Share

Chapter 2

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-12-08 21:42:28

Nora

Damn it.

Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin.

Two days ago ng magising ako dito sa hospital at hindi pa rin ako makapaniwala na nasa katawan ako ng ibang tao!

Katawan ni Emily Hills at ang dalawang taong umiiyak para sa akin ay ang kanyang mga magulang na sina Esmeralda at Rod Hills.

Aalis na dapat ako, pero hindi ko magawa dahil bukod sa kapangalan ni Esmeralda ang aking ina ay magkahawig din sila.

Ang tanging alaala ko kay Mama ay ang nag-iisang larawan namin na magkakasama. Siya si Papa at ako na noon ay sanggol pa lamang.

Sa larawan ay bata pa ang aking ina. Pero sigurado ako na kung buhay pa siya ay iisa ang magiging mukha nila ni Esmeralda na ina ni Emily ngayon.

Lumabas ako ng bathroom, ngunit nagulat ako ng makita ang isang lalaki at isang babae na nakatayo sa tabi ng aking kama at sabay na nagpaling ng tingin sa akin.

“Emily, anong palabas na naman ito? Why did you have to ask someone to text Corrine para papuntahin dito?” Galit ang lalaki, kita sa mukha niya bukod po sa boses. 

“Who the fvck is Corrine and who the hell are you?” tanong ko sabay pamewang.

Natigilan ang lalaki, para siyang hindi makapaniwala sa narinig.

“What did you just say?” tanong ng lalaki. 

“Asher, maybe she's just confused.” Tumaas ang kilay ko sa babaeng nagsalita. More or less, parang alam ko ng siya si Corrine.

“Get the fvck out of here.” Malamig ang boses ko habang naglalakad palapit sa kama.

“Emily!” sigaw ng lalaki na Asher ang pangalan ayon na rin sa babaeng kasama  niya.

“One more shout and I am going to rip that mouth of yours.” Nanlaki ang mga mata niya. As in bilog na bilog pa.

The hell, ngayon lang ba siya nakarinig ng pagbabanta? Banta pa lang dahil wala pa akong lakas sa ngayon para totohanin ‘yon. 

“Emily, saan mo nakuha ang mga ganyang salita? Have you been playing nice and pitiful all these times?” sabi ng babae. 

“So, I have been nice and pitiful all this time?” taas ang kilay kong tanong. Nakaupo na ako sa kama habang sinalubong ko ang tingin ng babae.

“Whatever you are up to, wag mong idamay si Corrine. Wala siyang kinalaman sa pagkahulog mo sa hagdan.”

“I see. But that's not for you to decide. Wala akong matandaan sa nangyari and my parents were trying their best to cooperate with the police.”

“‘Wag mong idamay sa gulo natin si Corrine. She has nothing to do with our divorce.”

Natigilan ako saglit para mag-isip. Ibig sabihin ay asawa ni Emily ang lalaking ito habang nakapulupot sa kanya ang Corrine na ito?

“We're divorce. Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Then I remember what he said ng makita ako kanina. “Oh, sinabi mo na may inutusan akong itext si Corrine. Kaya lang, paano kong gagawin yon kung wala nga akong maalala?”

“Maybe you're just acting,” sabi ni Asher. 

“Okay. Pero paano nyo nalaman na gising na ako? As far as I know, pinigilan ng aking mga magulang ang paglabas nito dahil sa pagkawala ko ng alaala at para makapag-imbestiga pa ang mga police.”

“Hindi niyo pinaalam ang tungkol sa–” Hindi ko na siya pinatapos pa.

“Yes. Ang mga nurse ko, doktor at mga magulang ko lang ang nakakaalam. Don't tell me tinawagan ka ng hospital. In my unconscious state, I heard nurses talking about my husband not visiting me the whole time.”

“Emily, baka namali ka lang ng–” Masamang tingin ang binigay ko kay Corrine bago ako tumawa ng malakas. 

“Don't tell me, sinabi din sayo ni Corrine na tinext ko siya?” tanong ko. Nagbaling ng tingin si Asher sa babaeng kasama, halatang nagtataka, nagtatanong. 

Ngunit wala akong panahon makinig sa kanila. “You said we're divorce so stop showing your face in front of me.” Matigas, diretso at walang damdamin kong sabi habang magkahinang ang mga mata namin ni Asher.

“It’s still in process,” tugon ni Asher.

“Get out.”

Pagkatapos ay nahiga na ako. Pero bago sila tumalikod ay nakita ko pa ang nakangising mukha ni Corrine. 

