Share

Chapter 8

Author: R.Y.E.
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-22 15:42:47

Asher

Isang linggo na ang nakaraan simula nang lumabas sa hospital si Emily dahil sa allergic reaction, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. Para bang sinasadya niyang ilayo ang sarili niya sa akin na tila gusto niyang iparamdam sa akin kung gaano kasakit ang balewalain.

Talaga yatang sinusubok niya ang pasensya ko.

O baka naman… wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin kagaya ng sinabi ni Troy?

Sa tatlong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi binanggit ni Emily, ni hindi man lang isinumbat ang malaking halagang itinulong ng pamilya niya sa akin at sa Bennett Group. Tahimik lang siya noon, palaging nasa likod ko, palaging handang umunawa kahit ako mismo ay hindi marunong magpaliwanag.

But after she woke up from the hospital, bigla niyang ibinato sa akin ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan. Ang dahilan kung bakit ako naging hostile sa kanya. Ang bagay na pilit kong kinakalimutan pero matagal nang bumabaon sa isip ko.

Hindi ako nagkamali.

She sees me as weak.

Sa paningin niya, isa lang akong lalaking nagpakasal dahil sa pera.

Alam ko, kahit hindi nila sabihin sa harap ko na pinag-uusapan ako ng mga tao sa likod ko. Kung paano niligtas ng pamilya Hills ang Bennett Group. Kung paanong ang pagmamahal ni Emily para sa akin ang naging puhunan ko para manatiling nakatayo.

Yes, mahal ako ni Emily. At mahal ko rin siya, iyon ang katotohanang hindi ko kailanman itinanggi. Pero hindi rin pinaalam sa kahit na kanino.

Ngunit hindi ko kinaya ang ideya na nagpakasal kami dahil sa pera.

Ang gusto ko lang noon ay manghiram. Isang loan. Isang pagkakataon para maiahon ang kumpanya. Pero ni isang bangko, ni isang investor ay walang naniwala sa akin. Wala ni isa ang gustong sumugal sa pangalang Bennett.

Hanggang sa magsalita si Mr. Hills.

Marriage.

Isang kasunduan na kapalit ng pera.

Ayaw ko sanang tanggapin. Pride ko na lang ang natitira noon. Pero desperate ako. Lugmok. At bukod doon… gusto ko rin naman si Emily. Simula pa nung junior high school kami ay nakikita ko na siya bilang babaeng tahimik pero matatag, simple pero may kakaibang liwanag.

Pinili ko ang maling dahilan sa tamang tao.

Napapikit ako, at muling bumalik sa isip ko ang mga pagkakataong dapat ay magkasama kami—anniversaries, birthdays, simpleng hapunan pero mas pinili kong magtrabaho. Hindi dahil ayaw ko sa kanya, kundi dahil ayaw kong maramdaman na may utang na loob ako.

Gusto kong mabayaran agad ang tinulong ng pamilya niya. Gusto kong burahin ang limang taon na utang na nauwi sa pagpapakasal namin three years ago—pagkatapos niyang mag-graduate ng college.

Sa isip ko noon, kapag bayad na ako kay Mr. Hills, saka lang ako magkakaroon ng lakas ng loob na tumingin kay Emily sa mata. Na maaari na niya akong ipagmalaki—bilang asawang hindi umaasa, bilang lalaking kayang mag-provide.

Pero kahit isang taon na mula nang mabayaran ko ang lahat, ganon pa rin ang tingin ng mundo sa akin.

Para sa kanila, kung hindi dahil kay Emily, wala na raw ang Bennett Group.

Kahit isa na kami sa mga tinitingalang kumpanya ngayon, hindi pa rin ako lubusang nakatakas sa mga bulong at panlalait. Parang nakatatak na sa pangalan ko ang utang na hindi na mabubura.

Hindi nila masabi sa akin ng harapan ngayon sa laki ng impluwensya ko hindi lang dito sa lungsod kung hindi maging sa buong bansa.

Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang kumatok sa pinto.

“Come in,” sabi ko.

Bumukas ang pinto at agad na lumitaw ang pigura ng aking ina. Sa isang iglap, parang bumigat ang dibdib ko. Sa tuwing haharap siya sa akin, iisa lang ang tema ng usapan at alam ko na kung sino.

“Anong kailangan mo?” tanong ko, pilit na walang emosyon.

“Birthday ni Mr. Taylor next week,” diretsahang sabi niya habang papalapit. “Kailangan mong um-attend. Maraming kilala at malalaking negosyante ang imbitado.”

“Alam ko na ’yan,” sagot ko agad. “Hindi mo na kailangang ipaalala.”

“Bring Corrine with you,” dagdag niya, parang normal lang ang sinasabi. “Nalaman ko na malapit siya sa apo ni Mr. Taylor.”

