Share

Glimpse of Memory

"SAAN, ba tayo pupunta ha?" Kunot noong tanong ko kay Shane ang pinsan ko. Anak ito ng kapatid ng Mommy ko.

"H'wag ka nang magtanong at sumama ka na lang." Nakataas ang kilay sabay irap ang mga mata ni Shane. Inayos nito ang iba naming mga bagahe.

"Whatever," nagkibit balikat na lang ako. Kontra gustong kinarga ko ang iba naming gamit sa compartment ng sasakyang dala ni Shane.

Minsan hindi ko talaga ma-spelling 'tong pinsan ko. Travel blogger kasi ito kaya minsan kung saan-saan ako dinadala. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng kotse.

Napasimangot akong bigla nang maalala ko ang aking kotse. Mag-iisang buwan nang nakaratay sa talyer. Pinapa-repaint ko pa kasi. Sobrang nasira ang bumper. Walang hiyang lalaki!

"Pagnakita ko ulit ang mayabang na lalaking 'yon puputolan ko talaga iyon ng leeg," kikibot kong bulong sa aking sarili.

"Anong problema mo?" salubong ang kilay na tanong ni Shane nang mapansin nito ang pagkalukot ng mukha ko.

"Nuh?" ismid kong sinandal ang likod sa backrest.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito na sumakop sa loob ng kotse.

Nasabi ko kasi kay Shane ang nangyari sa'kin at sa kotse ko. Walang akong ibang malapit sa pamilya kundi si Shane at Mommy Patricia.

"Alam ko ang antipatikong lalaki na naman ang iniisip mo?!" patutsada ni Shane. Binuhay na nito ang makina ng kotseng kinalululanan namin.

"Yeah, tama ka, may araw din sa akin yon!" nanggagalaiti kong deklara habang nakasentro ang paningin ko sa harap ng kalsada.

Isang pilyang ngiti lang ang sinukli ni Shane sa sinabi ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay matamlay kong ini-on ang speaker ng sasakyan. Gusto kong ma-iba ang nasa isip ko.

"OH MY GOD!" hindi makapaniwalang bulalas ko nang makababa kami mula sa loob ng kotse. Hindi ko maitago ang pagkamangha sa aking natunghayan.

Nasa tabi kami ng dalampasigan na may puting-puting mga buhangin. Kita ko ang napakagandang tanawin mula sa baybayin. Ang maasul na karagatan at ang simoy ng hangin na walang kasing presko.

"I can't believe it!" Hindi ko napigilan ang aking sarili at siguro dala ng kasabikan ay napasigaw akong bigla sa hangin.

"Nagustuhan mo ang lugar, Mel?" nakangising tanong ni Shane na gamit ang nakasanayan nitong palayaw ko. Gaya ko abala rin sa pagsamyo sa presko at malamig na hangin.

Umungol ako na sunod-sunod na tumango. Pinikit ko ng aking mga mata at kusang dinama ang kadalisayan ng baybayin.

"Pag-aari ito ng kaibigan ko fortunately malakas naman ako do'n kaya pumayag itong hiramin ko muna ang munting paraiso niya," buong pagmamalaking saad ni Shane.

Ang lugar na pinagdalhan ni Shane sa akin ay isang pribadong villa. May resthouse na nakaharap sa karagatan.

"Sinong kaibigan mo? Wala naman akong naalalang may kaibigan ka, ah?" patutsada ko sa babae.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. "Mayroon akong kaibigan, ang sama mo naman!" Inirapan ako ng babae. "I am pretty sure he is your type," tuksong sagot nito sa tanong ko.

Bigla tuloy akong nabulunan sa narinig nito. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa aking labi. "Sira ka ba, hindi ako naghahanap ng lalaki, Shane tigilan mo' ko," kanda depensa ko tuloy.

Sumeryoso ang mukha ni Shane na may kasamang buntong-hininga. Deritso ang titig nito sa malayo. "I know, it isn't easy to move on, Amella."

Tahimik lang ako. Gaya nito ay nakatuon ang aking paningin sa karagatan. Mahigit isang taon na ang nakaraan nang umalis si Christian upang pumunta ng abroad.

"Hayaan mo, ipakilala kita sa nasabi kong kaibigan nang sa gayun ay hindi mo ma-iisip pa siya." Ang tinutukoy ni Shane ay ang dati kong asawa na si Christian.

"Hindi na kailangan okay na ako, Shane," matabang kong sagot dito.

"Sigurado ka, Amella? Gwapo iyong kaibigan ko... I think I'll ship you both gwapo naman talaga iyon at saka maganda ka, bagay na bagay kayo," pagpumilit nitong eksaheradang pinagsakop ang dalawang palad sa harapan . Pumikit na animo'y damang dama nito ang pinagsasabi.

