Share

Chapter 49

Author: R.Y.E.
last update publish date: 2026-04-13 21:18:49

Nora

“Emily,” sabi ni Asher ng makababa na kami pareho ng sasakyan matapos niyang mai-park ng maayos.

Siya ang nagdrive ng kotse ko habang nakasunod naman ang driver niya na dala ang sasakyan nito.

“You can leave,” sabi ko sabay talikod, ni hindi ko na ginawang magpasalamat.

Ngunit pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso kaya naman kunot ang noo ko ng tignan siya.

Tila naman napaso itong binitawan ang braso ko ng makita ang aking reaksyon.

“I’m sorry. Gusto ko lang sana na makausap ka.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 49

    Nora“Emily,” sabi ni Asher ng makababa na kami pareho ng sasakyan matapos niyang mai-park ng maayos.Siya ang nagdrive ng kotse ko habang nakasunod naman ang driver niya na dala ang sasakyan nito.“You can leave,” sabi ko sabay talikod, ni hindi ko na ginawang magpasalamat.Ngunit pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso kaya naman kunot ang noo ko ng tignan siya.Tila naman napaso itong binitawan ang braso ko ng makita ang aking reaksyon.“I’m sorry. Gusto ko lang sana na makausap ka.”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan.”“I’m really sorry, Em.”Natigilan ako.Em? Is that how he calls Emily?Wala akong matandaan kaya bukod sa pagkagulat dahil first time kong marinig iyon ay wala na akong iba pang damdamin na naramdaman.Maybe even Emily had lost hope for him kahit wala na ang kamalayan niya sa sarili niyang katawan.“Mr. Bennett,” sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Tapusin na natin itong charade na ito. We’ve signed the divorce agreement, so we should end thing

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 48

    NoraHindi ko alam kung bakit ako nandito.Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.Parang instinct lang.At iyon ang mas nakakagulo.Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na halos hindi ko naman iniinom. Sapat ang ilaw para makita ang mga tao, pero hindi ganoon kaliwanag para basahin ang bawat emosyon sa mukha nila.Napabuntong hininga ako ng maalala ng sabay-sabay ang tatlong lalaking salitang lumilitaw sa harapan ko.Sina Andres, Asher at Devon.Parang sabay-sabay silang pumapasok sa utak ko, walang paalam, walang pahinga. Hindi ko man gustuhin, hindi ko sila mataboy.Napabuntong-hininga ako at iniikot ang baso sa kamay ko, pinagmamasdan ang paggalaw ng likido sa l

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 47

    NoraPaano niya nalaman?Iyon ang unang tanong na paulit-ulit na umikot sa isip ko matapos magsara ang pinto sa likuran ni Devon. Hindi ko maalis ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina, na para bang kahit wala na siya roon ay may bahagi pa rin ng hangin na nananatiling kanya.Paano niya nalaman ang tungkol kay Andres… at ang mas nakakagulat—ang tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang Nora Dumont?Hindi iyon impormasyong basta-basta nakukuha. Hindi iyon tsismis. At lalong hindi iyon bagay na puwedeng panghimasukan ng isang taong, sa lahat ng alam ko, ay wala namang koneksyon sa akin—o kay Emily.Napapikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan ko, pilit inaalala ang itsura niya kanina. Hindi ang mga biro niya. Hindi ang panunukso.Kundi ang seryosong mukha niya.Ang paraan ng pagtingin niya sa akin.At ang boses niyang mababa, matalim, at walang halong biro nang sabihin niya—“Mag-ingat ka.”Hindi iyon babala na basta puwedeng ipagsawalang-bahala.At iyon ang dahilan kung bakit h