Napahawak ako sa noo ko at marahang minasahe iyon, pilit pinipigilan ang tumitinding sakit ng ulo. “Bakit, ayaw mo?” dagdag niyang tanong na may halong iritasyon.

“It’s inappropriate, Mom,” mariin kong sagot. “May asawa akong tao. Hindi tama na makita akong kasama ang ibang babae.”

Ngumisi siya, puno ng panunuya. “Ngayon mo pa naisip ’yan? How long have you been taking that bitch for granted?”

“Stop!”

Napatahimik siya sa lakas ng boses ko. Kitang-kita ang gulat sa mukha niya.

“Is that how you treat my wife?” nanginginig pero mariin kong tanong.

“Sinigawan mo ako?” nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya.

“Yes,” diretsahan kong sagot. “Nakalimutan mo na ba kung bakit nakatayo pa rin ang Bennett Group ngayon?”

Bahagya siyang tumahimik bago muling nagsalita. “Siguro dahil sa pera nila. Pero alam mong pinaghirapan mo ang lahat. Hindi ba at bayad ka na? Wala nang dahilan para pakisamahan ng maayos ang babaeng ’yon!”

Parang sinampal ako ng mga salita niya.

Hindi ako makapaniwala.

Ang sarili kong ina na noon ay halos lumuhod sa ibang negosyante, na nakita kung paano kami hinarap ng mag-asawang Hills—siya pa ang magsasalita ng ganon tungkol kay Emily.

At sa sandaling iyon, doon ko napagtanto…

Hindi lang pala ako ang nakasakit kay Emily.

Hinayaan ko ring masira ang respeto ng iba sa kanya—dahil sa sarili kong takot at pride.

"This is the last time na magsasalita kayo ng hindi maganda sa asawa ko," sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa aking ina. "Sa harap man niya o hindi, you are going to respect Emily."

Nakita kong naningkit ang mga mata ng aking ina ngunit wala na siyang nasabi pa. Alam na niya na seryoso ako sa aking sinabi.

"Kapag may nakarating sa akin na kahit na anong balita na may ginawa o sinabi kayo sa asawa ko, sisiguraduhin kong hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko." Tumigil ako habang pinag-aralan ang kanyang reaksyon. Gusto kong makasiguro na susundin niya ako.

"Kung yan ang gusto mo. But make sure na isama mo si Corrine dahil talagang malaki ang maitutulong niya sayo kung sakali." Pagkasabi ni Mommy non ay tumalikod na siya at lumabas ng aking opisina.

Naiiling na lang akong sumunod ng tingin sa kanya. Naisip ko na marahil ay sobra ang pagtitiis ni Emily noon. Hindi ko pinaniwalaan ang sinabi niya noon na hindi maganda ang trato ng aking ina sa kanya.

Sino ba naman ang mag-iisip na ganon? Alam ni Mommy na tinulungan kami ng pamilya Hills kaya naisip ko na tatratuhin niya ng maayos ang asawa ko.

Ang 70th birthday ni Mr. Taylor.

I should bring Emily. Kailangan ko na siyang isama sa lahat ng pagtitipon na a-aattend-an ko. Ayaw ko ng mag-isip pa siya na binabalewala ko ang pagiging mag-asawa namin.

Dahil sa naisip ko ay dinampot ko ang telepono upang tawagin si Troy na ilang saglit lang din ay nasa harapan ko na.

"Any news on Emily?" tanong ko.

"Last week, she started  to do a morning run." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng aking assistant. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy. "Kahapon lang ay nagpamember siya sa isang boxing gym."

"Boxing gym?" gulat kong tanong.

"Yes, Sir."

"She just got out of the hospital. Okay na ba ang natamo niyang pinsala ng mahulog siya sa hagdanan? Hindi ba siya mapapasama kung magsimula siyang gumawa ng mabigat na activity kagaya ng boxing?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ko maiwasan ang mag-alala.

"Sa tingin ko Sir ay alam naman ni Mrs. Bennett ang dapat niyang gawin," tugon ni Troy. "Isa pa po, sa tingin ko ay a-attend siya sa birthday ni Mr. Taylor dahil nalaman ko na nakatanggap ng imbitasyon ang mag-asawang Rod at Esmeralda."

Tumango ako sa sinabi niya kasunod na naisip ko ang sinabi ng aking ina. Lalong hindi ko pwedeng isama si Corrine. Ayaw kong madagdagan pa ang paranoia ni Emily tungkol sa amin ng babae.

"Is there anything else?" tanong ko na lang.

