Share

Ang Bilyonaryong Magsasaka
Ang Bilyonaryong Magsasaka
Author: Ced Emil

Chapter 1

Two years ago, naranasan ni Axis ang masaktan at madurog ang puso niya. Naka-move on man siya ay paminsan-minsan ay naalala pa rin niya ang nangyari noon. Iyon ang araw na kagagaling niya sa ibang bansa.

Bago lumabas si Axis sa elevator ay inayos muna niya ang kaniyang coat. Pagkatapos ay humakbang na siya at binagtas ang daan papunta sa condo ng kaniyang kasintahan na si Faith. Miss na niya ang dalaga at gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Sabik na rin siyang mahalikan ito.

Galing siya sa Italy para sa kaniyang business meeting. Halos isang linggo rin siya roon at kababalik lamang niya ngayon ng bansa. At sa halip na umuwi ay dumeretso siya rito sapagkat alam niyang bago siya lumipad patungong Italy ay nagtatampo si Faith dahil hindi siya pumayag na sumama ito sa kaniya. Umuungot ito na isama niya ito nang matuklasan ang pagpunta niya sa ibang bansa. Kaya naman gusto niyang surpresahin ito at ibigay na rin ang binili niyang regalo sa dalaga. Balak din niyang mag-propose kay Faith para magpakasal na sila. Hindi na sila bumabata at dapat bumuo na sila ng sarili nilang pamilya.

Huminto siya sa harap ng pinto at pamilyar na pinindot niya ang passcode. Nang bumukas na ang pinto ay walang pagmamadaling pumasok siya. Ni hindi siya gumawa ng ingay na humakbang siya. Napangiti siya nang marinig ang hagikgik nito sa kuwarto kaya dahan-dahan na lumapit siya roon habang inaalis ang kaniyang necktie.

Bahagyang nakabukas ang pinto kaya hinawakan niya ang doorknob at sumilip doon. Ngunit nabura ang ngiti niya at dumilim ang kan'yang anyo nang masaksihan kung anong nangyayari sa loob. His heart turns cold at the scene he saw. Nakita niya si Faith na nakahiga sa kama at may lalaking nakapatong dito. Nagliyab sa galit ang kaniyang mata at akmang papasok pero pinigilan niya ang sarili. Tumalikod siya at pumunta sa kusina. Kinuha ang isang bote ng wine at kopita bago pumunta sa sala. Naupo siya roon at nagsalin ng wine.

Kahit na anong sakit at galit ang nararamdaman niya ay kalmado pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumandal pa siya sa sofa at sumimsim ng wine habang hinihintay na matapos ang dalawa sa loob. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng kuwarto at lumabas ang tumatawa pang si Faith.

Malamig ang matang pinanood niya ang dalawa nang magtukaan pa sila. Pagkatapos ay humagikgik si Faith at tumakbo na parang sinasabing habulin siya ng lalaking kalampungan nito. Muli siyang sumimsim ng wine at hinintay na mapansin siya ng dalawa. Ang lalaki ang unang nakapansin sa kaniya kaya napahinto ito. Nang makita iyon ni Faith ay tumigil din ito at sinundan ng tingin ang mata ng lalaking kasama nito.

Animo tuod na napako si Faith nang makita siyang nakaupo roon. Namutla ito na parang natuka ng ahas.

"A-Axis..." nauutal na usal nito sa kaniyang pangalan.

Kalmado pa rin na inilapag niya ang kopita sa center table bago tumayo at pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hindi ko alam na cheap ka rin pala." Ngumisi siya at lumapit dito. Bahagyang yumuko siya para ilapit ang ulo sa may taynga nito at bumulong. "Gusto kong sabihin sa'yo na mabuti at naabutan kita rito na may katalik na ibang lalaki. Iniisip ko kasi kung paano kita hihiwalayan dahil naaawa ako sa'yo. Kaya masaya ako na ikaw din ang gumawa ng rason para tapusin ko na kung ano ang mayroon tayo. I'm tired of you anyway."

Nang ilayo niya ang mukha rito at tignan ay wala na ang takot at guilt sa mukha nito.

Itinaas nito ang noo at sinabing, "at akala mo ba ay hindi rin ako pagod na umaktong gusto kita. Kung hindi ka mayaman ay hindi kita papatulan!! Pera lang naman ang meron ka!!"

Nang marinig iyon ay animo nilatigo ang puso niya pero hindi niya iyon pinakita sa kaniyang mukha. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at hinugot ang wallet niya sa kaniyang coat. Kinuha niya ang tig iisang libo at inilagay iyon sa mesa nang hindi iyon binibilang.