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 46

    DevonMaaga akong nagising, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Hindi dahil may mahalaga akong meeting o deadline na hinahabol, kundi dahil hindi ako pinatulog ng sarili kong isip.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang usapan namin ni Cesar—ang tungkol kay Andres, sa koneksyon nito sa underground, at sa mas nakakabahalang detalye na may kasama itong babaeng leader din ng isang organization sa underground.Hindi iyon simpleng coincidence.At lalong hindi iyon bagay na puwede kong ipagwalang-bahala.Tahimik ang buong unit ko habang nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang unit na katapat lang din ng sa akin. May hawak akong tasa ng kape, pero matagal na itong malamig. Hindi ko man lang namalayang hindi ko na pala iyon iniinom.Iisa lang ang malinaw sa akin.Kailangan kong makita si Emily.Hindi mamaya. Hindi bukas.Ngayon.Gustuhin ko man na katukin siya ay hindi ko ginawa. Magkapitbahay lang kami pero alam ko na hindi niya ako tatanggapin doon kung sakali.Pagdating ko sa Hill

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 45

    Devon“Sigurado ka ba?”Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko habang nakatingin kay Lee. Nakapamaywang ako sa harap ng mesa, bahagyang nakayuko, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.“Yes, Sir,” sagot niya agad, halatang nagmamadali. “Hindi nawawala sa paningin ng mga bodyguard kay Miss Hills.”Mas lalo akong napakunot ang noo. “Hindi iyon ang tinatanong ko.”Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. “They met, Sir. During dinner.”“Anong pinag-usapan nila?” mas mariin kong tanong.“Research collaboration,” sagot niya. “Kagaya ng sa atin ngunit hindi tinanggap ni Ms. Hills. Mukhang hindi niya nagustuhan na pag-usapan ang negosyo over dinner at kasama pa ang kanyang mga magulang.”Napasandal ako sa aking upuan at sandaling natahimik ang buong opisina habang iniisip ko ang sinabi niya.Research collaboration.Seryoso talaga siya sa sinabi nya nung gala?“Interesting…” bulong ko, halos sa sarili ko lang. “Mukhang seryoso ang Andres na ‘yon na makalapit kay Emi

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 44

    NoraHindi ko kailangang magsalita para maramdaman kung gaano kabigat ang hangin sa mesa. Pagkaupo ko pa lang, ramdam ko na agad ang tensyon—hindi iyong halatang tensyon na may sigawan o pagtatalo, kundi iyong mas delikado. Tahimik. Nakabalot sa maayos na ngiti at magagalang na salita.Mas mahirap kalabanin ang ganitong klaseng sitwasyon.Pinili kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Kahit ang mismong paghinga ko, sinigurado kong kontrolado. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ito.Sobra ang pagpipigil kong ipakita ang galit na nararamdaman ko.Si Andres na siyang pumatay sa akin at sa mga magulang ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangiti habang katabi ang isang babaeng may mukha ko bilang Nora Dumont.Umupo ako nang maayos at inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan. Saka ko lang hinayaan ang sarili kong magmasid, pero hindi halata. Hindi direkta. Sanay na ako sa ganitong galawan—yung nakatingin ka pero hindi mukhang nag-oobserba.Nakangiti ang

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 39

    DevonHindi ko agad nilapitan si Emily matapos ang sparring.Nanatili muna ako sa kinatatayuan ko sa gilid ng gym habang pinapanood siyang bumaba mula sa ring. Tinanggal niya ang mouthguard niya at iniabot ang gloves sa trainer bago kumuha ng tuwalya mula sa bench.May ilang hibla ng buhok ang kumaw

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 38

    Devon“Again.”Napatingin si Cesar sa akin mula sa kabilang dulo ng conference table habang pinapagalaw ko ang slide deck sa malaking screen sa harap namin.“Devon,” sabi niya habang kinukusot ang sentido. “Ilang beses na nating inulit ’to.”“Not enough,” sagot ko habang pinipindot ang remote para l

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 37

    NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino a

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 36

    NoraNagpunta ako sa isang restaurant. Medyo malayo siya sa kumpanya pero ayon sa nakita ko ay mukhang masarap ang pagkain.Sa totoo lang, I love eating. Kahit noong bata pa ako, natatandaan ko na palaging iyon ang motivation sa akin ng aking ama para lang pasunurin ako.Kapag ayaw kong magtraining

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status