Share

Chapter 40

Author: Alshin07
last update publish date: 2026-10-10 23:36:46

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng lamig sa buong katawan ko. Bigla akong napadilat ng mga mata at bumalikwas ng bangon.

Nasa freezer ako?

Diyos ko...

Bakit nila ginagawa sa akin ito?

Akala ko ba ay hindi ako papatayin ni Viena, Lolo Alfonso? Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan ko.

Kung kakampi ni Viena si Leon, dapat ay hindi ako sinasaktan nang ganito ni Leon.

O baka hindi na nila ako kailangan? Kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan nila ako.

Hindi.

Buhay pa a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 41

    Paggising ko ay nasa loob na ako ng isang malinis na kwarto. Mabuti naman at hindi nila ako binalik sa freezer na iyon.Nakahiga ako sa kama at nakatingala sa kisame.Bumuhos ang mga luha mula sa mga mat ako.Ang anak ko...Hindi sa saksak ni Veronica natapos ang pananakit nila sa akin. Bawat isa sa kanila ay nag-iwan ng pasa o sugat sa katawan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang saksak ang ginawa nila sa katawan ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang sampal, suntok, tadyak at pagpapahirap ang ginawa nila sa akin.Tumigil lang sila nang makitang halos hindi na ako makagalaw. Gustuhin ko mang matulog ng mga sandaling iyon o mawalan na lang ng malay, pero parang hindi ko kakampi ang pagkakataon kanina.Nasa hwisyo pa ako ng buhatin nila ako papunta sa kwartong ito. At dinig na dinig ko pa ang sinabi ng isang babae— marahil nurse iyon o doktor."Wala na ang bata."Wala na ang anak ko.Patawad anak at napunta ka sa akin. Patawad at mahina ako. Patawad at naranasan mo ang mga bagay na iyo

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 40

    Naalimpungatan ako nang makaramdam ng lamig sa buong katawan ko. Bigla akong napadilat ng mga mata at bumalikwas ng bangon.Nasa freezer ako?Diyos ko...Bakit nila ginagawa sa akin ito?Akala ko ba ay hindi ako papatayin ni Viena, Lolo Alfonso? Pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan ko.Kung kakampi ni Viena si Leon, dapat ay hindi ako sinasaktan nang ganito ni Leon.O baka hindi na nila ako kailangan? Kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangan nila ako.Hindi.Buhay pa ako.Ibig sabihin ay may pag-asa pa.Nasaan ka na ba Lucien?Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa ito halata dahil isang buwan pa lang ito, pero alam kong kumakapit pa siya. Hindi ko na napigilan ang luha kong dumaloy sa pisngi ko. Makakaya pa kaya ng anak ko kapag nagpatuloy pa ang pananakit ni Leon sa akin?Nanginginig na ako dahil sa lamig kaya niyakap ko ang sarili ko. Baka hindi ako mamamatay sa pananakit ni Anto. Baka sa lamig ako mamamatay.Nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam ku

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 39

    Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Mabuti na lang at nakaupo ako sa kama kung hindi ay baka natumba na ako sa sahig.Baka mamatay na ako bago pa man ako mahuli ng mama ni Lucien. Akala ko siya lang ang kalaban na dapat harapin, pero kailangan ko pa palang pagtiisan si Leon.Ang daming kalaban ni Lucien. Ang daming kalaban ng Apollo. Pero nakakalungkot lang isipin na dugo't laman ang mga kalaban na iyon.Hinagis niya sa kung saan ang cellphone ko dahil wala siyang nakuha roon. Lumapit siya sa akin at marahas akong hinila saka kinaladkad palabas ng kwarto."Teka lang naman! Dahan-dahan lang!" pagrereklamo ko.Halos tumatakbo na yata ako sa bilis ng mga hakbang niya. Ano lang ba ang taas ko kumpara sa kanya. Kaya natural na malalaki ang mga hakbang niya.Saka ko lang napansin na parang walang halos tao sa mansyon. Marami namang katulong at dati naman ay nasa paligid lang sila. Pero iba ngayon. Damang-dama ko ang katahimikan.Pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan.Papu

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 38

    "Makinig kang mabuti, Rania..."Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may malaking bagay akong dapat gawin."Hindi kita pipilitin at may pagpipilian ka. Ang una mong pwedeng piliin ay maaari kang mamuhay nang payapa, masaya, at malayo sa lahat. Bibigyan kita ng bagong katauhan para hindi ka mahanap ng kung sino. Magpkalayo ka. Bibigyan din kita ng pera, sobra-sobrang pera."Nakakatukso iyon."Pero hindi mo na malalaman kung nasaan ang kapatid mo at wala ka ng paraan para mahanap siya at higit sa lahat ay hindi rin matatapos ang lahat ng paghihirap ni Lucien."Lahat ng magandang balita ay may kaakibat na masamang balita."At ang huli sa pwede mong piliin ay kailangan mong magpahuli sa nanay ni Lucien— kay Viena Villamor, ito na ang bago niyang pangalan."Nanlaki ang mga mata ko. Halos gawin na ni Lucien ang lahat para lang hindi ako makuha ng kalaban tapos ito at magpapahuli ako?Anong kabaliwan ito?"Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ka niya papatayin. Kapag nakuha ka

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 37

    Gulat na gulat man ay nagpatuloy ako sa panonood."Ang Apollo ay isang organisasyong maraming ilegal na gawain. Hindi ko na iisa-isahin. Nang ipakalat ko sa black market ang tungkol sa lalakeng bumibili ng virginity ng babae, si Adella kaagad ang kumontak sa akin."Naalala ko ang sulat na lihim na binigay sa akin ni Tiya Adella. Ang sabi niya ay huwag daw akong magtitiwala sa mga Del Amore.Pero sinasabi sa akin ni Lolo Alfonso ang lahat ng gusto kong malaman. Magtitiwala ba ako?"Oo, totoong bumibili si Lucien ng virginity ng mga babae."Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat at napahawak pa ako sa bibig ko para mapigilang makalikha ng anumang tunog.Ibig sabihin ay totoo ang mga sinabi ni Rachel?Ibig bang sabihin din niyon ay nagsinungaling sa akin si Lucien? Kasinungalingan lang din ba ang lahat ng sinabi niya sa akin kagabi? Na gusto niyang lumayo kami sa lahat saka mamuhay ng simple at masaya?"Ginawa niya iyon hindi para sa sarili niyang luho. Ginawa niya iyon para lumabas ang k

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 36

    Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ni Ate Laura. Mabuti na lang at kaagad niyang nakuha iyon."Kumalma ka muna, Rain," pang-aalo sa akin ni Ate Laura. "Aalis muna ako para alamin kung totoo ba itong mga larawan ni Lucien na kumakalat ngayon sa mga social media. Hindi tayo pwede magpadala sa kung anong nakikita natin, lalo na sa internet."Wala sa sarili akong tumango habang nakatingin sa kawalan.Hindi ko namalayang nakaalis na pala si Ate Laura. Hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo lang sa kama.Namatay si Lolo Alfonso, pinaghahanap si Kuya Manue, namatay si Ellen, at ngayon ito namang mga larawan nina Lucien at Rachel.Sa sobrang daming nangyayari, pakiramdam ko ay hindi ko na masundan ang lahat. Pakiramdam ko hindi na kaya ng utak kong tanggapin ang lahat at iproseso iyon.Kaninang umaga pa umalis si Lucien pero gabi na at hindi pa rin siya bumabalik.Kung totoo man ang mga larawan na iyon, anong gagawin ko?May magagawa nga ba ako?Akala ko ay tinubuan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status