Share

Sweet Dream or a Nightmare

"AMELLA, 'san ka pupunta, anak?" blankong tanong ni Mommy Patricia sa akin habang pababa ito ng hagdanan mula sa ikalawang palapag ng aming bahay.

Si Patricia Mondragon, the woman who showered me love.

"Somewhere," matipid kong sagot at hindi inabala ang inang tingnan sa mukha. Sa halip pinagpatuloy ko ang pagtirintas ng sintas sa sapatos ko.

"Somewhere?" Nakataas ang kilay nitong ulit sa sagot ko. "Please Amella, sabihin mo kung saan ang punta mo, anak?" mahinahong giit nito na halatang nag-alala.

"H'wag kang mag-alala mommy. Okey lang ako. May kailangan lang akong puntahan," sagot ko na hindi pa rin tumingin sa mukha nito.

Umungol si Patricia na halatang hindi kumbinsido ngunit sumuko din ito. "Kahit anong gawin ko'y hindi kita mapipigilan diyan sa gagawin mo. Basta mag-ingat ka, Amella." Bakas ang pag-alala ang sa mukha nito pagkatapos ay isang buntong hininga ang pinakawalan. Umupo ito tabi ko.

Mahinahon man itong sumang-ayon subalit alam kong labag sa loob nito ang gagawin ko.

I have to do something. I have to look for myself. I have to look the missing part of my life. Alam kong wala na akong mahihiling pa. Halos mayroon na ako. I am financially stable. I managed a small flower shop na bigay ni mommy, pero hindi ko alam. Parang may kulang sa pagkatao ko at iyon ang kailangan kong hanapin at matagpuan.

Isang taon na mahigit mula nang magising ako. At sa pagising ko hindi ko matagpuan ang sarili. Pakiramdam ko'y nasa ibang katawan ako nandoon. Kahit anong pilit kong tanungin si mommy subalit wala din siyang masagot sa'kin.

"Aalis na po ako, mommy," paalam ko at daling tumayo. H******n ko ang pisngi ng aking ina saka tumalikod.

"Careful at driving okay?" pahabol na paalala ng aking inang nakasunod tanaw sa akin na patungo sa maliit na garage ng aming bahay. "Be safe," dagdag pa nito.

"I'll be back later," pahabol kong ani nang makatalikod at dagling binuksan ang driver seat ng aking kotse. I put a fake smile on my lips bago ko binuhay ang makina ng aking sasakyan.

Agad namang tumalima si Mang Cardo upang pagbuksan ako ng bakal na bakud. Maingat kong mimaneho ang sasakyan papalabas ng malaking bahay.

Ilang oras kong pagmamaneho ay humantong ako sa lugar na kailan man ay hindi ko pa napuntahan ngunit sadyang dinala ako ng aking mga paa sa lugar na hindi ko napansin.

"Wow!"

Buong paghangang nilibot ko ang mga mata sa buong paligid. Nasa ibabaw ako ng bukid at matarik na bundok kung saan makikita ko ang maasul sa karatagatan sa kabilang ibayo. Bago man sa aking paningin ang lugar na ito. Somehow it looks and feels familiar.

Ang simo'y ng hangin na walang kasing lamig. Ang huni ng ibon na parang musika sa aking pandinig. At ang pintig ng pusong ko na kay bilis na parang naghahabulan.

"This is weird though." I smirked and carefully fond my chest. Kusang dinama ko ang tibok ng puso ko. Parang kailan lang dama kong nakaapak na ako sa lugar na ito.

Imposible!

Pinilit kong isinantabi ang isiping iyon. Malaya kong dinipa ang sariling bisig. Ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin na tumama sa aking pisngi. Segundong nakalipas sa pananatili ko sa gano'ng posisyon ay nakadama ako ng antok. Naisipan kong ma-upo sa ilalim ng malaking puno hanggang sa hindi ko namamalayang hinatak ng antok ang kamalayan ko.

"Please don't go, please don't leave," humihikbing pigil ko sa isang imahe na hindi ko mapagtanto kong sino.

Nakasuot ito ng puting long sleeve at puting pantalon. May malalapad na balikat at makisig ang pangangatawan. Matangkad ngunit malabo at hindi ko maaninag ang buong hitsura ng panauhin.

"I am sorry but I have to go," paumanhin ng lalaki habang hindi inabala ang sariling tingnan ako sa mata.

"Please—"

Biglang walang lumabas na boses na lalamunin ko nang banggitin ko ang pangalan ng lalaki. Wala akong madinig sa mga sinasabi ko. Animoy pinipigilan ko ang lalaki. Humihikbi ako pero hindi man lang ito lumingon pa at tuluyang tumalikod.

"Please, please don't leave, I am nothing without you." Mas lalong akong humagulhol, hanggang sa unti-unting naglaho ang lalaki sa paningin ko.

"Please.... please."

"P-please.. please don't—" ungol ko habang nakapikit ang aking mga mata.

"Excuse me, Miss? Miss are you okay?" Isang baritonong boses ang narinig ko sabay yugyog nito sa aking balikat.

"Don't leave—" Napaungol ako habang pinilit kong imulat ang aking mga mata mula sa pagkakaidlip ko.

"Miss? Miss? Hey wake up!" patuloy ng boses ng lalaki habang walang tigil na niyugyog nito ang balikat ko.

Ilang saglit ay bigla akong nagising at nagmulat bumungad sa akin ang isang anino dahil natatabunan nito ang papalubog na araw sa kanluran.

"Panaginip lang pala," mahinang bulong ko sa sarili nang mahimasmasan. Mariin kong pinikit ang mga mata upang magising nang tuluyan mula sa pagka-idlip ko sa ilalim ng malaking puno.

"Are you okay?" dinig kong sabi ng lalaki kaya pinilit kong inangat ang mga mata sa may-ari ng boses upang maaninag ko ang mukha nito. His silhouette is perfect yet intimidating.

"Miss are you ok—" bigla itong napatigil sa pagsasalita nang magtama ang aming mga mata.

Ako mismo ay nagulat nang matunghayan kong tuluyan ang mukha nito. Parang may bikig sa lalamunan ko at walang salitang ibig lumabas sa bibig ko. Para akong tuod na nanigas at bigla na lang bumundol ang malakas na pintig ng puso ko.

Nakipaglaban ako ng titig sa lalaki na hindi man lang kumukurap pero dama kong parang piniga ang puso ko habang titig na titig sa mga mata nito.

Ang mga mata nito ay puno—puno ng kalungkutan... puno ng paghihinagpis... puno ng pangungulila.

Bigla akong nakadama ng awa dito kung iyon ba ang tamang kataga na mailalarawan ko sa nadarama ko sa sandaling ito.

"Winona?" Mahinang usal nito tama lang na marinig ko iyon.

Winona?

Pagkadinig ko sa pangalang binigkas nito hindi ko mawari pero may kakaibang dating iyon sa akin. I want to hear him saying that name again. Siguro napaka espesyal ng pangalang iyon lalo na ang nagmamay-ari.

Winona.

Muli kong binigkas ang pangalan sa isip ko. Hindi ko man kayang ipaliwanag pero nakaramdam ako ng mabigat na pasanin sa kaibuturan ko. Hindi ko namamalayan ang luha ko na tumakas sa mga mata ko. Kung bakit ay hindi ko mapagtanto?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status