LOGINAsher
“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”
Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.
“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”
Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.
“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”
Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang, mas dumadami lang ang tanong sa utak ko kaysa sagot. Kilala ko si Emily—o akala ko kilala ko siya. Alam niyang allergic siya sa seafood. Hindi siya magiging gano’n ka-careless. Hindi basta-basta.
May isang bagay na hindi nagma-match.
“Paanong nalaman ni Emily ang tungkol sa lugar na ’yon?” bigla kong tanong, sabay tigil sa pagbuklat ng folder. “Has she been there before?”
Tumingin si Troy sa akin, halatang pinag-iisipan muna ang isasagot bago nagsalita.
“Ang restaurant na ’yon, Sir, ay kilala bilang exclusive na puntahan ng mga mayayaman. Mga taong may pangalan—hindi lang sa negosyo kundi pati na rin sa politika. Hindi po basta-basta nakakapasok doon. Kadalasan kailangan ng reservation weeks ahead.”
Bahagya akong napangisi, hindi dahil amused ako—kundi dahil sa iritasyon.
“As for Mrs. Bennett,” pagpapatuloy niya, “wala pa po akong kumpirmadong impormasyon kung ilang beses na siyang nakapunta roon… o kung nakapunta na ba siya dati.”
Napaisip ako. Kilalang-kilala ang lugar, oo. Narinig ko na rin iyon noon pa. Pero kahit ako—na may kakayahan, koneksyon, at pera—ay hindi pa rin basta nakapasok doon.
So paano siya?
“How about yung lalaki?” tanong ko, malamig ang tono. “Yung sinasabing nagdala sa kanya sa hospital.”
“Wala pa rin po akong makalap na solid information tungkol sa kanya, Sir,” sagot ni Troy. “Maliban sa pangalan—Devon. Pero one thing is clear: nandoon po siya sa restaurant noong oras ng insidente.”
Devon.
Ulit-ulit kong binigkas ang pangalan sa isip ko, sinusubukang hanapan ng mukha, ng koneksyon, ng kahit anong piraso ng impormasyon. Pero wala. Blanko.
Hindi na ako nagsalita pa. Tumahimik ang buong opisina, maliban sa mahinang ugong ng aircon. Sinubukan kong pagtagni-tagniin ang lahat—ang restaurant, ang allergy, ang memory loss, ang lalaking hindi ko kilala. Pero kahit anong pilit ko, wala pa ring malinaw na larawan na nabubuo.
“Ano sa tingin mo?”
Nag-angat ako ng tingin kay Troy. May mga pagkakataong nagtatanong ako sa kanya—kapag masyado nang magulo ang isip ko, kapag may mga bagay na ayaw kong aminin sa sarili ko. Kagaya ngayon.
Sandali siyang nag-isip bago sumagot.
“Pakiramdam ko po,” dahan-dahan niyang sabi, “iba na ngayon si Mrs. Bennett.”
Kumunot ang noo ko.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang nabago,” pagpapatuloy niya, “pero after following her movements, her behavior… parang hindi ko na po siya kilala. Hindi na siya yung dating Emily na alam natin.”
Naramdaman kong may kumirot sa loob ko, pero pinili kong manatiling tahimik.
“As for Devon,” dagdag pa niya, “wala po talaga akong masasabi dahil pangalan lang ang meron tayo. Given that, possible pong may tinatago ang lalaki—o mas masahol pa, may binabalak siyang hindi maganda.”
Tumango ako, mabigat ang pakiramdam. Gano’n din ang kutob ko. Para kay Emily. Para sa lalaking iyon.
“Sir,” muling tawag ni Troy.
Tumingin ako sa kanya, naghihintay.
“Ang pagbabago ni Mrs. Bennett,” sabi niya, halos maingat ang bawat salita, “maaaring dulot ng mga nangyari… at ng mga hindi nangyari.”
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, kahit may bahagi sa akin na alam na ang sagot.
Huminga siya nang malalim.
“You neglected her, Sir,” diretsahan niyang sabi. “At palaging si Miss Corrine ang kinakampihan n’yo—without a doubt. I’m sorry to say this, pero possible po na hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman ni Mrs. Bennett para sa inyo.”
Parang may pumutok sa loob ko.
Naikuyom ko ang aking kamay sa ibabaw ng mesa, ramdam ang tensyon hanggang sa mga daliri ko. Yumuko si Troy, halatang alam niyang tumama ang sinabi niya. Sinikap kong pigilan ang emosyon ko, pero huli na.
