Share

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]
Penulis: S.B.S

Prologue

MATAMAN kong sinuyod ang aking repleksiyon sa harap ng eleganteng salamin sa loob ng silid. Nanginginig na inangat ko ang mga daliri at inabot ang sarili kong hitsura.

Bawat linya at detalye ay pilit kong inaalala. Pilit kong kinalap sa aking diwa.

May maganda akong hugis ng mata na sinamahan ng malalantik na pilikmata. Ang aking ilong ay may katamtamang tangos at labi na katamtamang pouty at sadyang natural na mapupula. Mikinis din ang aking pisngi at kutis porcelana. Malaperpekto ang taglay kong ganda ngunit kahit anong piga ko ng aking utak ay sawi kong mahanap ang sarili.

Hindi ko kilala ang babae sa salamin. Ni munting parte ng hitsura nito ay hindi ako pamilyar. Walang bahagi nito na nagpa-alala sa'kin sa nakaraan.

Kuyom ang palad ay mariin kong naipikit ang mga mata. Naninibughong napabuga ako ng hininga. Hindi ko namamalayan ang munting butil ng luha na kumawala sa gilid ng aking mga mata.

Lihim akong napatanong sa aking sarili.

Sino ba talaga ako?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status