Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir

Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir

last updateÚltima actualización : 2026-11-05
Por:  ElyActualizado ahora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
No hay suficientes calificaciones
12Capítulos
35vistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Hindi pinili, hindi paborito at itinakwil Mula sa mayamang pamilya, 4 na magkakapatid na puros babae. Panganay si Renzy sa magkakapatid, hindi gaanong matalino, pero maabilidad, mabait, malapit sa mga mahihirap, masakripisyo at mataas ang EQ Unang pagkakamali, umibig sa isang lalaking mas matanda sa kanya ng 10 taon, isang lalaking accountant, pero dahil sa talino nito, minamanipula niya ang lahat sa buhay ni Renzy. Mula sa kanyang pagkatao, paraan ng pananamit. Pagpili ng mga kaibigan. Unti unti na niyang tinatalikuran ang lahat. Ang sabi niya silang dalawa lang ay sapat na para mabuhay Pinipilit niyang makuha na agad ang mana ni Renzy. Tuso siya. Pero hindi pumayag si Don Ezekiel. Alam niya ang masamang pakay ng nobyo ni Renzy. Gusto niyang balang araw siya na ang magmamayari ng Sandoval Group of Companies Noong tinanggal siya bilang tagapagmana. Nagising si Renzy at nakita na niya ng malinaw kung sino ba talaga si Arzon Mercado. Isang oportunista at lintang gustong sipsipin lahat ng makukuha niya. Hanggang sa dumating ang napakalaking iskandalo Habang hinaharap ang mga hamon sa buhay. May makikilala siyang lalaki mula sa kanyang nakaraaan. Ang dati niyang kaklase. Si Martin Rivas Matalino at mula sa mayamang pamilya. Itinuring na kaibigan, pero dahil hindi pa siya handang makipagnobyo noon. Tinanggihan niya ang pag-ibig nito. At nang bumalik si Martin. Ang laki ng pagbabago niya. Hindi na siya mabait sa lahat. At parang napakapait din ng buhay. Hanggang nagtapo silang dalawa. At kahit pinaglalabanan ang mga damdamin sa isat-isa. Nanaig pa rin ang pagibig. Hanggang naging tanggulan ang isa't isa. Sapat na ang isat-isa. Para makabuo ng isang pamilya na walang paborito at hindi kailanman paalisin.

Ver más

Capítulo 1

Disgrace

Chapter 1

Renzenaiah Sandoval’s POV

Teka, teka!

“Huwag, babe”

“Uhmm!”

“Ahhh”

Hindi ko alam kung papaano nauwi sa ganito ang pagkikita namin ni Arzon.

Sinisiil na niya ako ng mga halik niya. Pilit ko siyang itinutulak, pero kahit anong gawin ko, mas malakas pa rin siya sa akin. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Gusto kong maikasal na muna kami bago ko ibigay ang lahat sa kanya. Gusto kong maging espesyal ang araw na iyon, ang araw na buong puso kong ipagkakaloob ang sarili ko sa lalaking minamahal ko.

Pero bakit parang hindi niya kayang intindihin ang kagustuhan ko?

Bakit parang wala siyang pakialam sa mga pakiusap ko?

Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong, pero tila walang gustong makarinig sa akin. Ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin ay hindi ko agad nagawang alisin. Pilit kong nilalabanan ang sitwasyon, ngunit unti-unti akong nanghihina. Ang takot at pagkalito ay nagsama-sama sa dibdib ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Nagising na lamang ako.

Sa kuwartong iyon.

Hindi ko alam kung may nangyari na sa amin. Masakit ang buo kong katawan, at ang tanging naalala ko na lang ay ang mapusok na pagdakma niya sa buo kong katawan.

Napaupo ako sa kama at mabilis na hinanap ang aking mga damit. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na inuunawa ang nangyari. Ang silid ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung paano kami nakarating doon o kung bakit wala akong maalala sa mga sumunod na sandali.

Nang makita ko si Arzon, tila wala lang sa kanya ang lahat. Wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya. Sa halip, parang gusto niyang maniwala akong normal lamang ang lahat ng nangyari.

