INICIAR SESIÓNRenzeniah Sandoval’s POV
“Girl, bakit ka ba kasi napadpad sa kuwarto na iyon?”
“At ito, sa mga larawan, parang katatapos ninyo lang mag-anuhan ni Arzon, ah!”
Napahawak ako sa aking ulo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunod-sunod na tanong ni Donita. Simula nang makita niya ang mga kumalat na larawan sa internet, hindi na siya tumigil sa kakatanong sa akin.
“Sa totoo lang, hindi ko rin alam.”
“Naku, puwede ba iyon?”
“Inaya lang ako ni Arzon na maghapunan. Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. Sabi niya, magtiwala lang ako sa kanya palagi at aalagaan niya ako.”
“Magtiwala? Naku, Renzeniah, sa totoo lang, wala akong katiwa-tiwala diyan sa hilatsa ng pagmumukha ng Arzon na iyan. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita mo diyan, eh. Macho lang pero ang face value…”
Umiling pa siya habang nakatingin sa akin.
“Ay, ligwak na ligwak sa akin!”
Napatawa ako nang bahagya sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, hindi nawawala ang pagiging prangka ni Donita. Kahit nasa gitna ako ng napakalaking problema, nagagawa pa rin niyang magbitaw ng mga salitang hindi ko alam kung ikatutuwa ko o ikaiinis.
“Napakaganda mo para sa kanya,” dagdag pa niya.
“Iyon lang naman ang meron ako, eh.”
“Kung sa bagay, may pagkabobita ka nga at mahina ang common sense.”
Hinampas ko si Donita sa braso.
“Alam mo, hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita o hindi. Akala ko ba kakampi kita?”
“Hindi, noh! Wala ka nang pera, kaya ano pang silbi mo sa akin?” pagbibiro pa ni Donita.
Napatingin ako sa kanya bago kami kapwa natawa. Sandali kong nakalimutan ang bigat ng mga nangyayari sa buhay ko. Sa piling ni Donita, kahit paano ay nakakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Hindi niya ako tinatratong parang isang salot na kailangang layuan. Hindi rin niya ako tinitingnan na para bang isa akong kahihiyan.
Pero mabilis ding nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang realidad.
“Pero, ano ang gagawin mo ngayon? Wala ka nang bahay, wala ka nang pera, wala ka nang trabaho at wala ka na ring jowa.”
Napabuntong-hininga ako.
“Eh, di aasa sa iyo.”
“Naku, Renzeniah, alam mo ang buhay namin ni Nanay. Empleyado lang ako sa kumpanya ninyo. Baka nga bukas, sesantehin na rin ako, eh.”
Nabahala ako sa sinabi niya. Hindi malayong mangyari ang kinatatakutan niya. Malalim magalit si Papa, at madalas, damay-damay pa. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Hindi siya basta nagpapatawad, lalo na kapag pakiramdam niya ay may sumalungat sa kagustuhan niya.
At ngayong itinakwil niya ako, hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para iparamdam sa akin ang galit niya.
“Naghahanap na nga rin ako ng trabaho, eh,” sabi pa ni Donita.
“Ayoko na rin sa inyo, kahit maganda ang pasahod. Walang peace of mind.”
Napayuko ako. Dahil sa akin, pati ang kaibigan ko ay maaaring mawalan ng trabaho. Hindi ko gustong madamay siya sa problemang hindi naman niya ginawa.
“Siguradong maraming magtatanong sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Arzon.”
“Baka madulas kasi ako, masabi ko. Eh, di bumukaka.”
“Alam mo, ang morbid mo! Hindi pa nga ako sigurado kung nagawa ko nga iyon, eh.”
“Magpacheckup ka kaya para malaman mo.”
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa paraan niya ng pagsasalita.
“Pautangin mo kaya ako.”
“Sa akin ka ba talaga umuutang?”
“Wala ka ba talagang naipon man lang?”
“O kaya nakupit? Sa procurement department ka pa naman, dapat marami kang nakulimbat.”
“Hindi ako ganoon, noh!”
Kahit kailan, hindi ko pinangarap na yumaman sa pamamagitan ng pandaraya. Maaaring ipinanganak akong mayaman, pero hindi ibig sabihin noon ay wala na akong konsensiya.
“Pero may naipon ako. Pampakasal namin ni Arzon, tapos puhunan na rin.”
