Sa gitna ng mansyon kung saan hindi abot ang gintong liwanag ng mga chandelier, naroon ang munting hardin na tila ba hiwalay sa mundo. Doon, sa pagitan ng mga paso at basang lupa, muling nagtagpo ang gabi at ang dalawang pusong hindi dapat nagtatagpo. Gabi na naman, tahimik ang paligid, ngunit ang katahimikan ay hindi payapa—may kakaibang bigat na nakasabit sa hangin. Si Amarra ay nakaluhod sa lupa, inaayos ang mga bagong lipat na punla ng rosas. Ang kanyang uniporme ay bahagyang marumi sa laylayan, at ang kanyang buhok ay nakatali nang mahigpit, tila ba kahit ang hibla nito ay kailangang sumunod sa batas ng hacienda.Sa araw, siya ay isang anino—isang katulong na gumagalaw ng walang ingay. Ngunit sa gabi, sa harding ito, siya ay may pangalan.“Parang masyado mo yatang pinapahirapan ang lupa.”Napahinto si Amarra sa tinig na iyon ngunit hindi siya nagulat.Parang inaasahan na niya ang presensya nito.Dahan-dahang tumayo si Julio mula sa likod ng punong mangga. Sanay ang binata sa sik
최신 업데이트 : 2026-02-24 더 보기