Share

Chapter 43

Author: Alshin07
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-14 16:32:13

Wala sa sariling naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Hindi pa rin maalis sa akin ang mga huling sinabi ni tatay.

"Mag-iingat ka sa mga Del Amore."

Iyon din ang mga sinabi ni Tiya Adella sa akin.

Kung totoo nga ang sinabi ni tatay, ibig bang sabihin ay nagsinungaling si Lolo Alfonso? Hindi niya man sinabing kaaway si Viena pero base sa kanyang pananalita ay ganoon ang pahiwatig niya. Ganoon din sa panig nina Leon, pakiramdam ko ay kaaway ang turing nila sa isa't isa.

Kung ganoon ay bakit magkasa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 44

    "Rania..."Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.May isang batang lalakeng nakatingin sa akin. Ako ba ang tinatawag niya?Ako ba si Rania?Lumapit sa akin ang batang lalake at tumabi ng upo sa akin. Saka ko lang napagtanto na nasa harap kami ng isang malawak na fishpond habang nakaupo sa damuhan.Nilibot ko ng tingin ang paligid.Maraming bata sa paligid at may matatayog na building ang nakapalibot.Napansin kong nakasuot ang mga bata ng kulay puting bestida— o baka mas tamang sabihing mga hospital gown. Kaagad ko namang napansin na ganoon din ang suot ng batang lalakeng tumabi sa akin. At dahil doon ay napatingin ako sa sarili ko.Nagulat ako.Bakit naging bata ako ulit?At bakit nakasuot din ako ng hospital gown?Panaginip ba ito?Kung panaginip ito, dapat hindi ko naiisip na panaginip ito.O baka naman...Mga alaala ko na ito?Pero bakit nasa hwisyo pa rin ako?"Rania..." tawag muli sa akin ng batang lalake.Nilingon ko siya. "Bakit?""Oras na."Kumunot ang noo ko. "Oras na para

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 43

    Wala sa sariling naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Hindi pa rin maalis sa akin ang mga huling sinabi ni tatay."Mag-iingat ka sa mga Del Amore."Iyon din ang mga sinabi ni Tiya Adella sa akin.Kung totoo nga ang sinabi ni tatay, ibig bang sabihin ay nagsinungaling si Lolo Alfonso? Hindi niya man sinabing kaaway si Viena pero base sa kanyang pananalita ay ganoon ang pahiwatig niya. Ganoon din sa panig nina Leon, pakiramdam ko ay kaaway ang turing nila sa isa't isa.Kung ganoon ay bakit magkasama sina Lolo Alfonso at Viena nang iwan kami kay tatay? Magkakampi ba talaga sila kaya sinabi ni Lolo Alfonso na magpahuli ako kay Viena?Kung magkakampi man sila, bakit gusto nila akong magalit kay Lucien? Bakit kailangan pang mawala ng anak namin?Wala na akong alam...Litong-lito na ako.Maliliwanagan ba talaga ako sa lahat kapag nanatili ako sa poder ni Viena? Iyon na lang ba ang tanging paraan?Napaupo ako sa magaspang na kalsada. Napapatingin sa akin ang mga taong dumadaan.Hindi rin ako m

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 42

    "Sa rami na ng mga nalaman mo tungkol kay Lucien, ni hindi pa rin natinag ang paniniwala mo tungkol sa kanya," sabi ni Leon habang prenteng nakaupo sa single sofa na narito sa loob ng kwarto.Hindi ko nga alam kung saan ako ngayon."Kaya nagdesisyon kaming dalhin ka sa Russia para makita mismo ng mga mata mo kung paano papatayin ni Lucien ang kapatid mo," dagdag niya pa.Gagawin nila iyon?"Bakit ginagawa ninyo ang lahat para magalit ako kay Lucien?" bigla kong naitanong.Nagkibit-balikat siya. "Sinabi ko naman sayo na hindi mo maiintindihan kahit na ipaliwanag pa namin. Masasagot mo mismo ang tanong na iyan kapag bumalik na ang mga alaala mo."Alaala...Napaisip ako.Ayon sa pagkakaalam ko, maalala mo pa ang mga nangyari noong sampu ka pa, mayroon din namang iba na naalala pa kahit noong pito o walong taong gulang sila.Binalikan ko ang mga alaala noong kasama ko pa ang mga kapatid ko mula noong bata pa kami. Mula noong kasama pa namin si Nanay.Naaalala ko pa naman."Tungkol sa mga