"Tungkol naman kay Devon, wala pa rin kaming nakakalap na impormasyon tungkol sa kanya. Pero hindi pa siya lumapit muli kay Mrs. Bennett." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabing iyon ng aking assistant.

"Ayaw kong pakasiguro. Ipagpatuloy mo lang ang imbestigasyon tungkol sa lalaking 'yon. Siguro nga ay nagkataon lang na naroon siya ng ma-allergy si Emily.  Pero ang salitang binitawan niya sa hospital ay hinding-hindi ko pwedeng balewalain."

"Copy, Sir."

Umalis na si Troy pagkasabi non habang ako ay nanatiling nag-iisip. 

“Do you think I care about that? As long as she’s with me, I don’t care.” Yan ang mga salitang binitawan ng Devon na 'yon sa hospital. Sigurado akong kilala niya si Emily at may pakay siya sa asawa ko. At iyon ang dapat kong alamin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 49

    Nora“Emily,” sabi ni Asher ng makababa na kami pareho ng sasakyan matapos niyang mai-park ng maayos.Siya ang nagdrive ng kotse ko habang nakasunod naman ang driver niya na dala ang sasakyan nito.“You can leave,” sabi ko sabay talikod, ni hindi ko na ginawang magpasalamat.Ngunit pinigilan niya ako, hinawakan niya ako sa braso kaya naman kunot ang noo ko ng tignan siya.Tila naman napaso itong binitawan ang braso ko ng makita ang aking reaksyon.“I’m sorry. Gusto ko lang sana na makausap ka.”“Wala na tayong dapat pang pag-usapan.”“I’m really sorry, Em.”Natigilan ako.Em? Is that how he calls Emily?Wala akong matandaan kaya bukod sa pagkagulat dahil first time kong marinig iyon ay wala na akong iba pang damdamin na naramdaman.Maybe even Emily had lost hope for him kahit wala na ang kamalayan niya sa sarili niyang katawan.“Mr. Bennett,” sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Tapusin na natin itong charade na ito. We’ve signed the divorce agreement, so we should end thing

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 48

    NoraHindi ko alam kung bakit ako nandito.Sa dami ng lugar na pwede kong puntahan, sa dami ng mas tahimik at mas angkop para sa isang taong may posisyon na tulad ko, dito pa talaga ako dinala ng mga paa ko—sa bar na hindi ko pa natapakan minsan man.Wala akong malinaw na plano. Wala akong sinadyang hanapin.Parang instinct lang.At iyon ang mas nakakagulo.Bukod sa jazz music na tumutugtog ay masasabi kong tahimik ang paligid habang nakaupo ako sa bar counter, hawak ang isang baso ng alak na halos hindi ko naman iniinom. Sapat ang ilaw para makita ang mga tao, pero hindi ganoon kaliwanag para basahin ang bawat emosyon sa mukha nila.Napabuntong hininga ako ng maalala ng sabay-sabay ang tatlong lalaking salitang lumilitaw sa harapan ko.Sina Andres, Asher at Devon.Parang sabay-sabay silang pumapasok sa utak ko, walang paalam, walang pahinga. Hindi ko man gustuhin, hindi ko sila mataboy.Napabuntong-hininga ako at iniikot ang baso sa kamay ko, pinagmamasdan ang paggalaw ng likido sa l

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 47

    NoraPaano niya nalaman?Iyon ang unang tanong na paulit-ulit na umikot sa isip ko matapos magsara ang pinto sa likuran ni Devon. Hindi ko maalis ang bigat ng presensya niya sa loob ng opisina, na para bang kahit wala na siya roon ay may bahagi pa rin ng hangin na nananatiling kanya.Paano niya nalaman ang tungkol kay Andres… at ang mas nakakagulat—ang tungkol sa babaeng nagpapanggap bilang Nora Dumont?Hindi iyon impormasyong basta-basta nakukuha. Hindi iyon tsismis. At lalong hindi iyon bagay na puwedeng panghimasukan ng isang taong, sa lahat ng alam ko, ay wala namang koneksyon sa akin—o kay Emily.Napapikit ako at dahan-dahang sumandal sa upuan ko, pilit inaalala ang itsura niya kanina. Hindi ang mga biro niya. Hindi ang panunukso.Kundi ang seryosong mukha niya.Ang paraan ng pagtingin niya sa akin.At ang boses niyang mababa, matalim, at walang halong biro nang sabihin niya—“Mag-ingat ka.”Hindi iyon babala na basta puwedeng ipagsawalang-bahala.At iyon ang dahilan kung bakit h

