Se connecterNora
Hindi na nakapagsalita pa si Asher dahil biglang dumating sina Rod at Esmeralda. “Anong ginagawa mo dito?”
“Dad,” sabi ni Asher ng lingunin si Rod. Ngunit matalim na tingin ang pinukol sa kanya ng matanda.
“Wag mo akong tawagin ng ganyan. Hindi kita anak.” Napansin ko ang bahagyang pagkibot ng labi ni Asher pati na ang pagkuha ng kanyang kamay na para bang nagpipigil na sumagot.
“Bakit ka pa nandito, hindi ba at divorce na kayo ng anak ko?” Malumanay ang boses ni Esmeralda pero halata ang hostility.
“I canceled the application for our divorce.”
“Ano?” bulalas ng mag-asawang Hills. Kita sa mukha nila ang pinaghalong gulat, galit at pagkadismaya.
“Asawa ko pa rin si Emily at nandito ako upang iuwi siya,” sabi ni Asher.
“Hindi ako uuwi sa bahay mo. We're done. I am done with you,” singit ko sa usapan nila.
“Ang mabuti pa Asher ay umalis ka na muna. Kung hindi mo alam ang gulong sinuong mo ay mabuti pang mag-isip-isip ka. Hindi kami papayag ni Rod na dalhin mo ang anak namin pagkatapos ng ginawa mo sa kanya.” Halata sa boses ni Mommy ang tinitimping galit.
Sasagot na sana si Asher ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Corrine. Sigurado na akong siya yon kahit na pangalawang beses ko pa lang siyang nakita at hindi malinaw na nasabi sa akin.
“Asher, you're here.” Mahina ang boses niya na may halong lambing at pag-aalangan. Bilib ako sa babaeng ito dahil nagagawa niyang maging makatotohanan ang pagpapanggap niya.
“Anong ginagawa mo dito, Corrine?” Halatang nauubusan na ng pasensya ang lalaki. Napansin ko ang bahagya niyang pagtingin sa akin na tila gustong magpaliwanag.
“Nabalitaan ko ang nangyari kay Emily kaya agad akong nagpunta dito,” tugon ni Corrine. Dahilan upang mabaling ang tingin sa kanya ni Asher.
“Bilib din naman ako sa radar mo. Paano mong nalaman na nandito ako?” Hindi ko napigilan na itanong. Siguro ay sinusundan niya si Asher dala ng pagkaparanoid.
Bigla, hindi malaman ni Corrine kung saan ibabaling ang tingin. Lahat kami ay nakatingin sa kanya, naghihintay ng sagot niya. At ng sa tingin ko ay wala siyang maisip na mairason ay bigla na lamang itong humawak sa kanyang ulo.
“Ah… Ang sakit,” daing niya habang ang isang kamay ay sapo na ang ulo. Sinamahan pa niya ng pagpikit. Natawa ako at ganon din ang mag-asawang Hills. Si Devon naman ay nakangisi na para bang alam na niya ang nangyayari.
“Walang mahagilap na sagot kaya magpapanggap na lang na may sakit?” tanong ko. Patuloy ang pagtawa nila Mr. and Mrs. Hills habang naiiling naman si Devon na tahimik lang na nakikinig sa amin.
“Asher, alam mo naman na nahulog din ako sa hagdan. Siguro ay epekto ito ng–”
“Just stop. Let's go, nandito na rin lang tayo sa hospital ay ipapacheck up na kita.” Madilim ang mukha ni Asher ng sabihin yon bago hinawakan si Corrine at akayin palabas. Halatang ayaw umalis ng lalaki ngunit naisip niya siguro na walang mangyayari kung mananatili pa siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang mawala sa paningin ko ang mga ito.
“Sino ka naman?” baling na tanong ni Rod kay Devon.
“I'm sorry for late introduction,” tugon ng lalaki habang napapakamot pa sa ulo na may halong tila nahihiyang ngiti sa mga labi. “I'm Devon, ako ang nagdala kay Emily dito.”
