Beranda / Romance / Ang Ganti ni Amarra Villasanta / KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

Share

KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

Penulis: Wilson Peredo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-12 23:53:02

Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng  sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.

“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”

“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.

“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” 

Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. 

At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Tila ba naalala niya ang dating ginagawa niya sa bukirin. Kaya naman napag-isip-isip niya na kung kaya niya ang gawain sa bukirin, mapagtatatgumpayan din niya ang trabaho sa loob ng mansyon. At ang hamon ni Doña Consuelo ay isang hudyat upang siya’y magpakatatag at huwag sumuko agad.

Matapos ang kanyang gawain, muli siyang pinatawag ni Doña Consuelo sa kanyang silid. Agad niya naman itong pinuntahan. Pagpasok ay langhap ni Amarra ang mabigat na amoy ng insenso at mamahaling pabango sa loob ng silid ng Doña. Di akalain ni Amarra ay makakapasok siya sa silid kung nasaan naroon ang babaeng pinakamakapangyarihan at itinuturing ng Damortis bilang Reyna ng Hacienda Avaristo.

Sa kanyang edad na sisenta, nananatili siyang malakas, maputi at makinis ang kutis, parang hindi hahayaan ang sariling padapuan ng sinag ng araw. Ang mga mata niyang kulay tsokolate pero singtalim ng balaraw. Sa tabi ng kanyang kama ang isang lamesang puno ng mga antigong alahas. Mga larawan mula sa kanyang nakaraan, at isang krus na tila nagbabantay sa kanyang konsensya— yun ay kung meron pa siya nito. Sa sobrang taas niya sa sarili, maaaring wala na siya nito. 

Nakayuko lamang si Amarra sa isang sulok naghihintay na may maipag-utos sa kanya si Doña Consuelo. 

“Pumarito ka,” malamig na tinig na nagmula sa Doña.

Agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng Doña, nanginginig pa ang tuhod. Tinignan siya ng Doña mula ulo hanggang paa, para bang sinusukat ang kanyang halaga. Sa mga matang iyon, tila ba may hatol na siya gayong wala pang nangyayaring paglilitis.

“Maraming kasambahay ang dumaan dito,” sabi ni Doña Consuelo, walang emosyon. “Lahat sila, puro pangako. Puro sigasig sa una. Pero sa dulo—luha, pagtatakbo at kung minsan, pagtatraydor at pagtataksil. Ganyan ba ang magiging kwento mo?”

Umiling si Amarra, halos hindi makapagsalita. 

“Hindi po, Doña Consuelo. Kaya ko pong magtiis.”

Ngumisi lamang ang Doña sa sagot ni Amarra, tila pag-iinsulto sa lakas ng loob niyang pagsagot sa paghahamon ni Doña Consuelo sa kanya.

“Bueno, kung gayun, titiingnan natin ang tibay mo.”

Ibinaba niya ang abaniko at tumayo. Sa bawat hakbang niya, kumakalansing ang mga perlas sa kanyang leeg. 

“Alam mo ba kung saan ka pumasok, at kung ano ang pinasok mo hija?”

“Sa mansyon po ninyo, Doña Consuelo.” mahinang boses ni Amarra. Tila humugot ng natitirang tapang sumagot sa mga tanong ng isang Doña.

“Hindi lang ito basta mansyon” Tumayo siya sa bintana upang tanawin ang kalupaang nakatapat dito. “Ito ay lupang pinag-alayan ng dugo. Dugo ng mga taong nagtangkang hamunin ang kapangyarihan ng aming angkan. Kaya kung wala kang lakas ng loob, mabuti pa’y umalis ka na lang.”

“Tahimik si Amarra, ngunit ang sabi ng kanyang utak ay “kaya ko po!”

Tumalikod ang Doña, bahagyang natawa. “Matapang ka. Ganyan din ako noong kabataan ko.” Itinaas niya ang ulo, at sa tono ng kanyang tinig ay may bahid ng pagmamataas. “Pero tandaan mo ito, Amarra Villasanta. Sa haciendang ito, iisa lang ang batas—ang akin.”

“Opo, Doña Consuelo.” sagot ni Amarra

“Magaling.”

 Umupo siyang muli sa silya, hawak ang kanyang abaniko na tila espada ng kapangyarihan. 

“Ngayon, umpisahan mo ang iyong tungkulin. Gusto kong makintab ang bawat palapag bago magtakip-silim. At kapag may nasirang kahit isang bagay—ikaw ang mananagot.”