"Then here, babayaran ko ang oras mo na binigay mo sa'kin sa mga nakalipas na buwan. Pareho lang natin na ginamit ang isa't isa kaya walang mawawala sa ating dalawa. You let me f*cked you and tossed you every night so I think dapat lamang na bayaran kita," bored na hayag niya bago lumabas ng condo nito. At gusto niyang magdiwang na nagawa niyang umaktong normal pa rin sa harap ng babae.

Habang nakasakay siya sa elevator pababa ay pilit pa rin niyang kinakalma ang galit niya. Pilit din na pinipigilan niyang tumulo ang kaniyang luha. But still he couldn't help but to blurt out a cuss, "f*ck!" Mariing kumuyom ang kamao niya at pinigilan ang sariling suntukin ang dingding ng elevator.

Sa totoo lamang ay gusto niyang mag-demand ng sagot kung bakit niloko siya nito pero bilang isang lalaki ay nilunok niya iyon at umaktong hindi siya apektado sa ginawa nito. Ang mas masakit pa ay ang marinig sa mismong bibig ni Faith na pera lang ang habol nito sa kaniya.

Pagkalabas niya ng condominium building ay sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho pauwi. At 'pag may ibang kotseng nag-oovertake sa kaniya ay mas lalo lamang siyang naiirita. Pinilit niyang huwag dumungaw sa bintana at murahin ang may-ari ng sasakyan. He really want to vent his anger ngunit alam niyang walang kinalaman ang driver ng sasakyan sa nangyayari sa kaniya.

Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili niya.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay 'di sinasadyang napatingin siya sa isang folder. Ito ang titulo ng lupa na binili niya sa mountain province. Ang kaibigan niyang si Roger ang nag-alok sa kaniya na bilhin niya iyon. Animo may bombilyang umilaw sa utak niya. Siguro ay kailangan niyang lumayo muna rito.

Nang i-park niya ang kotse niya sa garahe ng kanilang mansion ay bumaba na siya at isinara ang pinto. Paglingon niya ay nakita niya ang ina na nakatayo sa front door at nakangiting naghihintay sa kaniya.

"Axis," sabi nito at niyakap siya.

"Ma," pilit niyang pinasigla ang tono niya at nagpasalamat siyang 'di ito napansin ng mama niya.

"Akala ko ba ay susunduin mo si Faith at dito na tayo kumain ng dinner?" takang tanong nito nang makitang hindi niya kasama ang kasintahan.

"We broke up," kibit balikat na sabi niya.

"Pero bakit?" gulat na bulalas ng kaniyang ina. "Okay ka lang ba, 'nak?"

"I'm okay, 'Ma," tugon niya at pumasok na sila sa loob. "Hindi lang kami ang talagang para sa isa't isa kaya naghiwalay kami."

Niyakap siya nito. Dahil hindi nito nakikita ang mukha niya ay nagkaroon ng crack ang kanina pa niya tinatagong sakit na nararamdaman niya. Ayaw lang niyang ipakita sa ina ang kahinaan niya pagdating sa mga babae. Ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Nahihiya siyang malaman nito na nagawang paglaruan ni Faith ang damdamin niya. At mas ayaw niyang matuklasan nito na pera lamang ang habol ng babae sa kaniya.

Dahil alam niyang masasaktan ito para sa kaniya.

Nang bumitiw ang kaniyang ina sa kaniya ay ngumiti agad siya. As if he's indifferent after his breakup with his girlfriend.

"Naisip ko na pumunta sa mountain province para magbakasyon at tignan na rin ang lupang binili ko," wika niya. "Noong binili ko iyon ay plano ko na talagang pumunta roon para tignan ang lupa," agad na paliwanag niya. Alam niyang biglaan ang disisyon niyang 'to pero kailangan niyang magsinungaling sa ina.

"Pero ang layo ng mountain province, Maximus," tutol nito.

"Bakit hindi mo payagan ang anak mo. Binata na 'yan at may sariling isip," singit ni Ryker, ang kaniyang ama.

Kahit na halatang tutol si Kelly, ang kaniyang ina, ay napipilitang tumango ito. Nilinga niya ang ama at ngumiti rito.

Sana lang ay sa lugar na pinili niyang puntahan ay mapaghihilom niya ang kaniyang sugatang puso roon.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ronald Caborubias Maglasang
magandang simula
goodnovel comment avatar
Erlinda H,Mateo
umpisa pa lang maganda na sana tuloy tuloy. dahil jan bibigyan na kita ng 1 gem
goodnovel comment avatar
Nerman Marcera
aabot at matatapos ang kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status