Tinignan ako ng mag-asawa matapos marinig ang sinabi ng lalaki na tila ba nagtatanong kung totoo ba ang kanyang sinabi.
Wala talaga akong alam and since si Devon ang nandito ngayon ay tumango na lang ako.
“Maraming salamat. But we will take care of our daughter now. Baka nakakaabala na kami sayo,” magalang na sabi ni Rod ng tumingin kay Devon. Pero halata na cautious siya.
“Hindi ako naaabala ni Emily. Pero aalis na rin ako dahil mukhang meron pa kayong dapat na pag-usapan.” Pagkasabi niya non ay bumaling si Devon ng tingin sa akin. May bahagyang ngiti sa kanyang mga labi ng magpaalam. “Nice meeting you. Pero sa susunod, wag ka ng kakain ng pagkain na hindi naman pwede sayo.”
Tumango ako sa lalaki pero pinanatili kong seryoso ang aking mukha. I don't know him at may pakiramdam akong hindi siya ordinaryo. The way he talk to Asher kanina pati na ang provocation ay hindi gawain ng isang simpleng lalaki na nagkataon ay nagligtas sa akin.
Umalis na si Devon at naiwan ako kasama sina Rod at Esmeralda. Bakas sa mukha ng dalawa ang curiosity, halatang gustong magtanong tungkol sa lalaki pero mas piniling manahimik, bagay na pinagpasalamat ko.
“Bakit naman kumain ka ng bawal sayo?” tanong ni Esmeralda habang hinahaplos ang aking braso. Mangiyak-ngiyak na ito na akala mo ay may nangyari ng masama sa akin. Well, masama naman ang nangyari, allergy could kill me. But I am still here, alive and kicking.
“I'm sorry, hindi ko alam na allergic pala ako sa hipon.” Ayaw kong mag-alala siya, hindi ko kayang makita na nalulungkot ang ginang na nasa harapan ko ngayon. Kahit hindi ako si Emily, gusto ko ang pakiramdam ng pagiging ina niya sa akin.
“Kasalanan namin ito ng Daddy mo. Kung bakit nakalimutan naming sabihin sayo gayong alam naman namin na may amnesia ka. Bata ka pa lang ay talagang takam na takam ka na sa hipon. Kaya naiintindihan ko kung bakit iyon agad ang gusto mong kainin.”
“Mom, hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo or si Dad man. Ako ang dapat sisihin sa nangyari. You were right, pakiramdam ko ay nasabik ako sa hipon. But I want you to know that I'm very happy dahil nalaman kong masarap talaga iyon,” tugon ko. Napangiti na lang si Esmeralda habang napapailing. Si Rod naman ay wala na rin nasabi.
Hindi nagtagal at nadischarge na rin ako. Diretso kami sa bahay ng mag-asawang Hills as usual.
Pero hindi pa man nag-iinit ang pwet namin sa pagkakaupo sa sala ay biglang lunapit ang katulong.
“Ma'am Emily, nasa labas po si Sir Asher.” Nagtinginan kami nila Mr. and Mrs. Hills.
“Umakyat ka na sa silid mo at kami na ng Mommy mo ang bahalang kumausap sa kanya,” sabi ni Rod.
“No need. Alam natin na hindi siya titigil,” sabi ko bago bumaling sa katulong. “Papasukin mo siya.”
Umalis ang katulong at pagbalik ay kasama na nga si Asher.
“Let's go home,” sabi niya, making me chuckle. Ni wala man lang kahit na anong pasabi kahit na nakita na niya ang mag-asawang Hills.
“Sinabi ko na, we're done. Mahirap bang intindihin yon?” tugon ko.
“Sinabi ko na rin na sa bahay ka uuwi. We're still married at–” Hindi ko na siya pinatapos pa.
“Mr. Bennett, alam mo kung anong klase ng kasal meron tayo. Kagaya ng sinabi ko na, wala akong maalala sa nakaraan. Pero alam ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon, I don't love you anymore. Pinapalaya na kita kaya pwede mo ng ipangalandakan ang Corrine mo.”