“Susundin ko po.”

Paglabas ng silid ni Amarra, tila nakahinga siya ng maluwag. Sadyang mabigat ang presensya ni Doña Consuelo na tila masamang hanging dumadampii sa kanyang balat. 

Agad niyang ginawa ang ipinagagawa ni Doña Consuelo. Inumpisahan niya ang paglilinis sa sala, hanggang sa hagdan, at maging sa mga kurtina at mamahaling vase, at maging ang lumang piano na tila isang dekorasyon lang at hindi pa ata natutugtugan. Sadyang grandiyoso ang lugar at mga gamit ay talaga namang mamahalin, mapamwebles hanggang sa mga appliances, bongga sa mahal, ngunit kabaliktaran ito sa mga taong nagmamay-ari nito na daig pa sa lamig ng yelo.

Habang pinupunasan ni Amarra ang mesa, napansin niya ang larawan ng isang lalaki sa dingding—matikas, may mapungay na mata, at may halong lungkot sa ngiti. Tila may kakaibang awra ang mukha nito. Lumapit siya sandali.

“‘Yan ang yumaong si Gobernador Fausto Arguelles, asawa ng Doña,” sabi ni Tiyang Rosa mula sa likuran. “Binaril daw ng mga rebelde noon.”

“Ah…” tanging sagot ni Amarra, ngunit sa puso niya, may gumapang na tanong: Bakit parang may ibang kwento sa mga mata ng lalaking iyon?

Nagpatuloy siya sa kanyang gawain. Kahit pa tagaktak na ang pawis niya, sige pa rin siya sa paglinis. Mabuti na lang at tinulungan na siya ni Andeng. May kung anong himala ang nangyari at agad natapos nila Amarra at Andeng ang utos ni Doña Consuelo na paglilinis ng buong mansyon. Todo pasasalamat si Amarra na siya namang nagdulot ng ngiti kay Andeng. 

Pagdating ng gabi, muling bumaba si Doña Consuelo. Agaw atensyon muli ang kanyang mamahaling kasuotan kahit na nasa loob lamang siya ng mansyon, at mga hikaw na perlas na tila nagsusumigaw sa puti at laki. Sa hapag, inihain ni Doling ang mainit na sinigang na baka at adobong baboy. Tahimik sa buong silid, tanging tunog ng kubyertos at tiktak ng orasan ang maririnig. Habang pinaglilingkuran ang Doña, Dala na marahil ng labis na kapaguran sa mga gawaing inihain sa kanya ng Doñang walang puso, biglang nabitiwan ni Amarra ang basong kristal. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag.

“Diyos ko po! Patawad po!” dali-daling sabi niya, nanginginig habang pinupulot ang bubog.

Tumayo ang Doña, mabagal, ngunit mariin ang tingin. 

“Por Diyos por Santo! Walang kasalanan ang baso,” wika niya, malamig ang tono. “Ang may kasalanan ay ang kamay na mahina.”

“Nangako kang matatag ka, hindi ba?” dagdag pa niya, tinig na may halong poot.

“Opo, Señora. Pasensya na po. Hindi na po mauulit.”

“Hindi nga dapat,” sagot ng Doña, sabay tapon ng tingin sa tabi. “Rosa, siguraduhin mong matuto siya. Kung hindi, ipapaalis ko yan bago matapos ang linggo.”

“Masusunod po,” sagot ni Tiyang Rosa.

Tahimik na tinapos ni Amarra ang gawain, ngunit habang pinupunasan niya ang sahig, naramdaman niya ang mga luha sa pisngi. Hindi dahil sa sakit, kundi sa hiya at pangako sa sarili na hindi siya bibigay.

Pagkatapos ng hapunan, umupo ang Doña sa veranda. Sa labas, kita ang buwan sa gitna ng mga ulap. “Ang mga bagong mukha ay laging may lihim,” bulong niya habang nakatingin sa kawalan. “At minsan, sila rin ang nagiging dahilan ng kapahamakan.” Mula sa di kalayuan, pinagmamasdan siya ni Tiyang Rosa. 

“Doña Consuelo,” mahinahon nitong sabi, “bata pa si Amarra. Baka kailangan lang po ng panahon.”

Tumalikod ang Doña, malamig ang mga mata. “Ang kabaitan, Rosa, ay madalas maging dahilan ng pagkasira. Tandaan mo ‘yan.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

    Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

    Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 2: ANG MANSYON

    Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

    Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status