LOGIN“MAIBA ho tayo ng usapan. Ano ho palang buong pangalan ni Sir Leandro?” naisip niyang itanong kay Nanay Mercy.
“Ay, oo nga pala. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa ’yo iyan. Leandro Lagdameo ang buong pangalan ni Sir. May-ari iyon ng isang kompanya na nagdidisenyo at gumagawa ng bahay at mga malalaking building,” tugon nito.
Hindi na halos narinig ni Francesca ang huling sinambit na iyon ng matanda. Nagtutumining sa isip niya ang pangalang iyon ng magiging boss niya.
Leandro Lagdameo, ulit niya sa sarili.
Parang narinig na niya iyon, ngunit hindi niya lang matandaan kung saan. May isang malabong alaala sa kaniyang isipan ang pilit na nag-uumalpas doon. Isang anyo ng lalaki na parang…
Bigla siyang natigil sa pag-iisip nang makarinig ng malakas na pagbusina sa labas. Dali-daling tumayo si Nanay Mercy na agad namang niyang sinundan. Isang kotseng kulay itim ang nakita niyang pumasok sa driveway. Agad iyong sinalubong ng may-edad na babae. Siya naman ay naiwan sa may bukana ng pinto habang pinagmamasdan ang parating na sasakyan.
Bumukas ang pinto ng kotse at nakita niyang bumaba roon ang isang matangkad na lalaki, na sa hinuha niya ay nasa thirty plus pa lang ang edad. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim na nang mga sandaling iyon. Pero kita niyang malaki ang pangangatawan ng lalaki.
Habang naglalakad ito palapit sa kaniya, parang tinatambol ang dibdib niya sa sobrang kaba. Hindi niya mawari kung bakit siya nakararamdam ng ganoon. At nang matamaan ng sinag ng ilaw ang mukha nito, hindi niya napigilang mapasinghap.
Oh my, Dear Lord! palatak niya sa sarili habang pinagmamasdan ito.
Kung gwapo si Jacob at mala-anghel ang itsura, ito naman ay kabaliktaran. Para itong isang demigod with matching golden skin. Nakapanlalambot ng mga tuhod ang malalalim nitong mga mata na nakatitig sa kaniya. Napakaseryoso ng mukha nito. Parang hindi marunong ngumiti. Very authoritative din ito at malakas makahatak ng pansin ang mapupula nitong mga labi. Iyon ang hitsurang gugustuhin niyang ipinta habangbuhay. Walang itulak-kabigin!
Pakiramdam niya biglang nagrambol nang husto ang puso niya sa nakikitang itsura nito. At nang mapagmasdan niya itong maigi, ang malabong alaalang pilit na nag-uumalpas sa kaniyang isipan kanina lamang ay naging malinaw.
This was the man she met thirteen years ago! The man she made a promise!
Shocks! hiyaw ng isipan niya. Paano kung makilala siya nito?
Pero mabilis niyang ipinilig ang ulo. Malabo iyong mangyari dahil napakabata pa niya noon. Ibangiba na ang itsura niya ngayon.
At dahil sa naisip ay hindi niya mapigilang maalala ang araw na iyon.
Sino ba namang makakalimot sa itsura nito noon sa ospital? Nang malaman niyang hindi na babalik pa ang mommy niya, tumakas siya sa Daddy at Lola niya. Hanggang sa nakarating siya sa isang secluded na lugar sa loob ng ospital; doon niya naisip na magpalipas ng oras. Pero nakita niya roon ang isang lalaki na parang tulala. Matagal niya itong pinagmasdan dahil agaw-pansin na noon ang itsura nito. Pero bukod doon, mukha din itong malungkot kagaya niya.
Kaya nga nang hindi na siya nakatiis; nilapitan niya ito at tinanong. At sa batang isip niya, noon lang siya nagkaroon nang ganoon katinding atraksyon sa isang lalaki. At nang aminin niya rito ang nasa sa loob niya, nakita niyang biglang nagningning ang mga mata nito. Mula ng mga oras na iyon, ipinangako niya sa sariling pasasayahin ito.
Pero hindi na niya nagawang malaman pa kung saan ito nakatira, dahil sinundo na siya ng lola niya. Subalit, ilang beses pa rin siya noong tumakas at binalikan ang lugar kung saan niya ito nakita, ngunit wala na ito.
Sa paglipas ng panahon, unti-unti ay nawala iyon sa isip niya. In fact, isang malabong alaala na nga lang ang lahat, dahil imposible namang magkita pa silang muli. Tanging pangalan lang ang alam niya tungkol dito.