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 41

    Paggising ko ay nasa loob na ako ng isang malinis na kwarto. Mabuti naman at hindi nila ako binalik sa freezer na iyon.Nakahiga ako sa kama at nakatingala sa kisame.Bumuhos ang mga luha mula sa mga mat ako.Ang anak ko...Hindi sa saksak ni Veronica natapos ang pananakit nila sa akin. Bawat isa sa kanila ay nag-iwan ng pasa o sugat sa katawan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang saksak ang ginawa nila sa katawan ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang sampal, suntok, tadyak at pagpapahirap ang ginawa nila sa akin.Tumigil lang sila nang makitang halos hindi na ako makagalaw. Gustuhin ko mang matulog ng mga sandaling iyon o mawalan na lang ng malay, pero parang hindi ko kakampi ang pagkakataon kanina.Nasa hwisyo pa ako ng buhatin nila ako papunta sa kwartong ito. At dinig na dinig ko pa ang sinabi ng isang babae— marahil nurse iyon o doktor."Wala na ang bata."Wala na ang anak ko.Patawad anak at napunta ka sa akin. Patawad at mahina ako. Patawad at naranasan mo ang mga bagay na iyo

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 40

    Naalimpungatan ako nang makaramdam ng lamig sa buong katawan ko. Bigla akong napadilat ng mga mata at bumalikwas ng bangon.Nasa freezer ako?Diyos ko...Bakit nila ginagawa sa akin ito?Akala ko ba ay hindi ako papatayin ni Viena, Lolo Alfonso? Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan ko.Kung kakampi ni Viena si Leon, dapat ay hindi ako sinasaktan nang ganito ni Leon.O baka hindi na nila ako kailangan? Kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan nila ako.Hindi.Buhay pa ako.Ibig sabihin ay may pag-asa pa.Nasaan ka na ba Lucien?Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa ito halata dahil isang buwan pa lang ito, pero alam kong kumakapit pa siya. Hindi ko na napigilan ang luha kong dumaloy sa pisngi ko. Makakaya pa kaya ng anak ko kapag nagpatuloy pa ang pananakit ni Leon sa akin?Nanginginig na ako dahil sa lamig kaya niyakap ko ang sarili ko. Baka hindi ako mamamatay sa pananakit ni Anto. Baka sa lamig ako mamamatay.Nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam ku

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 39

    Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Mabuti na lang at nakaupo ako sa kama kung hindi ay baka natumba na ako sa sahig.Baka mamatay na ako bago pa man ako mahuli ng mama ni Lucien. Akala ko siya lang ang kalaban na dapat harapin, pero kailangan ko pa palang pagtiisan si Leon.Ang daming kalaban ni Lucien. Ang daming kalaban ng Apollo. Pero nakakalungkot lang isipin na dugo't laman ang mga kalaban na iyon.Hinagis niya sa kung saan ang cellphone ko dahil wala siyang nakuha roon. Lumapit siya sa akin at marahas akong hinila saka kinaladkad palabas ng kwarto."Teka lang naman! Dahan-dahan lang!" pagrereklamo ko.Halos tumatakbo na yata ako sa bilis ng mga hakbang niya. Ano lang ba ang taas ko kumpara sa kanya. Kaya natural na malalaki ang mga hakbang niya.Saka ko lang napansin na parang walang halos tao sa mansyon. Marami namang katulong at dati naman ay nasa paligid lang sila. Pero iba ngayon. Damang-dama ko ang katahimikan.Pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan.Papu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status