LOGIN
Chapter 1
Renzenaiah Sandoval’s POV
Teka, teka!
“Huwag, babe”
“Uhmm!”
“Ahhh”
Hindi ko alam kung papaano nauwi sa ganito ang pagkikita namin ni Arzon.Sinisiil na niya ako ng mga halik niya. Pilit ko siyang itinutulak, pero kahit anong gawin ko, mas malakas pa rin siya sa akin. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Gusto kong maikasal na muna kami bago ko ibigay ang lahat sa kanya. Gusto kong maging espesyal ang araw na iyon, ang araw na buong puso kong ipagkakaloob ang sarili ko sa lalaking minamahal ko.
Pero bakit parang hindi niya kayang intindihin ang kagustuhan ko?
Bakit parang wala siyang pakialam sa mga pakiusap ko?
Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong, pero tila walang gustong makarinig sa akin. Ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin ay hindi ko agad nagawang alisin. Pilit kong nilalabanan ang sitwasyon, ngunit unti-unti akong nanghihina. Ang takot at pagkalito ay nagsama-sama sa dibdib ko hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Nagising na lamang ako.
Sa kuwartong iyon.
Hindi ko alam kung may nangyari na sa amin. Masakit ang buo kong katawan, at ang tanging naalala ko na lang ay ang mapusok na pagdakma niya sa buo kong katawan.
Napaupo ako sa kama at mabilis na hinanap ang aking mga damit. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit na inuunawa ang nangyari. Ang silid ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung paano kami nakarating doon o kung bakit wala akong maalala sa mga sumunod na sandali.
Nang makita ko si Arzon, tila wala lang sa kanya ang lahat. Wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya. Sa halip, parang gusto niyang maniwala akong normal lamang ang lahat ng nangyari.
Pero para sa akin, hindi iyon normal.
Hindi iyon ang pinangarap ko.
At doon nagsimula ang lahat…
Isang napakalaking iskandalo ang kumalat sa buong internet.
Ako, kasama ng aking nobyong si Arzon, sa isang silid na una ko pa lang nakita, na halos hubad ang mga katawan.
Biglang nagpasukan ang media. Nagkamali sila ng kuwartong napuntahan. Akala nila, ako ang artistang sinusundan nila na nasangkot sa mga iskandalo, na kumabit sa isang politiko.
Hindi ko makalimutan ang sunod-sunod na flash ng mga kamera. Ang mga tanong na tila mga kutsilyong tumutusok sa akin. Ang mga matang nakatingin sa akin na para bang isa akong hayop na kailangang pagmasdan at husgahan.
Sinubukan kong takpan ang sarili ko. Gusto kong magtago, gusto kong mawala sa paningin ng lahat, pero huli na ang lahat. Nakuha na nila ang mga larawan. Naitala na nila ang bawat sandali ng kahihiyang hindi ko naman ginusto.
Pero sa oras ding iyon…
Nawalan ako ng dangal.
Nagkalat ang mukha ko sa internet.
Sa isang kama na nagbibigay ng napakaraming espekulasyon, na para bang kakagamit lang sa isang mainitang tagpo.
Hindi nila alam ang buong kuwento. Hindi nila alam ang takot na naramdaman ko o kung gaano ko ipinaglaban ang sarili ko. Wala silang pakialam kung ano ang totoo. Ang mahalaga sa kanila ay may bago silang pag-uusapan, may bagong taong maaari nilang husgahan at pagtawanan.
Sa pagkakamaling iyon, nawala sa akin ang lahat.
Ayaw akong pakinggan ng aking ama.
At kasama nito, nawala ang aking pamilya.
“You are a disgrace! Panganay na anak ka pa naman, pero wala kang dinala sa pamilyang ito kundi kahihiyan. Mula sa lalaking minahal mo, pati sa negosyo. Kahit pa yata ibigay namin ng Mama mo ang lahat ng kayamanan ng pamilya natin, ipinapatalo mo rin.
“Sino ka para sumira sa amin?
“Napakawalang-hiya mo!
“Wala ka nang lugar sa bahay na ito.
“Lumayas ka!
“Hindi nararapat sa iyo ang ating apelyido.”
Buong buhay ko, ito ang naririnig ko sa aking amang si Don Ezekiel Sandoval.