Pero para sa akin, hindi iyon normal.

Hindi iyon ang pinangarap ko.

At doon nagsimula ang lahat…

Isang napakalaking iskandalo ang kumalat sa buong internet.

Ako, kasama ng aking nobyong si Arzon, sa isang silid na una ko pa lang nakita, na halos hubad ang mga katawan.

Biglang nagpasukan ang media. Nagkamali sila ng kuwartong napuntahan. Akala nila, ako ang artistang sinusundan nila na nasangkot sa mga iskandalo, na kumabit sa isang politiko.

Hindi ko makalimutan ang sunod-sunod na flash ng mga kamera. Ang mga tanong na tila mga kutsilyong tumutusok sa akin. Ang mga matang nakatingin sa akin na para bang isa akong hayop na kailangang pagmasdan at husgahan.

Sinubukan kong takpan ang sarili ko. Gusto kong magtago, gusto kong mawala sa paningin ng lahat, pero huli na ang lahat. Nakuha na nila ang mga larawan. Naitala na nila ang bawat sandali ng kahihiyang hindi ko naman ginusto.

Pero sa oras ding iyon…

Nawalan ako ng dangal.

Nagkalat ang mukha ko sa internet.

Sa isang kama na nagbibigay ng napakaraming espekulasyon, na para bang kakagamit lang sa isang mainitang tagpo.

Hindi nila alam ang buong kuwento. Hindi nila alam ang takot na naramdaman ko o kung gaano ko ipinaglaban ang sarili ko. Wala silang pakialam kung ano ang totoo. Ang mahalaga sa kanila ay may bago silang pag-uusapan, may bagong taong maaari nilang husgahan at pagtawanan.

Sa pagkakamaling iyon, nawala sa akin ang lahat.

Ayaw akong pakinggan ng aking ama.

At kasama nito, nawala ang aking pamilya.

“You are a disgrace! Panganay na anak ka pa naman, pero wala kang dinala sa pamilyang ito kundi kahihiyan. Mula sa lalaking minahal mo, pati sa negosyo. Kahit pa yata ibigay namin ng Mama mo ang lahat ng kayamanan ng pamilya natin, ipinapatalo mo rin.

“Sino ka para sumira sa amin?

“Napakawalang-hiya mo!

“Wala ka nang lugar sa bahay na ito.

“Lumayas ka!

“Hindi nararapat sa iyo ang ating apelyido.”

Buong buhay ko, ito ang naririnig ko sa aking amang si Don Ezekiel Sandoval.

Walang mahalaga sa kanya kundi ang dangal na iningatan ng pamilya.

Ako, kahihiyan lang ako para sa kanila.

Walang ambag.

Walang karangalang iniaalay.

Hindi ko naman sinasadyang makagawa ako ng mga pagkakamali. Hindi ko pinangarap na dumating ang araw na magiging laman ako ng mga balita at pag-uusapan ng mga tao. Gusto ko lamang magmahal at mahalin. Gusto ko lamang magkaroon ng pamilyang tatanggap sa akin, kahit hindi ako perpekto.

Pero sa kanila, wala akong karapatang magkamali.

Halos lahat ng pagkakamali ko ay inililista nila. At pagkatapos, isusumbat sa akin sa tuwing may pagkakataon.

“Don Kiel, papanagutan ko naman si Renzy. Hindi ninyo naman kailangang hiyain siya nang ganito. Anak ninyo siya. At sa tulong ko at pangangalaga ko sa kanya, makikita ninyo, mas payayamanin ko ang pamilyang Sandoval,” alok ni Arzon.

Napatingin ako sa kanya. Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin akong may paninindigan siya. Umaasa akong kahit papaano ay ipagtatanggol niya ako sa harap ng aking ama.

“Ikaw?”

“Huwag mo akong patawanin.”

“Kung hindi lang sa pagmamakaawa ni Renzy, matagal ka nang pinulot sa kangkungan.”

