Chapter 2Renzeniah Sandoval’s POV“Girl, bakit ka ba kasi napadpad sa kuwarto na iyon?”“At ito, sa mga larawan, parang katatapos ninyo lang mag-anuhan ni Arzon, ah!”Napahawak ako sa aking ulo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sunod-sunod na tanong ni Donita. Simula nang makita niya ang mga kumalat na larawan sa internet, hindi na siya tumigil sa kakatanong sa akin.“Sa totoo lang, hindi ko rin alam.”“Naku, puwede ba iyon?”“Inaya lang ako ni Arzon na maghapunan. Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari. Sabi niya, magtiwala lang ako sa kanya palagi at aalagaan niya ako.”“Magtiwala? Naku, Renzeniah, sa totoo lang, wala akong katiwa-tiwala diyan sa hilatsa ng pagmumukha ng Arzon na iyan. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita mo diyan, eh. Macho lang pero ang face value…”Umiling pa siya habang nakatingin sa akin.“Ay, ligwak na ligwak sa akin!”Napatawa ako nang bahagya sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, hindi nawawala ang pagiging pran
آخر تحديث : 2026-10-20 اقرأ المزيد