Walang mahalaga sa kanya kundi ang dangal na iningatan ng pamilya.
Ako, kahihiyan lang ako para sa kanila.
Walang ambag.
Walang karangalang iniaalay.
Hindi ko naman sinasadyang makagawa ako ng mga pagkakamali. Hindi ko pinangarap na dumating ang araw na magiging laman ako ng mga balita at pag-uusapan ng mga tao. Gusto ko lamang magmahal at mahalin. Gusto ko lamang magkaroon ng pamilyang tatanggap sa akin, kahit hindi ako perpekto.
Pero sa kanila, wala akong karapatang magkamali.
Halos lahat ng pagkakamali ko ay inililista nila. At pagkatapos, isusumbat sa akin sa tuwing may pagkakataon.
“Don Kiel, papanagutan ko naman si Renzy. Hindi ninyo naman kailangang hiyain siya nang ganito. Anak ninyo siya. At sa tulong ko at pangangalaga ko sa kanya, makikita ninyo, mas payayamanin ko ang pamilyang Sandoval,” alok ni Arzon.
Napatingin ako sa kanya. Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin akong may paninindigan siya. Umaasa akong kahit papaano ay ipagtatanggol niya ako sa harap ng aking ama.
“Ikaw?”
“Huwag mo akong patawanin.”
“Kung hindi lang sa pagmamakaawa ni Renzy, matagal ka nang pinulot sa kangkungan.”
“Pero ngayon, nilubos ninyo ang pasensya ko.”
“You can take her all you want.”
“Bahala na kayo sa buhay ninyo.”
“Babuyin mo siya hanggang gusto mo.”
“Dahil kami, wala na kaming kinalaman sa kanya.”
“Isang basura para sa basura,” mariing sinabi ng aking ama.
Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong pagsalitaan nang ganito.
Kung sa bagay, wala naman talaga siyang pakialam sa akin.
Mula nang isilang ang aking mga kapatid, naging basura na ako para sa kanya. Dahil mas mahuhusay sila, mas matalino at mas malambing.
Kailanman ay hindi na niya ako tiningnan bilang anak.
Para sa kanya, obligasyon na lamang ako.
Ang pakikitungo niya sa akin ay para lamang maipakitang mabuti siyang ama dahil pinapakain niya ako. Dahil sa kanya kaya ako nabubuhay.
Isang bagay na dapat kong ipagpasalamat sa kanila araw-araw ng buhay ko.
Ilang beses kong sinubukang maging mabuting anak. Pinilit kong makuha ang kanilang atensyon, ang kanilang papuri, at kahit kaunting pagmamahal. Pero kahit anong gawin ko, parang hindi pa rin ako sapat.
At ngayon, sa harap ng napakalaking iskandalong ito, napakadali para sa kanya na talikuran ako at itapon na parang isang basahan.
Wala na akong nagawa kundi ang lumisan.
Pagkatapos akong palayasin, kung kani-kanino na lamang ako nakikituloy. Wala akong sariling lugar na matatawag na tahanan. Wala akong mapuntahan kapag sumasakit ang dibdib ko sa kakaiyak. Wala akong mapagsabihan ng lahat ng takot at pangambang bumabalot sa akin.
At si Arzon, nang malaman niyang pinutol na ng ama ko ang ugnayan namin, naglaho na lamang siya na parang bula.
Walang tawag.
Walang mensahe.
Walang kahit anong paliwanag.
Kaya doon ko nalaman ang tunay niyang pagkatao.
Ginagamit lamang niya ako para sa ambisyon niya.
At nagkamali siya.
Dahil pati ako, ay hindi na rin tinanggap sa amin.
Pinutol ang lahat ng contacts, affiliation, at credit card ko. Wala na akong access sa mga bagay na dati ay hindi ko naman kailangang alalahanin. Kahit ang sarili kong pangalan ay tila wala nang halaga sa pamilyang pinagmulan ko.
At baka nga pati sa birth certificate, ipinabura na rin nila ang pangalan nila bilang mga magulang ko.
I lost everything in just one night.
Isang gabi lamang ang kinailangan para mawala ang pamilyang kinalakihan ko, ang lalaking minahal ko, ang pangalan na ipinagmamalaki ko, at ang buhay na akala ko ay mayroon akong karapatang angkinin.