“Isa pa iyan! Ikaw pa talaga na babae ang mag-iipon para sa pagpapakasal mo. Halatang-halata, patay na patay ka sa jowa mo.”
Hindi na ako sumagot. Totoo naman ang sinabi niya. Minahal ko si Arzon nang buong-buo. Handa akong maghintay, magtiis at magsakripisyo para sa kinabukasan naming dalawa. Akala ko, kapag nagpakasal kami, magkakaroon na ako ng sariling pamilyang magmamahal sa akin.
Pero nagkamali ako.
“Pero ilan ba ang naipon mo?” tanong niya.
“Secret.”
“Hayan, kakasecret mo, napahamak ka pa!”
Napailing na lamang ako.
“Sige na, tigilan mo nang magpalipat-lipat ng bahay sa mga kaibigan mo. Pumapayag na akong ampunin ka. Basta dapat mahina ka lang kumain, ha, kasi kami ni Nanay, itlog-itlog lang kami kapag walang-wala na.”
Hindi ko napigilang mapayakap kay Donita. Mahigpit ko siyang niyakap habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng aking mga luha.
Sa totoo lang, marami naman akong mga kaibigan, at mayayaman pa. Pero dahil kay Papa, wala na rin silang magawa. Hindi ako puwedeng manatili nang matagal sa kanilang mga bahay. Natatakot silang madamay sa galit ng aking ama, at naiintindihan ko naman iyon.
Pero masakit pa rin.
Ang dating buhay na nakasanayan ko ay biglang naglaho. Mula sa malawak na bahay, komportableng kuwarto at mamahaling gamit, ngayon ay kailangan ko nang mag-isip kung saan ako matutulog at kung paano ako mabubuhay sa mga susunod na araw.
Nakita ko kung gaano kahirap ang buhay nila Donita.
Putol ang isang binti ng Nanay niya dahil sa diabetes. Pero kahit ganoon siya, nanatili ang pagiging positibo niya sa buhay. Hindi siya nagrereklamo sa tuwing nahihirapan siyang magligpit ng mga paninda o kapag kailangan niyang magpahinga dahil sa pagod.
Sa kabila ng kanilang kakulangan, palagi pa rin siyang nakangiti kapag nakikita si Donita. At si Donita naman, kahit pagod sa trabaho, hindi nakakalimutang asikasuhin ang kanyang ina.
Minsan, naiinggit ako kung paano sila magmahalan.
Hindi kailangang may patunayan ang anak para mahalin. Basta naroroon lamang sila para sa isa't isa, ayos na.
Hindi tulad ko na kailangang sungkitin ang Mars para ialay sa ama kong napakahirap pasayahin.
Habang bitbit ko ang ilang mga gamit ko, namili na ako ng mga ibebenta. Mga gamit na regalo ni Mama, alahas, damit, bag at kung ano pang nakuha ko sa bahay. Mayroon pa namang natitira, kaya lang naisip ko, baka ipatapon na iyon ni Papa.
Masakit isipin na kailangan kong ibenta ang mga bagay na dati ay nagpapaalala sa akin ng masasayang sandali. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko maaaring hayaang lamunin ako ng kahirapan habang naghihintay ng himala.
Kaya tinawagan ko ang isa sa mga katulong namin at inutusan siyang i-box ang lahat ng natitira kong gamit at itago ang mga iyon nang hindi nalalaman ni Papa.
Naisip kong ibenta ang mga iyon at pagkatapos ay gamitin ang pera sa kahit anong negosyo. Kung papalarin, baka iyon ang maging simula ng panibago kong buhay.
Pagkatapos, tiningnan ko si Nanay Marina. Nagliligpit na siya ng kanyang mga paninda.
May tindahan lamang sila sa harap ng bahay nila na na-award ng gobyerno. Dati kasi, nakatira lamang sila sa tabi ng riles. Iyong kapag inilabas mo ang ulo mo, tiyak na mapupugot.
Lumaking mahirap at anak sa pagkadalaga si Donita. Minsan nga, nagbibiruan pa kami na baka isang araw ay may mag-aangkin sa kanyang amang CEO, gaya sa mga nobelang napapanood at nababasa namin sa GoodNovel App.
Nakakatawa lang, pero umaasa talaga siya.
“Malay mo, girl, isang araw, may biglang dumating na guwapong CEO at sabihing nawawala siyang anak pala,” biro ko noon sa kanya.
