Share

Chapter 24

Hinayaan muna niya si Abigail na magkulong sa kuwarto nito at pumunta siya sa likod bahay para i-transplant na ang mga talong. Inayos at nilagyan pa niya ang mga iyon ng abono pagkatapos na itanim. Lagpas alas dose na nang matapos siya sa pag-transplant. Inalis na niya ang suot na guwantes at pinagpag ang mga lupa na kumapit sa suot niyang pantalon.

Pagkatapos ay pumasok siya sa bahay. Kinatok niya ang pinto ng kuwarto ni Abigail pero hindi ito sumagot. Pati kaluskos ay wala siyang narinig at napakatahimik sa loob ng kuwarto nito.

"Abby," tawag niya rito.

"Go away! Ayaw kitang makausap!" malakas na angil nito. "Naiinis ako sa'yo!"

Napabuga siya ng hangin at napatingala sa kisame. Bago itinaas ang kamay at akmang muling kakatok pero binawi niya ang kamay at ibinaba.

Hindi na siya nagpumilit na katukin ang pinto at naligo na lamang. Habang naliligo ay 'di niya mapigilan ang mapailing. Sa nakita niyang inasal ni Abigail ay talagang naiinis ito kay Odette. Siguro ay dahil alam nito na may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status