Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Kung kanina ay nakaramdam pa ako ng saya dahil isang magarang kisame ang bumungad sa akin, ngayon ay nakaramdam ako ng lungkot.Hindi ko alam kung bakit iyon ang naramdaman ko. Para kasing ang lungkot ng kisameng puti.Ano ba itong iniisip ko?Nilibot ko ng tingin ang paligid. May dextrose na nakakabit sa akin. Nasa hospital ako. Pero ako lang mag-isa. Siguro private ward ito.Hindi tulad noong na-hospital si Carmelle, siksikan kami sa ward.At doon, bigla kong naalala, wala na si Carmelle at hindi ko naman alam kung nasaan si Marion.Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor, isang nurse at ang huli kong nakita ay si Lucien.Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala kami pormal na nagpapakilala sa isa't isa. Pero sumagi rin sa isip ko ang mga sinabi ng babaeng iyon kanina.Kung tama ako ng pagkaaalala sa mga sinabi niya, nangongolekta lang daw si Lucien ng virginity ng babae? Dinadala niya sa bahay niya at pinapangakuan
最終更新日 : 2026-08-01 続きを読む