Share

*°•|PROLOGUE|•°*

Isang dangkal na lang at tuluyan nang maglalapat ang mga labi nila Almira at Saturno. Saksi ang liwanag ng buwan at ang mga bituin na tila walang tigil sa pagkinang. Parang tinatangay ng hangin ang maalon na buhok ni Almira habang tinatalo naman ng mainit na katawan ni Saturno ang malamig na hangin na dumadampi sa kanilang katawan.

Napapikit si Almira nang maramdaman ang paglandas ng mga kamay ni Saturno sa kaniyang katawan. Walang bahid ng kasakiman ang dala niyon at pakiwari niya ay isa iyong hudyat ng isang nag-iinit na pagmamahalan nilang dalawa.

"Isumpa man tayo ng langit, tumyak ng ating pag-ibig ang magiging kalasag para tayo ay protektahan." Kitang kita ni Almira ang pagningning ng mga mata ni Saturno. Kasabay niyon ay pinakawalan nito ang ginintuang pana. Nagliwanag iyon sa kanilang harapan at saka nabuo ang isang makinang na anino na animo'y naging kalasag.

"Magka-sala man tayo, gagamitin ang walang hanggan na pagmamahalan katumbas ng talim ng isang punyal, aking hihigitan upang ang bunga ng ating pag-iibigan kailanman ay magagawang patnubayan." Nangilid ang mga luha ni Almira kasabay ng pagkalbit ng kaniyang mga daliri sa mga kwerdas ng Alpa.

Naging dahilan ang kahali-halinang tunog para mabigyan ni Almira ng basbas ang kanilang mga katawan.

Tila hinihigop ng kanilang kaluluwa ang pagnanasa ng kanilang mga katawan sa bawat isa upang maisakatuparan ang nakatakdang pag-iibigan.

"Mahal na mahal kita, Almira." Minabuti ni Saturno na hagkan ang kaniyang iniirog para masigurado ang proteksyon nilang dalawa. Isang masuyong halik naman ang itinugon ni Almira at naging dahilan iyon para mawala ang bahid ng kasakiman at poot sa pagitan nilang dalawa na alam niyang magiging sanhi ng kanilang aligutgot. 

Panahon na para maisakatuparan ang propesiya. Ang walang hanggan na pag-iibigan kailanman ay hindi mawawasak ng kung sino mang nilalang. Mabibigyan ng proteksyon at magsisilbing sandata ang bawat salitang magmumula sa isang kalugud-lugod na musika at papatnubayan ang nakamamatay na kaanyuan para sa isisilang na una at huling Alpana.

Isang mumunting ingay ang nagpakurap at bumuhay sa diwa ni Phana mula sa malalim na imahinasyon. 

"'ayan, tapos na!" Tuluyan na ngang bumalik sa katotohanan ang isip ni Phana nang marinig ang kaniyang kaibigan na si Lily. Hindi niya akalain na sa bawat i-kwekwento nito ay may kung anong dala iyon para maglakbay ang kaniyang imahinasyon.

"Grabe naman, ang iksi!" Sadyang nabitin siya sa kwento nito at talagang hindi niya maiwasan na isipin kung ano ang sumunod na mga nangyari. Napatawa naman si Lily sa naging reaksyon niya.

"Ano ka ba! 'yon lang naman ang bahagi na kailangan para sa Filipino subject natin, 'di ba?" Hindi na lang ipinahalata ni Phana na nabitin siya sa kwento nito at saka binigyan ito ng isang malapad na ngiti. 

"Oo na! Tara na!" Dahil sa malakas na boses niya ay nagsitinginan ang mga tao sa loob ng silid aklatan. Nakita ni Phana kung paano magtagpo ang mga kilay ng mga ito habang masamang nakatingin sa kanila.

"Ang ingay mo kasi." Narinig niya si Lily na nagsalita pero hindi niya iyon pinansin at saka hinawakan ang kamay nito para sabay na silang lumabas.

"Tara na." Sa pagkakataong iyon ay hindi na malakas ang kaniyang boses. Tuluyan silang nakalabas sa silid aklatan at kasalukuyang nilalakad ang daan patungo sa kanilang departamento para ibigay ang kanilang repleksiyon tungkol sa mga nabasang kwentong pangkasaysayan.

Samantala, hindi naman maialis sa isipan ni Phana ang i-kwenento sa kaniya ni Lily kanina. Sadyang may matindi siyang pagnanais para basahin ang librong hawak kanina ni Lily. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status