Home / Romance / Ang Ganti ni Amarra Villasanta / KABANATA 2: ANG MANSYON

Share

KABANATA 2: ANG MANSYON

Author: Wilson Peredo
last update Last Updated: 2025-11-12 23:50:36

Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. 

“Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”

“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”

Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. 

Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran, moreno at gwapo. Nagtama ang kanilang mga mata. Napangiti ang binata, napabitaw naman ng tingin si Amarra, tila nahiya. 

Nawili ang mga mata ng mga bagong recruit na kasambahay sa bawat madaanan nila sa labas. Nakita din nila ang dami ng magagarang kotse na posibleng lilinisan din nila. Ngunit higit sa nakapukaw ng kanilang atensyon ay ang mansyon mismo—mataas, may dalawang palapag, may mga kurtinang puti at chandelier na kumikislap sa loob. Ngunit kahit maganda, may kakaibang lamig ang tahanang iyon. Parang bawat pader ay may tinatagong lihim.

Isang matandang babae ang sumalubong sa kanilang lima kasama ang dalawa pang mga dating kasambahay. Nagpakilala siya bilang si Tiyang Rosa, ang mayordoma ng mansyon. Pinahilera ang lima upang kilalanin. Muli niyang winika ang naunang sinabi sa kanila ni Calixto. Tiningnan sila isa-isa, pina-ikot upang makita ang hulma, tingnan pati ang aming kanilang mga balat, pati ang mga leeg ay sinilip mabuti. Kapag hindi pasado, Hanggang kusina na lang. Ngunit ng si Amarra na ang siyang ininspeksyon, 

“Ikaw, ano nga ang pangalan mo Iha?” tanong ni Tiyang Rosa

“Ako po si Amarra, Amarra Villasanta.”

“Amarra, Iha, sa iyong hugis at ganda, pwede kang makita ng mga amo. Pwede kang isa sa mga serbidora.”

Hindi alam ni Amarra ang magiging reaksyon niya nang marinig iyon kay Tiyang Rosa. Pero mas kinabahan siya dahil makakadaupang palad niya mismo ang among mailap sa mga taong tulad niya na mababa. Matapos ang inspeksyon, swerteng nakapasa rin sa pagiging serbidora si Andeng. Tila ba lumuwag ang kanyang paghinga dahil makakasama niya ang kanyang matalik na kaibigan sa kanilang tungkulin.  At ang panghuli, inisa-isang ininspeksyon ng dalawang dating kasambahay ang aming mga gamit. Tila ba may hinahanap at matapos ang inspeksyon, isa-isa nilang inayos muli ang mga gamit nilang tila hinalukay ng manok.

Matapos ang inspeksyon, Lahat sila’y inalalayan papunta sa kusina. Habang naglalakad sila sa pasilyo, napansin ni Amarra ang mga lumang larawan sa dingding—mga larawan ng magarang pamilya: isang matandang lalaki na may baston, isang babaeng nakaupo sa grand piano, at isang binatang tila mapang-asar ang ngiti. Sa gitna ng lahat ng iyon, isang mataimtim na tanong ang gumapang sa isip niya—sila na nga ba ang mga may-ari ng Hacienda Avaristo?

Pagdating nila sa kusina, ipinakilala ni Tiyang Rosa sa lima ang iba pang mga kasambahay: sina Doling, ang tagaluto; Marites, ang labandera; at ang hardinero kanina sa may hardin, si Julio. Lahat sila ay tila pagod sa maghapong gawain. Ngunit nagawa pa rin nila kaming ngitian. Muling nagkatinginan sina Julio at Amarra pero muling bumitaw si Amarra. Lumabas na ng kusina si Julio para muling magtrabaho. 

“Bago kayo matulog, linisin niyo munang lima ang  kusina at pati na ang likod na bahagi nito,” utos ni Tiyang Rosa. “Bukas, ikaw Amarra at Andeng, ipapakilala ko kayo sa Doña. Hindi siya basta-basta. Kung gusto niyong magtagal, wag kayong sasagot. Wag kayong magtanong.”

“Opo,” tanging naisagot namin dalawa ni Andeng.

“O, ilagay niyo na ang mga gamit niyo sa inyong kwarto at pagkatapos ay mag-umpisa na kayo. Umpisahan niyo sa paglilinis ng sahig i-mop niyong mabuti, ayoko ng may makikitang dumi.” utos muli ni Tiyang Rosa sabay alis. 

Dali-dali namang itinuro ni Marites ang kwarto kung saan kami mananatili. At agad na rin kaming nagsuot ng aming mga uniporme. Nagkakilanlan na rin kaming lahat. Habang abala ang lahat magpakilala, tila ba hindi maalis sa kanyang isipan ang anyo ni Julio. Kaya naman hindi na niya maiwasang tanungin ito kay Marites.

"Manang Marites, yung hardinero kanina si…”

“Si Julio? Bakit type mo? Tamang-tama, binata yun. Pero, ang maipapayo ko lang sa iyo iha, huwag munang kumarengkeng, Trabaho muna… Ayaw ni Doña Consuelo ang hindi focus sa trabaho. Naiintidihan iha?”