Ngayon, ibig sabihin, nag-asawa itong muli.
Well, bata pa naman talaga ito noon at ubod ng gwapo. Kahit ngayon, habang papalapit ito sa kaniya, hindi niya maiwasang kiligin at kabahan. Simpleng puting t-shirt at maong lang ang suot nito pero umaapaw ang sex appeal. Kung dati ay gwapo na ito, mas lalo pa yata itong gumwapo ngayon. Ang nadagdag na edad nito ay lalo pang nakaragdag sa taglay nitong kagwapuhan.
“Sir, siya nga ho pala ang bagong yaya ni Jacob,” pakilala sa kaniya ni Nanay Mercy nang makalapit ang mga ito.
Tumango-tango si Leandro. Pinagmasdan nitong maigi ang babaeng kaharap. Mukhang napakabata pa nito para maging isang yaya. Pero kahit batang-bata, hindi maikakaila ang taglay nitong ganda.
Tuwid ang hanggang balikat nitong buhok. Matangkad ito at tawag pansin ang singkit na mga mata na may mahahabang pilik. Maliit pero matangos ang ilong nito. Ngunit, kapansin-pansin ang suot nito. Hindi iyon basta-basta. Kilalang brand ng damit iyon, ganoon na rin ang sapatos. Parang hindi naman talaga ito nag-a-apply na isang yaya sa itsura.
Kunot-noo niya itong tiningnan sa mga mata. “How old are you?” tanong niya sa buong-buong tinig.
Halos manlambot ang mga tuhod ni Francesca nang marinig ang tinig nito at sa ginagawa nitong pagtitig sa kaniya. Bigla siyang nawalan ng imik at nanatiling tikom ang bibig.
“Eh, bente na yan, Leandro.” Si Nanay Mercy na ang sumagot para sa kaniya.
Tumango si Leandro. “What’s your name?” tanong ulit nito sa kaniya.
Umalingawngaw sa isip ni Francesca ang tanong na iyon nito. Ganoong-ganoong din siya noon dito. Noong kinukulit niya ito sa ospital.
Tumikhim si Leandro. Napapitlag naman si Francesca. Doon lang siya tila nagising.
“Ikay po. Ikay Quijano,” sagot niya sa naiinip na lalaki. Hindi niya ibinigay ang tunay na pangalan dito, dahil baka tanda pa nito iyon.
Tumango ito. “Nasabi na ba sa ’yo ni Nanay ang mga dapat mong gawin? Nakilala mo na ba ang mga anak ko? Pati si Jacob?” sunod-sunod na tanong nito.
“Eh, Leandro, nasabi ko nang lahat kay Ikay ang mga dapat niyang gawin,” salo ni Nanay Mercy sa kaniya. “At maano bang pumasok muna tayo sa loob. Doon mo na lang siya sa opisina mo kausapin. Akala ko ba sa isang araw ka pa uuwi?” tanong ni Nanay Mercy dito.
Naglakad papasok si Leandro bago sinagot ang tanong na iyon ni Nanay Mercy, “Madali naman na hong naayos ang problema sa Baguio, kaya hindi na rin ako nagtagal doon.” Dumeretso siya sa kaniyang opisina. Kasunod niya si Nanay Mercy at ang bagong yaya ni Jacob na nananatiling tahimik at nakamasid sa kaniya.
“Mabuti naman kung ganoon,” narinig niyang wika ni Nanay Mercy. “Siya nga pala, Leandro. Gusto sanang ipakiusap sa ’yo nitong si Ikay na kung puwede raw siyang mag-aral sa gabi,” naalalang sabi nito.
Tiningnan siyang muli ni Leandro. Tila inaarok siya nitong maigi.
Kimi siyang ngumiti rito.
“Ano bang kurso ang kinukuha mo at anong year mo na?” maya-maya’y tanong nito sa kaniya.
Lumunok muna siya bago sumagot, “Fine arts po at nasa huling taon na.”
“Alright. But be home before nine. Ganoong oras dapat tulog na si Jacob,” sabi ni Leandro.
Kaagad na umaliwalas ang mukha niya nang marinig ang sinabi nito. “Talaga ho?” Nanlalaki ang singkit niyang mga mata sa katuwaan.
Tumango si Leandro.
“Naku! Maraming-maraming salamat ho, Sir! Hindi kayo magsisising tinanggap niyo ako. Gagawin ko ho ang lahat para maging maayos ang trabaho ko,” masayang-masayang sambit niya.