Sinikap kong maging mahinahon sa aking pagsasalita. Hanggat maaari ay nais kong mauwi kami sa maayos na paghihiwalay.
Wala akong ideya sa tunay na nararamdaman ni Emily but I don't care.
“Corrine and I are just friends. I never cheated on you. Yes, I took you for granted, but it's not enough para maghiwalay tayo. Kung ayaw mong umuwi ay pagbibigyan kita. I will let you think about this and please, don't make me do something we will both regret.”
Pagkasabi niya non ay umalis na rin siya. Tango lang ang binigay niya sa mag-asawang Hills. Alam na niyang hindi siya papansinin ng mga ito.
Napahawak ako sa aking ulo at marahang minasahe iyon.
“Anak, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Esmeralda.
“Ang mabuti pa ay umakyat ka na muna sa silid mo para makapagpahinga. Kailangan mong gumaling para maka-attend ka sa 70th birthday party ni Mr. Taylor. Pagkakataon mo yon upang magkaroon ng koneksyon na kakailanganin mo ngayong ikaw na ang bagong CEO ng Hills Pharma,” sabi naman ni Rod.
Agad akong tumango bilang pagsang-ayon. Alam ko sa sarili ko na mahalagang magkaroon ako ng mga kilalang tao na makakatulong sa akin kung sakaling kailanganin.
Sa ngayon, isang tao ang talagang very eager akong makadaupang palad. Iyon ay isang magaling na abogadong pwedeng tumulong sa akin para mapawalang bisa ang kasal namin ni Asher. Sana lang ay merong ganong klase ng tao na imbitado sa party na yon.
NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino ang dapat panatilihin sa distansya.Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano kaproductive ang naging araw ko, hindi ko rin mapigilan ang paggaan ng pakiramdam ko.Bawat meeting ay isang hakbang papalapit sa gusto kong mangyari.Bawat signature ay isang piraso ng kontrol.Iba na ang takbo ng buhay ko kumpara noong ako pa si Nora Dumont sa sarili kong katawan.Noon, magulo at mapanganib ang buhay ko, pero rganisado. Malayo sa corporate wars at sa mga taong handang magngitian sa harap mo habang may hawak na kutsilyo sa likod.Ngayon?Mas magulo.Pero mas makapangyariha sa legal na paraan.At sa kabila ng lahat ng iyon, may isang bagay na patuloy na bumabalik sa isip ko.Ang organisasyon at ang baba
NoraNagpunta ako sa isang restaurant. Medyo malayo siya sa kumpanya pero ayon sa nakita ko ay mukhang masarap ang pagkain.Sa totoo lang, I love eating. Kahit noong bata pa ako, natatandaan ko na palaging iyon ang motivation sa akin ng aking ama para lang pasunurin ako.Kapag ayaw kong magtraining ay pagkain ang pinangsusuhol niya sa akin. Kaya hanggang sa paglaki ko ay hindi siya makapaniwala na uubra pa rin ang ganon.Pero ang hindi niya alam, iyon ay dahil sa siya ang nanunuhol sa akin. Kung ibang tao, I don’t think na madadaan nila ako sa kahit na anong pagkain lalo na sa panahon ngayon.Nagpark ako at naglakad papasok sa loob ng resto, sinalubong ako ng waitress at dinala sa isang bakanteng pangdalawahang table.“Here’s the menu,” sabi ng nakangiting waitress. “Babalikan ko po kayo or pwede nyo po akong tawagin kung may napili na kayo.”“Okay,” tugon ko at iniwan na niya ako.Hindi na ako naging mayabang kagaya noong una. May food allergy ako kaya dapat akong maging maingat.Bus
