Mag-log inDinala ng pulis si Luther sa visitors' area, kung saan makikita ang pahabang bakal na mesa. Pinaghihiwalay niyon ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga bisita. Mabagal ang kanyang mga paghakbang, habang mayroong seryosong ekspresyon lang sa mukha.
Sa dulong bahagi ng mesa ay matatanaw ang isang babaeng nakaupo, tahimik na naghihintay. Napakaelegante nitong pagmasdan at tila hindi ito nababagay sa ganoong klaseng lugar. Ikinukubli ng anino ng mahaba at medyo kulot nitong buhok ang mukha nito. Sinasabi na ng magara nitong kasuotan na kabilang ito sa isang high class na pamilya. "Siya ang tinutukoy ko," wika ng pulis sabay turo sa babae gamit ang hawak nitong baton. "Kilala mo ba siya?" Naningkit ang mga mata ni Luther. Makaraan ang ilang saglit ay umiling siya. "Marahil sa nakaraan naming buhay." pabiro niyang tugon. Mahinang natawa ang pulis. "Mukhang nasa puder mo ngayon ang swerte, Rutherford." makahulugan nitong sambit. Pumalatak pa ito bago lumapit at tumayo sa tabi ng isa pang pulis sa may likuran ng kwarto. Lumapit si Luther sa tapat ng babae, ngunit hindi siya agad naupo. Sa halip ay pinagmasdan niya muna ito. "Piniyansahan mo ako," panimula niya. "Magkakilala ba tayo?" Nag-angat ng tingin ang babae. Sumilay ang napakaganda nitong mukha kaya bahagyang natigilan si Luther. Sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa bintana ay makikita ang kayumanggi nitong mga mata na mas pinapaganda pa ng pino at natural nitong mga pilikmata. May matangos itong ilong, makinis na mukhang hugis habilog, at maninipis na mga labing may banayad na bahid ng lipstick na kulay rosas. 'Mas maganda pa siya kaysa kay Alexi Halls.' aminadong puri niya rito sa kanyang isip. Tinuwid nito ang pagkakaupo nito habang nakataas ang mga kilay. Sa likod ng inosente pero seryoso nitong mukha ay mababatid ang pag-aalinlangan. Tipid itong ngumiti. "You don't know me, but I know you." wika nito na agad ikinakunot ng noo ni Luther. "Pinadala ka ba rito ni Mama? O ng pamilya ko?" takang tanong niya. Tanging mga miyembro lang ng pamilya Kingsley ang nakakakilala sa kanya kaya marahil na tama ang hinuha niya kaninang ipinadala lang ito ng mga ito. Bukod pa roon ay wala naman siyang kakilalang kabilang sa high class sa pangkasalukuyan niyang pagkakakilanlan. "Pamilya mo?" takang tanong nito pabalik. "Neither. I came here on my own. Walang nag-utos sa'kin." Seryoso nitong tugon. Inilapag nito sa mesa ang isang puting folder at binuklat iyon. "Not to mention that you don't have a family." dagdag na sambit nito. Nagugulumihanang pinagmasdan ni Luther ang papel na nakapaloob sa folder. Sa ibabaw na bahagi niyon ay makikita ang litrato ng kanyang mukha. "Ako ba 'yan?" tanong niya habang bahagyang nakasimangot. "Yes. I already did a background check on you. At base rito ay mag-isa ka lang sa buhay." saad nito. "Not even have a relatives, or a dog. A college dropout and an undergrad. Nanunuluyan sa isang shabby appartment. Got seven jobs, three AWOLs..." tuloy-tuloy na sambit nito sa blangkong mukha. Saglit na natahimik si Luther. Ang tinutukoy nito ay ang pangkasalukuyan niyang pamumuhay, bilang miyembro ng low class. 'Kilala ba ako nito bilang ang pangkasalukuyang ako?' tanong niya sa kanyang isip habang pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ng babae, tinatantiya sa sarili kung nagsasabi ba ito ng totoo. Naupo siya. "Okay, well, Ms. Charity, piniyansahan mo ba ako dahil sa nagmamagandang loob ka lang?" mapanudyo niyang tanong. "Paanong ang isang tulad mo, na miyembro ng isang high class, ay nagkaroon ng interes na halungkatin ang pamumuhay ng isang kabilang lang sa low class at naisipang pang piyansahan? Gano'n ba ang ginagawa ng mga kabilang sa high class kapag nababagot sa buhay?" "I have my reasons." tugon ng babae. "And my name is Catriona by the way, not Charity." "At least I've got the first letter right." pambabara niya. Isinampa niya sa mesa ang nakaposas niyang mga kamay. "Let's get things straight. Hindi tatapak ang mga taong kagaya mo sa ganitong klaseng lugar kung walang kailangan. Hindi mo ako papiyansahan kung wala kang kailangan." Binigyan niya ito ng mapanukat na tingin. "So what is it that you want from me, Ms. Charity?" Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Catriona dahil sa paraan ng pananalita ni Luther. Pero bumalik din sa pagkanatural ang ekspresyon ng mukha nito matapos ng isang mababaw na buntong-hininga. "I saw how you fight last week. Sa bar. I was there. And honestly, I was amazed." wika nito sabay humalukipkip. "With your skill, kikita ka ng malaki kung nasa tamang trabaho ka lang. You don't have a previous criminal record, so madali lang sana para sa'yo ang matanggap sa isang disenteng trabaho." Hindi agad nagsalita si Luther. Pinagmasdan niya lang ang mukha ng babae habang inaalala ang nangyari noong nakaraang linggo sa kanya na dahilan ng kanyang pagkakakulong. Nagtungo siya noon sa bar upang ipagdiwang ang kanyang ika-dalawampu't pitong taong gulang na kaarawan. Ngunit habang mag-isa siyang nakaupo sa may counter ay may lumapit sa kanyang babae at nagsimulang kulitin siya nito. Dahil sa kanyang pagkairita rito ay itinaboy niya ito. Ngunit hindi niya inaasahang mag-iiskandalo ito na agad umagaw ng atensyon ng mga taong nakapalibot sa kanila. Bukod pa roon ay may mga kasama itong tatlong kalalakihan at isa sa mga ito ay mismong nobyo nito. Dahil sa sumbong ng babae rito tungkol sa pambabastos ni Luther, na hindi niya naman ginawa, ay nagsimulang magkagulo ang mga ito. Hindi niya sana papatulan ang mga ito kung hindi siya inatake ng mga ito. Ang masama nga lang sa pangyayaring iyon, kahit na dinidepensahan niya lang ang kanyang sarili laban sa mga ito, ay siya pa ang nakulong at nakasuhan ng physical assault. "Kung piniyansahan mo ako para aluking maging bodyguard mo, sorry, pero hindi ako interesado." wika niya, hinuhulaan ang intensyon ni Catriona. Ilang beses na siyang inalok ng ganoong trabaho ng mga nakasaksi kung gaano siya kahusay sa pakikipaglaban. Kaya hindi na siya magtataka kung iyon din ang rason nito kung bakit siya nito piniyansahan. Tumikhim si Catriona, hindi alintana ang pagiging prangka ni Luther. "Hindi 'yon ang rason kung bakit kita tinutulungan. I just wanted you to return the favor by helping me too. Which is you're right by the way. Kailangan ko ng tulong mo." Paliwanag nito. Mula sa pagiging seryoso ay naging sensiridad ang ekspresyon ng mukha nito. Tumaas ang mga kilay ni Luther matapos marinig ang sinabi nito. Mahina siyang natawa. "Ow... tulong?" Umayos siya ng upo. Itinabingi niya ang kanyang ulo habang pinagmamasdan ito. "Anong klase naman ng tulong ang maibibigay sa'yo ng isang hamak lang na tulad ko?" tanong niya, diniinan pa ang salitang 'hamak'. Saglit na natahimik si Catriona. Mababatid sa paraan ng pagtapik nito ng daliri sa mesa ang pagdadalawang-isip. Kinagat nito ang ilalim nitong labi pagkatapos ay yumuko bago tumugon. "I... I need you to pretend to be my boyfriend, Luther." wika nito na ikinahinto at ikinakurap-kurap ng mga mata ni Luther.Iglap lang ay napalitan ng negatibong imahe si Luther sa mata ng lahat matapos na malaman ng mga itong miyembro lang ito ng low class society. Hindi iyon dahil sa inimbistigahan din nila ang pagkakakilanlan nito, kung hindi ay dahil sa ipinagkalat iyon mismo ng ilang miyembro ng pamilya Acosta."Talaga? Hindi siya kabilang sa pamilya Rutherford sa America? What a shame.""There's no way. I really thought he's somehow belong to a very powerful family. It turns out na estudyante lang pala siya dati ni Old Cheng, kaya pala siya tinulungan nito.""Hindi kaya tsismis lang 'yon? He offended the Acostas after all. Baka gawa-gawa lang nila 'yon para siraan siya.""It's probably real. Baka pineke niya lang ang apelyido niya para pagmukhain tayong t*nga. That *sshole!""Ang lakas pa ng loob niyang sirain ang okasyong ito at saktan sina Mr. Jared at Mr. Baron! Nang dahil lang sa bisikleta? Hmph! Ridiculous.""Haha! Now you mentioned it, I found it hilarious too! Baka matagal niyang pinag-ipunan
Nakita ng mga itong natigilan si Luther kasabay ng pamimilog ng mga mata nito, na para bang saktong nahulaan ng ama ni Jared ang totoong nangyari dito sa loob ng apat na taong pagkawala nito.Sa wakas ay pakiramdam ng mga ito ay sila na ang nasa ibabaw ng kumbersasyong iyon."P-paano mo nalaman?" tanong ni Luther sa gulat na reaksyon habang bagsak ang balikat.Kunwari.Ang totoo ay pinaglalaruan niya lang ang emosyon ng mga ito.'Fools. Wala ni isa man sa inyo ang kwalipikadong malaman ang tunay kong pagkakakilanlan. Not even your ancestors.' natatawang saad niya sa kanyang isip."That's it!" Humalukipkip si Agnes, kahit papaano ay gumaan-gaan ang pakiramdam nito matapos mawala ang pagkaarogante sa mukha ni Luther. "You're too arrogant, huh? Akala mo kung sino ka kung umasta? 'Yon lang pala ang nangyari sa'yo sa loob ng so-called-so-mysterious na apat na taong 'yon? I thought you had been kidnapped by some sort of terrestrial beings that's why you disappeared for years without a trace