“Basta kapag nangyari iyon, hindi kita kakalimutan. Bibigyan kita ng malaking bahay at maraming pera!” sagot niya naman.
Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang mga biruang iyon.
Pero ako, may tatay naman akong totoong CEO, kaya lang, sa kasamaang-palad, itinakwil ako.
Napakahirap, hindi lang sa bulsa, lalo na sa kalooban.
Pakiramdam ko, nag-iisa na lamang ako.
Isang babaeng iskandalosa at napakarumi.
Iyon na lamang ba ang tingin sa akin ng lahat? Isang babaeng wala nang halaga dahil sa mga larawang kumalat sa internet?
Napayuko ako habang pinagmamasdan ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mundo pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung paano ko muling bubuuin ang sarili ko matapos akong durugin ng mga taong inaasahan kong magmamahal sa akin.
Pero sa kabila ng lahat, kailangan kong magpatuloy.
Wala na akong pamilyang masasandalan, wala na akong lalaking masasandalan, at wala na akong kayamanang maipagmamalaki.
Ang natitira na lamang sa akin ay ang sarili ko.
At kahit hindi ko pa alam kung paano magsisimula, kailangan kong matutong lumaban.
Dahil sa mundong ito, kung wala nang ibang handang kumampi sa akin, kailangan kong maging kakampi ng sarili ko.
Chapter 24RenzeniahMalamig ang buong estate dahil fully air-conditioned ang buong mansiyon. Hindi nila alintana ang bayarin sa kuryente. Kinukuwenta ko pa nga sa isip kung magkano ang ginagastos nila bawat araw at bawat buwan.Samantalang sa bahay nina Donita, kapag umabot ng dalawang libong piso ang bill ng kuryente, nag-aalala na sila nang sobra. Kailangan pang magtipid at magpatay ng ilaw kahit hindi pa naman ginagamit ang lahat ng appliances.Pero dito?Walang kahit anumang bakas ng kahirapan. Para bang hindi nila kailangang isipin kung magkano ang gagastusin nila sa isang araw.Kung ako lang ang tatanungin, baka isang buwan kong sahod ay katumbas lang ng isang araw nilang konsumo sa kuryente.“Hindi ka magsusuot ng uniporme. Kahit ano puwede mong isuot. But it doesn't mean na espesyal ka,” mariin niyang sinabi.Sa totoo lang, hindi ko rin naman naisip iyon.Hindi naman ako assumera para isiping espesyal ako. Kahit saan, hindi ako naging espesyal. Ang mahalaga sa akin ay makapag
Chapter 23Renzeniah’s POVNagkadapadapa pa ako para makarating sa oras sa trabaho. Alas-siyete ako dapat naroroon.Kapag na-late ako, sibak agad ako sa trabaho. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi puwedeng mawalan na naman ako ng pagkakakitaan dahil lang sa isang aberya. Kailangan kong magtiis at gawin ang lahat para mapanatili ang trabahong ito.Alas-singko pa lang ng umaga ay umalis na ako, pero dahil sa isang nakabalagbag na truck sa highway, hindi na posibleng madaanan ng napakaraming sasakyan ang kalsada. Halos wala nang gumagalaw. Parang isang malaking parking lot ang buong highway.Nag-umpisa nang maglakaran ang mga tao para makarating nang maaga sa kanilang mga paroroonan. Para kaming nasa isang mahabang paglalakbay. May mga nagmamadali, may mga tumatakbo, at mayroon ding halatang sumusuko na sa kanilang kapalaran.“Sa lahat ng araw, ngayon pa talaga?” halos maloka-loka kong nasabi sa sarili.Napatingin ako sa relo ko. Hindi pa man nagsisimula ang araw ko, parang gusto