“Pero ngayon, nilubos ninyo ang pasensya ko.”

“You can take her all you want.”

“Bahala na kayo sa buhay ninyo.”

“Babuyin mo siya hanggang gusto mo.”

“Dahil kami, wala na kaming kinalaman sa kanya.”

“Isang basura para sa basura,” mariing sinabi ng aking ama.

Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong pagsalitaan nang ganito.

Kung sa bagay, wala naman talaga siyang pakialam sa akin.

Mula nang isilang ang aking mga kapatid, naging basura na ako para sa kanya. Dahil mas mahuhusay sila, mas matalino at mas malambing.

Kailanman ay hindi na niya ako tiningnan bilang anak.

Para sa kanya, obligasyon na lamang ako.

Ang pakikitungo niya sa akin ay para lamang maipakitang mabuti siyang ama dahil pinapakain niya ako. Dahil sa kanya kaya ako nabubuhay.

Isang bagay na dapat kong ipagpasalamat sa kanila araw-araw ng buhay ko.

Ilang beses kong sinubukang maging mabuting anak. Pinilit kong makuha ang kanilang atensyon, ang kanilang papuri, at kahit kaunting pagmamahal. Pero kahit anong gawin ko, parang hindi pa rin ako sapat.

At ngayon, sa harap ng napakalaking iskandalong ito, napakadali para sa kanya na talikuran ako at itapon na parang isang basahan.

Wala na akong nagawa kundi ang lumisan.

Pagkatapos akong palayasin, kung kani-kanino na lamang ako nakikituloy. Wala akong sariling lugar na matatawag na tahanan. Wala akong mapuntahan kapag sumasakit ang dibdib ko sa kakaiyak. Wala akong mapagsabihan ng lahat ng takot at pangambang bumabalot sa akin.

At si Arzon, nang malaman niyang pinutol na ng ama ko ang ugnayan namin, naglaho na lamang siya na parang bula.

Walang tawag.

Walang mensahe.

Walang kahit anong paliwanag.

Kaya doon ko nalaman ang tunay niyang pagkatao.

Ginagamit lamang niya ako para sa ambisyon niya.

At nagkamali siya.

Dahil pati ako, ay hindi na rin tinanggap sa amin.

Pinutol ang lahat ng contacts, affiliation, at credit card ko. Wala na akong access sa mga bagay na dati ay hindi ko naman kailangang alalahanin. Kahit ang sarili kong pangalan ay tila wala nang halaga sa pamilyang pinagmulan ko.

At baka nga pati sa birth certificate, ipinabura na rin nila ang pangalan nila bilang mga magulang ko.

I lost everything in just one night.

Isang gabi lamang ang kinailangan para mawala ang pamilyang kinalakihan ko, ang lalaking minahal ko, ang pangalan na ipinagmamalaki ko, at ang buhay na akala ko ay mayroon akong karapatang angkinin.

Saan pa ako pupunta?

Paano ako magsisimula nito?

Tumingin ako sa kawalan habang pinipigilan ang muling pag-agos ng aking mga luha. Wala akong pera na sapat para magsimula ng panibagong buhay. Wala akong trabaho na maaasahan. At higit sa lahat, wala akong taong mapagkakatiwalaan.

Malapit na akong maloka.

Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa akin.

Bakit ako?

Ano ang kasalanan ko para maranasan ko ang lahat ng ito?

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng buhay pagkatapos ng araw na iyon. Ang alam ko lamang, ang Renzy Sandoval na dating may tahanan, pamilya, at pangarap ay tuluyan nang nawala.

At kung kailangan kong mabuhay nang mag-isa, gagawin ko.

Kahit masakit.

Kahit wala akong masandalan.

Dahil wala na akong ibang pagpipilian kundi ang magsimulang muli.

Hindi ko pa alam kung paano, pero balang araw, makakabangon din ako.

At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin kong hindi na ako muling magiging basahan na basta na lamang itatapon ng mga taong dapat sana ay nagmamahal sa akin.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sin comentarios
12 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status