Beranda / Romance / Ang Ganti ni Amarra Villasanta / KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

Share

KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

Penulis: Wilson Peredo
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-12 23:55:41

Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. 

“Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. 

Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.

“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, kakisigan at sa mapaglarong mata ng binata. Sige ka. Kung ayaw mong burahin ka ni Doña Consuelo ng isang iglap.”

Tumingin si Amarra sa binata, ngunit agad niyang ibinalik ang tingin sa sahig. Hindi siya nararapat tumingin sa itaas—lalo na sa mundong hindi kanya. Ngunit sa sandaling iyon, sa pagitan ng araw at alikabok, parang may kakaibang simula ang bumubuo—isang titig na magpapabago sa tahimik niyang mundo.

Lingid kay Amarra ay nakamasid din sa likod ng bintana si Doña Consuelo. Tahimik siya ngunit mabigat ang kanyang bawat tingin.

“Claudio…” mahinang sambit niya.

“Huwag mong ulitin ang nakaraang ng iyong ama.”

Pagkasabi ni Doña Consuelo, ay agad pumasok sa loob ang binata.

Sa pagod at pagkatutok sa trabaho, tila hindi namalayang naka isang linggo na pala si Amarra Villasanta sa Mansyon. Isang linggong walang katapusang paghihirap at bangungot. Sa unang araw pa lamang, natutunan niyang ang oras ay hindi sinusukat sa orasan kundi sa sigaw ni Doña Consuelo, sa tunog ng mga kubyertos na bumabagsak sa mesa, at sa bigat ng mga utos na kailangang gawin bago pa man sumikat ang araw.

“Amarra! Bilisan mo riyan at punasan mo ang veranda bago dumating si Señora. Gusto niyang makintab ang sahig na parang salamin!” sigaw ni Tiyang Rosa mula sa kusina. “Opo, Tiya!” sagot ni Amarra habang nagmamadaling sinasabon ang mga pinggan.

Sugat-sugat na ang mga kamay ni Amarra. namumula sa paulit-ulit na pagkakababad sa malamig na tubig. Ngunit kahit ganito ang katayuan ng kanyang mga kamay, hindi mo maririnig sa kanya ang magreklamo. Sa bawat sakit ng palad, naaalala niya ang kanyang inang kahit na minamaltrato siya’y umaasang naghihintay sa kanya— si Celing.

Sa labas, sobrang tindi ng sikat ng araw, tila sinusunog ang kanyang mga balat. Habang pinupunasan niya ang veranda, napansin niyang may ilang trabahador sa taniman ng tubo na sumulyap sa kanya. Ngunit mabilis din siyang tumalikod, takot na baka mapagalitan nanaman siya.

“’Yan, ganyan nga. Ganyan dapat,” sabi ni Tiyang Rosa. “Walang tingin-tingin, Wag magpapa-isortobo sa trabaho.”

Pilit na ngiiti ang unang sinagot ni Amarra kay Tiyang Rosa, habang pinupunasan ang sahig matapos nito’y kanyang sinabi  “Opo, Tiya.”

Pagsapit ng tanghali, tumunog ang kampanilya—isang senyales na tinatawag ng Doña ang mga kasambahay. Agad tumakbo si Amarra sa loob, pinupunasan ang pawis sa noo at bahagyang nag-ayos ng sarili. Pagdating niya sa silid-aklatan ni Doña Consuelo, tahimik ang paligid. Sa kanyang malaking lamesa, naroon si Doña Consuelo, may hawak na tasa ng kape, at katabi ang mga papel ng hacienda.

“Nasaan ang aking abaniko?” malamig na tinig ng Donyang malupit.

Napatingin si Amarra kay Tiyang Rosa, ngunit walang sumagot.

“Ikaw, Amarra,” tinig ng Doña, “ikaw ba ang naglinis ng silid-aklatan ko kaninang umaga?”

“Opo, Señora.” maliit at nanginig niyang tinig.

“Tonta! Eh di ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang abaniko ko. Alam mo bang ‘yan ay minana ko pa sa aking ina? Pilak ‘yon, Amarra, pilak! Hindi tulad mong basta-basta.” 

Tumindig ang Doña, at ang mga mata nito’y naglalagablab. Hinatak ni Doña ang buhok ni Amarra hanggang sa humandusay si Amarra sa lapag. 

“Hanapin mo ‘yon ngayon din, kung ayaw mong mapaalis bago pa sumapit ang gabi.”

“Naiintindihan ko po, Señora,” nanginginig niyang tugon.

Lumipas ang ilang oras. Nilibot ni Amarra ang buong kwarto, sinilip ang ilalim ng kama, ang mga aparador, pati ang mga kurtina. Ngunit wala. Hanggang sa marinig niya ang isang tinig mula sa likod.

“Hinahanap mo ba ito?”

Si Marites iyon, ang labandera, nakatayo sa may pinto, may hawak na abaniko.

“Nasaan mo nakuha ‘yan?” gulat na tanong ni Amarra.

“Sa ilalim ng mesa sa veranda. Pero wag kang umasa, sinabi ko na kay Doña na baka ikaw ang nakaiwan. Alam mo naman, gusto kong tulungan ka.” Ngumiti ito nang may panunukso, ngunit sa likod ng ngiti ay may pagyayabang.

“Salamat,” tanging nasabi ni Amarra, bagaman alam niyang may halong sumbat sa ngiti ng babae.

Pagbalik niya sa Doña, tahimik niyang iniabot ang abaniko. “Patawad po, Señora. Hindi ko po sinasadyang mailagay sa veranda.”

Tinitigan siya ng Doña nang matagal, saka marahang kinuha ang abaniko. “Sa susunod, pag-isipan mong mabuti kung gusto mong manatili rito. Ang mga pagkakamali, sa iba, pinapatawad. Sa akin, hindi.”