Saan pa ako pupunta?
Paano ako magsisimula nito?
Tumingin ako sa kawalan habang pinipigilan ang muling pag-agos ng aking mga luha. Wala akong pera na sapat para magsimula ng panibagong buhay. Wala akong trabaho na maaasahan. At higit sa lahat, wala akong taong mapagkakatiwalaan.
Malapit na akong maloka.
Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa akin.
Bakit ako?
Ano ang kasalanan ko para maranasan ko ang lahat ng ito?
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng buhay pagkatapos ng araw na iyon. Ang alam ko lamang, ang Renzy Sandoval na dating may tahanan, pamilya, at pangarap ay tuluyan nang nawala.
At kung kailangan kong mabuhay nang mag-isa, gagawin ko.
Kahit masakit.
Kahit wala akong masandalan.
Dahil wala na akong ibang pagpipilian kundi ang magsimulang muli.
Hindi ko pa alam kung paano, pero balang araw, makakabangon din ako.
At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin kong hindi na ako muling magiging basahan na basta na lamang itatapon ng mga taong dapat sana ay nagmamahal sa akin.
Chapter 12Renzeniah's POVHabang nagtitinda, biglang nag-ring ang cellphone ko.“Renzy, nakita mo na ba yung nasa social media?”“Girl, sikat na sikat ka na naman!”Tumawag ang isa kong college friend na si Anette.“Ha? Anong meron?”“Tingnan mo dali!” "Now na!"“Ha, sige.”Pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag.Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang social media. Hindi pa man ako tuluyang nakakapag-scroll ay bumungad na sa akin ang isang balitang hindi ko inaasahang makikita.Arzon Mercado, filed a lawsuit against the media for cyberbullying, Oral Defamation, at RA 9995 - Anti-Photo and Video Voyeurism Act.Napatitig ako sa screen.Sandali akong hindi nakagalaw habang paulit-ulit na binabasa ang headline. May mga larawan pa ng mga taong sangkot at ilang detalye tungkol sa isinampang kaso. Maging ang pangalan ko ay muling nabanggit sa mga komento at diskusyon.Sa totoo lang, ikinunsulta ko na iyon kay Vanruth at hinihintay na lang niyang makapagdesisyon ako.Bantulot ka
Chapter 11Renzeniah’s POVMaagang-maaga, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Arzon. Imbes na manabik o matuwa sa pangalan niya na muling nagpakita sa screen ng cellphone ko, ramdam kong inis na inis ako.“Babe, nakauwi ka na ba sa inyo?”“If you need to beg, beg them.”Napailing ako habang binabasa ang mensahe. Kaloka rin itong lalaking ito. Paladesisyon sa buhay ko na para bang may karapatan pa siyang diktahan ang bawat hakbang na gagawin ko.“Paano ang future mo?” dagdag pa niya.“Lunukin mo na lahat ng pride mo, may plano ako. I will help you to have what you deserve.”“Kunin mo na ang makukuha mo, legal ka nilang anak at panganay pa.”Napataas ang kilay ko.“Ano ako, prodigal daughter?” tanong ko sa sarili ko.Aba, mukhang sa tagal ng panahong hindi man lang niya ako kinamusta, nakabuo na pala siya ng plano para sa akin. Ni hindi nga nito naisipang alamin kung kumusta na ako, kung nakakakain ba ako nang maayos, o kung paano ko hinaharap ang mga pagsubok na iniwan niya sa buhay ko
