Share

Tyrant

Author: Ely
last update publish date: 2026-11-24 09:53:43

Chapter 32

Martin’s POV

“Sir, ito na po ang pinapagawa ninyo.”

“You may go!” utos ko pa.

Pagkaalis niya, agad kong binuklat ang hawak kong dokumento. It was the assessment report I had requested regarding Renzeniah Sandoval.

“Kakaiba rin talaga itong babaeng ito. Hindi pa rin siya nagbabago. Madalas pa ring nawawala sa sarili.”

Natawa ako nang bahagya sa mga nakasulat sa ipinagawa kong assessment.

“Interesting.”

Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nakasandal sa swivel chair.

“Gustung-gusto niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Chaotic

    Chapter 34Renzeniah's POVTuloy pa rin ang party. Dumating si Carla at sinamahan niya ako. Mabuti na lang at may kakilala akong hindi ako tinitingnan bilang isang malaking kahihiyan.“Girl, binati mo na ba yung kapatid mo?”“Nope.”“Plastikin mo na lang.”paghimok pa niya sa akinNapatingin ako sa kanya.“Seriously?”“Of course! Hindi naman kailangang maging genuine lahat ng ginagawa natin. It's just a congratulatory greeting. Hindi ka naman siguro mamamatay kapag ginawa mo iyon.”Napatawa ako sa sinabi niya.“Halika, come with me.”May point naman si Carla.Tutal nakakain naman ako ng libre sa event, why not give a congratulatory greeting sa famous kong kapatid?At least, masasabing nakibahagi ako sa celebration.Hinahatak pa ako ni Carla papalapit kay Adeline. Ilang bisita ang napatingin sa amin habang papalapit kami sa mesa nila. Hindi ko na lang pinansin ang mga iyon.“Uy, Adeline. Congrats ha!”“Thank you,” simpleng sagot nito.Nakita ko ang bahagya niyang pagngisi nang makita ni

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Picture Perfect

    Chapter 33Renzeniah’s POVHindi ko akalain na makakatungtong pa ako sa event ng SGC.Hindi ko alam kung bakit pa ako pinapunta ni Mama sa appointment ni Adeline. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari sa pagpunta ko roon. Pero nagbakasakali pa rin ako na baka may magandang naghihintay sa akin. Baka kahit papaano, may pagkakataon pa akong maging bahagi ng pamilyang matagal ko nang hinahanap.I just dressed simply. A royal blue dress. Hindi naman ito ganoon kamahal o kaarte, pero maayos at bagay sa akin. Gaya ng utos ni Mama, nagbilin siyang huwag kong agawin ang spotlight para mapansin ng tao.It's my sister's night.At huwag itong sirain.Wala naman akong intensiyong mang-agaw ng atensyon at hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ko kailangang makipagpaligsahan sa kahit sino para lamang mapansin. Kung hindi nila ako kayang tanggapin, wala na akong magagawa roon.Umupo ako sa bandang likod para hindi makapukaw ng pansin. Tahimik lang ako roon at nag-oobserba sa mga

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Tyrant

    Chapter 32Martin’s POV“Sir, ito na po ang pinapagawa ninyo.”“You may go!” utos ko pa.Pagkaalis niya, agad kong binuklat ang hawak kong dokumento. It was the assessment report I had requested regarding Renzeniah Sandoval.“Kakaiba rin talaga itong babaeng ito. Hindi pa rin siya nagbabago. Madalas pa ring nawawala sa sarili.”Natawa ako nang bahagya sa mga nakasulat sa ipinagawa kong assessment.“Interesting.”Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nakasandal sa swivel chair.“Gustung-gusto niya na palang magtrabaho dito sa bahay. Akala ko susuko siya.”Napailing ako.Alam kong hindi siya sanay sa trabaho, lalo na sa mga gawaing bahay. Mayaman ang pamilya nila, at lumaki siya sa isang mundong halos lahat ay nakahanda na para sa kanya. Hindi niya kailangang magpagod para makuha ang mga bagay na gusto niya.Naalala ko pa ang malalambot niyang mga kamay na minsan ko nang nahawakan.Mali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?Bakit parang naging sanay na sanay na siya sa ginagawa niya ngayon?La