“Opo, Señora.”

“Ngayon, linisin mo ang kusina. At siguraduhing wala kang mababasag, kung ayaw mong sumunod sa yapak ng mga nauna sa’yo.”

Tumango si Amarra, kahit tila gusto nang tumulo ng luha. Ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa halip, huminga siya nang malalim, at muling nagsimulang magtrabaho.

Pagdating ng gabi, habang nagluluto si Doling, kasama si Andeng. umupo si Amarra sa tabi nito upang tulungan silang magluto.

“Kawawa naman ang matalik kong kaibigan. Kung pwede sanang hati tayo sa mga gawaing bahay, ginawa ko na. Nais ni Doña Consuelo na tumutok ako dito sa loob ng kusina.” 

“Pasensya ka na, hija,” sabi ni Doling, “ganyan talaga si Doña Consuelo. Mula nang mamatay ang Don, tumigas ang puso niya. Parang lahat ng tao, may kasalanan sa kanya.”

“Bakit tayo ang pinagbubuntunan niya ng kanyang galit Aling Doling? Tanong ni Andeng.

Tahimik si Amarra habang sinusubukan pang hiwain ang mga gulay kahit pa pagod na pagod na.. 

“Hindi ko po siya masisi. Marahil marami siyang pinagdaanan.”

Tumango si Doling.

“Tama ka, pero wag kang masyadong maawa. Kapag nakita niyang mahina ka, mas lalo ka niyang tatapakan.” sabi ni Doling.

“Kaya mo pa ba Amarra? Sabihin mo lang para sabay tayong aalis.”

“Bakit Andeng, hindi mo na ba kaya?”

“Kaya pa naman. Pero siyempre pag umalis ka, aalis na rin ako.”

“Kaya ko pa naman Andeng. Kakayanin ko. Hindi ako susuko,” mahinahong sinabi ni Amarra. “Hindi ako aalis dito hangga’t di ako nakakatulong kay Inay.”

Ngumiti si Doling. 

“May tapang ka, Amarra. Pero mag-ingat ka. Hindi lahat ng laban dito ay nakikita sa liwanag. Ang iba, nagtatago sa dilim.”

Makalipas ang ilang araw, isang nanamang malaking kasalanan ang muntik nanamang ikapahamak ni Amarra. Habang naglilinis siya ng mga plato, nadulas siya sa sahig.  Nasaktan man siya sa kanyang pagkakaupo matapos madulas ay muntikan namang nabasag ang Kristal na pinggan ng Doña. Sa ingay ng paglagapak ni Amarra, bumaba agad si Doña Consuelo mula sa itaas.

Anong kaguluhan ‘to?” singhal ng Doñang aburido.

“Pasensya na po, Doña Consuelo! Nadulas lang po ako—”

“Dulas? Dulas? Walang lugar dito para sa mga malalamyang kumilos!” 

Sinasabi ni Doña Consuelo habang dinuduro-duro si Amarra ng abaniko. 

“Kung di ka marunong mag-ingat, paano ka matatanggap ng nanay mong si Celing?”

Napatigil si Amarra.

“P-paano po n’yo nalaman ang tungkol sa pamilya ko?”

Ngumisi ang Doña, malamig. 

“Alam ko ang lahat ng pumapasok dito. Huwag mong isipin na nakatakas sa akin ang kahit anong lihim.”

Hindi na nakasagot pa si Amarra sa sinabi ni Doña Consuelo. Iniwanan nalamang ng Doña ang dalaga sa ganung kalagayan. Pinilit tumayo ni Amarra kahit masakit na ang balakang nito sa pagkakaupo. Buti na lamang at nang kinagabihan ay hinilot siya ni Andeng. Kahit papaano ay naibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Sa isip ni Amarra, hindi ang balakang niya ang magiging dahilan ng kanyang pagsuko.

At isang araw na naman ang lumipas. Isang araw na punong-puno ng pagsubok. Pagod na pagod si Amarra nang gabi ring iyon. Ang mga kamay niya ay sugat, at ang mga paa ay may mga paltos. Ngunit habang nakahiga siya sa manipis na kutson, natanaw niya mula sa bintana ang buwan na maliwanag sa langit. Sa gitna ng katahimikan, may marahang boses siyang narinig mula sa malayo—isang lalaki na umaawit ng love song sa may bandang hardin. Pinakinggan niya iyon ng mariin, tila may kakaibang init sa tinig. Hindi niya alam kung sino, ngunit ang tinig na iyon ay tila paanyaya—na sa kabila ng hirap, may musika pa ring nagmumula sa dilim. Hanggang sa nakatulog na lamang siya.

Kinabukasan, pagbangon niya, nakita niyang may maliit na basket sa labas ng kanilang silid. Tiyempo namang siya ang unang nagigising sa umaga habang tulog pa ibang mga kasamahan. Kinuha niya iyon at inusisa ang laman— isang piraso ng tinapay at isang mansanas. Walang sulat, ngunit may tali na sutla, kulay asul. Napangiti siya, bagaman hindi niya alam kung sino ang naglagay. Sa puso niya, marahang sumilay ang pag-asa—na marahil, sa kabila ng lamig ng hacienda, may puso pa ring marunong umunawa. At sa di kalayuan, sa balkonahe ng ikalawang palapag, isang binatang nakaputing polo ang nakamasid—si Senyorito Claudio Arguelles, ang anak ng Doña. Tahimik, ngunit may ngiting taglay ang mga mata. Ano kaya ang ibig sabihin ng bagay na ito? Sa kanya kaya galing ang basket na ito? Siya kaya ang lalakeng umaawit ng love song nung gabi? 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

    Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

    Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 2: ANG MANSYON

    Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

    Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status