Wala nang naisagot si Amarra sa sinabi ni Marites. 

Habang naglilinis sa sahig ang mga bagong kasambahay, rinig ni Amarra ang usapan ng mga dating kasambahay sa di kalayuan.

“Yung isa, yung Amarra, bata pa, sariwa at maganda,” bulong ni Marites.

“Yan ang delikado,” sagot ni Doling. “Kapag napansin ni Doña Consuelo, Tsk! Tsk!, lagot.”

Napahinto si Amarra, tila nanlamig. Hindi pa man siya nagsisimula, tila may unos nang paparating.

Pagsapit ng gabi, tuluyan siyang napagod. Inilatag niya ang manipis na kutson sa maliit na silid na para sa mga bagong katulong. Tanaw niya ang kisame na may mga lumang tulo ng ulan, at ang ilaw ay mahina. Ngunit sa gitna ng dilim, ngumiti siya.

"Makakaya ko ‘to," mahina niyang bulong. "Para kay Inay Ceiling."

Sa labas, umihip ang malamig na hangin ng gabi, may dalang kakaibang awit ng mga kuliglig at kaluskos ng tubo. Sa di kalayuan, tila may mga matang nakamasid mula sa bintana ng mansyon—mata ng isang Doña na matagal nang sanay sa paghusga.

Sa Awa ng Diyos dala na rin marahil ng kanyang kapaguran, nakatulog naman ng maigi si Amarra. At nang magising na ito bago sumikat ang araw dahil na rin sa tinig ng mga manok na tila ba nagpapasiklaban sa pagtilaok. Ginising na ni Amarra si Andeng na siya na lang naiwang nakahiga. Mabilis naman siyang bumangon. Isa-isa nang nagsipagligo, nag-ayos ng sarili at nagtungo sa kusina.

“Kayong dalawang dalaga, mag-iingat kayo.” sabi ni Doling, “kayo ang laging makatatanaw sa mga Don at Doña.” habang iniaabot ang isang basong tubig sa kanilang dalawa. “Nakahanda ba kayo? Masusubok kayo ngayon. Ang Doña, hindi basta-basta natutuwa sa mga bagong mukha, Lalo ka na Amarra, sa ganda mo, mas lalong manggagalaiti ang Doña.

Pagsapit na nga ng Alas-siete ng umaga, dumating si Tiyang Rosa.

 “O, handa na ba kayong dalawa?” tanong sa lahat ng mga bagong kasambahay.

Tango na lamang ang isinagot nila. Idinaan na lamang nila Amarra at Andeng ang kaba sa paghawak sa laylayan ng kanilang palda.

“Halina kayo, ipapakilala ko na kayo kay Doña Consuelo.”

Habang umaakyat sila sa malawak na hagdan, nakaramdam si Amarra ng bigat sa kanyang damdamin. Sa dulo ng pasilyo isang pintuan yari sa matigas na kahoy na may iba’t ibang ukit ng bulaklak at agila ay matatagpuan. Si Tiyang Rosa ang nauna sa pinto at marahan itong binuksan.

At doon na nga nasilayan nila Amarra at Andeng si Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles. Nakaupo sa kanyang mamahalin at antigong silya. Naka itim na damit at may hawak na abaniko. Ang kanyang mga mata, bagama’t malamig ay matalim kung makatingin. Hindi maipaliwanag ni Amarra ang nadarama ngunit tila bubutasin ka sa iyong ulirat at kaluluwa kung ika’y kanyang titigan.

“Sila ba ang mga bagong katulong Rosa?” tanong ni Doña Consuelo. Bagamat ramdam niya ang presensiya ni Amarra at Andeng, hindi man lang siya makatingin ng direkta dahil busy siyang nakadungaw sa kanyang veranda.

“Opo Doña Consuelo. Si Amarra at Andeng mula sa Barrio ng Cupang.

Agad nilapitan ni Doña Consuelo ang dalawang kasambahay para tanungin.

“Ikaw, babae, marunong kang maglinis?” tanong ni Doña Consuelo kay Amarra.

“Opo”

“Magluto?”

“May ilan po akong alam na lutong bahay.”

“Eh ang Magtiis?”

Nagkatinginan si Amarra at Andeng sa huling binitawang salita ni Doña Consuelo.

“Opo Ma’am.” sagot ni Amarra. Napatigil si Doña Consuelo. Tila hindi niya nagustuhan ang sagot ni Amarra.

“DOÑA… DOÑA CONSUELO ANG ITAWAG MO SA AKIN.” Medyo nagtaas ng boses.

“Patawad po Doña Consuelo” paghingi ng paumanhin ni Amarra.

“Ngayon sagutin mo ang tanong ko, Kaya mo bang magtiis?

“Opo Doña Consuelo.”

“Humanda ka! Tingnan natin.” sabay alis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA

    Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO

    Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 2: ANG MANSYON

    Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,

  • Ang Ganti ni Amarra Villasanta   KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA

    Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status