Share

CHAPTER 22

"Ah, sige. Papasok na ako," paalam ko sa kaniya. Kailangan ko nang makapasok kaagad sa kuwarto ko. May gulat pa rin akong nararamdaman dahil magkatabi lang pala ang mga kuwarto namin. Nakisabay lang siguro siya kaya todo pilit na ihatid ako.

"Okay." Nang marinig ko ang sinabi niya ay mabilis kong binuksan ang pinto gamit ang hawak kong susi at mabilis pa sa alas-kuwatrong pumasok ako sa kuwarto ko. Agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito.

"He seems to know me," bulong ko. Mas lalo pa akong kinutuban nang biglang maalala ko kung paano niya sinabi na mag-iingat ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin nun, seryoso ang boses niya. Seryoso siya. Pero hindi ko iyon pinansin. At ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Bakit pakiramdam ko hindi na ako ligtas?

Nasapo ko nalang ang noo ko nang maalala ko pang wala na si Blue sa lugar na ito. Wala na si Blue na puwede sanang magtanggol sa akin kapag nasa panganib ang buhay ko. Pero baka nag-o-overthink na naman ako kaya ganito. Okay,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status