Ngumisi din ako sabay turo ng camera na nasa tabi lang ng kama ko. Ganon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata.

Pinalagay iyon nila Mr. and Mrs. Hills dahil nag-aalala sila sa akin. But I don't mind showing it to this bitch.

More or less ay alam ko na ang papel ng babaeng ito sa pagsasama nila Asher at Emily at ipupusta ko ang susunod kong buhay kung mayroon man ulit na ang Corrine din na yon ang dahilan ng divorce nila.

Anyway, wala na akong pakialam sa kanila. May sarili din akong laban na kailangan harapin. There's no way na makaligtas si Andres sa ginawa niya sa akin at sa mga magulang ko. I'll make him pay with his life.

Ang problema ay hindi ko pa alam kung papaano.

Nawala na ang dalawang asungot pero nanatili pa rin akong nag-iisip.

Paano ko haharapin si Dante at paano ko ipapaalam sa kanya na ako si Nora Dumont?

Napahawak ako sa aking ulo sabay pikit. Nakaka-frustrate ang sitwasyon ko ngayon. 

I should be thankful dahil heto ako, buhay, humihinga. Pero hindi ko din magamit ang katauhan ko dahil iba na ang itsura at katawan ko!

“Emily, dear, may masakit ba?”

Nag-angat ako ng tingin, nakita kong papalapit si Esmeralda Hills, bakas ang pag-aalala sa mukha.

“Sabihin mo sa amin, anak. Kahit ano, para makatulong kami.” Dumagdag pa si Rod Hills.

Lalo akong nakadama ng frustration. How can I make these two shut up? Technically, they are my parents. Dahil nga sa katawan ni Emily. 

But I know I am not Emily! 

So, ano ang gagawin ko?

“Dear?” tawag pa ng ginang habang tinitignan ako. 

“Damn,” mahina kong sabi matapos ang malalim na buntong hininga. Tumingin ako sa kanya at alanganing ngumiti. Paano ko ba itataboy ang isang tao na kita ko naman na nagpapahalaga at nagmamahal sa akin?

“Your words, Emily. Kailan ka pa natutong magsalita niyan? Galit ka ba? May nangyari ba habang wala kami?” sunod-sunod na tanong ni Esmeralda.

“A certain Asher came here, asawa ko daw siya and we're divorced. Kasama niya ang isang babaeng nagngangalang Corrine.”

Nanigas ang panga ng mag-asawa, halatang galit.

“That bastard and that bitch!” bulalas ni Mr. Hills. “Kaya nakapagsalita ang anak natin ng hindi maganda ay dahil sa kanila,” sabi pa niya sa asawa.

“Kumalma ka, Rod. Wag mong iparinig sa anak mo ang mga salitang yan.” Tinignan ko ng mabuti si Mrs. Hills. Kita ko naman na galit din siya, pero heto at inaawat pa ang asawa. Napailing ako na may halong ngiti. I like them.

“You're smiling, anak. Naalala mo siguro kapag pinapagalitan ko ang Daddy mo sa tuwing ganyang salita ang lumalabas sa bibig niya.” Ayaw kong masaktan ang damdamin niya kaya kahit papaano ay sumang-ayon ako. 

“Feeling ko lang po na ganon. May kakaibang saya akong naramdaman while watching you,” sabi ko.

Damn, hindi ko alam kung saan ko kinuha ang “po” na yon. Kailanman ay wala akong naalala na gumamit ako ng ganong salita kahit na sa sarili kong ama.

“Anak, wag mo ng pansinin ang Asher na yon. Kung hiwalay na kayo ay mabuti na rin. Hindi man maganda ang lagay ng kumpanya natin ay nasisiguro ko naman na hindi tayo magugutom.” Tinanguan ko ang sinabi niya at hindi na kumibo.

Masasabi ko na mabuting tao ang mag-asawa kaya medyo nag-aalangan akong ipakita sa kanila ang tunay kong ugali.

Gusto kong bumalik sa organisasyon, pero paano akong tatanggapin ni Dante? Kailangan kong manatili muna bilang Emily habang nag-iisip ako ng plano. Sa ngayon ay kailangan ko ang mag-asawang ito to survive. While doing that, bakit hindi ko bigyan ng hustisya ang kung anumang ginawa ng Asher at Corrine na yon sa tunay na may-ari ng katawan ko ngayon?

But to be able to do anything, kailangan ko munang alamin din kung ano ang sitwasyon at ang mag-asawang ito ay malaki ang maitutulong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 10

    AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 9

    Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 8

    AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 7

    Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 6

    NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 5

    NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status