Halos pumutok na ang pisngi ko sa tinding hiya. "Tumigil ka na nga, Shane!" Napairap kong ani dito.

Kita kong hindi pa rin mawala wala ang malaking ngisi nito sa mukha.

"Mabuti pang e-enjoy na muna natin ang dagat," suhestiyon nito.

"That's a better idea." Isang maliwanag na ekspresiyon ang rumehistro sa aking mukha at agad akong sumang-ayon para matapos na ang usapan.

Sumunod akong tumalima dito papasok sa loob ng malaking rest house upang maghanda at makapagbihis ng pampaligo.

Suot ang itim na one piece bikini, si Shane ay gaya ko nakasuot din ng two piece swimsuit ay nagtuloy-tuloy na kami sa dalampasigan. Agad kaming naglatag ng carpet sa ibabaw ng buhangin at sumalpak doon.

Wala naman akong namataan na ibang tao sa lugar kaya buong kompyansa kaming naka bathing suit. Sigurado naman akong walang makapasok na iba dahil pribado naman ang lugar na kinaroroonan namin.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Shane at nauna nang gumagala sa buong dalampasigan. Hindi nito alintana ang mainit na sikat ng araw at todo kuha ng mga larawan. Himala at hindi ito nag dedemand sa akin na kuhanan ito ng sariling litrato. Hindi ko na lang pinansin ang pinsan hanggang sa iyon ay nawala sa aking paningin.

Sinalpak ko na lang ang sarili sa carpet. Naisipan kong umidlip.

Nang pinikit ko ang mga mata ay biglang may lumutang na panauhin sa balintataw ko. Hindi iyon malinaw pero masasabi kong isang lalaki at babae na magkasama sa dalampasigan. Hindi ko maaninag ang mukha ng pares ngunit sigurado ako masaya ang mga itong naghahabulan sa tabing dagat.

Pinilit kong linawin ang imahe sa diwa ko ngunit tila mabasag ang ulo ko sa tinding pananakit. Nakangiwing hinilot ko ang sentido. Minulat ko ang aking mga mata hanggang sa unti-unting napawi ang sakit.

Pangalawang beses nang may biglang lumutang sa diwa ko. Simula noong nagpunta ako sa isang bukid ay tuwing gabi dinadalaw ako ng kakaibang panaginip na iyon. Ang lalaki sa panaginip ko't ang lumutang sa diwa ko kanina lang ay siguradong iisa.

Nang medyo nakabawi sa kirot ng sentido ko'y hinanap ng mga mata ko si Shane ngunit hindi ko mahanap ang dalaga. Humugot ako ng hininga upang ikalma ang aking sarili. Siguro stress lang ako dahil sobrang abala ko sa shop.

Kumuha ako ng isang bote ng tubig sa basket na dala namin ni Shane at saka tinungga iyon.

Hindi ko gustong aminin sa sarili ko pero ang lugar na ito ay tila pamilyar sa akin. Pakiramdam ko ay minsan na akong nakaapak sa lugar na ito hindi ko lang maalala kung kailan.

Hindi ko malaman pero netong huli ay kung anu-ano ang lumutang sa balintataw ko na hindi ko kayang ipaliwanag at wala akong ideya.

Sa isiping iyon kusa akong nanlumo. Pinagsakob ko ang tuhod saka ko pinagpahinga ang noo doon.

.

"Hey! Don't run too fast, Robi!"

Dinig ko na boses mula sa kabilang ibayo. Baritono na tila pamilyar sa aking tainga.

"Hey, careful," patuloy ng boses na iyon.

Pagkaangat ko mula sa pagkakayuko ay bumulaga sa aking harapan ang isang kulay asul na bola.

Hindi lang iyon, nakarinig ako ng isang mumunting halakhak ng bata. Nang tuluyan kong inangat ang paningin bumungad sa aking ang isang batang lalaki tumatakbo na sinundan ang bola na nasa tapat ko tumilapon. Tantiya ko ay nasa anim taong gulang.

Nang tuluyan itong makalapit napatiuna ako habang sinuyod ko ito ng tingin. Hindi ko maipaliwanag pero animoy may kakaiba akong nadarama habang tinititigan ko ang mga mata ng bata. Hindi ko namamalayan ang munting butil ng luha ko na kumawala sa gilid ng aking mga mata kung bakit wala akong maapuhap na sagot.

Bakit parang nangungulila ako sa presensiya ng bata? Sino ang batang ito?

"Can I have my ball back, please?" pukaw ng bata sa malalim kong iniisip.

Pasimple kong pinahid ang luha sa gilid ng aking mga mata sabay na sumingot. "Y-Yes sure." Dali kong pinulot ang bola at inabot sa bata.

"Thank you po—" Napinto ng basta ang sasabihin saka kinamot nito bahagya ang munting baba.