NoraNews about Hills Care Pharmacy spread like wildfire.Halos araw-araw ay may bagong email, bagong tawag, bagong request for meeting. Hindi na ito simpleng internal expansion plan ng Hills Pharma—naging usap-usapan na ito sa business circles.Sa pag-uusap namin ni Matt ay nalaman ko na maraming negosyante ang kumokontak sa kanya upang mag-invest. May mga venture capital groups, private investors, at maging ilang established distributors na biglang naging interesado sa proyekto.Predictable.Retail pharmacy backed by a pharmaceutical giant will always attract attention.Ngunit ayon na rin sa previous instruction ko, na-filter na niya ang karamihan sa mga iyon.Very reliable si Matt pagdating sa trabaho. Systematic, organized, at mabilis umintindi ng instructions. Hindi ko na kailangang ulit-ulitin ang gusto kong mangyari dahil kaya niyang mag-adjust agad sa direction ko.Pero sa kabila ng efficiency niya, may isang tanong na paminsan-minsan ay pumapasok sa isip ko.Mapagkakatiwalaan
NoraTahimik ang opisina ko sa Hills Pharma, pero ang table ko ay puno ng papeles, projections, at annotated drafts. Nakabukas sa harap ko ang final proposal para sa Hills Care Pharmacy—ang retail arm na matagal ko nang gustong itayo.Hindi ito impulsive decision. Pinag-aralan ko itong mabuti matapos kong maulinigan sina Mr. at Mrs. Hills sa nangyari tungkol sa kumpanya matapos nila akong iuwi sa mansyon nila.Inalam ko ang lahat mula sa market behavior, supply chain vulnerabilities, at consumer trust patterns. Lahat ng posibleng risk, tinimbang ko.At ngayon, aprubado na.Inilapag ko ang papel at sandaling tumingin sa pirma sa huling pahina.Board: Approved.Majority shareholders: In favor.Mabilis ang naging proseso lalo na ang pirma ni Clara.Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ko nang maalala ko ang meeting. Inaasahan kong kokontrahin niya ako. Inaasahan kong haharangin niya ang expansion.Pero pumirma siya.Tahimik at walang kondisyon kaya naman kinailangan kong ihanda ang akin
DevonTahimik ang opisina ko, pero hindi ang isip ko.Floor-to-ceiling glass ang harapan ng building, kita ang skyline—malinis, organisado, predictable. Isang mundo na kayang kontrolin ng tamang numbers, tamang strategy, tamang leverage.Pero may mga bagay na hindi nadadaan sa quarterly reports.“Andres,” sabi ko habang umiikot ang swivel chair ko paharap kay Cesar. “Full name?”“Walang malinaw,” sagot niya, nakasandal sa couch sa tapat ng mesa ko. Bilang front-facing CEO ng kumpanya namin, sanay siyang magmukhang relaxed kahit seryoso ang usapan. “May ilang records ng property acquisitions under shell corporations. Pero walang direct ownership. Walang public profile. Walang board affiliations.”“Too clean,” sagot ko.“Exactly.”Sa screen sa harap ko, naka-open ang background checks na pinatakbo ko kaninang madaling-araw. Standard databases. Corporate registries. International affiliations.Nothing.As if he doesn’t exist.“At yung babae?” tanong ko.“Nora Dumont,” sagot ni Cesar, baha
DevonMatagal na akong sanay magbasa ng tao.Sa kagaya kong hindi lang dito sa bansa ang negosyo, mahalaga iyon—micro-expressions, shifts in posture, involuntary reactions. Mas marami kang nalalaman sa hindi sinasabi kaysa sa direktang binibitawan ng bibig.Kaya nang makita kong bahagyang naging stiff ang balikat ni Emily, kahit sandali lang, napansin ko agad.Nasa kalagitnaan kami ng magaan na usapan nang maramdaman kong nagbago ang focus niya. Hindi ako lumingon agad, pero alam kong may nakita siya.Sinundan ko ang tinitginan niya.Isang may edad na lalaki ang papalapit, dignified ang tindig, may uri ng kumpiyansang hindi nagmumula sa pera lang kundi sa kontrol. Sa tabi niya ay isang babaeng mas bata—elegante, composed, at may kakaibang pamilyar na aura.Diretso ang tingin nilang dalawa kay Emily.Hindi iyon random approach ng investor na gustong bumati.May agenda.Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng katawan ni Emily bago niya ito mabilis na itinago. Kung hindi ko siya tinitin







