Share

Chapter 48

Penulis: R.Y.E.
last update Tanggal publikasi: 2026-04-10 10:12:05

Nora

Hindi ko alam kung bakit ako nandito.

Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.

Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.

Parang instinct lang.

At iyon ang mas nakakagulo.

Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na h
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 48

    NoraHindi ko alam kung bakit ako nandito.Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.Parang instinct lang.At iyon ang mas nakakagulo.Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na halos hindi ko naman iniinom. Sapat ang ilaw para makita ang mga tao, pero hindi ganoon kaliwanag para basahin ang bawat emosyon sa mukha nila.Napabuntong hininga ako ng maalala ng sabay-sabay ang tatlong lalaking salitang lumilitaw sa harapan ko.Sina Andres, Asher at Devon.Parang sabay-sabay silang pumapasok sa utak ko, walang paalam, walang pahinga. Hindi ko man gustuhin, hindi ko sila mataboy.Napabuntong-hininga ako at iniikot ang baso sa kamay ko, pinagmamasdan ang paggalaw ng likido sa l

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 47

    NoraPaano niya nalaman?Iyon ang unang tanong na paulit-ulit na umikot sa isip ko matapos magsara ang pinto sa likuran ni Devon. Hindi ko maalis ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina, na para bang kahit wala na siya roon ay may bahagi pa rin ng hangin na nananatiling kanya.Paano niya nalaman ang tungkol kay Andres… at ang mas nakakagulat—ang tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang Nora Dumont?Hindi iyon impormasyong basta-basta nakukuha. Hindi iyon tsismis. At lalong hindi iyon bagay na puwedeng panghimasukan ng isang taong, sa lahat ng alam ko, ay wala namang koneksyon sa akin—o kay Emily.Napapikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan ko, pilit inaalala ang itsura niya kanina. Hindi ang mga biro niya. Hindi ang panunukso.Kundi ang seryosong mukha niya.Ang paraan ng pagtingin niya sa akin.At ang boses niyang mababa, matalim, at walang halong biro nang sabihin niya—“Mag-ingat ka.”Hindi iyon babala na basta puwedeng ipagsawalang-bahala.At iyon ang dahilan kung bakit h

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 46

    DevonMaaga akong nagising, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Hindi dahil may mahalaga akong meeting o deadline na hinahabol, kundi dahil hindi ako pinatulog ng sarili kong isip.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang usapan namin ni Cesar—ang tungkol kay Andres, sa koneksyon nito sa underground, at sa mas nakakabahalang detalye na may kasama itong babaeng leader din ng isang organization sa underground.Hindi iyon simpleng coincidence.At lalong hindi iyon bagay na puwede kong ipagwalang-bahala.Tahimik ang buong unit ko habang nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang unit na katapat lang din ng sa akin. May hawak akong tasa ng kape, pero matagal na itong malamig. Hindi ko man lang namalayang hindi ko na pala iyon iniinom.Iisa lang ang malinaw sa akin.Kailangan kong makita si Emily.Hindi mamaya. Hindi bukas.Ngayon.Gustuhin ko man na katukin siya ay hindi ko ginawa. Magkapitbahay lang kami pero alam ko na hindi niya ako tatanggapin doon kung sakali.Pagdating ko sa Hill

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 45

    Devon“Sigurado ka ba?”Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko habang nakatingin kay Lee. Nakapamaywang ako sa harap ng mesa, bahagyang nakayuko, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.“Yes, Sir,” sagot niya agad, halatang nagmamadali. “Hindi nawawala sa paningin ng mga bodyguard kay Miss Hills.”Mas lalo akong napakunot ang noo. “Hindi iyon ang tinatanong ko.”Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. “They met, Sir. During dinner.”“Anong pinag-usapan nila?” mas mariin kong tanong.“Research collaboration,” sagot niya. “Kagaya ng sa atin ngunit hindi tinanggap ni Ms. Hills. Mukhang hindi niya nagustuhan na pag-usapan ang negosyo over dinner at kasama pa ang kanyang mga magulang.”Napasandal ako sa aking upuan at sandaling natahimik ang buong opisina habang iniisip ko ang sinabi niya.Research collaboration.Seryoso talaga siya sa sinabi nya nung gala?“Interesting…” bulong ko, halos sa sarili ko lang. “Mukhang seryoso ang Andres na ‘yon na makalapit kay Emi