Iyon ay kung matitiis mo ang kalokohan ng bunso ko, sa loob-loob ni Leandro.
Tiningnan niya ang maaliwalas na mukha ni Francesca. Mukhang maaga rin itong bibigay sa kapilyuhan ni Jacob. Iiling-iling na lang siya sa sarili.
“Naku! ’Yan nga palang si Jacob. Hindi pa man nakakapagsimula itong si Ikay, aba’y mantakin mong binato ng bola. Pero—”
“Pero huwag kayong mag-alala, Sir. Ayos lang ako,” singit niya sa iba pang sasabihin ni Nanay Mercy.
Ayaw naman niyang sa unang araw pa lang ay makakagalitan na si Jacob ng ama nito. Baka mas lalong lumayo ang loob niyon sa kaniya kapag nalamang isinumbong niya ang ginawa nito.
Matiim siyang tinitigan ni Leandro. “Sigurado ka ba?” naniniguradong tanong nito.
Ngumiti siya rito. “Opo naman, Sir. Siguradong-sigurado.” Sinabayan niya pa iyon ng pagtango.
Nilingon ni Leandro si Nanay Mercy. Tila gusto pa nitong malaman kung ano pa ang nangyari, ngunit tikom na ang bibig ng matanda.
Huminga ito nang malalim bago siya muling sinulyapan. “Kung ganoon naman pala, dalhin niyo na siya sa magiging silid niya, Nanay. Ipatawag niyo na rin ang mga bata para sabay-sabay na kaming makapag-dinner,” utos ni Leandro rito.
Tumango si Nanay Mercy at inaya na siya sa maid’s quarter. Pero hindi pa man siya nakalalabas ng opisina nito nang maalala niya ang isang bagay.
Ang scooter ko!
Agad siyang humarap dito, ngunit sa pagkabigla niya ay nakasunod pala ito sa kaniya. Muntik na siyang matumba nang mabundol siya sa malapad nitong dibdib. Buti na lang at nasalo siya nito.
“Watch out!” ani Leandro at dagli siya nitong hinapit sa beywang.
Hindi maintindihan ni Francesca kung ano ang uunahing patigilin. Ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso o ang mga tila paruparong nagliliparan sa tiyan niya?
Nakadagdag pa sa naguguluhan niyang pag-iisip ang mabangong hininga nito na tumatama sa pisngi niya. Pakiramdam niya’y biglang huminto ang oras nang mga sandali iyon. Pati yata ang paghinga ay nakalimutan na niyang gawin. Tulalang napatitig na lang siya sa mukha nito.
“MAHAL, gising ka na. Baka magalit na si Enrico,” ani Leandro sa natutulog pa ring asawa. Sa araw na iyon nila ihahatid ang kanilang panganay sa condo nito. Nahikayat na rin kasi sa wakas si Francesca sa desisyon ni Enrico na bumukod na sa kanila. Iyon daw ay para mas matuto pa itong maging independent. College naman na nga kasi ito. “Can I sleep more?” “No. Gusto mo bang mag-ala Hulk Hogan ang anak natin? Alam mo naman na mainipin ang isang iyon.” Tumayo si Leandro at hinila ang asawa pero nananatili pa rin itong nakapikit. “Alright. Kung ayaw mong bumangon, ganito na lang.” Niyuko niya ito at hinalikan sa tungki ng ilong. Pagkatapos, sa talukap ng mga mata nito, noo, pisngi, hanggang sa sakupin niya ang mga labi nito. Hindi niya tinigilan ang asawa hangga’t hindi ito tumutugon sa kaniya. Madali nitong ipinulupot ang mga braso sa batok niya at hinatak siyang muli pahiga. Napangiti si Leandro at sinaluhang muli ang kaniyang asawa sa kama. Mabilis siyang pumaloob sa kumot nila at
“SAAN ba talaga tayo pupunta, mahal?” paanas na tanong ni Francesca sa asawa, habang dahan-dahan silang bumababa ng hagdanan. Alas-tres iyon ng madaling araw at pareho pa silang nakapantulog.Tumigil ito at sandaling sinilip ang kwarto ng kanilang mga anak, pagkuwa’y hinarap siya.“Shhh . . . Basta. You’ll see . . .” nakangiting tugon ni Leandro na hindi binibitawan ang isa niyang kamay.Natatawang naiiling na lang siya. Leandro never fails to surprise her. At ngayon nga ay tatlong taon na silang kasal.Parang mga magnanakaw na susukot-sukot silang lumabas sa may garden. Then, Leandro stopped and looked at her.“Close your eyes,” malambing na utos nito.Agad na ipikit ni Francesca ang kaniyang mga mata. Maingat siyang inalalayan ni Leandro papunta sa kung saan, hanggang sa tumigil ito at may kun