Chapter 10Renzeniah's POVNagisip ako ng paraan. Hindi ako ganuon katalino, pero madali naman ako makaunawa ng mga praktikal na mga bagay.At sa oras na ito. Hindi ko hahayaang manganib pa ang buhay ko.Kaya nagpasya ako.Pinaghandaan ko.Kinausap ko si Vanruth AmoresTinawagan ko muna siya bago ako pumunta sa opisina ni Mang Pepe.“Vanruth, salamat ha.”“Ikaw pa? Malakas ka sa akin eh.”“Hayaan mo, di ko tatantanan ang Mang Pepe na iyan.”“Gumagamit siya ng dahas para maningil.”“Puntahan mo si Sgt. Mercado. Natimbrehan ko na siya. May mga pulis na sasama sa iyo.”“Ay, talaga ba?”“Ang galing-galing mo talaga!”“Magaling pala ako eh, bakit hindi mo ako sinagot?”“Ay, bitter ka pa rin?”Napatawa ako sa sinabi niya.“Di ba sinabi ko sa iyo, ayoko ng sobrang talino na lalaki?”“Tsaka mas okay na rin itong friends lang tayo. At least hindi tayo nag-aaway.”“Tsaka bakit ba pinagnanasaan mo pa rin ako eh ang ganda-ganda ng asawa mo?”Hindi na siya nakakibo.Napangisi ako. Alam kong tina
PaymentChapter 9Renzeniah’s POVNagising na lang ako na nakatapat sa akin ang electric fan na bagyo na pinakatagotago ni Nanay Marina para sa tag-init. Halos nakadikit na sa akin ang hangin nito, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga, hindi na ako nahihilo at unti-unti nang bumabalik ang lakas ng katawan ko.Nandoon na rin si Donita na nakaabang sa paggising ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin na para bang may hinihintay siyang milagro.“Girl, himatayin ka ba talaga?”“Ha? Ano bang nangyari?”“Ay, muntik ka lang naman bitbitin ng mga goons ni Mang Pepe.”Napakunot ang noo ko.“Ipambabayad ka sa utang!”Nakita kong nalungkot si Nanay Marina dahil sa pagiging taklesa ni Donita. Alam kong napagalitan na naman niya ang nanay niya dahil sa nangyari. Wala namang gustong mangyari iyon. Hindi rin naman ginusto ni Nanay Marina na umabot sa ganoong sitwasyon ang lahat.Pero hindi ko rin masisisi si Donita. Siguro, natatakot lang din siya para sa amin.“Hayaan mo na, D
Chapter 8Renzeniah's POVPagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Nanay Marina.“Anak, kumain ka na. May kutsinta diyan na maraming niyog.”“Ay, winner!”Napangiti ako. Kutsinta na maraming niyog? Iyon ang isa sa mga bagay na kayang magpasaya sa akin kahit gaano kasama ang araw ko.“Alam kong paborito mo iyan.”“Salamat po, Nay Marina.”Ngumiti lang siya habang inaasikaso ang mga paninda.“Napahiwa mo ba iyong baboy?”“Opo, Nay. Pero timbangin n'yo muna kung limang kilo iyan, ha? Baka kasi mandurugas iyong tindero.”“Sige, anak.”Ilang oras pa ang lumipas, at inilabas na ni Nanay Marina ang mga panindang ulam, bukod pa sa mga paninda sa sari-sari store niya.Mabilis namang naubos at nabibili ang mga iyon, lalo na ng mga taong wala nang oras para magluto ng pagkain. May mga manggagawa, estudyante, at mga pamilyang mas pinipiling bumili na lang ng lutong ulam kaysa gumugol ng oras sa kusina pagkatapos ng mahabang araw.Maganda naman ang kita niya. Nakakasapat iyon para sa pangtu
Chapter 7Renzeniah’s POVNautusan ako ni Nay Marina na pumunta sa palengke para bumili ng mga lulutuing ulam na paninda niya. Dahil wala naman akong ibang ginagawa, pumayag na agad ako. At least, kahit papaano, nakakatulong ako sa kaniya habang wala pa akong nahahanap na trabaho.Napakainit ng panahon nang araw na iyon. Halos matunaw na yata ako sa init ng araw. Pawis na pawis ako, at pakiramdam ko, kahit anong pamaypay ko sa sarili ko, hindi pa rin sapat para maibsan ang init.Pero kailangan kong tapusin ang pamimili.“Miss beautiful, ilang kilong baboy?” tanong ng tindero nang makalapit ako sa kaniyang puwesto.Napangiti naman ako sa tawag niya.Ay, may pa-beautiful pa si Kuya! At least, kahit papaano, may nakakapansin pa rin sa kagandahan ko kahit pawis na pawis na ako. Hindi nga lang ako sigurado kung dahil ba talaga sa mukha ko o dahil gusto niyang bumili ako nang marami.“Limang kilo po.”“Hihiwain na?”“Opo, pang-menudo.”Habang hinihiwa niya ang karne, pinagmamasdan ko ang ti