Hindi ko matanggap na gano’n na lang kadaling nawala—o kahit man lang nabawasan—ang nararamdaman ni Emily para sa akin.
Pero mas masakit aminin na… may katotohanan ang sinabi ni Troy.
At sa unang pagkakataon, napagtanto ko na baka ang pinakamalaking kalaban ko sa sitwasyong ito ay hindi si Devon o ang iba pang nakapalibot kay Emily, kundi ang sarili kong mga pagkukulang.
“Ipagpatuloy mo ang pagpapasubaybay kay Emily,” mariin kong utos, hindi inaalis ang tingin ko sa mga papeles sa loob ng folder. “Gusto kong malaman ang bawat kinikilos niya. Lahat—kahit yung sa tingin mo ay maliit at walang saysay.”
“Yes, Sir,” sagot ni Troy, diretso ang tindig, parang sanay na sanay sa bigat ng mga utos ko.
“You may go,” sabi ko, saka muling ibinalik ang buong atensyon ko sa folder na hawak ko, pilit inuubos ang bawat linya kahit pakiramdam ko ay umiikot lang ang mga salita sa harap ng mata ko.
Tahimik siyang umalis. Narinig ko ang mahinang pagbukas at pagsara ng pinto, at kasabay noon ay bumigat lalo ang katahimikan sa loob ng aking opisina. Walang ibang tunog kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang sarili kong paghinga—mabagal, kontrolado, pero puno ng tensyon.
Sinandal ko ang likod ko sa upuan, hawak pa rin ang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Emily. Medical records. Cold facts. Mga detalyeng hindi kailanman makakapagpaliwanag kung bakit parang unti-unting lumalayo ang babaeng minsan ay sigurado akong akin lang.
Bago pa ako tuluyang malubog sa isip ko, biglang bumukas ang pinto—walang katok, walang paalam.
Si Corrine.
Napatigil ang kamay ko sa pagbuklat ng pahina. Hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman kung sino iyon; sapat na ang presensya niya para mabago ang hangin sa loob ng silid. Masyadong pamilyar. Masyadong… invasive.
“Hi, Ash,” bati niya, may bahid ng ngiti sa labi na dati’y hindi ko pinapansin, pero ngayon ay kakaiba na ang dating.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkainis. Isang uri ng iritasyong hindi ko agad maipaliwanag—hindi dahil sa ginawa niya, kundi dahil sa mismong pagdating niya. Parang may mali sa timing niya. Parang palaging mali.
“May kailangan ka?” malamig kong tanong, hindi pa rin siya tinitingnan.
“Napadaan lang,” sagot niya, sabay lapit sa mesa ko. “Narinig kong nasa office ka, so I thought—”
“So you decided to barge in?” putol ko, saka tuluyang itinaas ang tingin ko sa kanya.
Bahagya siyang natigilan, pero mabilis ding bumawi. “Hindi ko naman akalaing magiging istorbo.”
Napangisi ako, pero walang kahit anong humor sa loob ko.
“Ngayon ang pinaka-hindi magandang oras,” sabi ko, diretso. “Kung wala kang importanteng sasabihn, I suggest you leave.”
May kung anong anino ng inis ang dumaan sa mukha niya, pero agad din niyang tinago. Tumango siya nang bahagya, pero bago tuluyang umatras ay nagsalita pa siya.
“About kay Emily…” maingat niyang simula.
Sa sandaling binanggit niya ang pangalan ng asawa ko, mas lalo lang tumindi ang inis ko.
“Stop,” mariin kong sabi. “Hindi ito ang usapan na dapat mong pakialaman.”
Tahimik siyang tumingin sa akin, parang may gusto pang sabihin. Ngunit sa huli, wala na siyang nagawa kundi tumalikod at lumabas ng opisina.
Nang tuluyang magsara ang pinto, napabuntong-hininga ako nang malalim.
Ngayon ko lang napagtanto—habang mas sinusubukan kong kontrolin ang lahat, mas lalo kong nararamdaman na may mga bagay nang hindi ko na hawak.
At isa doon… si Emily.