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 44

    NoraHindi ko kailangang magsalita para maramdaman kung gaano kabigat ang hangin sa mesa. Pagkaupo ko pa lang, ramdam ko na agad ang tensyon—hindi iyong halatang tensyon na may sigawan o pagtatalo, kundi iyong mas delikado. Tahimik. Nakabalot sa maayos na ngiti at magagalang na salita.Mas mahirap kalabanin ang ganitong klaseng sitwasyon.Pinili kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Kahit ang mismong paghinga ko, sinigurado kong kontrolado. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ito.Sobra ang pagpipigil kong ipakita ang galit na nararamdaman ko.Si Andres na siyang pumatay sa akin at sa mga magulang ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangiti habang katabi ang isang babaeng may mukha ko bilang Nora Dumont.Umupo ako nang maayos at inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan. Saka ko lang hinayaan ang sarili kong magmasid, pero hindi halata. Hindi direkta. Sanay na ako sa ganitong galawan—yung nakatingin ka pero hindi mukhang nag-oobserba.Nakangiti ang

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 43

    NoraNatapos ang araw ko na halos hindi ko na namalayan kung paano lumipas ang oras. Sunod-sunod ang meetings, revisions, at approvals na kailangang lagdaan, at kahit sanay na ako sa ganitong klase ng pressure, hindi ko pa rin maikakaila ang pagod na unti-unting bumabalot sa katawan ko.Pagtingin ko sa relo, oras na para umalis.Dahan-dahan kong isinara ang laptop at inayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa bago ako tumayo. Habang kinukuha ko ang bag ko, muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Esmeralda.May ipapakilala.Hindi ako agad umalis. Saglit akong napahinto, tila sinusuri ang posibilidad ng kung ano ang naghihintay sa akin mamaya.“Blind date?” bulong ko sa sarili ko, bahagyang napataas ang kilay.Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa kanila, pero hindi rin imposible. Lalo na ngayon na pormal na akong nasa posisyon bilang CEO ng Hills Pharma, mas lalong naging mahalaga ang mga koneksyon—personal man o pang-negosyo.Huminga ako nang malalim at marahang napailing.“Wh

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 20

    NoraHindi naging madali ang pagpapapayag kina Mr. at Mrs. Hills sa desisyon kong lumipat. Ilang beses ko silang kinausap, ilang beses ko ring inulit ang mga dahilan ko, pero sa bawat pagkakataon ay iisa lang ang sagot nila—pag-aalala.Nag-aalala sila para sa akin. Natatakot sila na baka mapabayaan

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 19

    Nora“Sigurado ka ba sa lugar na ’to?” tanong ko kay Matt habang muling tinitingnan ang mga larawan sa brochure na hawak ko.“Yes, Miss Hills,” kumpiyansang sagot niya. “I’ve already looked into the community. Maganda po talaga—secured, may sariling guards, limited lang ang access, at talagang ideal

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 18

    Devon“Are you sure na ang collaboration lang ang pakay mo kay Emily?”Nanunuri ang tingin na ibinibigay sa akin ni Cesar—matalik kong kaibigan at ang taong inilagay ko sa harap ng aking kumpanya, ang Lacrunx Group. Kilala niya ako ng sapat para malaman kung kailan ako nagsisinungaling, at mas kilal

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 17

    Asher“Have you found anything about Devon?” tanong ko kay Troy na kasalukuyang nakatayo sa harapan ko, diretso ang tindig at hawak ang tablet. “Base sa pagsasalita ni Mr. Taylor nung kaarawan niya, mukhang hindi basta-basta ang lalaking ’yon. Hindi siya yung tipong nandun lang para makipag-socializ

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status