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 46

    DevonMaaga akong nagising, mas maaga kaysa sa nakasanayan ko. Hindi dahil may mahalaga akong meeting o deadline na hinahabol, kundi dahil hindi ako pinatulog ng sarili kong isip.Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang usapan namin ni Cesar—ang tungkol kay Andres, sa koneksyon nito sa underground, at sa mas nakakabahalang detalye na may kasama itong babaeng leader din ng isang organization sa underground.Hindi iyon simpleng coincidence.At lalong hindi iyon bagay na puwede kong ipagwalang-bahala.Tahimik ang buong unit ko habang nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang unit na katapat lang din ng sa akin. May hawak akong tasa ng kape, pero matagal na itong malamig. Hindi ko man lang namalayang hindi ko na pala iyon iniinom.Iisa lang ang malinaw sa akin.Kailangan kong makita si Emily.Hindi mamaya. Hindi bukas.Ngayon.Gustuhin ko man na katukin siya ay hindi ko ginawa. Magkapitbahay lang kami pero alam ko na hindi niya ako tatanggapin doon kung sakali.Pagdating ko sa Hill

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 45

    Devon“Sigurado ka ba?”Hindi ko itinago ang iritasyon sa boses ko habang nakatingin kay Lee. Nakapamaywang ako sa harap ng mesa, bahagyang nakayuko, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.“Yes, Sir,” sagot niya agad, halatang nagmamadali. “Hindi nawawala sa paningin ng mga bodyguard kay Miss Hills.”Mas lalo akong napakunot ang noo. “Hindi iyon ang tinatanong ko.”Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. “They met, Sir. During dinner.”“Anong pinag-usapan nila?” mas mariin kong tanong.“Research collaboration,” sagot niya. “Kagaya ng sa atin ngunit hindi tinanggap ni Ms. Hills. Mukhang hindi niya nagustuhan na pag-usapan ang negosyo over dinner at kasama pa ang kanyang mga magulang.”Napasandal ako sa aking upuan at sandaling natahimik ang buong opisina habang iniisip ko ang sinabi niya.Research collaboration.Seryoso talaga siya sa sinabi nya nung gala?“Interesting…” bulong ko, halos sa sarili ko lang. “Mukhang seryoso ang Andres na ‘yon na makalapit kay Emi

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 44

    NoraHindi ko kailangang magsalita para maramdaman kung gaano kabigat ang hangin sa mesa. Pagkaupo ko pa lang, ramdam ko na agad ang tensyon—hindi iyong halatang tensyon na may sigawan o pagtatalo, kundi iyong mas delikado. Tahimik. Nakabalot sa maayos na ngiti at magagalang na salita.Mas mahirap kalabanin ang ganitong klaseng sitwasyon.Pinili kong hindi magpakita ng kahit anong reaksyon. Kahit ang mismong paghinga ko, sinigurado kong kontrolado. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng mga taong ito.Sobra ang pagpipigil kong ipakita ang galit na nararamdaman ko.Si Andres na siyang pumatay sa akin at sa mga magulang ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangiti habang katabi ang isang babaeng may mukha ko bilang Nora Dumont.Umupo ako nang maayos at inilapag ang bag ko sa tabi ng upuan. Saka ko lang hinayaan ang sarili kong magmasid, pero hindi halata. Hindi direkta. Sanay na ako sa ganitong galawan—yung nakatingin ka pero hindi mukhang nag-oobserba.Nakangiti ang

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 39

    DevonHindi ko agad nilapitan si Emily matapos ang sparring.Nanatili muna ako sa kinatatayuan ko sa gilid ng gym habang pinapanood siyang bumaba mula sa ring. Tinanggal niya ang mouthguard niya at iniabot ang gloves sa trainer bago kumuha ng tuwalya mula sa bench.May ilang hibla ng buhok ang kumaw

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 38

    Devon“Again.”Napatingin si Cesar sa akin mula sa kabilang dulo ng conference table habang pinapagalaw ko ang slide deck sa malaking screen sa harap namin.“Devon,” sabi niya habang kinukusot ang sentido. “Ilang beses na nating inulit ’to.”“Not enough,” sagot ko habang pinipindot ang remote para l

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 37

    NoraSobrang pagod ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako sa townhouse.Hindi lang ito yung tipong pagod na nawawala sa isang mahabang tulog. Ito yung pagod na galing sa tuloy-tuloy na pagdedesisyon, sa bawat meeting, bawat negotiation, bawat kalkulasyon kung sino ang dapat pagkatiwalaan at sino a

  • Ang Bagong Emily Hills   Chapter 36

    NoraNagpunta ako sa isang restaurant. Medyo malayo siya sa kumpanya pero ayon sa nakita ko ay mukhang masarap ang pagkain.Sa totoo lang, I love eating. Kahit noong bata pa ako, natatandaan ko na palaging iyon ang motivation sa akin ng aking ama para lang pasunurin ako.Kapag ayaw kong magtraining

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status