Chapter 22Renzeniah's POV“Marunong ka bang magluto?”“Maglaba?”“Mamalantsa?”Teka, mukhang category ng katulong ito ah, tumatakbo sa isip ko.Hindi naman ito ang pinasukan kong trabaho. Ang alam ko, administrative position at procurement ang kailangan nila.Pero who cares? Anything for 90K.“Opo, marunong ako.”“Ano ang mga naluto mo na?”“Lahat po. Filipino, Western, Italian, Chinese cuisine.”Napansin kong tumaas ang kilay niya.“Huwag kang magpa-impress, Ms. Sandoval. Baka kasi mag-expect kami sa iyo.”“Promise, marunong po ako. Nag-take po ako ng culinary.”Tiningnan niya ang resume ko na nasa ibabaw ng mesa.“But it's not here.”“Opo, kasi ang ina-applyan ko po is admin position at sa procurement. Hindi ko naman po alam na magiging HELP ako.”Napatingin siya sa akin nang masama.“Whatever!”Napakagat ako sa labi.Ayaw niya yata sa mga paliwanag ko. Pero paano naman ako? Hindi ko naman puwedeng sabihin na lahat ng trabaho ay kaya kong gawin nang hindi ko muna nalalaman ang magi
WorkmodeRenzeniah’s POVNasa gate pa lang ako, parang ayaw na akong papasukin ng mga guwardiya.“Sir, ito oh, may appointment letter ako from RRI.”“Naku, Ma’am, wala naman pong bilin na darating kayo.”“Ay Kuya, huwag kayong magbiro ng ganyan. Ang layo ho ng pinanggalingan ko.”“Teka, Ma’am, i-double check ko po muna.”Tumawag siya sa loob pa ng mansiyon at humingi ng clearance or approval to enter.Sa isip-isip ko, gaano ba kayaman ang mga taong ito at takot yata sa tao?Mayaman din naman ang tatay ko pero hindi ganito ka-O.A. Hindi naman kailangan na parang papasok ka sa isang restricted military facility bago ka makapasok sa bahay nila.Matiyaga akong naghintay. Ang motivation ko ay ang 90K.Yes! Ninety thousand pesos!Sa halagang iyon, kaya kong lunukin ang pride ko at tiisin ang kung anu-anong rules nila. Hindi naman ako narito para makipagkaibigan. Nandito ako para magtrabaho at kumita ng pera.“Ma’am, ano uli ang pangalan ninyo?”“Kuya, nandiyan na po sa papel.”“Ang hirap po
Chapter 20Renzy’s POV“Congratulations, Renzeniah, you are in!”“Uy, talaga, Sir? Thank you very much!”I couldn't help but smile from ear to ear. Finally! After all the applications, interviews, and waiting, may trabaho na rin ako. At hindi basta-bastang trabaho dahil mukhang maganda ang offer nila.“Pero hindi ka dito ma-a-assign, ha.”“Ha? Saan po?”“Nangangailangan kasi ang ating CEO ng PA, and since okay naman ang profile mo, nirecommend ka namin.”“Wait, PA?”“Personal Assistant?”“Yes, you will be accompanying our CEO most of the time. Don't worry, the pay is good.”“Wala naman akong experience sa pagiging P.A.”“90,000 monthly.”“Ha? 90K?”“Yes.”“Ay, hindi ninyo naman agad sinabi, eh!”“Gora ako diyan!”Napatawa si Mr. Sta. Luis sa naging reaction ko.“Here is the contract.”“Pakisignature mo na lang para ma-turn over na kita.”Agad kong kinuha ang mga dokumento. Hindi ko na halos napansin ang ibang sinasabi niya dahil may isang bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
Chapter 19Renzy's POV“Girl, gusto mong mag-apply sa RRI?”Napatingin ako kay Donita nang bigla niyang sabihin iyon.“Ay weh? May opening?”“Oo, kaya yung resume mo i-ready mo na. Lalandiin ko na lang yung HR Supervisor para makapasok ka.”“Talaga gagawin mo iyan, Donits?”“Oo naman! Para hindi ka laging nagmumukmok dito, noh.”Napatawa ako sa sinabi niya.“Eh baka naman kapag nakita nila na Sandoval ako, sabihin blacklisted na naman ako.”Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Alam kong malaki ang impluwensiya ng pamilya ko, at kung talagang gusto nilang pigilan ako, madali lang para sa kanila na gawin iyon.Hindi ko rin naman alam kung hanggang saan ang koneksiyon nila sa ibang kumpanya.“Don't worry, girl. Leave it to me,” sabi pang confident ni Donita.Mukhang naka-adjust na siya sa bagong trabaho niya. Mukhang may nasungkit siyang matabang isda kaya malakas na ang loob niya.“Bakit? Sino ba iyang HR Supervisor na iyan?”“Secret! Basta mabait iyan. At saka, hindi naman ako basta-