"Agnes, itigil mo 'yan!"Hindi nag-abalang tumayo si Reginald pagkasigaw nito. Sapat na ang awtoridad na kaakibat ng boses nito upang pahintuin ang ina ni Jared sa anumang gusto nitong gawin kay Luther."But Dad, are we just going to—""I said, stop!"Mabilis na itinikom ni Agnes ang bibig nito matapos makita ang galit na mukha ni Reginald. Hindi nito gustong suwayin ang habilin nito, ngunit nang makita nito kung gaano kaarogante si Luther na parang wala lang dito ang presensya ng pamilya Acosta matapos ng ginawa nito kay Jared ay hindi na nito napigilan pa ang sariling atakihin ito.Napalunok naman ang tatlong miyembro ng pamilya Silva na nakasaksi ng nangyari kanina sa bulwagan. Bahagyang umurong ang mga ito papalayo kay Luther sa pagkabahalang madamay ang mga ito sakali mang mas uminit pa ang tensyon sa pagitan nito at ng mga miyembro ng pamilya Acosta.Lalo na si Brigette na muling tinakpan ang mukha ng hawak nitong pamaypay, umaasang hindi ito papansinin ni Luther."Mr. Luther, h
"Dad, naniniwala ka ba talaga sa matandang 'yon? He must be that guy's master, that's why he's protecting him!" pagalit na saad ng ama ni Jared kay Reginald pagkatapos ay binalingan nito ng tingin si Wilfredo. "Sang-ayon ako kay Brigette, Lord Fredo. 'Wag mo hahayaang maloko nalang nang ganito ang 'yong apo. Let's just get rid of him. Hayaan nating ikasal kay Denver si Catriona kung gusto mo ng matibay na kolaborasyon." suhestiyon nito.Nagsalubong ang kilay ni Wilfredo pero hindi ito nag-abalang umimik. Bahagya itong nadismaya sa paraan ng pananalita ng anak ni Reginald sa kanya.Hindi kabilang ang pamilya Silva sa mga nangunguna sa high class, oo. Pero pinuno pa rin siya ng kanilang pamilya at nakakatanda siya rito. Dapat lang na magbigay ito ng respeto sa kanya kahit papaano.Anumang desisyon ni Reginald ay iyon din ang kanyang magiging desisyon."Hah! He acted all high and mighty. He even dare to bully my son! What so good about his fighting skills? Hindi n'on maisasalba ang buhay
Nang bumalik si Catriona sa kinaroonan ni Luther ay nadatnan nitong kinukuyog ito ng ilang mga miyembro ng pamilya Silva. Daig pa ng mga ito ang reporter na nagpapaunahang ihain ang kani-kanilang katanungan, kulang nalang ay mikropono.Ngunit parang balewala iyon kay Catriona. Diretsong nakatitig lang ito kay Luther sa blangkong mukha.'Talaga bang... isa siyang high ranking official?' tanong nito sa isip.Hindi malabong maging totoo iyon kung tutuusin. Sa husay pa lang ni Luther sa pakikipaglaban ay isa na iyong katangian ng isang sundalong may mataas na ranggo sa hukbong-sandatahan.Ngunit kasalungat niyon ang pagiging miyembro ni Luther sa low class society. Kung isa man itong sundalong may mataas na ranggo, bakit kabilang pa rin ito sa low class pagkaalis nito ng serbisyo?"It doesn't makes any sense." magkasalubong ang kilay na bulong nito.Makaraan ng ilan pang saglit na pagtitig ay iwinaksi rin nito ang ideyang iyon. Kahit na maghapon at magdamag niya pang titigan si Luther hab
"I did my best after all, bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon? Hindi ka ba masaya sa resulta?"Sa kalagitnaan ng pagiging abala ng lahat, ay abala rin si Catriona sa panunumbat kay Luther at pagalitan ito sa mga ginawa nito. Panay rason naman si Luther.Lahat ng nakatingin sa kanilang direksyon ay inakalang paraan lang nila iyon ng paglalambingan. Iyong iba ay nakaramdam pa ng pagkainggit."Hmph! Moron." pagsuko ni Catriona sabay halukipkip, iniisip na lahat ng ito ay nang dahil lang sa pagiging buwenas ni Luther.Kung kamag-anak ito ng kamalasan, bukod sa wala ngayon dito si Old Cheng upang matulungan ito, ay wala ring pamilya Rutherford sa America na kabilang sa high class society."Geez. Ganyan ba ang paraan mo ng pasasalamat?" nakasimangot na saad ni Luther habang hinihimas ang tingin niya ay namamaga niya na ngayong balikat."By the way," sumeryoso ang mukha ni Catriona. "How about Old Cheng?" muli nitong tanong.







