Share

Chapter 38

Nika

At dumating na nga ang araw ng pinaka hinihintay ng lahat. Ang kasal namin ni Pierre. Kumpleto ang buong pamilya ko kasama na ang ilang kaibigan at kaklase sa school. Nagulat pa nga sila ng makatanggap ng invitation galing sa akin. Present din ang pamilya ni Pierre at mga kaibigan na panay ang kantyaw sa kanya na sinusuklian lang nya ng dirty finger.

Sa malaking simbahan ng bayan ng San Jose ginanap ang aming kasal. Suot ang aking puting gown ay hinatid ako ni tatay sa harap ng altar kung saan naghihintay si Pierre na makisig sa suot nyang barong tagalog. Maluha luha pa sya ng ibigay ni tatay ang kamay ko sa kanya.

"Ang ganda mo.." Bulong nya sa akin habang inalalayan nya ako. Matamis na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

Hanggang sa magsimula ang seremonya at magpalitan ng vows at singsing ay kapwa kami naluluha sa labis na kaligayang nadarama. Parang kailan lang nung mahulog ako sa puno ng makopa sa loob ng bakuran nya. Hanggang sa naging magkaibigan sa maiksing panahon at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status