TINULUNGAN nina Leandro sa pag-f-file ng kaso si Stephanie. Dahil na rin sa mabilis na pagkalap ng ahensya ni Bernard ng mga impormasyon laban kay Dyawne at sa mga ebidensyang hawak ni Stephanie, madali itong nababaan ng warrant of arrest. Binigyan din kaagad ito ng restraining order para hindi na malapitan pa sina Stephanie at Sarina. Noon lang nalaman ni Leandro na nagkaanak pala ito sa Dubai. Iyon din siguro ang rason kaya hindi nito nagawang silipin noon ang mga anak nila. Ang buong akala niya, wala talaga itong puso.Pero nang malaman niya ang mga pinagdaanan ng dating asawa, doon siya nakaramdam ng awa para dito. Hindi naman kasi nga bato ang puso niya. Isa pa, tama si Francesca, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, mananatiling konektado ang babae sa mga buhay nila dahil ina ito ng mga anak niya. Kaya nga naniniwala na rin siyang walang rason para hindi niya muling ipagkatiwala ang mga anak dito, dahil napatunayan niyang mabuti rin ito
“STEPHANIE . . .”“Hmm . . . ?” Nilingon siya nito habang nginunguya ang sushi na nasa bibig.Huminga si Francesca nang malalim bago binitiwan ang chopsticks na hawak at pinakatitigan ito sa mga mata.“How really are you?” tanong niya.“Ha?” Natawa ito, pagkuwa’y dere-deretsong nilunok ang nasa bibig. “Ano ba namang klaseng tanong iyan, Chesca? Of course, I’m fine! I’m totally fine.”“Really?”Sunod-sunod itong tumango. “Yes. Why do you ask?”Muli siyang humugot ng hangin sa dibdib. “Because you are not,” seryosong wika niya at hiwakan ang dalawang kamay nito. “You aren’t, Steph.” Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.Malikot ang mga matang nag-iwas ito. “At paano
“HI! Sorry I’m late!” masayang bungad sa kaniya ni Stephanie. Gaya nang dati, balot na balot ang katawan nito sa suot na pulang long-sleeve shirt at itim na slacks— at alam na niya ngayon ang rason sa likod niyon.“It’s okay. Hindi naman ako nainip dahil nagtitingin-tingin din ako ng mga p’wedeng mabili.”Naroon sila sa isang mall, sa labas ng isang home depot. Niyaya niya itong lumabas para makausap niya ito. Sinadya niya ring mag-girl bonding muna sila— shopping and groceries, para makondisyon muna ang sari-sarili nila. Hindi rin naman kasi madali ang gagawin niya.“Ano-ano ba ang gusto mong bilhin?” tanong nito sa kaniya.Nilingon niya ito nang may ngiti sa mga labi. “Ikaw, ano ba’ng gusto mong bilhin?”“Well, I wanted to redecorate my condo. Pabago-bago kasi ng taste si
KINABUKASAN, dahil walang pasok ay kinausap nila ang kanilang mga anak. Kasama na rin si Enrico dahil ayaw naman nilang ma-left out ito. Karapatan din naman nitong malaman ang totoo, dahil ina pa rin ang turing nito kay Stephanie. Isa pa, pamilya sila, at ang pamilya dapat sama-sama sa pagharap sa mga problema.Ipinaubaya muna niya kina Yaya Lomeng at Helen ang kambal. Wala kasi roon ang byenan niya dahil may lakad daw ito. Mabuti na rin nga iyon kasi para hindi na ito mag-alala pa sa nangyayari.Kasalukuyan silang naroon sa opisina ni Leandro. Nakaupo silang apat ng kanilang mga anak sa harapan ng mesa ng kaniyang asawa, habang ito naman ay sa swivel chair nito. Katabi niya si Alejandro, na kapansin-pansin ang kakulangan sa pagtulog, habang si Jacob at Enrico naman ang magkatabi sa tapat nila na larawan sa mga mukha ang pagkalito.“Daddy, ano po’ng meron?” hindi na nakatiis na tanong n