"Amella."

"Thank you po, Miss Amella."

Ngumiti ang bata ng sobrang lapad na hinaplos ang damdamin ko. Sinuklian ko din ito ng ngiti.

"Robi!"

Dinig kong may dumulog na isang panauhin kaya agad kong tinuon ang mata sa dumating. Nagulantang ako nang makilala kung sino.

The nerve! Walang iba kundi ang lalaking nakatagpo ko sa bukid. Ang mapangahas na bumangga ng kotse ko at ang antipatikong nagnakaw sa akin ng halik.

Gaya ko ay nakitaan ko din ng pagkagulat ang hitsura nito ngunit agad ding nagbawi. "Robi!" sambit ulit nito sa pangalan ng bata.

"Daddy," ang bata na tiningala ang lalaki.

Pagkadinig ko kung paano tinawag ng bata ang lalaki agad kong napagtanto na anak nito ang bata. Hindi ko alam pero nakadama ako ng pagkadismaya. He is married.

"H'wag kang masyadong maglalayo, okay?" pangaral nito sa bata.

Tumango lang ang bata akma nitong akayin ang bata ngunit nilingon ako ng bata. "Daddy, the lady there!" nginuso ng bata ang labi sa direksyon ko.

"And what about her?"

"She's good and her name is Amella. She helped me get my ball back."

"Did you say thank you to her?"

"Yes!"

"Very good."

Habang sinundan ko ng tingin ang lalaki hindi ko maitatangging maganda ang pagpapalaki nito sa anak. Subalit bigla kong naalala kung paano ako nito binastos at tina-trato no'ng isang buwan. Hinding hindi ko makakalimutan ang atraso nito sa akin.

The nerve! Akala siguro niya nakalimutan ko ang ginawa niya.

Biglang nabuhay ang tinitimpi kong inis. Malalaki ang aking hakbang na sinundan ito.

"Hey, Mister—"

Ngunit napinto ko ang bibig nang may narinig akong sumingit sa kabilang ibayo.

"Hade honey, there you are," ani ng isang boses babae. "I am looking for you everywhere and now I found you," dugtong pa nito.

Base pa lang sa boses nito ay parang maharot na. Hindi ko inabala ang aking sariling tingnan kung sino ang may-ari ng boses. Tumalikod ako't sinimulan kong ihakbang ang aking paa papalayo. Hindi ko alam pero takot akong masilayan ang mga ito.

Who are they anyway?

"Joana!" malamig na sagot ng lalaki.

Hindi ko napansing, napahinto ako at naging kursyuso sa kanilang usapan ngunit hindi ko tinaponan ng tingin at nanatiling nakatalikod.

"Dito lang pala kita makikita. Kanina pa kita hinahanap eh. Alam mo bang namis kita agad," malambing na amin ng babae. "Oh wait who is that woman?"

Napansin ata nito ang presensiya ko. Ibig kong muling ihakbang ang aking paa pero hindi ko magawa, parang atang hinihintay ko ang sagot ng lalaki.

"Just somebody," malamig na sagot nito.

Pagkarinig ko sa sagot ng lalaki, bigla na lang gumana ang paa ko. Hindi ko namamalayan na humakbang na pala ako papalayo nang papalayo. Lakad takbo na halos mabuway ako sa kakalakad.

Bigla atang sumikip ang dibdib ko sa narinig na sagot nito. Ano naman ang ini excpect ko, eh hindi naman namin kilala ang isa't-isa.

Pero bakit pakiramdam ko ay may milyo-milyong karayom na tumarak sa katawan ko dahil sa sagot nito. Nasasaktan ako na tila ba may kaugnayan kami ng lalaki. Pakiramdam ko pinagtataksilan ako... dinaya... niloko.

Silly! Pero iyon ang nadarama ko sa sandaling ito.

Halos tumakbo na ako makalayo lang. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa basta ang tanging alam ko kailangan kong makalayo sa presensiya ng mga ito.

Habang sinulong ko ang mabuhanginang dalampasigan hindi ko napansin na naga-ulap na pala ang aking mga mata dahil sa emosiyong nais kumawala.

"Pull yourself together Amella, you idiot?" pangaral ko sa aking sarili.

Pinagpatuloy ko ang aking mga hakbang pero parang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at kusang akong bumagsak sa buhanginan.

Bakit?

Bakit dama kong may koneksiyon kaming dalawa bagamat hindi namin kilala ang isa't isa. Hindi ko masagot sagot ang tanong ko kung bakit nagsisikip ang dibdib ko. Kung bakit parang pakiramdam ko ay niloko ako.

Hindi ko napigilan ang mga luha at kusa iyong naglandas sa pisngi ko. Mas lalong nagulo ang utak ko kung sino ba talaga ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status