingin nilang dalawa kay Emily.Hindi iyon random approach ng investor na gustong bumati.May agenda.Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng katawan ni Emily bago niya ito mabilis na itinago. Kung hindi ko siya tinitin