AsherHabang nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang cuffs ng suot kong suit, muling bumalik sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Amy—ang sekretarya ko—kanina lang.Pinapunta ko siya sa bahay ng mga Hills. Simple lang ang utos ko: ihatid ang mga kakailanganin ni Emily para sa pag-attend ng birthday party ni Mr. Taylor. Damit. Alahas. Isang tahimik na paalala na… asawa pa rin niya ako.Ngunit hindi iyon tinanggap ni Emily.“Unless it was about our divorce, don’t bother coming to me.”Iyon mismo ang sinabi niya. Walang sigaw. Walang drama. Diretso—pero mas masakit pa sa sampal.Nagtagis ang aking bagang habang inaalala iyon. Hindi ko akalain na may ganong tapang si Emily. Sa loob ng maraming taon, nakilala ko siyang kalmado, makatuwiran, palaging nag-iisip bago magsalita. Ni minsan ay hindi ko siya narinig na magbitaw ng masasakit at masasamang salita.Until that day.Until the hospital.She was so angry. Ang mga mata niya, hindi na puno ng pag-unawa, kundi ng galit at pagkadi
Nora“Ano ang mga yan?” taka kong tanong habang nakatingin kay Nadia, isa sa aming mga kasambahay ng pamilya Hills. Nasa living room ako at kausap si Esmeralda ng dumating ang isang babae na nagngangalang Amy na nagpakilalang sekretarya daw ni Asher.“Mrs. Bennett-” Natigilan si Amy ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tumikhim siya bago nagpatuloy. “Bilin ni Sir Asher na puntahan ko kayo at papiliin sa mga damit na ito. Darating din mamaya ang stylist pati na ang representative ng jewelry store para papiliin ka rin ng mga alahas na gagamitin mo mamaya para sa birthday party ni Mr. Taylor.”“I don’t need those. Makakaalis ka na,” malamig kong tugon. Natigilan si Nadia pati na si Amy.“Pero Mrs. Bennett, kabilin-bilin ni Mr. Bennett na asikasuhin ko kayo. Kung hinid ko ito gagawin ay baka matanggal ako sa traba–”“Why do I care?” tanong ko, taas ang kilay ng putulin ko ang pagsasalita ni Amy. “Mukha ba akong may pakialam sa isang tao na hindi ko naman kaano-ano?” dagdag ko pa.“Mrs.
AsherIsang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.Hindi ako nagkamali
Asher“Sir, ito na po ang complete medical record ni Mrs. Bennett.”Maingat na inilapag ng aking assistant na si Troy ang makapal na folder sa ibabaw ng aking desk. May bigat ang tunog nang tumama iyon sa salamin—parang senyales na hindi lang simpleng papeles ang laman nito. Dinampot ko agad ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang bawat detalye habang patuloy siyang nagsasalita sa harap ko, diretso at propesyonal gaya ng nakasanayan niya.“Nagkaroon po siya ng mild concussion, Sir. Sa ngayon, confirmed na may temporary memory loss siya. Hindi pa malinaw kung hanggang kailan, pero base sa assessment ng doctor, wala siyang maaalala sa mga pangyayari bago siya maospital.”Huminto ako sandali sa pagbabasa. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Last time na naospital siya,” dagdag pa ni Troy, “ay dahil po sa allergy reaction. Apparently, lahat ng inorder niya noong araw na ’yon ay puro seafood.”Dahan-dahan akong tumango, kunwaring naiintindihan ko agad ang lahat. Pero sa totoo lang,
NoraHindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda. “Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.“I canceled the application for our divorce.” “Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkat
NoraDinala ako ng waitress sa isang medyo sulok na bahagi ng restaurant. Pabor sa akin, at least pwede akong makapag-observe ng mga pumapasok at lumalabas dito.Naupo ako, facing the entrance. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa loob ng isang private room na nasa bandang kanan ko. Alam kong one way mirror iyon kaya hindi ko kita ang loob pero kitang-kita ako ng kung sinumang nandoon.“Here's the menu. Kung may order na po kayo ay pwede nyong pindutin ang button na nasa gitna ng table.” Sinundan ko ng tingin ang tinuro ng waitress bago ako tumango. First time kong kumain dito dahil palagi akong nasa private room. May button din sa loob pero sa dingding naman nakakabit. “No need. Mabilis akong mag-order. Pwede mo ng kunin ngayon.” Pagkasabi ko non ay agad akong namili sa menu.Simple lang naman ang gusto ko at kahit nasa katawan na ako ni Emily ay hindi iyon nagbago. Seafood.Oh, I love seafood.Walang pag-aatubili, nilista na ng waitress ang lahat ng