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   I Don't Matter

    Chapter 31Renzeniah’s POV“Renzy, you should come,” utos ni Mama.May gaganaping party para sa appointment kay Adeline. Isang malaking selebrasyon na inihanda ng pamilya para sa bagong posisyon na ibibigay sa kanya.Sa isip-isip ko, ano naman ang kinalaman ko roon?Baka nga kapag nakita pa ako ni Papa, ipakaladkad pa ako sa security. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano niya ako ayaw makita, lalo na sa mga pagkakataong may mahahalagang bisita silang kailangang harapin.Sa totoo lang, ni sa hinagap ay hindi ko akalaing iimbitahan pa nila ako.Alam kong mapapahiya lang ako roon kapag pumunta pa ako. At baka pagalitan na naman ako ni Papa sa harap ng maraming tao. Hindi naman bago sa akin ang ganoong eksena. Ilang beses na rin akong napahiya dahil lamang sa presensiya ko.Hindi ako nakasagot kay Mama.Para sa kanyang precious daughter, gusto niya lahat ay perpekto. Gusto niyang ipakita sa lahat na maayos ang pamilya namin, na para bang wala kaming problema at isang masayang pami

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   She is the Winner

    Chapter 30Renzeniah's POVGinising na lamang ako ng driver nang nasa street na kami.“Ma'am, andito na po tayo sa inyo.”“Ha? What the…?”Napatingin ako sa paligid at saka sa bintana.Pamilyar ang lugar.“Kuya, inihatid mo ako talaga?”“Hindi, Ma'am. May malapit kasi dito na kailangan akong puntahan kaya hindi na kita ginising.”“Naku, Kuya, salamat po!”“Ayos lang po, Ma'am.”“Basta tuwing alas-singko, puede kitang isabay?”Napangiti ako nang malaki.“Ay, talaga ba?”“Opo, Ma'am. Kung pareho po ang oras ng uwi natin.”“Naku, winner!”Hindi ko maitago ang saya ko.“Salamat, Kuya!”“Walang anuman po.”Bumaba ako ng sasakyan na parang nanalo sa lotto. Hindi na ako kailangang makipagsiksikan sa jeep o maghintay nang matagal sa sakayan.At higit sa lahat, libre!“Ay, thank You! Sana araw-araw ganito.”Pagdating ko sa bahay, nauna pala sa akin si Donita.“Uy, girl! Fresh na fresh ha!”Pagbibiro pa niya sa akin habang nakaupo sa sala.“Oo, nakasabay ako sa service ng amo natin. Nalibre na

  • Ang Haplos ng Mabangis Kong Amo, The Forsaken Heir   Secretly Happy Gaze

    Chapter 29Renzeniah’s POV“Ano ba itong amo natin? Ilan ba ang katawan nito? At ilang beses ba nagpapalit ng damit?” pagrereklamo ko pa habang kinukusot ang mga puting polo at iba pang damit niya.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakarami niyang damit na kailangang labhan araw-araw. Para bang hindi nauubusan ng maruruming damit ang taong iyon.Napansin kong napapailing na lang ang mga katulong habang patuloy ako sa pagrereklamo.Pero hindi nagtagal, binalaan nila ako.“Renzy, andiyan si Sir. Baka marinig ka.”“Ha?”“Andiyan ba?” natawa at nahihiyang tanong ko.Bigla akong napatingin sa paligid bago muling ibinalik ang atensiyon sa mga damit na nilalabhan ko.Mas pinagbutihan ko pa ang pagkusot sa mga damit niya, pero minsan ay inaamoy ko rin ang mga iyon.“In fairness, mabango ha. Parang ang pogi-pogi ng nagsusuot nito at mukhang mamuscle.”Napahinto pa ako saglit habang inaamoy ang isang puting polo.Hindi ko alam kung bakit, pero parang may sariling pabango ang lahat ng da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status