Share

148

Ayan, tama iyan Fianna. Magaling ka naman magpalusot. "Siguro nga, apo. Hala sige, magbihis ka na roon dahil mukhang hindi maganda ang panahon at naulanan ka pa. Bawal ka magkasakit, may lakad tayo bukas."

Tumango na lamang ako sa kanya at nagpaalam na umalis na para makapag-bihis. Nagpapasalamat akong mukhang hindi naman siya nagduda sa akin.

"Ma'am!" Nagulat ako dahil sa sigaw ni Laya pagkapasok ko ng kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin, anong problema ng isang 'to?

Tinaasan ko siya ng kilay, "problema mo?" tanong ko. Lumapit ako sa closet ko para kumuha ng damit, obviously katulad na ng mga pinsan ko ang mga damit sa closet ko, habang ang nakasanayan kong damit ay nasa maleta ko lang.

"Malaki, Ma'am. Sobrang laki ng problema, Diyos ko! Saan ka ba kasi nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala sa'yo dahil ang tagal mong bumalik, anong nangyari? At basang-basa ka?" Napangiwi ako dahil sa sunod-sunod niyang katanungan.

Hindi pa naman ako patay pero kung maka-react naman 'tong si Laya. "Chill
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
wala na paatras ang update ni author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status